Sunday, February 27, 2011

Lumisa't Magbalik Ng Ibahagi ang Kaalaman

"Nothing wrong to leave our country, learn abroad and come back to apply knowledge. Rizal, Ninoy, Luna did just that... Geography is not the only requirement to be Filipino. 11 million people agree."

Tugon ni G. Jim Paredes kay Sen. Gringo. Honasan sa kanilang maikli at hindi inaasahang  balitaktakan sa "tweet".

Sumasangayon ako sa pananaw ni G. Paredes sa tuwirang kasaysayan ng lahing kayumanggi, ang mga bayaning sina Marcelo del Pilar, Lopez-Jaena, Antonio Luna, Rizal at Blumentritt ay nangibang bansa at inilunsad ang pahayagang La Solidaridad sa Barcelona ang isang uri ng rebolusyon sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag nuong taong 1889.

Ang ating unang Pambansang Bandila ay hinabi sa malikhaing kamay nila Gng. Marcela de Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza at Gng. Josefina Herbosa de Natividad (pamangkin ni Dr. Rizal), mga bayaning lumikas sa Hongkong mula sa mga Kastila.

Ang mga naunang bayani ay mga "ilustradong" Pilipino na nanginbang bayan  kung saan ang populasyon ng Pilipinas ay tinatayang 8 milyong mamamayan lamang. Makalipas ang mahigit 120 taon, mahigit 80 milyong Pinoy ang tinatayang populasyon natin ngayun. At nagbago ang hugis ng pakikibaka, mga bayaning Pilipino'y nasa ibang bansa - hindi na sila ang mga "ilustrado" -  na mas kilala  sila sa tawag na OFW, 11 Milyong bayaning nakikibaka sa kahirapan sa sariling bansa- na hindi mabigyan ng katugunan ng mga halal na lider ng bansa mula sa Pangulo, mga Senador at Kongresman.

Nakalimutan rin ni Sen. Honasan na ang kanyang pagkakahalal sa Senado ay utang nya sa mga OFW na nagkampanya sa kanya sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Palagay ko ay may karapatan din na makipagtalastasan ang kahit sinong ordinaryong mamamayan kahit hindi halal ng Bayan sa isang Senador tulad ni Honasan, kaya't mali ang kanyang tinuran na "get elected first". Kung ito ay pasaring sa pagkatalo ni G. Paredes sa Barangay election nuong taong '90s ay tila di nakapagbigay ng sustansya sa pagtatalo at sa halip ay lumikha lamang ng negatibong imahe sa Senador.

Sa dinami-dami nga naman ng mga kalahok, ako, mga sundalo, pari't madre, ordinaryong mamamayan, masyadong nabigyan ng matingkad na kulay ang katauhan ni Honasan sa malawak na entablado ng EDSA. Hingaan, sinipulan, pinalakpakan. Matapos ang EDSA, nakalimutan ng taong bayan na si Enrile, Ramos at Honasan ang pangunahing tauhan rin sa likod ng Martial Law ni Marcos, dahil sa  mabilis na pagpapalit ng telon, sila'y biglang naging bayani.

Ayokong tawaran ang pagkatao ni Senador Honasan, subali't nararapat nyang tanggapin ang puna at katotohanan ng mga pribadong indibidwal na ang layunin ng RAM sa pamumuno ni Honasan sa tangkang pag-agaw ng kapangyarihan mula kay Pang. Aguino ay nagdulot ng pagkasawi ng mahigit 100 Pilipino,  pangamba sa mamamayang at muling pagkalugmok ng ekonomiya ng mga panahon na iyon.

Kung nagtagumpay ang RAM at nagapi ang administrasyong Cory Aquino, may ipagdiriwang pa ba tayong EDSA? At may tatawagin pa ba tayong Ina ng Demokrasya? Baka di na tayo makapag tweet at blog. Bawa't kwento ng buhay ay kailangang sumangayon sa isang magandang pagtatapos ng istorya - Pagbabago para sa Kalayaan. Kaya't nanaig ang kwento ng demokrasya.

At kaming mga OFW, bahagi rin kami ng pagbabago tungo sa maunlad na Pilipinas, dahil  saan mang panig ng mundo kami'y Pilipino.Kami ma'y lumisan ay muling magbabalik upang ibahagi ang aming kaalaman para sa Bayan.

Thursday, February 24, 2011

A Prayer for OFWs







Dear God,



You crossed every border between divinity and humanity to make your home with us. Bless  our fathers, mothers, brothers and sisters who have travelled to foreign lands with faith in their heart leaving their families behind as they break through the barriers of people, cultures, and languages to escape oppression and poverty.


There are many things going on that are beyond us even with our collective power. We come to thee in supplication and heartfelt pleadings as we are mindful of the ordeals of others. 


We thank Thee for hearing the prayers of your people as China grant reprieve to our three OFWs and may the Chinese government grant a lesser penalty to their case.

We pray for the thousands of OFWs who were incarcerated and imprisoned in the Middle East, Asia and other continents, may Thou please grant them a new hope  and  freedom to return to their families to begin a new life as they entrust their lives into Thy hands. May Thou enlighten our leaders to put the plights of distressed OFWs as a priority and withdraw from plans of cutting the budget allocation for DFA's social service and legal assistance funds. 

We pray to Thee that our OFWs in Taiwan will soon be relieved of the fears and uncertainties that haunts them on the current Taiwan-Philippines rift. May the government emissary would soon find an immediate resolution to this issue so that those more than five thousand scheduled for deployment will now be allowed to take on their jobs, and the nearly a hundred thousand currently employed may keep their jobs and be able to sustain their families.  

We pray that may Thou please keep our overseas Filipinos safe in the escalating conflict in countries where democratic renaissance in Muslim nations is unfolding from Morocco, Egypt, Yemen, Bahrain and Libya as they await the immediate repatriation efforts being taken by our government agencies and may their families in the Philippines be freed from fear and worries of their condition and that the OFWs safety is assured despite the worsening condition. 

We pray that may Thou save from harm our Filipino workers in war torn countries of Iraq and Afghanistan, as well as OFWs in Nigeria, Somalia, Lebanon and Jordan, who have taken great risks to continue their fight against poverty to support their families in the Philippines despite of the work deployment ban imposed in these countries. 
We pray for the safety of the Filipino nurses trapped in the rubbles during the earthquake in New Zealand, and the rest of the OFWs and Expats around the world who are suffering from natural calamities, diseases and injustices that they may find comfort through faith in Thee.

Hear our prayer Lord, to end the corruption that plague of our nation, the poverty  and violence that displaces millions of our Filipinos from their homes, which separate and divide families.

As we await for the signs of time when the Filipinos around the world, the fathers and mothers brothers and sisters, and sons and daughters may be reunited as one happy family. that going abroad as an OFW is the least option. We pray for Thine tender love and kind mercy, with our faith, with our hope, with our love to thee, we pray for power greater than us all, we pray for divine intervention.







This is a joint call from the Pinoy Expats/OFW Blog Awards, or PEBA, Inc, along with its 300+ KABLOGS, the RMN News Bantay OFW radio program and the Blas Ople Policy Center and we are asking for your prayers or support by reposting this to your blog, posting this link in your FB, Friendster and Twitter accounts or sending this as email to your networks.


The original photo where the image was taken in this post was an official entry by Erwin Serrano from Riyadh Saudi Arabia, 10th rank winner to the 2010 PEBA International Photo Contest.

Sunday, February 6, 2011

PAGBABALIKBLOG, PAGBABALIKBAYAN

Kailan mo sila huling nakita? Miss ka na rin nila.
Halos isang buwan ang nakalipas ng huli kong bisitahin ng aking blog na itinuring na tahanan. Nagsilbi itong tahanan sa akin sa panahon ng kalungkutan at sa mga sandaling naghahanap ng kalinga ang aking pagal na kaisipan kung saan dito sa Palipasan ko nahantungan ang malawak na komunidad ng manunulat na itinuring kong kapamilya, at muli ako ay nagbabalik hindi lamang upang ibahagi ang aking panulat kundi upang ipadama ang aking pangako na di ko maaaring talikuran ang aking tahanan sa daigdig ng sapot, ang Palipasan - ako'y nagbabalik blog.

Sa tunay na buhay, ang salitang pagbabalik sa positibong talakayan ay may hatid na pag-asa, pagbabalik-loob at pagbaballik-pananampalataya ay naghahatid ng layong Kaligtasan ng kaluluwa mula sa tukso at pagkakasala kung saan nagkakaruon ng pagbubuklod ang tao sa pag-ibig ni Kristo.

Sa ibang antas ng pananaw, ang pagbubuklod ng pamilyang minsan ay pinaghiwalay ng Tadhana dahil sa kahirapan kung saan ang isang bahagi ng pamilya ay kailangang mangibang bayan sa hindi bababa sa isang taon upang maitawid sa gutom at mabigyang katuparan ang parangarap ng pansamantalang iniwang pamilya sa sariling bayan, sa pamamagitan ng PAGBABALIK-BAYAN muling pinagtibay ang simunpaang tunay na pagmamahalan.

Ang salitang pagbabalik-bayan ay higit pa sa madamdaming pagtatagpo ng minsang lumisan na OFW at ng naiwang pamilya sa Pilipinas, higit pa ito sa klasikong awiting hatid ni Gary Valenciano na pinamagatang "Babalik Ka Rin". Ang pagbabalik-bayan ay pagtupad sa pangako na magbabalik upang maisakatuparan ang mga pangarap na hinabi sa kabila ng pangungulila.

Ang pagbabalik-bayan ay isang simbolismo ng matagumpay na pagwawagi sa pakikidigma laban sa kahirapan kung saan hindi nagtagumpay ang tukso ng laman, droga, alak at sugal na hatid ng matinding kalungkutan at nanatiling tapat sa kasintahan, o kaya ay sa asawa't mga anak.

Sa mga susunod na buwan mula Marso hanggang Mayo, di maikukubli ang pagtaas ng bilang ng mga kababayan nating OFW na magbabalikbayan sa Pilipinas bilang bahagi ng nalalapit na "summer" at Mahal na Araw, at buwan din ng "graduation" sa iba't ibang paaralan. 
At kasabay nito ay may patikim na ang PEBA sa kanyang taunang patimpalak kung saan ang layon ng kanyang tema ay "Pagbabalik Bayan". At bilang panimula ay kanilang inilunsad ang "Theme/Slogan Making Contest" na magbibigay kulay sa pagbubukas ng nasabing patimpalak sa Marso.

Samahan ninyo ako sa isang makabuluhang paglalakbay sa malawak na daigdig ng blog upang ating saksihan ang iba't ibang madamdaming kwento ng  tunay na buhay sa pagbubukas ng PEBA 2011, makibahagi tayo sa panibagong aklat ng kasaysayan sa daigdig ng blog - maging bahagi tayo ng "Pagbabalikbayan".

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails