Sunday, March 1, 2009

MGA TAONG KALYE



(Photos courtesy of Dennis Villegas)



I tried to avoid visiting photo blogs sites because of the snail pace opening of web pages attributed by the congested internet traffic resulting to slow downloading of images particulalrly of high resolution photos.


During my blog hopping, I have come across Dennis Villegas blog site, at natyempuhan kong mabilis ang net ngaung hapon at madali naman na nagbukas ang mga larawan na nakapaloob dito.


Para ka palang nagsa-sight-seeing kapag bumibitisa ka sa photo blogs, its was full of vivid and rich colors, masasayang kulay at tanawin sa silhouette ng magkasintahan sa tabing dagat sa pinamagatang My Valentine Post ang unang tumambad sa akin. And as I slowly moved the slider down, umagaw pansin sa akin ang paningin ang larawan ng mga taong ordinaryong tao na sumasalamin sa kahirapan ng ating bansa. ang mga taong tinatawag na taong kalye, ang mga batang malayang nasinghot ng rugby upang makalimot sa daigdig ng kahirapan (Rugby Session) at ang mga larawan ng mga taong may mga "keloids" (Mang Lando's Only Friend) at ang lalaking ay sakit na ketong (A Leper Story).


But what touched me most ay iyong mga larawan ng mga taong natutulog sa kalye (Manila Downtown: Street Sleepers). I was an elementary student and I used to go with my mother sa palengke every Saturday or Sunday morning. Madaling araw pa lang ay naglalakad na kami sa kahabaan ng Libertad at nasasaksihan ko ang mga pamilyang natutulog sa kalye, ang iba ay nasa loob ng kariton, ang iba ay karton na lamang ang nasa pagitan sa kanilang likod at ng malamig na semento. At sa tuwing makakakita kami ng aking ina ng kalunos lunos na anyo ng mga natutulog sa kalye ay pabulong na sinasabi ng aking ina na "kung hindi ka mag-aaral at magsisipag, maaaring ganyan rin ang mangyayari sa iyo anak".


Mahirap lang din kami, nangungupahan, dalawa lang kaming magkapatid na inaasahan ng aking ina, namatay na kasi si tatay when I was grade 2 sa sakit na T.B., at ang kapatid ko lang ang kinakapitan namin sa aming financial needs.


Kaya't tumanim ito sa isip ko na "kapag hindi ako nagsikap mag-aral at nagsipag sa buhay" I will end up in the street one day... natakot akong magpalaboy-laboy sa lansangan tulad ng nakikita ko nuong maliit ako sa mga kalye ng Libertad at Taft, kaya't nagsikap naman ako, nagsipag, at nag-aral ng husto, sayang nga lamang hindi nakita ng nanay ko ang bunga ng aking pagsisikap, pumanaw sya on my third year sa college sa "atake de corazon". Di nya nasaksihan ang aking pagtatapos at pangingibang bansa.


Pero naging palaisipan ang mga taong kalye na aking nakikita sa lansangan araw araw. Hindi ba sila nagsikap o nagsipag sa buhay, o kaya'y napagsabihan ng kanilang mga ina tulad ng habilin sa akin kayat naging ganun ang naging kapalaran nila? Ano ba ang nagtulak sa kanila para maging palaboy sa lansangan. Sila ba ang mga itinakwil ng panahon o iyon ba talaga ang nakatadhana sa kanilang kapalaran.


Sila ang mga biktima ng kahirapang hatid ng kapabayaan ng ating pamahalaan, na kung wala ang mga taong kalye wala ring ghost projects ang mga Senador, Kongresman, at Alkalde ng bayan, ganun rin ang DSWD. Biktima rin sila ng mga mapang-aping lipunan na kinabibilangan ng mga mayayaman at elitista na ginagamit ang mahirap sa kanilang mapagkunwaring kawang-gawa upang mapanatili ang kanilang mileage sa media at sa lipunang kanilang kinabibilangan at sa mga sindikatong hantarang pinangangalakal ang mga pulubi sa kalye sa harap ng mga kapulisan at mga MMDA na abala rin sa pangongotong. Sila rin ang mga taong ginagawang ehemplo at laging ipinapangaral ng mga pari at pastor sa kanilang mga simbahan, ang tinatawag na mga banal na pinagpala na magmamay-ari ng kalangitan, subalit bibihira namang mabahaginan ng tulong mula sa simbahan ang mga pinagpala raw Diyos.


Sila ang mga pinandidirihan, nililibak, at iniiwasan; at ikinabubuhay na lang nila ang panalangin at sa kalansing ng barya sa lupa mula sa ating mga bulsa. Maraming salamat sa larawan ni Dennis, sa kabila ng hatid na likhang sining nito ay nabigyan ng puwang ang mga taong nakalimutan ng lipunan.


"At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Yamang inyong ginawa sa isa dito sa aking mga kapatid, kahit sa pinakamaliit na ito, ay sa akin ninyo ginawa."
(Mateo 25:40)


.


9 comments:

  1. Kaya nga kuminsan, naiisip ko pag palagi akong nagrereklamo na kailangan kong magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang binibigay sa atin at kailangan maging mapagbigay tayo sa kapwa.

    ReplyDelete
  2. Minsan naiisip ko na malas ako sa buhay dahil di ako pinanganak na mayaman pero pag nag-shoot ako ng mga taong kalye parang ang tingin ko napaka-swerte ko pala.
    Noong bata pa ako ay parati kong hinihilinh sa tatay ko na bilhan ako ng magarang sapatos at nagmamaktol pag hindi ako binilhan. Minsan ay naggtungo kami ng aking ama sa Ali mall upang bumili ng sapatos, at sa labas mismo ng Ali mall ay may isang pulubi na nagpapalimos--putol ang kanyang mga paa at binti. Naisip kong hindi tama na magreklamo akong walang sapatos kung ang taong ito'y hindi biniyayaan ng mga paa.
    Magmula noon ay hindi na ako nag-rereklamo kahit upod na ang swelas ng sapatos ko.
    Salamat sa post na ito, The Pope, may magandang aral ang iyong kwento at bagay sa mga larawan ko. Ni-link ko ang blog mo sa aking blog.

    ReplyDelete
  3. Thank you guys for making your presence felt and you are all correct... and at this very moment, despite of all the varying trials that we are experiencing in our lives, God has provided us shelter for our family which we called HOME, foods in our dining table and education for our children. Let us count our blessings.

    ReplyDelete
  4. Dinalaw ko nga ung site ni Dennis Villegas.

    His photos are heart-wrenching and painful.

    Lalo na ung mga photos ng matanda at mga bata. Minsan naiisip ko how cruel life can be? Ano ang kuwento sa likuran ng bawat litrato? Wala bang mga anak si Tatang? Hindi ba sya pwedeng umuwi sa probinsya? Ilang taon na si Nene? Nag-aaral kaya sya?

    Finally I asked: wala ba talagang makakatulong sa kanila? Ang dami-daming mayayaman sa atin na naglulustay ng pera, why can't they help even a bit?

    O God help me not forget that whatever I do to the least of my brothers, I do to You. Amen.

    ReplyDelete
  5. Thank you Nebz for sharing your views and I am hoping that may the same prayer you made reached and touched the hearts of the rich, famous and powerful people of our society, that they may find true happiness by sharing, complete peace by helping, and real love by giving.

    ReplyDelete
  6. Nakakaawa talaga ang mga pulubi na nakatira na lang sa lansangan kahit minsan gusto kong tumulong pero wala naman akong magawa hindi rin kasi kami pinanganak na mayaman.

    Ang ganda naman ng talata ng bibliya na pahuli mong mensahe sa iyong blog. Pero natatandaan ko sa isa sa mga talata sa bibliya na kahit ang mga ibon nakakahanap ng kanilang makakain ang tao pa kaya? Hay dumadrama na ako hehehe salamat sa iyong makabagbaging "blog" hehehe

    ReplyDelete
  7. Tama ang iyong sinabi Sardonyx, ito kabuuan ng winika ni Hesus sa aklat ni Mateo 6:25-26,

    "Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?

    Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila'y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?"

    Subalit huwag din nating kalimutan ang kanyang kundisyon bago ipagkaloob ito, Kanyang winika:

    "Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo." (Mateo 6:33)

    Salamat sa iyong pagdalaw kaibigan.

    ReplyDelete
  8. anu po pngalan ng lalaki baka po kapatid ng mama ko alberto donasco po taga iloilo

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails