Wednesday, December 2, 2009

Ayokong Maging Prime Minister si PGMA


Muli na namang susubukin ng Halalan 2010 ang kapasidad ng intelehente ng bawa't botanteng Pilipino. Sa aking ihahalal na kandidato sa Pamahalaan ay aking ipagkakatiwala ang aking sariling kinabukasan, ang kinabukasan ng aking pamilya, ang kinabukasan ng ating bansa.


Ilang beses ng tinangka na imanipula at lapastanganin ng mga kasalukuyang naka-upo sa Kongreso ang kahinaan ng ating Saligang Batas upang palawigin ang kanilang panunungkulan at ng kasalukuyang Pamahalaan dahil sa kasakiman sa kapangyarihan at kayamanan na dahilan sa pagkakalugmok ng ating Bayan.


Sa pagbaba ng Gloria Macapagal-Arroyo sa panunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas sa taong 2010 ay kanya naman tatahakin ang landas ng kandidatura sa pagka-Kongresista ng Ikalawang Distrito ng Pampangga. Isang bagay na nagbigay pangamba sa akin at sa nakararaming Pilipino, isang masamang pangitain na nag-uugnay sa propesiya ng mga dalubhasa sa politika na maaring magluklok kay Gloria Arroyo bilang Prime Minister kung sakaling magtagumpay ang panukalang pagbabago ng ating Saligang Batas, isang bangungot na tila hindi malayong maging katotohanan sa takbo ng mga kaganapan sa ating bansa.


Nawa'y mahantungan ng ating mga Cabaleng kababayan ang kasarinlan ng kanilang boto sa darating na halalan sa 2010 sa kabila ng suliranin sa jueteng at korapsyon sa lokal na pamahalaan ukol Lahar Quarry na hindi nabigyan ng kalutasan sa ilalim ng pamumuno ng mga Kongresista sa pangunguna ni Kong. Mikey Arroyo at mga alkaldeng na may malalim na pakikipag-ugnayan kay PGMA.

Mapipigilan lamang natin ang mga mapagmanipulang politiko ng ating bansa kung sama-sama tayong maninindigan at hindi iboboto ang mga trapo sa lipunan. Huwag nating iboto ang mga Kongresista na nagnanais na kumandidato sa Halalan 2010 na naghain ng House Resolution 1109 at mga kaalyado ng kasalukuyang Pangulong Arroyo mula sa Lakas-Kampi-CMD na kakandidato sa Kongreso kung saan muli silang mamumuno bilang mayorya ng Kongreso. Pigilan ang kanilang kasakiman sa kapangyarihan at kayamanan, kailangang manindigan ang bawa't mamamayan.


Kabilang si Gloria Arroyo, ang mga sumusunod na Kongresista na nagsulong ng HR 1109 ay ating kilalanin at nawa'y huwag bigyan ng pagkakataon na muling manungkulan sa ating bayan ang mga sumusunod:

Luzon
National Capital Region


















Party- Lists


"Our nation suffers a lot...

Not because of the corruption of the people in power,
But because of the tolerance of good people;

Not because of the the irresponsible government
and public officials' inactions,
But because of patience and enduring character of good people;

Not because of violence commited by bad people,
But because of silence of good people!

Our nation suffers a lot,
its fate resides in YOU!

Whatever you do not do to this nation today,
will be inherited by the children of tomorrow.

And it could include your own child...


Let us help to make a change."



Hango mula sa aking poste na Our Nation Suffers A Lot, isang pagpapaala-ala bilang mamamayang Pilipino sa ating tungkulin hindi lamang sa Bayan at sa ating mga anak kundi sa mga susunod pang henerasyon ng Lahing Kayumanggi.

5 comments:

  1. Hindi lang ayaw ko siyang maging prime minister, dapat huwag na siyang makisawsaw pa sa pulitika.. Pangulo ng bansa tapos maging congresista? masyado na yatang sakim sa kapangyarihan at ganid.. kapit tuko.

    hindi ko maintindihan kung anong klaseng utak meron ang pamilyang yan.

    mga ganid talaga...ganid...sakiiimmmm

    ReplyDelete
  2. Dyan mo makikita kung gaano ka gahaman sa poder si GMA. Binale wala nya ang dalawang probisyon sa konstitusyon maisakatuparan lang ang kanyang gustong maka-upo sa pwesto.

    1. Elected officials should resign from their position if they run for election.

    2. Past presidents could not run on any re-election.

    Walang moralidad at delikadesa ang pamilyang yan!

    ReplyDelete
  3. LAHAT ng politika,does dirty tricks, they could to survive.
    I dont trust these people,I will not vote any of them.
    Because if they get the position, and the govt goes bad, kasali ako sa katiwalian nila.

    it will be a bloody election again, with ggg(guns goons angd gloria)
    we just pray to God to intervene thru HIS JUSTICE;
    because when He judge, no partiality, no one able to escape...

    ReplyDelete
  4. Napakatapang nito.

    Ayaw ko ring maging Prime Minister si Gloria Macapagal Arroyo! (Talaga kayang 'yon ang target niya in running for Congresswoman? Bibigyan ko siya ng tinatawag na benefit of the doubt.)

    ReplyDelete
  5. Well, I'm just hope for a clean and safe election this 2010. And who ever wins as the race for presidency, I wish he/she can change our country from its current state. Anyway, I've been looking for topics as interesting as this. Looking forward to your next post.


    -pia-

    www.ramonguico.com

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails