Martes, Enero 12, 2010
Matapos ang 27 araw na Christmas vacation sa Doha ng aking anak na si Geeka, hinatid namin sya kanina sa Pandaigdigang Paliparan ng Doha para sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
Naging maramdamin ang paghihiwalay namin sa airport, sa paghahatid ay di mapigilan ang pag-iyak ng aking maybahay habang mariing niyayakap at hinahagkan ang aking anak.
At di nagtagal, lulan ng aming sasakyan pauwi ng bahay, matapos ang madamdaming pamamaalam ng aking asawa sa aming anak, di maiwasan na mag-usisa ang aking asawa sa akin at kanyang winika "Di ka man lang umiyak o naluha sa pag-alis ng anak mo?"
Ngumiti lang ako sa kanya at pabulong kong sagot "Sanay na ako".
Lingid sa kanyang kaalaman, nagsisinungaling ako.
Lunes, Enero 11, 2010
Habang abala ako sa pagsasalansan ng iuuwing damit at pasalubong ng aking anak sa balikbayan box na kanyang dadalhin pabalik ng Pilipinas ay aking naalaala nuong Abril 2007 ang huling buwan na magkakasama kaming apat ng umuwi kami sa Pilipinas matapos makagraduate si Geeka sa Phil. School Doha.
Dalawang taon ang lumipas, Disyembre 17 ng sya ay bumalik ng Doha, muli nyang minalas ang malaking pagbabago ng Doha, ang mga naglalakihan at makabagong tindahan. Hindi matatawaran ang kasiyahang naidulot nito sa aming pamilya sa muli naming pagsasama-sama.
Naging isang family bonding ang lumipas na 27 araw, halos araw-araw na pamamasyal, pagkain sa labas at pamimili ang naging tema ng mga nagdaang araw, sadyang magastos subalit di kayang bayaran ang hatid na kasiyahan, ang mga ngiti sa labi ng aking pamilya. Naging makabuluhan at nag-iwan ng masayang alaala sa puso naming lahat ang bawa't araw at gabing naming pinagsamahan.
At gaano man kahaba at kasaya ang bakasyon, lagi itong humahantong sa pamamaalam. Kahapon, pinili kong hindi pumasok sa trabaho para isang buong araw kung kasama ang aking anak at upang maasikaso ko rin ang kanyang balikbayan box.
Habang isinasalansan ang kanyang napamili sa luob ng balikbayan box at pinanunuod naman ako ng aking anak. Isang pagkakataon na kami ay makapag-usap tungkol sa kanyang personal na buhay, sa kanyang pag-aaral at buhay pag-ibig. Naging tapat naman ang aking anak sa kanyang mga kwento, wala syang inilihim sa akin mula sa kanyang mga manliligaw at sa kanyang kasintahan.
Bawa't kwento nya ay aking inuunawa, binibigyan puri ang kanyang mga ginagawang kabutihan at pinaaalalahanan naman sa mga wastong kaugaliaan.
Di naglaon, tinanong ko sya: Anak, halos 2 taon ka rin na mag-isa sa bahay natin sa Antipolo, at katulong lang ang iyong kasama at ang dalawa nating aso, sanay ka na bang mag-isa?
Habang ako'y nakatitig sa kanyang mga mata, napuna ko na tila lumunok sya ng laway, iniiwas ang kanyang mga mata sa akin at sa mahinang tugon ay aking narinig "Oo naman". Sa unang pagkakataon, naramdaman ko na nagsisinungaling sya. Kinurot ang puso ko sa pagtatakip ng nararamdaman nya. Nais nyang maging matapang sa aking mga mata.
Di nya napuna na biglang tumulo ang mga luha mula sa aking mata at malayang dumaloy sa aking pisngi.
Naging madamdamin ang mga sumunod na yugto, niyakap ko sya at hindi ko na rin napigilan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata, marahan kong sinabi, "Miss kita ng husto anak."
Matapos ang halos 18 taon kong pag-a-abroad, aking napagtanto na hindi pa rin ako sanay sa muling paghihiwalay namin ng aking anak.
Ang aga aga pinapaiyak mo ako :( ...
ReplyDeleteSana nga lang di na kailangan maghiwalay no, hirap nito...
Nakakapanibago sa pahinang ito ang ganitong uri ng post. Huh!
ReplyDeleteAng pagluha ay hindi nangangahulugan ng pagiging mahina, pinapatunayan lamang nito na tayo ay buhay- isang taong may damdamin.
Simple ang post, pero dahil sa sincerity nito (written straight from the heart), malakas ang dating, may impact!
Ako'y sanay na hindi kapiling ang aking mahal sa buhay. Subalit hindi ito hudyat na hindi mahalaga sila sa akin...sila ang dahilan kung bakit madalas wala ako sa Pinas para mabigyan sila ng matiwasay na pamumuhay.
ReplyDeletenaalala ko bigla yung time na nakita ko kung san mismo nagwowork yung father ko. Naawa ako bigla. Nung kailangan na naming umalis kala ko sanay na rin ako. Pero hindi, nakakaiyak talaga. Pero pinigilan ko kasi ayokong yun ang maalala nya.
ReplyDeleteMahirap talagang magpaalam sa kahit na anong sitwasyon. Hindi naman ako iyakin sa harap ng ibang tao kaya minsan nasabihan akong manhid di nila alam mahina din ako.
ang aga nman ang teleserye dito...hehhehee, im sure parting is the hardest part. if only you can keep your siblings under your wings all the time but you must let them fly in order to learn right? Iniisip ko na nga ngayon pa lng...lalaki rin at magdadalaga ang anak nmin...what it would be like pag they started to have their own lives... batsa.
ReplyDelete@ Lord CM
ReplyDeleteSorry bro kung maaga kitang napaluha, reality bites.
@ RJ
Salamat komento, nagpapakatutuo lang po ang may akda.
@ Reymos
Maraming salamat sa pagdalaw, ilang beses ko rin sinabi sa aking sarili na sanay na ako, but emotions has its own way teasing our nerve of steel, just to remind na tao pa rin tayo.
@ Rej
You are right, 'goodbye' is one of the saddest word in our dictionary, but if we look at it positively we are looking forward for the next 'hello'.
@ Yellow Bells
Pinangiti mo naman ako sa 'teleserye' thing, separation is really one of the greatest sacrifice that every OFWS has to endure during the span of our career in our quest to follow our dreams.
Naluha naman ako...at nalungkot. While I'm reading your post, pakiramdam ko nasa tabi ako ng kahon at pinapanood ko kayong mag-ama.
ReplyDeleteMy prayers go to Geeka, you and your wife. Hindi naman talaga nakakasanay ang paglisan. Kahit ilang beses na paulit-ulit ang ating paglalayo, ang bawat eksena e may ganun pa ring intensity ng hapdi at kirot.
Napadaan lang po :( at sobrang napa-iyak ako ng entry mo!! Namiss ko tuloy si momskie
ReplyDeleteLike your child, my siblings and I grew up na hindi masyadong nakasama ang parents primarily because they work abroad like you. Now, malalaki na kme and we have our own battles, kami naman ang malayo sa kanila.. and no matter how many years na paulit ulit ang paglipad mo, parehas pa din yun feeling na malulunkot at malulunkot ka..
Kaya ako, pag umuwi ng Pinas at babalik dito sa UAE, hindi ko na sinasabi ang "bye".. LATER na lang.. ang sad kse eh..
Haizz.. nice entry po.
Kakaiyak naman, ang hirap talagang mawalay sa anak, Malapit ko na ring maramdaman ang nararamdaman mo ngayon Pope. Sana lang makaya ko. Hmmm nakakapanibago ang post mo ah? Parang malungkot ka pa rin hehehe...aminin
ReplyDeleteMagandang Gabi po sir ^_^
ReplyDeleteAww, nakakaantig naman po ng damdamin tong post nyo *sniff* Mahirap po talagang mawalay sa inyong minamahal lalo pa at nagiisang anak ninyo siyang babae.
Wow, taga Rizal din po pala ang family nyo :)
kuya boy, sobra ka naman, nakakaluha ka naman, nakakainis ka, wag ka naman ganyan! hehehhee
ReplyDelete