EDSA Day na naman, tulad ng inaasahan, holiday na naman sa Pilipinas. Isang araw na pag-alala sa tagumpay ng EDSA, tagumpay laban sa rehimeng Marcos.
At sa tuwing ginugunita ang EDSA, buong pagyayabang na aking ibinabahagi sa aking mga anak at sana sa aking mga apo na ako kapag silay nakakaunawa na ako'y naging bahagi ng makasaysayang People's Power Revolution na nagsimula nuong Pebrero 22 hanggang 25 taong 1986. Ito rin ay aking itinala sa aking Balik Tanaw sa EDSA Revolution - 02/25/86.
Pero paano nga kaya kung hindi nagtagumpay ang EDSA Revolution at paano kung namayani ang kapangyarihan ni 'Taning' at sinunod ng mga sundalo ang kautusan ni Gen. Ver na supilin ang People's Power Revolution sa EDSA sa pamamagitan ng paggamit ng dahas - baka sinagasaan na kami ng mga Tanke ng Army o di kaya maaring namatay at wala ng mapagkilanlan sa amin sa bombang maaaring ihulog ng sa EDSA mga Tora-Tora ng PAF kung hindi namayani ang kapayapaan at pag-ibig sa puso ng bawa't Pilipino.
Malamang sa kulungan na hahantong si Ginang Aquino at baka si Cardinal Sin ay magtutungo sa Vatican at duon magtatago. siguradong si Ka Fidel, Enrile at Honasan ay sa firing squad mamamatay. At maaaring ang mga sumunod na mga Presidente matapos si Ferdinand ay kaanak nya rin, si Imelda Marcos, o kaya'y si Bongbong Marcos.
Walang ring Kapamilya Channel tayong panunuorin kasi ang pamilyang Marcos ang may-ari ng ABS-CBN ng panahon na iyon at siguradong hindi sisikat si Kris Aquino bilang artista dahil hindi sya makakalusot kay Gng. Imelda Marcos na Patriyarka ng Kultura at Sining nung panahon na iyon. Di rin sisikat ang kulay dilaw, baka huhulihin ka kapag nakasuot ka ng kulay dilaw at tatawagin kang komunista kahit dilaw lang ang ipin mo.
Pero di nangyari iyon, nanalo nga si Tita Cory, isang kasaysayang nagbigay ng bagong pag-asa sa bawa't Pilipino nung 1986. Pero ano na ba ngaun ang diwa ng EDSA makalipas ang 24 na taon? At ano na ba ngaun ang histura ng makasaysayang pook ng EDSA?
At bilang pangwakas nais kong ibahagi ang video clip na ito, sana mapangiti ka kahit saglit lang - subalit huwag mo kalimutang sagutin ang katanungan - Ano nga ba ang Diwa ng EDSA?
Ang video ay likha ni Lourd De Veyra na mas kilala sa kanyang Word of the Lourd video series na matatagpuan sa You Tube.
Hindi ko naisip itong mga possibilities na ito, mahusay!
ReplyDeleteNasaan kaya si Kris ngayon kung hindi nagtagumpay ang EDSA Revolution?
patunay lamang na hindi nagpapabaya ang nasa taas :)
ReplyDeletenaalala pa kaya ng gma tao ang talagang naging mithiin o ang tunay na diwa ng EDSA rev? EDSA 1, 2,3...ano ba talagang naging kahulugan ng lahat?
ReplyDeletePag paulit-ulit nawawala ang saysay. Sana matuto na ang tao para di na kailangang nagkaroon ng panibagong rev. Ano ba itong rev? Revision ba ito hehe. EDSA Revision 2.0 parang Windows hehe. Joke! joke!
ReplyDeleteMaganda ang naisip mo. Naalala ko tuloy ang TV Series na Sliders hehe at ang TV series din na Heroes kung saan time travel ay laging nasa paksa nito.
Kung mangayari man ito ay di hahayaan ng Panginoong manalo ang bad guys hehe!. Their days will eventually end.
Let this be a lesson for us all. Ang kahulugan ng EDSA ay pagkakaisa at demokrasya, kung ito ay paulit-ulit, pagkakaisa pa rin ba at demokrasya ang isisigaw ng tao?
Ang mahalagang tanong siguro sa atin eh, ano ang gagawin mo sa demokrasyang ipinagkaloob sa'yo? Magkaisa tayo sa paghalal ng tama at responsableng Pangulo. At kung ito ay mauupo, wag tayong manood at maghintay ng mali nitong gagawin. Kumilos nawa ang bawat isa.
God bless kapatid.
sadpart nga lang eh parang holiday na lng talaga ang saysay ng edsa.. wala nang gaanong paggunita nito.. parang pagdating nung feb26 eh sabihin na lang ng mga tao na "uy, walang trabaho," o "uy, walang pasok!"
ReplyDeletesana naman there's more to celebrating edsa's meaning than just a mere holiday..
Salamat po sa blog post na nagpapaalala sa diwa ng EDSA. Marahil kung may parusa sa mga nakakaligtaan ang mga mahahalagang araw sa ating kasaysayan, ay mabibitay na ako :)
ReplyDeleteMabuhay po kayo!
Hi, George. Thank you sa prayers, nakabalik na po ako sa work. And now I'm blogging once again!
ReplyDeleteNatawa ako sa Word of the Lourd video. Poetically funny, painful and true.
Madali kasi talaga tayong makalimot. Our being heroes only lasts a certain period. Six months? After that, we return to our old selves: being crabs and crablets. Naghihilahan pababa. Nagtuturuan.
Paano kasi, we play politics 24/7. Bago at pagkatapos ng eleksyon, lagi pa rin tayong hiwa-hiwalay. I think that's the lesson of EDSA 1986 that we can't seem to learn.
On behalf of the KABATAAN Online Campaign Team, thanks again for participating. Our activity actually made the news.
ReplyDeleteAgain, thank you for supporting the KABATAAN online campaign. We hope to see you in future Blog Action Days :)