Sunday, May 17, 2009

ALAY SA OFW BLOGGERS


Ikaw... ikaw mismo, isa kang blogger at pirmihan kang naninirahan sa Pilipinas. Hindi ka nga OFW, pero alam ko na may kakilala kang mga OFW...

Kamag-anak mo o kapamilya, OFW ba sila?

Kaibigan, manliligaw o kasintahan - may OFW ba sa kanila?

Kumpare o kumare, kapitbahay o kaiskwela, siguro may OFW sa kanila...

Ikaw, nangangarap ka bang mangibang bansa, maging immigrant, expat o maging OFW?

Kung ganun, ikaw ang simula... suportahan mo ang ating mga kababayang Expat/OFW, tulad mo rin sila, mga Pilipinong blogger na nagkakaisa, naghahangad na mabigyan pansin sa daigdig ng blogsphere.

Makibahagi ka sa KABLOGS kaibigan, ang iyong pagsuporta sa KABLOGS ay pagsuporta rin sa mga OFW bloggers. Kaya't paki-grab na ang sumusunod na "banner code", i-display at ipagmalaki ito sa iyong sidebar site at bilang pagkilala sa iyong pagsuporta ay ilalathala ang iyong site at ang panulat sa pahina ng KABLOGS.





Dito sa KABLOGS, kayo po ang celebrity, kayo po ang tunay na bida, kayo ang kapuso at kapamilya.
Tulad ng parola sa dalampasigan, makibahagi tayo sa paghahatid ng liwanag sa malawak na daigdig ng blogging - ang pagsuporta sa KABLOGS ay isang ALAY SA OFW BLOGGERS, maaaring bukas isa ka na ring OFW blogger na tulad namin.

Ipagmalaki natin ang ating lahing Pilipino, suportahan natin ang lahat ng Pinoy Expats at OFW bloggers.

19 comments:

  1. Wow, pakiramdam ko po kayo ang writer ng ABS-CBN sa mga station ads nila. Pati nga 'ata GMA 7 ay kayo rin po. o",) Magaling.

    ReplyDelete
  2. ako mismo nakasali na dito ... ehehe...

    ReplyDelete
  3. Nice pre!!!

    Wag nyo lang kalimutang kalabitin ang mga taga KaBlogs para mai-link kayo sa site

    ReplyDelete
  4. nailagay ko na po sa sidebar ko. mabuhay ang mga pinoy OFWs!

    ReplyDelete
  5. asteeg kuya....

    parang campaign ad lang ahh..

    hehe

    ReplyDelete
  6. magaling na post para sa kalabitin ang natutulog na blogger. at para maging aware sila sa existence ng KABLOGS...

    my all out support to Kablogs!

    ReplyDelete
  7. kuyaaaa!!! ang galing mo.

    ang ganda ng kampanya ah!

    ayan! madami na ang sasali! yehey!! hehehehe:)

    ReplyDelete
  8. Same with RJ. Un din ang na-imagine ko habang binabasa ko ang post mo. Parang advert sa TFC o kaya PinoyPlus. Effective.

    ReplyDelete
  9. Ganda ng banner ah! I've added it to my sidebar to show my support. :)

    ReplyDelete
  10. yahooooooooo...

    meron na ako niyan...

    palakpakan mga kapatid...

    dahil pinoy tayo, iba tayo!..astig!..hehehe

    ReplyDelete
  11. Hi pope! Syempre naman...I already upped the badge sa sidebar ko.

    All the best :)

    ReplyDelete
  12. ayos po to! susuporthan ko po ito!

    ReplyDelete
  13. I'm in! Ang galing ng promo mo Pope, kakabilib. salamat

    ReplyDelete
  14. naglagay din ako sa blog ko to show my support!! Mabuhay ang mga OFW!

    ReplyDelete
  15. YEHEY! MABUHAY ANG KA-BLOGS (alam ko sabit ako dito eh) Wag kayo mag-alala, maasahan ang suporta ko mula ngayon hanggang sa dulo ng walang hanggan. hehehe

    ReplyDelete
  16. first encounter with an ofw blogger.
    astig! saludo ako sau kuya!
    *salute*
    balik po kau :)

    ReplyDelete
  17. Wow! Galing ng post!

    Tiyak na mawawalan ng trabaho yung mga marketing and advertising consultants.

    By the way, na-post ko na ung EB natin.

    Cheers!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails