Friday, May 29, 2009

DAHIL PILIPINO KA, HINDI NA AKO NAG-IISA


"KABAYAN... PILIPINO KA BA?"

Ito ay isang katanungan na madalas kong naririnig., tila musika na ito sa aking tenga.

Ilang taon ka na bang OFW? Ilang beses ka na ring nagpabalik-balik ng Pilipinas? At ilang bansa na rin ang iyong pinagsilbihan bilang OFW?

Ilang beses mong nasaksihan na may napadaang Pilipino sa iyong harapan, lumapit, kumaway at nagsabing “Kamusta Kabayan” at kadalasan may pahabol pang katanungan na “Pilipino Ka Ba?”

Ikaw rin mismo, hindi maipagkakaila na minsan ay nagbigkas ka rin ng katanungang ito, habang may hatid na ngiti sa iyong mga labi sa kabila ng pag-aalinlangan.

Natatandaan mo ba ang kauna-unahang araw mo bilang Expat o OFW, kinasabikan mong makakita na kababayan sa lansangan, isang nilalalang na may kayumangging kutis, medyo pangong ilong at katamtamang taas at di ka nahihiyang magsabing “Kamusta ka Kabayan, Pilipino ka ba?

At kahit di mo na antayin ang kanyang tugon, makikita mo sa kanyang ngiti at mga mata ay mararamdaman mo na Pilipino nga siya, isang kasiyahang di maipaliwanag, na gusto mong sabihin - “Salamat Kabayan, hindi na ako nag-iisa".

Minsan sinususugan pa natin ito ng katanugang:

“Saan ka sa atin sa Pinas Kabayan?”
“Ilang taon ka na dito na nagtatrabaho?”

Mga simpleng katanungan na pumupuno sa nararamdamang pangungulila ng damdamin mula nang malayo sa ka sa iyong mga mahal sa buhay.

Kahangahanga, hindi ba? Kahit saang sulok ng mundo, may Pilipino, kahit sa mga bansang kasalukuyang may digmaan, nanduon ang Pinoy. Kahit ano ang kanyang kasuotan, hindi maitatago na sya ay Pilipino. Wala na ngang lugar sa mundo na hindi narating ng Pinoy, "ultimo" ang pinakatugatog ng Mt. Everest ay narating na rin ng Pilipino. Sayang nga lamang wala pang “Job Orders” sa Mt. Everest, isang dahilan kaya't walang nasalubong na Pilipino si Leo Oracion sa kabundukan ng Everest.

Mas komportable kasi tayo kung Pilipino ang kausap natin, mas masaya tayo kung Pilipino ang kasalamuha natin, sa simbahan, sa ospital, sa pagtitipon, ang mga mata natin ay naghahanap ng kababayan na makakausap. Panatag ang loob natin kung may makikita tayong “kabayan”.

Nasaan ka man, sa Saudi, Japan o Hongkong, kung sakaling may magtanong sa iyo kung Pilipino ka, huwag mo silang pagdamutan ng kaunting ngiti, nasasabik silang makausap ka, isipin mong minsan ay nangulila ka rin sa iyong kapwa kababayan.

Paunlakan natin ang kanilang katanungan at bigyan na mainit na pagtanggap at buong pagmamalaki rin nating sabihin

“Oo, Kabayan, Pilipino rin ako”.

Sa panahon ng ating pagpanhik sa tugatog ng tagumpay, may makakasalubong tayo na mga Pilipino na nananabik na tayo'y makausap, mga nalulumbay na damdamin, kumakaway, ngumingiti at nagnanais na makasalamuha tayo, huwag natin silang balewalain at biguin; kahit sa isang saglit, tapunan natin sila ng ngiti; dahil sa pagsapit ng matinding pagsubok sa ating buhay, sa dagok ng kabiguan at pangangailangan , sila rin mismo ang mga Pilipinong magiging kaagapay at sasaklolo sa ating buhay.

Kaunting oras lang naman ang kahilingan nila.

“Kaya Kabayan, kamusta ka, Pilipino ka rin ba?”

Hindi mo na kailangang sagutin ito kaibigan, hinihiling ko lamang na ipadama mo sa iba nating mga kababayan ang ating pagiging Pilipino.

28 comments:

  1. Entry ba ito para mahikayat ang lahat ng pinoy na sumali sa KaBlogs? Hehehe :D At lupit brod, ganyang ganyan din dito sa Palau kapag nakakasalubong ka ng Pinoy...

    Di na yata talaga mawawala sa ating mga Pinoy ang pagkakaisa kahit nasang bansa ka pa...

    ReplyDelete
  2. Cool! Napakagaan ng dating... ang saraappp basahin! o",)

    Ngayon ko lang na-realize, pare-pareho pala ang mga katanungan ng mga Pilipino kapag nasa ibang bansa sila, ano?! Hahaha! Kasi kahit ako, ganu'n ang tanong ko palagi kapag... Nakaka-relate ako ng husto rito. U

    Pasok ito sigurado sa PEBA 2009!

    ReplyDelete
  3. GANYAN TALAGA MGA Pinoy tol...isa sa mga katangian ng mga Pinoy...

    ReplyDelete
  4. @ Lord CM

    Ang katanungang "Kabayan, Pilipino Ka Rin Ba" ay tila isang pandaigdigang pamamaraan na panimulang pagbati ng bawa't Pilipino saan mang sulok ng daigdig.

    Nawa'y makatulong nga ang panulat kong ito upang makahikaya't ng mga bloggers magkaisa sa KABLOGS at PEBA.

    @ RJ

    Thank you for believing my friend. Life is Beautiful.

    @ Mokong

    Salamat sa pagdalaw kaibigan, tama ka, unique talaga tayong Pinoy, saan mang panig ng mundo.

    ReplyDelete
  5. masarap talaga ang pakiramdam pag may nakikita o nakakasalubong kang kababayan sa daan.

    kahit saan man lugar basta alam mong pilipino. andun parin ang ngiti ng pagka pilipino, ngiti na galing sa puso...

    ako, madalas nila akong pagkamalan na nepali, pero agad ko naman silang sinasabihan na proud pilipini ako pre!...

    ReplyDelete
  6. muntik ako maluha, george, hehe, you're a warm-blooded KABLOGS! nyehahaha. Nkarelate ako, nakarelate kami sa post na ito, kung di ko alam na sa June ka pa magsix months, baka akalain ko entry na ito sa PEBA. Congrats for trying tagalog, this time.

    ReplyDelete
  7. @ poging (ilo)CANO

    Tama ka, iba ang pakiramdam natin kapag Pinoy ang kaharap natin, mas "at home" tayo sa ating kapwa.

    @ Mr. Thoughtskoto

    "Warm bloodeed KABLOGS" nagustuhan ko iyong terminong nabanggit... simula ngaun hanggang ika 12 ng Hunyo , pipilitin kong makagawa ng panulat sa wikang Tagalog, bilang pagpapahalaga sa Araw ng Kasarinlan ng ating bansang Pilipinas bilang alay sa ating Inang Bayan.

    Salamat sa iyong paniniwala sa akin, isang mapayapang umaga ang hatid kong pagbati sa iyo at sa iyong pamilya.

    ReplyDelete
  8. wow.kelan ko kaya maitatanong yan?excited nako.weee.
    alam ko mtagltagal pa pero atleast d nako mxadong mngangamba.yahoo!!!

    ReplyDelete
  9. Ok lang po ako kuya, at opo, Pilipino po ako, mukha lang chinese!

    another proud pinoy entry...

    continue writing The Pope... and hey! good thing u did it in tagalog... nagtatagalog ka pala... hehehehe!

    ReplyDelete
  10. @ soberfruitcake

    Salamat sa pagdalaw, huwag kang mag-alala, darating din ang iyong pinakahihintay in God's time.

    @ A-Z-E-L

    Chinese mestiza pala ang beauty mo, wag kang mag-alala, si Dr. Rizal ay may lahing Tsino rin.

    Hayaan mo, sa mga susunod kong 'entry' ay Tagalog ang gagamitin kong lenguwahe.

    ReplyDelete
  11. Mas lalo akong naging proud maging pinoy. :)

    ReplyDelete
  12. May lump sa throat ko. Dahil naniniwala ako sa isinulat mo. Dahil totoo sya.

    Ehem, sisimulan ko na...

    Hi, Kabayang Pope/George. Taga saan ka sa atin? Taga Antipolo ka rin ba?

    (You'll get my vote sa PEBA).

    ReplyDelete
  13. “Kaya Kabayan, kamusta ka, Pilipino ka rin ba?”


    Hindi mo na kailangang sagutin ito kaibigan, hinihiling ko lamang na ipadama mo sa iba nating mga kababayan ang ating pagiging Pilipino.

    makahulugang pangungusap at napapanahon...salamat sa magagandang essay!

    have a nice day!

    ReplyDelete
  14. @ robnuguid14

    Tama ka, ipagmalaki natin ang lahing Pilipino.

    @ isladenebz

    Maraming salamat sa pagbisita at paniniwala, yes tama ka taga-Antipolo nga ako, pero hindi po ako kumakandidato hahahaha.

    @ Bhing

    Salamat sa papuri at salamat sa paniniwala sa lahing Pinoy.

    ReplyDelete
  15. first time namin sa saudi excited ako makakilala ng pinoy. sad to say kung sino pa kabayan mo para takot pang batiin ka. one time ay may nakasalubong kami ng kasama ko at binati namin ng kabayan. natuwa kami at ngumiti sya sabay sabi ana indonisi or indonesia ako.
    buti pa ibang lahi marunong bumati.

    ReplyDelete
  16. @ Jessie

    Nakakalungkot ngang isipin ang naging karanasan mo sa unang encounter mo sa kapwa kababayan sa Saudi, nawa'y sa kabila ng malungkot na pangyayaring ito, nawa'y matagpuan mo pa rin ang matamis na ngiti at mainit na pagbati sa mas nakararaming kapwa kababayan, na isang simbolo ng tunay na Pilipino.

    ReplyDelete
  17. Madalas...madalas na naibibigkas ang mga salitang sinabi mo.

    Ang galing Pope... akala ko entry mo na sa PEBA 2009!

    ReplyDelete
  18. Sana nga ganyan lahat ang mga pinoy, palabati at sabik na makipag-usap dito sa Japan masama ang experience ko, palibhasa maraming mga Pinoy dito hindi na nasasabik ang iba na makakita ng kapwa Pinoy kaya, walang batian. Minsan magtanong ka ng tagalog dahil alam mong Pinoy ang hitsura sasagutin ka ng ingles kahit may pinoy accent pa siya.....kakasama lang ng loob. Pag sinagot na ako ng ingles di ko na siya uli kakausapin, plastik na Pinoy yun hehehe.

    ReplyDelete
  19. @ Desert Aquaforce

    Isang katangiang Pilipino ang pagbigkas ng "Kaibigan, Pilipino Ka Ba?" saan man tayo naruruon, nakakatuwa talaga.

    @ Sardonyx

    Sumasang-ayon ako sa iyong tinuran, may ilang mga Pilipino talagang hindi mo maunawaan, Pilipino naman sa panlabas na kaanyuhan, Pilipino rin kung magsalita, pero pagkinausap mo ng Tagalog, sasagutin ka sa wikang Ingles, hahahaha - gusto lang sigurong ipakita na marunong silang magsalita ng Ingles. Minsan batiin mo, hindi nakibo, hindi man lang ngumiti, baka naman bungi... hahahaha.

    Pero sana huwag naman ito maging dahilan para isara natin ang ating puso sa ating kapwa Pilipino na nagnanais na makaharap o makausap tayo.

    A blessed weekend sa iyo Bb. Sardz.

    ReplyDelete
  20. Yesh! Panalo na sa PEBA ito...Galing galing!

    ReplyDelete
  21. Hello "The Pope", thanks sa pagdaan sa blog ko.

    Pag may nagtatanong sa akin kung gaano na ako katagal dito, isa lang sinasabi nila, "talaga! paano mo nakayang ganun katagal dito?"

    ann
    http://appleofmyeyes.kadyo.com

    ReplyDelete
  22. Hi Pope,

    oo,Pilipino ako! :)
    madalas magulat ang mga kapwa pinoy ko rito pag sinabi kong pilipina ako(akala kasi nila ay haponesa ako),minsan ay nai snob pa ako,hehe.

    salmat sa imbitasyon sa kablogs,i`ll visit the site soon!at salamat sa comment.

    mabuhay!!

    ghee
    http://akoni.info

    ReplyDelete
  23. nakakatuwa naman tong post na 'to, parang nung isang araw lang...may kasabay ako sa bus na mga pinoy, hindi nila alam yung lugar na pupuntahan nila (lugar kung saan ako nakatira)...tinanggal ko yung headset ko at humarap ako sa kanila, "5 bus stop pa po bago yung bababaan niyo...nagulat sila, aba kabayan pala to eh...ayun kwentuhan na, hehehe

    ReplyDelete
  24. @ Ann

    Maraming salamat sa pagdalaw, isa mo na rin akong blog fan.

    @ ghee

    Salamat din sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon, susubaybayan ko rin ang iyong mga panulat.

    @ DETH

    Ang galing talaga ano, nakaka-alis ng kalungkutan kapag nakasalamuha mo ang kapwa Pilipino sa ibang bansa,

    Life is Beautiful.

    ReplyDelete
  25. Napakaganda ng isinulat mo tungkol sa isang katangi-an ng Pilipino sa ibang bansa. Ang ibig na makasalamuha at maka-usap ang kapwa Pilipino ng sa gayon ma-ibsan man lang ang pangungulila sa inang bayan.

    ReplyDelete
  26. hello uli The Pope,

    sinubukan kong magpunta sa KABLOGS pero di ko mabuksan ang comment box para makasali sana.

    anyway,salamat na alng uli and I`ll try it again later.

    ghee
    http://akoni.info

    ReplyDelete
  27. kung entry to sa expat cgurado panalo na to, magaling magaling... :)

    pilipino ako,pinagmamalaki ko,

    ReplyDelete
  28. @ BlogusVox

    Isang malaking karangalan ang pagdalaw mo sa aking mabuhanging tahanan hehehe. Tutoo ang sabi mo, iba talaga ang hatid na kasiyahan kapag kababayan mo ang kausap sa ibang bansa.

    Welcome back my friend.

    @ Ally

    Please grab the KABLOGS Banner (http://thoughtsmoto.blogspot.com/) or PEBA Support Banner (http://pinoyblogawards.blogspot.com/) at paki-display na lang sa sidebar ng blog mo please.

    That will automatically put you in the KABLOGS roster, the gateway and aggregate site ng PEBA - PINOY EXPATS BLOG AWARDS ito ang national awards body for OFW.

    I'll send you the codes ng both banners sa e-mail mo.

    A blessed evening.

    @ HARI NG SABLAY

    Hehehehehe, pinatataba mo ang puso ko kaibigan, maraming salamat... ipagmalaki natin ang ating lahing Pilipino.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails