Friday, May 8, 2009

Isang Liham Ni Inay Ngayung Mother's Day


Ibinabahagi ko sa inyo ang liham na ito, na ipinadala sa akin ng kaibigan at batchmate kong si Bb. Cecille Vidal sa pamamagitan ng e-mail, isang orihinal na likha ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, Spiritual Director ng CWL ng Parokya San Augustine ng Baliuag, Bulacan.


Mahal kong Anak,


Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako
at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng ‘binge!’ paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o
pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t
hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.


Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?
pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas,
ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik
na sabik na akong makakwentuhan ka,
kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan,
pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw,
hawakan mo sana ang aking kamay
at bigyan mo ako ng lakas ng loob
na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana …
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…


Paunawa, ang nakalarawan po sa itaas ay hindi ko po ina, hindi ko rin po lola, lalong hindi ko rin po syota o asawa, kinuha ko lang po sya sa milyong larawan sa internet dahil sya ay nagpapaalala sa aking namayapang ina, pang mayaman lang po kasi ang pagmamay-ari ng Kodak nung aming panahon kaya't wala akong naitabing larawan ng aking ina. At kung sakaling ang liham na iyan ay para sa akin, nararapat lamang na ito ay aking sagutin:


Pinakamamahal kong Ina,


Dahil magkasama na po kayo ni Itay ngaun,

alam kong maligaya ka na sa iyong kinalalagyan

dahil matagal na ring hindi mo na ako dinadalaw sa aking mga panaginip.

Tandaan mo po, patuloy ko pa rin kayong idinadalangin,

pero sana huwag mo muna po akong sunduin at kukuhain -

dahil napagtanto kong masaya rin naman pala dito

habang kasama ko po ang iyong apo at ang aking asawa.

Bagama't bata pa ako ng inyong iwanan,

alam kong pinagmamalaki mo ako kay Bro

Dahil kahit kailan ay hindi kita binigo,

at magpasahanggang ngaun,

dala-dala ko sa puso ko ang mga Ginintuang Pangaral mo.


Nagmamahal, ang iyong Anak

32 comments:

  1. Itong naka-quote po sa ibaba ng article ay hindi na po bahagi ng email, di ba? Sariling sulat niyo na po 'yan. Huhmn. Nakakalungkot namang isiping hindi pa naimbento ang chatting at SMS na makakarating doon sa kaharian ni Bro.

    ...pero ang pag-alala sa iyong ina, at ang post na ito ay nagpapakita ng iyong pagmamahal na hiling ko'y makakarating at maramdaman sana ng iyong ina ngayong Mother's Day, The Pope.

    ReplyDelete
  2. Tama ka RJ, ang unang liham ay likha ni Fr. Robles, samantala ang pangalawang liham ay aking nilikha sa okasyon na ito para sa aking namayapang Ina. Bata pa ako - it was almost 30 years ago when God decided to call her back to heaven perhaps for a new mission, ni hindi kami nakapagpaalam sa isa't-isa.

    Our bonding was cut short, and I feel that I was not able to fully express my love to her, dahil sa maikling pagsasama namin dito, and now I have written that letter hoping it could reach her too.

    ReplyDelete
  3. Our mothers whatever their characters are, still they are our mothers. We owe them our life (next to God). Ang anak ay pwedeng itakwil ang ina pero walang ina ang magtakwil ng anak.

    Happy mothers day, my friend.

    ReplyDelete
  4. Tunay ang sinabi mo Ruphael, they carry us for 9 months inside their womb, the greatest bonding that God has created between mother and child.

    ReplyDelete
  5. Happy Mother's Day sa lahat ng Nanay.

    Halos tumulo yung luha ko habang nagbabasa ng post mo. Naalala ko lalo ang aking pinakamamahal na ina at ama. Sana naman I have made hem proud kahit konti.

    Happy mother's day sa asawa mo Mr Pope!

    ReplyDelete
  6. Nakakabagbag puso. Totoong totoo ang sulat na ito at pwedeng isulat para sa lahat ng magulang at anak.
    Maligayang Araw ng Mga Ina sa iyong butihing ina The Pope.

    ReplyDelete
  7. Thanks for the blog visit.

    Happy Mother's Day! :)

    ReplyDelete
  8. Pope- nabasa ko na nga ang liham na ito at kahit pa ilang ulit masarap pa rin basahin, tumatagos sa aking puso....nakakaiyak waaaaaa

    Ang galing naman ng sulat mo sa nanay mo, at alam kong proud ang nanay mo sa'yo.

    Happy Mother's Day sa iyong asawa :-) at sa lahat na rin na Nanay na.

    ReplyDelete
  9. let's all make our mommas proud!

    Happy mOther's day sa lahat ng ina sa mundo!

    ReplyDelete
  10. @ Ron

    I am definitely sure your mother is so proud of you, all of our mothers are stage mothers, even the smallest and simplest achievement natin in life, mothers want to announced it to the whole world.

    @Dennis

    Nakakaiyak talaga ang message, it reflects the feeling of the elderly moms and dads in general.

    @ Reena

    Thanks for the visit, it's a pleasure to have you here.

    @ Bb. Sardz

    Yes, I can recall that I have read this late 2007 pa, but you'll never tired of reading it all over again, it touches my heart too.

    @ Badong

    Tama ka, let's make Mother's Day a daily activitiy.

    HAPPY MOTHERS DAY, TO YOUR MOM, LOLAS, WIFEY and FUTURE MOTHERS OUT THERE.

    ReplyDelete
  11. aaawwww...kakaiyak naman...hapi mothers day 2ur mom, iwish her all d hapiness and gud health... @>---- rose para po skanya... :)

    ReplyDelete
  12. kakaiyak nman...
    hndi pa gnun ang nanay ko pero ayokong mangyari ung gnun. khit mtanda na sila tao parin sila. Mga pisikal lng na aspeto ang nabbwasan, lakas, pandinig, vision, etc. pero may damdamin prin sila na d dpat balewalain.
    for sure, natutuwa ang nanay mo ngayon sa taas..

    happy mothers day po sa lahat ng mothers at sa mga nanay nyo rin...=)

    salamat pla sa pagbisita at sa pag add..=)

    ReplyDelete
  13. Ahmm.. *mejo teary-eyed* huhuhuhu.. Ang ganda nung letter! Ang galing! Kudos!

    ReplyDelete
  14. @ Hari Ng Sablay

    Salamat sa rose at sa iyong pagdalaw.

    @ Soberfruitcake

    Yes it really pains us to see our parent getting old if we could only stop their ageing.

    @ Mik Mik Mik

    Sorry for making you cry, Happy Mother's Day to your mom.

    ReplyDelete
  15. maganda talaga ang tulang ito Pope.. kahit ako nainspire na sagutin yan (FEBRUARY POST - GINTONG SULAT)

    salamat sa pagseshare muli ng tulang ito sa lahat.

    ReplyDelete
  16. @ A-Z-E-L

    Thank you for the info, I'll gonna read your post - thanks for sharing it too.

    ReplyDelete
  17. happy mother's day!

    ang ganda ng tulang ito! grabe!

    ReplyDelete
  18. nalungkot ako nung nalaman ko na bata ka rin pala na nawalan ng ina. Happy Mothers day sau and thanks for sharing that wonderful letter out there. Yung kay Father Robles, at yung kay The Pope

    ReplyDelete
  19. @ greiz ^-^

    Thanks for the visit, I am humbled by your presence.

    @ Mr. Thoughtskoto

    Yes, suki kami sa hospital, 3 times na na-stroke ang mother ko, suki kami sa hospital, literally halos duon na kami nakatira, because of her therapy. and I was a kid. I got my early trainings in life from her, caring for the sick, patience, love and compassion.

    ReplyDelete
  20. Happy mothers day po sa nanay nyo..at sa lahat ng ina

    ReplyDelete
  21. walang kasing sarap ang pagmamamahal ng isang ina. napasarap itanim sa ating mga puso ang kanilang mga larawan.

    Have a nice day kapatid!

    ReplyDelete
  22. @ Crisiboy

    I am delighted to see you here, Happy Mother's Day to your Mom to.

    @ Jessie

    Your perfectly correct, the image of our mom has been curved in our hearts for their name is the sweetest name I new next to Jesus.

    ReplyDelete
  23. Pare nakakaiyak naman yung liham... natatakot akong tumanda si nanay ko..ayokong maranasan nya ang maghirap dahil sa katandaan..kahit anung mangyari nandito kami ng asawa ko para sa kanya... mahalin antin ang ating mga ina...
    HAPPY MOTHER'S DAY SA IYONG INA POPE!

    ReplyDelete
  24. Touching! And I'm sure proud na proud talaga ang nanay mo sa yo.

    Happy mother's day to her and to Mrs Pope as well.

    ReplyDelete
  25. thanks po Pope! I'll add you to my blogroll as well.have a blessed week ahead of you!

    ReplyDelete
  26. @ Sherwin

    Tama ka, give our utmost love to our parents. A blessed evening to you and a Happy Mother's Day to your mom and your wife.

    @ Nebz

    Thank you for the comforting words, Happy Mother's Day to your mom and wife.

    @ Badong

    Salamat sa pagdalaw, a blessed day to you and your family.

    ReplyDelete
  27. ayyy. ang ganda. thanks to our mothers. :)

    ReplyDelete
  28. very touching my friend now i appreciate more all the special things that my mother did to me

    ReplyDelete
  29. @ aLgene

    Thank you for being here on this very special event.

    @John B.M.

    Yes, there are countless reasons that we should be proud of our mother, kulang ang isang araw to enumerate them.

    ReplyDelete
  30. naluha ako sa post mo. naalala ko yung mother mo...miss ko na siya. gusto ko siyang mayakap.....layo kasi eh!

    happy mothers day po sa mother niyo...

    ReplyDelete
  31. This post touched my heart! Thanks! Happy Mother's Day!

    ReplyDelete
  32. @ poging (ilo)CANO

    Maraming salamat for being here with me on this Mother's Day.

    @ Millionaire@age20

    I am humbled by your presence, Happy mother's Day too.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails