Tuesday, June 16, 2009

HINDI PA RIN AKO SANAY




Maka-ilang beses ng kami nagpa-alam sa isa't isa, di mabilang na yakap, halik at bulong ng pamamaalam. Isang ritwal sa aming mag-asawa tuwing dumarating ang panahon na kailangan syang umuwi sa Pilipinas upang magbakasyon at tugunin ang responsibilidad bilang ina sa aming bunsong anak.

Sa paulit ulit naming ginagawa ito, ang pag-uwi nya ng dalawang beses sa loob ng isang taon, marami akong nakasanayan sa pagsapit ng ganitong sitwasyon.

Sanay na ako na asikasuhin ang kanyang mga airline ticket, pagpapa-book, kung anong available flights ayon sa aming napagkakasunduan, pati ang lugar na kanyang uupuan.

Sanay na ako na nag-aasikaso sa mga kanyang iuuwing pasalubong. Simula sa Ferrero chocolates, Kellogs, sabon, toothpaste, shampoo, lotions, kape at iba pang groceries na nasa listahan, kasama ako sa pamimili nito.

Sanay na ako na nag-aayos ng kanyang mga pasalubong sa loob ng karton bilang kanyang bagahe na iuuwi. Sinisigurong maayos ang pagkakasalansan at hindi kumakalog sa loob ng kahon, husto ang timbang nito ayon sa airline regulations, isinasara ang bagahe at binabalutan ng packaging tape, nilalagyan ng kumpletong pangalan at destinasyon at tinatalian ito kung kinakailangan.

Sanay na ako na naghahatid sa airport, mula sa sa check-in counter hanggang immigration gate para siguruhin na walang aberya ang aking asawa sa kanyang bagahe at boarding pass.

Sanay na akong yakapin sya, magpaalam at mag-iwan ng mga salitang "Ingat ka sa byahe", " I love you Ma" at "Huwag mong pababayaan ang sarili mo", mga pangungusap na ilang ulit na naming pinagsasaluhan sa airport.

Sanay na ako na sa huling mga minuto bago sya sumakay ng eroplano ay tinatawagan ko sya mula sa kanyang selpon para siguruhin ang kanyang kaayusan sa paglalakbay at para malaman din nya na ayos lang din ako.

Pero ang katutohanan, kahit kailan, hindi nasanay ang aking puso't damdamin sa kalungkutan na hatid ng aming pamamaalam. Hindi pa rin nasanay ang aking isip na sa tuwing kanyang pag-alis, ramdam ko ang lungkot na unti-unting bumabalot sa aking pag-iisa.

Sa darating na dalawang buwan at kalahati, kailangang sanayain kong muli ang aking sarili na harapin ang hamon ng pag-iisa.

Sa loob ng labing pitong taon ko bilang OFW, dahil muli kong naramdaman ang haplos ng kalungkutan, napatunayan kong hindi pa rin ako sanay sa pag-iisa.

Ikaw kaibigan sanay ka na bang nag-iisa?

(Ang larawan ng "sungka" ay likhang sining ni Tobag mula sa flickr.com)

20 comments:

  1. hmmmm... emo ah... libangin niyo na lang ang sarili mo sa paglalaro ng tennis o badminto o pagbabasa o yong mga hilig mo para kahit papaano hindi ka malulungkot... babalik din yon!

    :)

    ReplyDelete
  2. wow, napahanga ako dito...bihira kc ang nagsasabi ng totoong nararamdaman lalo n sa mga ganitong bagay kc nga lalake ka...

    nakuha mo ang loob ko at paghanga.

    gudluck!

    ReplyDelete
  3. kailangan mong magtiis kuya...

    2 1/2 months na ikaw ang magluluto at maglalaba... (in case wala kang kasambahay)
    2 1/2 months na wala kang katabi pagtulog (unan na lang muna kuya)
    2 1/2 months na walang magtitimpla ng kape mo (nabasa ko nagkakape ka... black... kay kuya abe na site, hehehehehe)
    2 1/2 months na wala kang aasarin, kukulitin, haharutin, lalambingin (sad!)
    2 1/2 months kang mag-ooverseas calls! (pustahan tayo!)

    makakaya mo yan... tibay ng loob lang at dasal kuya. basta para sa pamilya... LAHAT MAKAKAYA!!!

    ReplyDelete
  4. 'Alang hiya! Dyan ako hanga sayo Pope. Hanggang ngayon nasa "honeymoon stage" pa rin kayo ng mrs mo.

    Kung sabagay, ang mga bata, paglaki nila, kanya kanyang lakad na ang mga yan. Ang maiiwan sa piling mo sa pag tanda ay yung pinangako-an mo sa harap ng altar.

    ReplyDelete
  5. @ MarcoPaolo

    Tamang emo nga, hahahaha, ngaun ko lang na-realize. Matagal na akong nahinto sa paglalaro ng tennis at hindi ko nasubukan ang badminton dahil walang badminton courts dito. Pipilitin kong libangin ang sarili ko sa pagtugtog ng aking gitara at paglalakbay sa daigdig ng blogsphere.

    Salamat sa mga makabuluhang payo.

    @ Bhing

    Minsan mahirap itago ang tunay na damdamin, dahil ang kalungkutan ay walang pinipiling kasarian, oras, lugar at panahon.

    Salamat sa papuri.

    @ A-Z-E-L

    Tama lahat ng nabanggit mo at salamat naghatid ka ng kasiyahan sa aking mapanglaw na umaga, hindi ako puedeng makipagpustahan sa iyo, dahil panalo lahat ng iyong sinabi.

    Pero mas panalo kung makikita ko na nakapagsumite ka ng entry sa PEBA 2009.

    Siguradong walang kalungkutan na madadama.

    Maraming salamat sa mga ginintuang payo.

    ReplyDelete
  6. Kuya, si kuya kenji ang tanungin mo bat hindi ako makasali sa PEBA. lumitaw na daw po kase ang pangalan ko sa ABOUT tab ng PEBA site... hehehehe!

    ung entry mo... un ang hinihintay ko.. para-ma-assess ko na at check-kan!!! hehehehe!

    ReplyDelete
  7. awww...
    nalungkot naman ako dun..:(

    di bale..
    matapos ang 2 1/2 months..magbblik ang iyong asawa at muli mong makakapiling..

    ReplyDelete
  8. VERY EMOTIONAL!

    Para sa pag iisa, the solution is widening out. Even my cats needs company, humans pa kaya?

    Sana sabay na lng kayo uwi para masaya, hindi ba pwede yun sa bossing?

    ReplyDelete
  9. kakainggit naman po..
    kakainggit the realtionship u have.
    sabi nga poh ni kuya ed, nasa honeymoon stage pa rin kayo ni Mrs. Pope until now...

    u have 2 1/2 months para magprepare sa kanyang muling pagbabalik.. hehehe..
    sandali lang po yan.. before u know it pabalik na sya jan..
    sa tanong mo naman poh, ang sagot ko? isang walng kagatol-gatol na: "oo"
    ingat poh.. Godbless

    ReplyDelete
  10. @ BlogusVox

    Hahahaha, may kasabihan nga, ang alak habang tumatagal ay lalong sumasarap ang lasa, kaya't kami ni Mrs. Pope kahit amoy alak na,lalong sumasarap ang aming panlasa sa isa't isa.

    @ A-Z-E-L

    Gaun ba, nasa "About" tab ka na? Mukhang wala na ngang about-face iyon pero di bale, "santapayan" grace naman ang paglilingkod sa PEBA.

    Entry ko? Hahahaha, hayaan mo "in God's time" it will be delivered to your doorstep".

    @ EǝʞsuǝJ

    Yes, you are right, mabilis naman ang mga araw, magpaka-abala lang ako sa blogs sa susunod na 2 1/2 months habang naghihintay ng kanyang pagbabalik.

    A blessed Tuesday morning.

    ReplyDelete
  11. Hehehehehehehe... pinapakita lang talaga dito na hindi nabawasan ang pagmamahal mo sa kanya! Good for you and for her as well... kelan ba ang anniversary?! jijijijijijiji

    ReplyDelete
  12. Talagang nasanay na kayong palaging nakakasama ang inyong asawa. Hindi ako makapaniwalang sa loob ng 2 and a half months na malalayo kayo sa isa't-isa, nalulungkot pa rin kayo. Paano na kaya 'yong mga mag-asawang hindi nagkakasama sa loob ng isa o dalawang taon (o mahigit pa) dahil nasa ibang bansa ang isa sa kanila?! Tsk, tsk, tsk!

    16 months na akong literal na nag-iisa sa tinitirhan ko, pero hindi ko pa rin alam kung sanay na akong mag-isa. Malalaman ko ang sagot kapag nag-asawa na ako.

    ReplyDelete
  13. waaah, ang sweet naman nito Pope...hindi mo kelangang masanay...babalik yun,hehehe

    ReplyDelete
  14. @ Francesca

    Isang karangalan sa akin na iyong mabisita mula sa malayong lupain ng Pransya.

    Tama ka, I have to reach out, may good news ako, bukas magkakaruon na naman ako ng bagong aso dito.

    Right now, hindi mag-match ang schedules namin sa vacation, maybe next year we can work it out sa aming mga employers. \last time na magkasabay kaming umuwi was December 2007.

    @ YanaH

    Thanks for being here, after 2 decades of our marriage, at this point in time, mas matibay ang aming relationship, and I might say na we are always on a "honeymoon| stage, wala sigurong katapusan ang pag-e-explore ng ways to express you love and affection sa asawa.

    @ I am Xprosaic



    So many special occasions in our lives na darating sa 2 1/2 months na ipagdiriwang mo ng mag-isa, Fathers Day at B-day ni Mrs. Pope ngaung June, Wedding Anniversary namin sa July at birthday ko sa August.

    @ RJ

    Reality bites sa unang mga araw, but I am sure that I can get over it after a week I guess. For 17 years ko sa abroad, I was living all alone and it took me 10 years bago ko nadala sila dito sa Doha.

    Now that my daughter is in Manila, we have to alternately arrange for our vacation para makasamahan sya doon, last time magkasama kaming umuwi was Dec 2007. Baka this Xmas anak ko naman ang pupunta ulit dito.

    Mahirap ang mawalay sa asawa at anak, it is easier said na "kakayanin" but the feeling deep inside cuts like a knife.

    @ DETH

    I love those soothing words:

    "hindi mo kelangang masanay..." that's more than enough for an assurance.

    God bless you.

    ReplyDelete
  15. Nakaklungkot nga yan tol..kaya ako hindi ko kayang umalis ng Bansa..dahil ako hindi sanay maiwanan ang mga mahal ko sa buhay...kung masakit at mahirap ang iwanan, mas mahirap din ang mang-iwan...

    ReplyDelete
  16. Ang ganda ng post na to! I'm sure matutuwa ang misis mo pag nabasa nya ito. Twice a year lang pala kayo nagkikita? Ang lungkot naman... yan na yata ang isa sa mga pinaka mahirap na challenges sa pagtatrabaho abroad.
    Hanga ako sa inyo kase natutunan nyo nang tiisin yan.

    ReplyDelete
  17. @ Mokong™

    The biggest trial in life ng isang OFW is facing homesickness, iyong malayo ka sa family mo, sa magulang, kapatid, asawa at anak.

    @ Garando

    Salamat sa papuri Mr. G, actually umiyak sya kanina ng mabasa nya ang post ko, tears of joy for knowing how much I love her. Being separated from your family is the biggest trial in life that Migrant Workers faces in their daily lives.

    A blessed evening to you and your family.

    ReplyDelete
  18. ang galing naman nun.

    enge naman ng ferrero,pngreregalo ko,lols

    ako poy sanay na nag-iisa dahil loner ako,walang ngmamahal sa katulad ko,haha biro lang yun

    Bon voyage sa iyong misis Pope,kayo po kelan kayo uuwi?pasalubong din ha...hehe salamat. :)

    ReplyDelete
  19. @ HARI NG SABLAY

    Ferrero chocolates ang laging bilin ng anak ko kapag umuuwi kami.

    Hindi ako makakauwi, December pa ang leave forecast ko.

    Maraming salamat sa iyo kaibigan sa iyong pagdalaw.

    ReplyDelete
  20. Kuya the pope kaya mo po yan... for sure you will get in touch with then daily so what is 2.5 months? lilipas un ng mabilis, di mapapansin kung araw araw naman silang kausap.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails