Paunawa, kung kayo ay madaling magalit at may sakit sa puso, o ayaw magkasala at ayaw makapagsalita ng masakit sa kapwa, huwag na po ninyong i-click o pindutin sa pamamagitan ng mouse ang larawan sa itaas dahil ito ay maghahatid sa inyo sa nakalathalang panulat na tumutuligsa sa pagkatao ng mga Migranteng Pilipino / OFW. Sa mga bata, gabay ng matatanda ang kailangan.
"Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran." (Ikatlong Kartilya sa Kodigo ng Aral ng mga Katipunan na likha ni Emilio Jacinto)
Hindi ko hinihingi na kaming OFW ay tawaging "Bagong Bayani", subalit nagpapasalamat ako sa pamahalaan dahil nirerespeto nila kami bilang OFW, ikaw Mike may respeto ka ba sa kapwa Pilipino OFW?
Hindi ko kasalanan at ng mga OFW kung maubos ang mga propesyunal sa Pilipinas, dahil si Pangulong Gloria mismo ay nakikipagkasundo sa mg lider ng Gitnang Silangan, Amerika at Europa na sa Pilipinas sila kumuha mga professional workers para sa kanilang mga kailangang migrant workers, ikaw Mike propesyunal ka rin ba at mas pinili mong manatili sa Pilipinas dahil gusto mo itong ibahagi ang iyong kaalaman sa ating bayan? Kung OO, ikaw ang dapat kong tawaging bayani, dapat ipaalam ito kay Pangulong Gloria.
Hindi ko kasalanan at ng mga OFW kung sa ibang bansa namin matagpuan ang mas malaking sahod upang maitaguyod namin ang aming mga pangarap para sa aming mga pamilya. Huwag mong isisi sa amin kung kami ay nagmukhang pera, tulad ng pagkukulang ng pamahalaan na mabigyan kami ng sapat na oportunidad upang magkaruon ng marangal na trabaho at maayos na sweldo, ikaw Mike may solusyon ka ba sa mataas na antas ng unemployment sa Pilipinas para hindi na kami mangibang bansa?
Hindi ko kasalanan at ng mga OFW kung may ilan na "nagpapa-alipin" sa ibang lahi kapalit ang malaking sweldo, isang human instinct para sa magulang na kahit buhay ay ibubuwis para lang sa kinabukasan ng kanyang mga anak, ikaw Mike, may sarili ka bang pamilya at nauunawaan mo ba ang halaga ng pagsasakripisyo para sa pamilya?
Hindi ko pinangarap at ng mga OFW na tumaas ang dolyares upang makinabang kami sa malaking palitan ng peso, sa halip hinihingi namin na sana manatili ang dolyar sa kanyang kasalukuyang antas at ang mga presyo ng bilihin ang dapat bumaba, hindi kami produkto ng lumang kaisipan dahil may alam naman kami sa prinsipyo ng ekonomiya, ikaw Mike, yan ba ang turo sa iyo sa iskwela?
Sa loob ng 17 taon ko bilang OFW, nasakssihan ko ang mga pagtitis ng bawat OFW na makasalamuha ko para maitaguyod ang kanilang pamilya, tutuo - mukha kaming pera kaya kami naririto, bagay na naging mailap sa amin ng kami ay nagsilbi sa mga Pilipinong kapitalista at mamumuhunan sa Pilipinas.
Anim na taon akong namuno bilang Pangulo ng Unyon bago lumisan sa ating Bayan. Isa ako sa mga nanindigan para sa karapatan ng Mangagawang Pilipino. Dumalo ako sa ILO-Asia and Pacific Conference upang iparating ang tinig ng Mangagawang Pilipino. Nasaksihan ko kung paano alipustahin, lokohin, apihin at argabyaduhin ng mga PILIPINONG KAPITALISTA at MAMUMUHUNAN ang mga pobreng mangagawang Pilipino, Nasaksihan ko ang pagasasamantala ng mga mayayamang negosyante sa mga pobreng manggagawa, ikaw Mike, nakiisa ka ba sa mga pobreng mangagawa? Nanindigan ka ba sa mga mangagawang Pilipino o kampi ka sa mga mapang-aping negosyanteng Pilipino?
Hindi mo nga siguro kailangan mag-abroad at kumita, sa iyong pananalita hindi ka nakaramdam ng pagkagutom, hindi mo alintana ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado, hindi mo inaalala kung saan kukuha ng pang matrikula ang kapatid at anak para sa iskwela, hindi mo problema ang pera para may ipampagamot sa kapamilya at kamag-anak sa Pilipinas. May sapat kang trabaho ay maayos na kita, baka wala kang kapamilya o kamag-anak na umaasa sa iyo, mapalad ka di tulad naming mga naghihikahos sa kahirapan kaya kami tumulak para mangibang bayan.
Lahat tayo ay nabubuhay sa malayang pagpapahayag, subalit dapat ito ay naaayon sa katotohanan at makatarungan, hindi mapanghusga at hindi makakasakit sa damdamin ng nakararaming mambabasa.
Idinadalangin ko sa Maykapal na nawa'y haplusin Niya ang iyong puso upang madama mo ang tunay na halaga ng aming pagtitiis at damdamin ng mga OFW at ng aming pamilyang naiwan sa Pilipinas.
Hindi kami humihingi ng awa, kahilingan lang namin ay pag-unawa, igalang natin ang damdamin ng lahat ng Mangagawang Pilipino, Pinoy Expats at OFW.
nabasa ko po yung article niya. Tulad nga nung sinabi ko sa kanya, may punto rin siya, yuun nga lang, may mas maganda pang paraan ng paghahatid ng mensahe. Para sa mga ofw, bayani kayo! Hindi man para sa bayan tulad ng iniisip ng iba, pero para sa mga pamilya ninyo, bayani kayo.
ReplyDeleteAng pagsusulat ay may kaakibat na responsibilidad...Opinyon mo yan Mike, rerespetuhin namin pero kung sasagasaan mo rin lang kami sa bawat opinyon mo, di kami ganun kaliit para ipagsa walang bahala na lang ang lahat...
ReplyDeletetinig ng pakikiisa bilang OFW... sa bawat opinion ntin dpt naiisip dn ntin kung ano ang magiging impact sa kapwa. bawat isa may katungkulan n ibahagi ang pananaw sa mgndang pamamaraan...
ReplyDeletenakikiisa...
may post dn po ako...
Hindi ako OFW at wala akong balak mag-work abroad...hindi dahil sa ayokong kumita ng pera kumpara sa kinikita ko dito..at hindi para iwan ang mahal ko sa buhay..kundi gusto ko lang i-enjoy ang buhay ko kasama ang pamilya ko, ayokong masayang ang ilang taon ng hindi sila kasama...yan ang kahinaan ko!
ReplyDeletepero malaki ang paghanga ko sa tulad ninyo Pope...nakaya nyong gawin ang lahat ng sakripisyong iyan...saludo ako sa mga OFW, saludo ako sa iyo POPE!
Ganun na ba ka Anti-OFW ang isang blogger para magsulat ng ganun?..
ReplyDeleteThe thingis maraming nasagasaan at nagpaapekto ng sobra.. Kung nagkamali man sya, pati ba respeto nawala na sa kapwa natin?
Dylan Dimaubusan
Respeto? Sana nirespeto nya muna kami bago mo sabihing irespeto namin ang opinyon nya...
ReplyDeleteNaapektuhan kami dahil kaming mga OFW ang nasa Artikulong nasulat nya, at hindi kayo...
Sana lang, hindi nyo maranasan ang nararanasan namin..
nakakalungkot na may mga kababayan tayong hindi naiintindihan ang pagsasakripisyo ng mga migranteng Filipino...
ReplyDeletesalamat sa napakagandang banner na iyan...
ReplyDeletesa banner pa lamang ay may tinig na... ang lahat ng iyong tinuran ay nagpalakas pa sa tinig nating mga OFW.
marahil hindi naiintindihan ng mga nasa Pilipinas ang ating nararamdaman. wag nilang hintaying sila naman ang masagasaan ng mga sulatin ng blogerong iyan... aabangan ko kung paano nila haharapin ang mapanghusgang salita at kakayaning respetuhin pa rin ang may akda...
salamat The Pope sa pakikiisa...
Maraming salamat sa pakikiisa kuya!
ReplyDeleteTunay ngang one-sided ang ginawa niyang akda.
Wala siya sa posisyon upang alipustahin ng ganun-ganun na lamang ang OFW dahil una sa lahat, hindi niya alam ang hirap at sakit na dinaranas natin dito. Kumita lamang tayo ng PERA. Hindi niya tayo minura, subalit mas matindi pa sa hagupit ng latigo ang mga salitang binitiwan niya sa kanyang pitak....
slamat po muli sa pakikiisa!:D
go pope! *thumbs up*
ReplyDeletemalaki ang sakripisyo namin mga OFW sana ay wag nang dagdagan pa ng mga di magandang side comment. dahil kung di nyo rin matustusan ang needs namin ay be careful na lang sa paghahatid ng mga salita. Please Mr. M be responsible. Blogs should bring hope and joy for our readers lalo na sa mga malayo sa family.
ReplyDeleteAlthough we know na pampaluag loob lang ang salitang New Hero KAMI. Facing the facts that we contributes to our economy.
Nice follow up article bro!
I have said my piece The Pope, you along with others said theirs too. I am profoundly grateful for the many men and women who stand up and courageously express their feelings and right. You cannot lift other people unless you are standing on a higher ground. I guess, stuck in a muddy pit, people through messy things and stuff to others, and other have the right to clean themselves and leave from those mean and dispirited individuals.
ReplyDeleteAng masakit kasi yung kapwa mo Pilipino, yun pa ang mang-aalipusta sayo dahil meron kang marangal na trabaho sa ibang bansa. HIndi maintindihan ang sakripisyo mo, siguro dahil nabubuhay lang sa "fiction" at hindi sa "reality" ng buhay.
ReplyDeleteIsa lang masasabi ko, kung gusto nya na i-respeto sya ng mga tao, lalo na ng mga OFW. Umpisahan muna nya na ipakita sa sarili nya na karespe-respeto sya. Kung nawala ang respeto ng tao sayo dahil sa pagkakamali mo, itama mo muna yon, bago ka umasa na irerespeto ka nila muli. Kaya lang, mas madali yata magpatawad kaysa maibalik ang tiwala at respeto.
nice one!
ReplyDeletepero ok na yun sisikat lang yan!
Do you want to work at home? Earn money for daily living without a boss. This is the right online job for you. For online support add me on my facebook account: facebook.com/niko.neal or text me on my cellphone number: 09062266719 for more info visit our website: http://www.unemployedpinoys.com
ReplyDelete