ISANG LIHAM PARA KAY AMA
Mahal Kong Ama,
Kamusta na Po Kayo?
Halos walong taong gulang po ako ng iyong iniwan, nagsisimula pa lamang akong matutong magbilang at magbasa ng abakada.
Aking naaalala, lagi kong pinananabikan ang iyong pagdating, mula sa nakapapagod na trabaho sa San Juan Del Monte. Bitbit ko ang inyong sinelas, mula sa kapis na bintana ako'y matyagang naka-abang, ang iyong pag-uwi sa hapon ay aking laging pinananabikan.
Aking natatandaan, tuwing sumasapit ang a-kinse at katapusan, ice cream na nasa latang sisidlan at ensaymada na may ginadgad na keso at itlog na pula ang sa amin ni Ina at Ate iyong laging pasalubong at ito'y masaya nating pinagsasaluhan.
Subalit di ko po matandaan ang inyong tinig, dahil kayo'y masyadong tahimik subali't ang aking naalala ang iyong maamong mukha at ang iyong matamis na ngiti.
Sayang nga lamang at masyadong maikli ang ating pinagsamahan. Hindi mo ako nakita ng matutong magbisikleta at narinig man lamang ang aking pagkalabit ng gitara.
Nagmadali ka at hindi mo natunghayan ang aking payak pa pagtatapos sa iskwela, diploma ko sana ikaw ang unang nakakita.
Nagtampo pa ako sa iyo nuon, dahil si Ina ay iyo pang sinundo at isinama, subali't napagtanto kong lahat ng ito'y hindi mo kagustuhan.
Dahil tanging Dyos lamang ang nakakaalam kung kailan ka mamamaalam sa mundong ating ginagalawan. Dahil lahat ng bagay ay nasusulat at lahat ng nasusulat ay magaganap.
Saan ka man ngaun Ama, nais kong magpasalamat, sa maikling panahon na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal, ako ay iyong pinaligaya ng ipadama mo sa akin ang pagmamahal ng isang tunay na Ama.
Alam kong masaya ka sa piling ni Ina, sa malayang kaharian na walang ng sakit at gutom na nadarama. Ikaw ay laging kong inaalala tulad rin ni Ina, sa lumipas na halos limang dekada, nagpupugay ako sa iyo bilang isang ulirang Ama.
HAPPY FATHER'S DAY!
Laging nagmamahal,
Ang iyong anak.
HAPPY FATHERS DAY sa iyo THE POPE at sa iyong AMA..
ReplyDeleteaww..nakakatats naman...
ReplyDeletehappy father's day syo kuya at sa aking ama..
at sa lahat ng ama sa buong mundo...:D
[Naalala ko rin tuloy ang aking namayapang ama.]
ReplyDeleteHappy Father's Day, The Pope! (,"o
tumatagos sa puso ang bawat bitaw niyo ng salita. Happy father's Day sa da best na mga tatay!
ReplyDeleteCute nung bata hehehe kaso wala akong pangbarya sa kanya eh...Nice post..Happy Fathers Day po sa iyo at sa inyong mga mababait na AMA...Godbless you all...
ReplyDeleteMalamang masayang masaya ngayong father's day ang iyong ama dahil sa sobrang kaka-touch ng likam mo..happy father's day tol...
ReplyDeleteHappy Father's Day!
ReplyDeleteGod Bless!
Pope naluha naman ako sa munting sulat na iyon...for sure kung asan man sila ngayon at proud sila sayo Pope at ginagabayan ka nila upang maging isang mabuting ama.
ReplyDeleteHappy Father's Day Pope!
Nice! Happy father's day to you pope! You surely made your father proud! soar high!
ReplyDeleteHAPPY FATHER'S DAy Kaibigang Pope at sa Lahat ng mga ama..Sa ama ko na rin na 5 taon na ding wala sa aming piling..Kung saan ka man ngayon, nandito ka pa rin sa puso ko..
ReplyDeleteAng ganda ng iyong liham... Maligayang araw ng mga ama!!
ReplyDeletehapi paders day sayo at sayong erpats.
ReplyDeletekakatas naman...nakakamiss.. hay...
Happy father's day, Pope! :)
ReplyDelete"dapat kong mabati si pope!" -chennn :)
ReplyDeletehappy father's day pope!
saludo po ako sa inyo!
more blessings, more guidance from above..
tingin lang sa langit, ang ganda ng buhay.. ^_^
This is a very touching letter. I shed a few tears kasi wala na rin akong ama, he left Mom and us when I was six. I wonder what would have happened if he didn't. God has a purpose in everything.
ReplyDeleteHappy Dad's Day to one of the best dad in the Blogosphere!
Maligayang Kaarawan ng mga Tatay, Pope!
ReplyDeletepards..hapi tatay day..ayos sa sulat para kay ama.galing! gwapo tayo ngayon.:)
ReplyDeletebro, happy father's day! Ganuun din sa mga ama natin na alam natin na kasama na sila ng ating Panginoon.
ReplyDeleteHave a nice day bro!