Muling nagliwanag ang mga lansangan sa buong Kamaynilaan, sa kahabaan ng mga kalye sa EDSA, Cubao hanggang Ayala, mga kumukuti-kutitap na parol at Christmas lights, mga gayak na nagsasabing Maligayang Pasko sa bawa’t Pilipino, nagbibigay pag-asa sa puso ng bawa’t nananampalataya.
Subalit sa Doha ang kapaskuhan ay isang ordinaryong araw, walang parol o Christmas Tree, at sa ibang karatig bansa ng Gitnang Silangan ay ipinagbabawal sa mga banyaga ang hayagang pagdiriwang ng kapaskuhan sa mga pampublikong lugar.
Pero hindi ito hadlang sa aming mga OFW, tulad ng mga mamimili sa Divisorya, kami ay abala rin sa paglilista ng mga pamimilihing regalo, pasalubong o isasama sa balikbayan box na ipapadala bilang package sa aming pamilya sa Pilipinas.
"Hello Inay, magpapadala po ako ng package sa inyo bago sumapit ang Pasko, ano po ba ang mga ipagbibilin ninyo para maipasama ko sa kahon? Ano po ba ang sukat ng paa ni Kuya? Magpapadala rin ako ng pera para sa inyong pang Noche Buena. Huwag po kayong mag-alala, ayos po naman ako dito, kayo po ang mahalaga tuwing Pasko."
Pamilyar ba ang linyang ito sa inyo?
Hindi talaga mababayaran ang kasiyahan ng Paskong Pilipino, kaya nga ang bawa’t OFW na tulad ko ay taun-taon na lang na nangangarap na makauwi ng Pilipinas, pero tulad ng nakararaming OFW, hanggang pangarap lang rin ako ngayon dahil may mga bagay na dapat isakripisyo alang alang sa katuparan ng aming mga munting pangarap sa buhay, at pinili ko pansamantala na sa kapaskuhang darating ako’y mamamalagi sa bansang banyaga. At muling makakasama ko ang di mabilang na OFW na magkakasya na lamang sa internet at telepono sa pagbati sa inyo ng Maligayang Pasko.
Pero sa haba ng panahong iginugol ko bilang OFW, aking nasaksihan ang mga mapapalad na OFW na umuuwi tuwing Pasko. Nakakainggit pagmasdan ang di masukat na kaligayahan at kalituhan sa pamimili ng pasalubong, mula laruan, toothpaste, kape, fruit cocktails at TV na kanilang iniuuwing pasalubong sa kanilang mga mahal sa buhay.
Lalong nakatutuwa ang kanilang pagbabalik makatapos ang mahabang bakasyon mula Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas at tiyak mamamangha ka sa kanilang palagiang kinukwento:
“Ayoko ng umuwi ng Pasko, grabe ang gastos, naubos lahat ng dala kong pera, nasaid ang ipon ko at nagkautang pa ako. Ayoko na talagang ng umuwi ng Pasko.”Pero pagmasdan mo, yung narinigan mo ng mga salitang iyan nung nakaraang taon ngayu'y heto na naman sila at di na naman magkandatuto sa pamimili ng pasalubong dahil muli na naman silang uuwi sa Pilipinas para ipagdiwang ang kapaskuhan sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay.
Iba kasi ang Paskong Pinoy, nakaka-adik! Makatotohanan nga ang nilalamang pasakalye sa awiting Manila ng bandang Hotdog:
“Maraming beses na kitang nilayasan, iniwanan na at ibang pinuntahan.
Parang babaeng kay hirap mo namang malimutan, ikaw lamang ang aking binabalik-balikan.”
Sino nga bang di maaadik sa puto bumbong at bibingka. Isama mo pa ang karoling ng mga bata sa lansangan na kadalasan kasama pa ang iyong anak na bitbit ang pinitpit na tansan. Idagdag pa natin ang Simbang Gabi at ang mga mapanuksong Tiangge at Xmas Bazaar. Ang peryahan sa bayan lalo pa’t ngaun gaganapin ang patimplalak ng PEBA kung saan di mabilang na sorpresa’t regalong naghihintay sa mga dadalo.
At higit sa lahat ang pagbibigay ng mga aginaldo sa mga inaanak, kay Lolo at Lola, kay Ama at Ina, kay Kuya at Ate, at sa inyong mahal na asawa, kung ika’y binata o dalaga’y maghahanap ka na ng syota na reregaluhan sa Kapaskuhan.
Sa katulad naming maiiwan sa Gitnang Silangan, makikibahagi na lamang kami sa inyong mga kwento at larawan, pipilitin na lang naming maging abala sa mga araw ng Kapaskuhan upang maiwasan ang kalungkutang magbibigay daan sa muling pagpatak ng mga luha sa aming mga mata sa tuwing naalala ang kapaskuhan, at minsan ay di sinasadya kapag nakaririnig ng awiting Pamasko mula sa kalapit kwarto o mula sa radyo ay biglang naalala ko kayo, dahil miss ko kayo tuwing Pasko.
Sana miss mo rin ako…
Photo grabbed from flickr.com
Uploaded by Kris Carlos
haay....punas..punas ng mata...huhuhu..iyak na tlaga ako wahhhh...miss ko na mama at mga kapatid ko pati narin mga kaberks ko..salo-salo tuwing pasko... naka 3 pasko na ako dito di pa ako nakakauwi mula ng dumating ako dito...haay....
ReplyDelete@ iya_khin
ReplyDeleteSori ha if I have made you cry, being an OFW is the greatest sacrifice that a Filipino can offer to his/her family. Tulad mo, di mabilang ang mga mahahalagang okasyon, berdey, grauduation, at mga anibersary ng mga kapamilya na di natin nadaluhan sa pagiging OF.
Di ka nag-iisa sa pagsasakrapisyo, kabilang ka sa 12M Pinoys na nasa iba't ibang bahagi ng mundo na ngayon ay tinatawag na Bagong Bayani ng ating bansa.
God bless you and your family.
very nice article. sad talaga and soon ma exprience ko na din ang kalungkutan sa ibang lupalop ng mundo :(
ReplyDelete@ Arlini
ReplyDeleteThis Christmas, let us not dwell on the pain of being separated with our love ones but rather let us look upon the message of Christmas which is about Faith, Hope Sacrifice and Love, the same reason why exists as an OFW for our family, for our country and for the glory of God the Almighty.
Life is Beautiful, Keep on Believing.
"Sana miss mo rin ako..."
ReplyDeleteWala akong masabi pre
@ Lord CM
ReplyDeleteMaraming tayong ma-mi-miss tao ngaung Pasko, pamilya, Simbang Gabi, Tiangge, higit sa lahat ang PEBA, isang once a year chance na ma-meet ang mga tunay na tao na nakasama natin sa kalungkutan at kasiyahan at kakulitan sa malawak na daigdig ng sapot.
Waaaa nakakaiyak naman nahomesick na naman ako. Miss ko na ang puto bungbong at bibingka sa tin, 2x palang ako nakauwi ng dec sa atin since I lived in the US, iba talaga ang simoy ng hangin pag dec sa tin. Magastos pero iba ang saya yun ang di masusuklian.
ReplyDeleteUna kong binasa ang mga comments bago ang post. Nagtataka ako kung bakit naiiyak o napapaluha raw ang mga nag-comment. Sabi ko, kung Pasko lang ang usapan, sanay na akong wala sa amin simula pa noong 2001.
ReplyDeletePero, huh! Ang panghuling talata nitong entry, may kakaibang impact sa puso't isipan ko! Napaluha ako. =,{
sinabi na nilang lahat...
ReplyDeletepero ang alam ko pag Pasko family reunion namin. masaya. may games. may exchange gifts. may party. may inuman. umuulan ng pera. may picture taking kada family. may color coding kada pamilya. may program. pagalingang sumayaw at kumanta. madaming premyo... masaya...
taon-taon kaming ganyan... 2 taon na akong nanonood online ng party namin. kailan ko kaya muli makakasama ang pamilya ko sa araw ng pasko?
19 months na akong walang uwian! nakakahomesick na talaga! :(
@ Sardonyx
ReplyDeleteFor the last 17 years ko as OFW, around 8 times na akong nakauwi ng Xmas, the rest were during summer, last Xmas ko was 2007.
I agree, magastos, pero tutuo ang kasabihan, di kayang bayaran ng pera ang kasiyahang dulot ng pagbabakasyon sa Pilipinas lalo pa't kasama ang buong pamilya sa mga tradisyonal na pagdiriwang tulad ng Pasko at mga fiesta.
@ RJ
Pasensya na Doc, I am trying to experiment on some blogging styles to test my literary skills to its limit, adding some twists to contemplate and reflect upon.
Thank you for believing.
@ A-Z-E-L
I find that HOMESICK word so frightening on my first 2 years abroad, it's like a flu virus that hits every Global Filipinos irregardless of faith, sex and age and location, and when it hits you it hits you without warning, it is faceless and withoout a clue.
Faith and prayers, company of good friends and constant communications with the family from home and FB applications & games (hahaha) can shake that virus off from you.
Happy weekend kiddo.
awww Pope, last year first time ko magpasko na hindi kasama ang pamilya ko, umiyak talaga ko, nung tumawag kame sa bahay...
ReplyDeletetradisyon kase samin, nasa gitna nung compound yung bahay ng lolo at lola ko so sa labas ng bahay nila maglalagay dun ng malaking table tapos dun namin dadalhin lahat ng food den party na...tumawag kame at pinagpasapasahan nila lahat yung phone, grabe sobrang nakakamiss...ngayong Pasko waaah, mukhang ganun na naman...pero tulad nga ng sinabi mo hindi pa rin mawawala yung totoong essence ng Pasko:D
Ang masasabi ko lang kapuso ka man o kapamilya, ang mhalaga ay ang pinakamahalagang pagpapahalaga sa araw ng kapaskuhan at iyon eh ang tunay na diwa ng ating ipingdiriwang ang pasalamatan cia na sa kanyang pagsilang nagmula ang ating pagpapala...kumpleto man o hindi ang pamilya ang pasko'y araw-araw mong mararamdaman sa iyong dalisay na puso....Maligayang pagbati ng panibagong pasko ng puso....
ReplyDeleteTulad mo rin hangad ko na aking Pasko ay sa Pinas, subalit sa apat na taong pamamalagi sa ibang bansa, nakasanayan na ipagdaos ito na di kapiling ang pamilya at kaibigan. Pamagat ganito, hindi pa rin nawawala ang tunay na kahulugan ng Kapaskuhan sa ating mga Pinoy - magpasalamat sa biyayang bigay ng Maykapal, mapagbigay at magpatawad sa kapwa, at higit sa lahat ay maging maligaya!
ReplyDeletetxs for visiting me again pope (sana makabalik ka)..and txs too for sharing this wonderful thoughts mean for pinoy like us who've been longing and dreaming to be home during happy days)..
ReplyDeleteit does mirror us..the true us...rgds.
first time kong magpapasko dito sa gitnang silangan.di pa man pasko ay nakakaramdam na ako ng matinding lungkot.hinahanap hanap ko kasi ang pagtatayo ng maliit ngunit cute naming christmas tree, ang mga maiilaw na christmas lights, ang mga sintunado pero nakakaaliw na mga bata na nagungulit araw araw para humingi ng aginaldo..hayy..kung pwede lang po sanang isama ang pamilya ko dito kahit sa loob lamang ng 24 oras sa araw ng pasko...isasama ko..
ReplyDeletenapadaan po lang pope.matagal na po akong lurker ng blog nyo pero ngayon lang po ako nag iwan ng komento.di ko na po kasi matiis ang lungkot na nararamdaman ko e.
senysa na at dito pa ako nagdrama..hihi..=D