Sa pagwawakas ng teleseryeng May Bukas Pa ngayong gabi, ito ay nag-iwan sa mga tagasubaybay ng katanungan na "Naniniwala Ka Pa Ba Sa Himala"?, katanungang hindi ko maiwasang mai-ugnay sa kasalukuyang kaguluhan sa Maguindanao, sa mga naulilang pamilya ng 57 taong nagbuwis ng buhay na tila mga piping sumisigaw ng hustisya sa kasalukuyang Administrasyon na tila isang himala na lamang ang kanilang inaasahan upang mabigyan katarungan ang pagdadalmhati ng buong sambayanang Pilipino.
Naniniwala ako sa himala, nainiwala ako na pakikinggan ng Panginoon ang ating hinaing at panalangin. Naniniwala ako kung ipararating natin ang ating liham sa Maykapal...
Naniniwala ako sa himala, sa tulong ng Panginoon sa Kanyang sariling panahon na itinakda ay mapaparusahan ang may sala sa Maguindanao Masaker upang matugunan ang sigaw ng hustisya.
Naniniwala ako sa himala, sa tulong ng ating mga panalangin, ay pakikinggan tayo ng Panginoon upang makakamit natin ang tunay na pagbabago sa ating bansa laban sa kasamaan kung sama-sama tayong magiging mapagmatyag sa mga taong mapag-abuso sa kapangyarihan at hindi na natin hahayaan na mamayani ang kasamaan upang yurakan ang ating dangal, dignidad at sariling buhay.
Naniniwala ako sa himala, na ang bawa't Pilipino ay matututunan ang halaga ng tunay na pakikisama at utang na loob sa konteksto ng tunay na pakikipag kapwa tao at pagtulong sa kapwa na hindi humihingi ng kapalit, hindi upang magbulagbulagan at pagpikit sa katotohanan, pagdakip sa may kasalanan kahit ito man ay isang matalik na kaibigan o kaalyado sa partido alang-alang sa katarungan.
Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa sa hinahangad na katarungan sa aking Inang Bayan, nagsusumamo ako sa Maykapal para sa isang himala.
Ikaw kaibigan, naniniwala ka pa ba sa himala?
Sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa sa hinahangad na katarungan sa aking Inang Bayan, nagsusumamo ako sa Maykapal para sa isang himala.
Ikaw kaibigan, naniniwala ka pa ba sa himala?
Pre, sa araw araw na gumigising ako na may ngiti sa labi o wala, sa araw-araw na may kinakain ako at ang pamilya ko, sa araw-araw na nalalagpasan kong problema, yun pa lang himala na..marami pa at hindi na natin kailangang magduda kung may himala man o wala...
ReplyDeleteYun nga lang, tanggapin lang natin na may panahon ang lahat, itinakda itong mangyari sa kagustuhan Nya...di man ngayon mangyari ung gusto natin, alam ko may plano Sya para dito...
kuya cm is right..ang bawat paggising natin sa umaga na buo ang ating pamilya at buhay pa rin tayo ay isa ng himala..minsan lang talaga eh may mga bagay taong di maunawaan kung bakit kailangang mangyari..pero dapat wag tayong mawalang ng pagasa o ng tiwala sa kanya..^__^
ReplyDeleteNaalala ko tuloy yun movie ni Nora Aunor na himala hehehe at ang sabi niya, "Walang Himala!!!" pero sa kin may himala, ang Diyos ang ating himala.....bow! Sana nga malutas kaagad kung sino man ang may sala sa Maguindanao Masaker. Ang Diyos na ang bahala sa kanila.
ReplyDeletedi ko alam plano ng Dios pero alam ko may plano sya hindi naman papayagan ng Dios yan na mangyari kung wala syang pahintulot. Sabi nga sa bible "Siya ang bumubuhay at Siya rin ang pumapatay"
ReplyDeleteIpanalangin nalang natin ang mga taong gumawa ng karumal dumal na pagpatay na sana magbago sila at sana mapatawad sila ng Dios
Nakakalungkot isipin ang mga trahedya at delubyong nangyari sa Pinas at nadagdagan pa nitong nangyari sa Maguindanao.
ReplyDeleteSa lahat ng nangyaring yan, naniniwala pa rin ako sa himala. Ang gumising tayo sa umaga na may hininga na hiram sa Diyos is truly an example of it,ang pagkakaroon natin ng pamilyang nagmamahal sa atin at pagkakaroon ng trabahong bumubuhay sa atin ay mga great examples na ng himala.
Life is a miracle itself.Nasa sa atin na ang mga paraan kung paano natin ma-aapreciate ang mga himalang ibinigay sa atin.
As I write, I am hoping na magkaroon ng mga magandang pagbabago sa Pinas yet alam naman natin na iisa ang patutunguhan ng mundo, kundi ang pagtatapos at pagkawasak sa nito...at hindi natin mapipigilan ito.
Just sharing my piece of thought. By the way, I hope you don't mind, I'm adding you on my bloglist. Will follow your blog as well.
Have a blessed Sunday and have a lovely start of the week.
naniniwala rin ako.. sa kabila ng kawalangpuso ng mga gumawa nito sa Maguindanao Massacre, naniniwala akong gugulong ang hustisya sa pamilya ng mga naiwan ng karumal dumal na pangyayaring ito...
ReplyDeletehttp://www.hiraya.net