Monday, August 30, 2010

Maging Bahagi Tayo ng Kapayapaan



Nagalit, nainis, nakidalamhati... iba't ibang emosyon at damdamin na kumawala sa ating pagkatao matapos nating masaksihan ang Hostage Taking Crisis na gumimbal sa ating pagkatao at sa buong mundo na naganap nuong August 23, 2010 sa Luneta Grandstand.

Lahat tayo'y napako ang ating kaisipan at kamalayan sa paghahabi ng iba't ibang opinyon na pumapaluob sa karumaldumal at di katangap tangap na pagtugon ng ating kapulisan at ng pamahalaang Aquino sa hostage taking na nauwi sa kamatayan ng 8 Tsino at ng nag-iisang hostage taker na si Capt. Mendoza.

Maraming katanungan na tila di mabibigyan ng kasagutan, katarungan na tila di makakamit ng mga biktima ng karumaldumal ng krimen.

At ang mga mas apektado maliban sa mga biktimang Tsino ay ang 200,000 mga mangagawang Pilipino na nasa bansang Hongkong kung saan kasalukuyan nilang nararamdaman ang tensyon ng batikos ng mga Tsino sa ating mga kababayang OFW.

Nais kong ibahagi ang aking panayam sa aking kaibigang OFW na si Sonya (di tunay na pangalan) na kasalukuyang nagtatrabaho sa Hongkong bilang Domestic helper nuong August 28, 2010 sa aming Yahoo Messenger chat.

The Pope : musta ka na fren?

Sonya       :  hi im a bit ok, how about you?

The Pope : wala bang tension sa work mo?

Sonya       :  sa boss ko nun umpisa wala but ng dumating n un mga labi ng nasawi nagbago, di sya muna nagiimik sakin

The Pope  : ganun ba? ikaw una kong naisip nung mangyari yung hostage incident. sabi ko naku nasa HK ka pa naman

Sonya       :  oo nga kala ko open minded si boss kaya lng talaga palang emotional sila ng sobra. di ko nag oopen ng opinion sa kanila not unless sila ang magtanong

The Pope  :  Oo mas makakabuti

Sonya       :  hay naku bro lahat kmi dito may pangamba. fren just pray for us here in hk, dpa namin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod n araw. tom first time kong sassali sa rally

The Pope  : bakit ka sasama sa rally?

Sonya       :  sa tagal ko dito di ako nakikisali sa kung anu ano but now im willing para maipakita namin ang aming deep sympathy at parating n din ang condolence namin sa mag relativ na victims

The Pope :  okay, basta mag-ingat ka kasi baka may mga manggulo

Sonya       :  naipangako ko na yan sa sarili ko na sasama ko if ever nga n magkaron

The Pope  : alam ng mga amo mo yan? na sasama ka?

Sonya       :  kaya nga nag aalala ang mga anak ko. Siguro naman wala (masamang mangayari sa rally) kasi maganda ang layunin ng rally. Kagabi. madami syang (si Amo) tinanong s kin about sa atin. sobra talaga ang galit nila fren. kahit san kami pumunta (sa Hongkong) damang dama ang galit nila.

The Pope  : talagang nakakahiya ang nangyari, isang kahihiyan ng bansa.

Sonya       :  lalong nakadagdag sa galit nila kahapon un paglalagay ng phil.flag sa ibabaw ng kabaong ni mendoza

The Pope   : oo nga, nasusundan mo pala sa news dyan sa HK

Sonya       :  nun dinner time namin first time ako kinausap ni boss, ask nya kung bakit dw nakatawa p si Noynoy? Sagot ko facial xpression nya lng but deep inside he's xtremely mad

The Pope : okay

Sonya       :  2nd ask nya kung lhat dw ba ng pilipino my guns? sabi ko hindi only the military and the polis.

The Pope  : okay tama

Sonya       :  3rd ask nya ko kung bakit dpa binigay un benifits ng hostage taker gayun di naman dw kalakihan compare sa mga demands ng ofw dito s hk

The Pope  : oo nga

Sonya       :  sabi ko i have no idea and besides all of us too are asking why? 4th ask nya ko if good dw ba si noynoy? sabi ko nobody can tell now coz hes only 3 mos. on the position but his father are a good lider and mother. Sabi nya but not the son! so sa mga salita nya galit n talaga syasa huling ask nya ko pumalpak. Ask nya ko kung dapat dw b lagyan ng flag un mga ganun klaseng tao? nagulat ako nakita ko sa news may flag na yung casket ni hostage taker.  Matigas ko sinabi n hindi pede lagyan even though hes a military bec(ause) he die not in a hero way

The Pope   : korek ka dyan fren

Sonya       :  at talagang sinigurado ko na hindi lalagyan un pala nakita n nya s news. kaya bigla syang tumayo at sabay sabi n meron (meron flag ang casket).

The Pope   :  ngekkkk

Sonya      :  Shame. nainis na naman si bossing mo. shame talaga parang gusto kong humagulgol. pakiramdam ko bumaba ang pagkatao ko sa kanya

The Pope   : ang hirap ng kalagayan mo rin

Sonya       :  sinabi ko na tom my rally ang mga pilipino just to show tothe hk people n nasa kanila ang aming sympathy at bilang pagpaabot n din ng pakikiramay sa mga biktima. Kaya fren pagdasal mo kami tom ha, actually nag pass din ako ng mga txt message n magsuot kmi ng white para kahit san ibaling ng tsino ang tingin nila ang mga pilipino nka white

The Pope   :  oo naman don't worry mamaya sama ko kayo sa prayers.

Sonya       :   im xpecting your support fren alam mo ba un

The Pope   :  makakaasa ka

Sonya       :   ok tnx, balitaan kita kung ano ang susunod pang mangyayari sakin dito ok

Isa lang si Sonya sa malaking bilang ng OFW sa Hongkong nangangamba sa mataas na emosyong nangingibabaw sa mga Tsino na nagdadalamhati sa madugong hostage taking nuong August 23, 2010.

Sa kabila ng kaliwa't kanang batikos sa ating pamahalaan, kapulisan at mga kababayan sa iba't ibang panig ng mundo, bilang mga Pilipino at pagsa-alang alang sa ating mga kababayang OFW na naiipit sa madamdaming emosyon ng mga Tsino, maging instrumento sana tayo ng kapayapaan at sa ating panalangin nawa'y makamit ang hustisya ng mga biktima at manunbalik ang tiwala at respeto sa atin bilang nagkakaisang bayang Pilipino.

Ngayung ginugunita natin ang Araw ng Mga Bayani, nawa'y ang ating mga munting tinig sa pamamagitan ng Blogs, Tweeter at Facebook ay makatulong tayo sa paghilom ng  sugat, pag-aalis ng poot, magbigay pag-asa sa mga taong naulila at mga kababayang OFW naiipit sa emosyon ng galit sa mga bansang banyaga na ating kinikilala bilang mga Bagong Bayani ng ating bansa.


Note: Image snipped from flick.com uploaded by Rachael Elsa

Friday, August 20, 2010

Kung Hindi Ako, Sino?



"Blog?, ano yun?

"Bakit ka nagba-blog?" "

Binabayaran ka ba?" "

"Adbokasiya? Hayaan mo na lang yan sa iba..."

Mga nakakairitang tanong sa akin ng aking ka-chat. Kaiskwela ko sya nung High School at natagpuan ko sya ngaun sa FB. Di ko naman sya masisi, siguro tunay na di niya alam ang salitang "blog" at tila walang paki-alam sa kaganapan sa kanyang kapaligiran at hindi naghahangad ng tunay na pagbabago tungo sa matuwid na buhay.

Napag-isip ko tuloy kung bakit ko ginugugol ang aking panahon sa paglikha ng blog tungo sa adbokasiya, bakit hindi ko na ilathala ang aking talambuhay mula sa pagdilat ng aking mga mata hanggang sa pagpikit. Pero di ba bahagi ng talambuhay ko ang aking mga nakikita, napagmamasdan, ang mga bagay at taong bumubuo ng aking buhay. naniniwala ako na ang aking talambuhay ay hinabi sa makulay na sinulid na aking nakakasalamuha sa araw at gabi, at bahagi nito ay ang aking pamilya, mga kaibigan, kapit bahay, kababayan at ang buong mundo - lahat sila ay naging bahagi ng aking talambuhay.

Bahagi sila ng aking pangarap na isang mapayapang mundo, isang mapayapang bansa at isang mapayapang pamilya. At sa kasalukuyang daigdig na aking ginagalawan bilang isang OFW, naka sentro ang aking kamalayan sa adhikain ng bawa't mangagawang Pilipino tungo sa isang makabuluhang pagbabago ng kanilang pamilya para sa maunlad na bukas - malaya sa sa gutom at kahirapan na naipagkait ng mga nagdaang pamahalaan.

Subalit ang landas ng mga OFW tungo sa hinahangad na pagbabago ay naglalagay sa matinding pagsubok ang pamilyang Pilipino, ang pangungulila ng OFW sa kanyang asawa't anak ganun din ang naiwang pamilya sa Pilipinas, ang dobleng responsibilidad ng naiwang asawa upang itaguyod ang ipinagkatiwalang mga anak sa kanyang pangangalaga.

Lumaki akong walang mga magulang, di sila nangibang bayan bilang OFW, nangibang buhay sila sa Paraiso ni Bathala, iniwan nila ako ng ako'y musmos pa lamang - kaya't alam ko ang nararamdaman ng mga pamilyang iniiwan ng magulang - katulad ko umaasa na sana sa bawa't Pasko, Bagong Taon, Berdey, o graduation kasama nila si tatay o si nanay.

Marami akong nasaksihang pamilyang nasira dahil sa kawalan ng pananampalataya ng mga kababayang OFW at kanilang mga pamilya sa Pilipinas na nilunod ang sarili sa kasiyahan, sa tawag ng laman, sa espiritu ng alak, sugal at bawal na gamot at iba pang mga materyal na bagay na nagbibigay ng pansamantalang aliw. Subalit hindi ito dahilan upang sisihin ang pangingibang bayan ng OFW sa pagkasira ng pamilya, dahil sa kasalukuyan ang pundasyon ng tradisyunal pamilyang Pilipino ay tila nasisira dahil sa pagyakap natin sa modernong kultura dahil sa media na kung saan tila ipinapakita na ang pakikipaghiwalay sng mag-asawa ay isang ordinaryong bagay na dapat tanggapin ng lipunan; at ang casual at pre-marital sex ay isang bahagi ng boyfriend-girlfriend relationship na nais ipahatid ng telebisyon at pelikula sa mga nanunuod na kabataang Pilipino.

Tila ipinikit ng pamahalaan ang kanyang mga mata sa lumalalang suliranin sa moralidad at iniwan ang usaping ito sa Simbahan at ilang moralista. Pilit kong iniisip kung may nakahanda bang programa ang pamahalaan upang pagtibayin ang Pamilyang Pilipino lalo na ang Pamilyang OFW?

Sa kasalukuyan ay wala, baka si P-Noy sa mga susunod na araw, kung nababasa nya ang mga blogs ng mga Nominado ng PEBA 2010 baka maisip nya ang kahalagahan ng pamilyang OFW.

Ikaw kabayan, blogger ka ba? May kapamilya ka sigurong OFW, kamag-anak, kaibigan o kahit kapitbahay.  Baka OFW ka ring tulad ko, ibahagi natin ang kwento mo, sa pamamagitan ng blog tmaging daan tayo sa pagbabago, para mapagtibay ang pamilyang OFW.

Sana hindi lang ako, pati ikaw sana kasama ko - sa tulong ng iyong blog nawa'y maging bahagi tayo ng pagbabago - sa PEBA 2010, makibahagi tayo bilang NOMINADO.


Wednesday, August 18, 2010

Thank You Lord for Each Unique New Mornings...

from my daughter Geeka


Thank you Lord for holding my hands during the 49 years of my life - for giving me a wonderful parents, a sister, a wife and children, family relatives, circle of friends and people who dislike me too, where I learned to accept what I could control and let go of what I could not. 

I learned to live in the moment and appreciate life's challenges as learning opportunities for growth. I learned to celebrate joyful moments, no matter how simple they are. Thank you for the beautiful and unique "daily new mornings" that you've been giving me for last 49 years, thank you for all the wonderful blessings... please don't get tired Lord of holding my hands and giving me new mornings.. thank you for loving me. 

AMEN

Monday, August 9, 2010

Resilience of OFW Families : PEBA 2010 Entry 101


 


Anyone can give up.
It's the easiest thing in the world to do.
 
But to hold it together,
when everything seems like falling apart
That's true strength! 
And you can find it in the heart of every OFW families.

OFWs  embraced uncertainties,
crossed distant  shores, 
braved the winter storms and desert heat .

Armed with love, trust and faith
OFW families have defied temptations
in exchange of life filled with 
sacrifices and sufferings.

Despite the enormous pressures and
disintegrating factors,
The OFW families  remained firm 
in their mission as a "family".

 Because the family 
is a not only a smallest unit of a society,
it is a "domestic church".

OFW families are God's  gift 
not only to the Philippines but to the World.

Pope John Paul VI said, 
"The future of humanity passes by way of the family" 
(Familiaris Consortio, no. 87)











Tuesday, August 3, 2010

Dayuhan: PEBA 2010 Entry 101

Si Efren, dalawang taong nagtrabaho sa Saudi Arabia at sa tuwing umaga bago pumasok, di nakakalimutan na tumawag sa asawa upang sabihin ang mga katagang "I miss you honey, and I miss our children". Ngaun nasa Pilipinas na sya at nagbabakasyon, nagrereklamo ang kanyang pamilya, dahil sa araw at gabi mga kainumang barkada ang laging kasama, pag nasa Saudi ang "miss" ay pamilya pag nasa Pilipnas ang "miss" ay barkada, videoke at serbesa.

Panay ang simba ni Rolly sa Doha at ang laging dalangin sana ay dumating na ang araw ng kanyang bakasyon para makasama ang pamilya. Sumapit na ang araw ng bakasyon ni Rolly, at tuwing araw ng Linggo hindi sya makasama ng pamilya sa pagsisimba, dahil kapag Linggo ay ibang Kristo ang kaulayaw nya, sa sabungan mo sya makikita pumupusta sa meron at wala.

Truck driver si Domeng sa Kuwait, sa loob ng pitong taon na pagta-trabaho isang beses pa lang syang umuwi ng Pilipinas, kuntento na sya sa pagpapadala ng pera sa pamilya, yung vacation leave pay at ticket na pinagkakaloob ng kumpanya ay kino-convert na lang nya na cash upang maipadala sa pamilya. Katwiran nya "magastos ang pagbabakasyon, kaya mas mabuti pang ipadala na lang pera na dapat sana ay gagamitin sa pagbabakasyon sa pamilya. Kaya nga daw nagtatrabaho sa ibang bansa para kumita.

Si Gemma, dalaga at IT sa Singapore, kumakayod para mapag-aral ang mga kapatid. Subalit sa bawa't bukas ng kanyang bibig sa mga magulang at kapatid pera ang laging sentro ng usapan at ang tanging kinakamusta ay ang iniwang negosyo, ang kanyang paupahan bahay at naipundar na tindahan. Di nga nagpapabaya sa pagpapadala ng pera't balikbayan box subalit di naman naaalala kamustahin ang kalagayan ng ama't ina. Kaya't ang mga magulang nya'y minabuting huwag magsabi ng kanilang karamdaman, dahil pilit nilang inuunawa ang anak na masyadong pinahalagahan ang pera, dahil mas kilala nla ang kanilang anak, pero ang anak, di na kilala ang kanyang ama't inang tumatanda na.

Kung pamilya ang laging una puso nating mga OFW, bigyan natin sila ng tunay kahalagahan, sa maikling panahon ng ating pagbabakasyon, igugol natin ang ating oras sa isang makabuluhang pakikipagrelasyon sa ating pamilya - sa asawa, anak, magulang at kapatid.

Ang pagiging tunay na bayani ay nagsisimula sa pamilya, maging tutuo tayo sa ating pabigkas ng I LOVE YOU at I MISS YOU... say what you mean and mean what you say.

Huwag nating ipagkait ang ating sarili sa ating pamilya. Mahalaga ang pera pero mas mahalaga ka sa iyong pamilya at alam kong mahalaga rin ang pamilya sa iyo kesa sa perang iyong pinadadala.

Si Efren, Rolly, Domeng, at Gemma, ilan lang sila sa mga kababayan kong dayuhan sa ibang bayan, hanggang kailan sila mananatiling dayuhan sa kanilang sariling tahanan.


Paunawa: 

Hindi po ako kasali at hindi rin po ito poste bilang enty sa PEBA 2010. Ito'y isang paanyaya sa mga makakabasa  sa makabuluhang tema ng kasalukuyang patimpalak ng PEBA - "Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan" 

Huwag maging dayuhan sa usaping pamilya. Makibasa, makibahagi at sumali bilang nominado sa adbokasiya ng PEBA tungo sa maayos na Pamilyang Pilipino.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails