Si Efren, dalawang taong nagtrabaho sa Saudi Arabia at sa tuwing umaga bago pumasok, di nakakalimutan na tumawag sa asawa upang sabihin ang mga katagang "I miss you honey, and I miss our children". Ngaun nasa Pilipinas na sya at nagbabakasyon, nagrereklamo ang kanyang pamilya, dahil sa araw at gabi mga kainumang barkada ang laging kasama, pag nasa Saudi ang "miss" ay pamilya pag nasa Pilipnas ang "miss" ay barkada, videoke at serbesa.
Panay ang simba ni Rolly sa Doha at ang laging dalangin sana ay dumating na ang araw ng kanyang bakasyon para makasama ang pamilya. Sumapit na ang araw ng bakasyon ni Rolly, at tuwing araw ng Linggo hindi sya makasama ng pamilya sa pagsisimba, dahil kapag Linggo ay ibang Kristo ang kaulayaw nya, sa sabungan mo sya makikita pumupusta sa meron at wala.
Truck driver si Domeng sa Kuwait, sa loob ng pitong taon na pagta-trabaho isang beses pa lang syang umuwi ng Pilipinas, kuntento na sya sa pagpapadala ng pera sa pamilya, yung vacation leave pay at ticket na pinagkakaloob ng kumpanya ay kino-convert na lang nya na cash upang maipadala sa pamilya. Katwiran nya "magastos ang pagbabakasyon, kaya mas mabuti pang ipadala na lang pera na dapat sana ay gagamitin sa pagbabakasyon sa pamilya. Kaya nga daw nagtatrabaho sa ibang bansa para kumita.
Si Gemma, dalaga at IT sa Singapore, kumakayod para mapag-aral ang mga kapatid. Subalit sa bawa't bukas ng kanyang bibig sa mga magulang at kapatid pera ang laging sentro ng usapan at ang tanging kinakamusta ay ang iniwang negosyo, ang kanyang paupahan bahay at naipundar na tindahan. Di nga nagpapabaya sa pagpapadala ng pera't balikbayan box subalit di naman naaalala kamustahin ang kalagayan ng ama't ina. Kaya't ang mga magulang nya'y minabuting huwag magsabi ng kanilang karamdaman, dahil pilit nilang inuunawa ang anak na masyadong pinahalagahan ang pera, dahil mas kilala nla ang kanilang anak, pero ang anak, di na kilala ang kanyang ama't inang tumatanda na.
Kung pamilya ang laging una puso nating mga OFW, bigyan natin sila ng tunay kahalagahan, sa maikling panahon ng ating pagbabakasyon, igugol natin ang ating oras sa isang makabuluhang pakikipagrelasyon sa ating pamilya - sa asawa, anak, magulang at kapatid.
Ang pagiging tunay na bayani ay nagsisimula sa pamilya, maging tutuo tayo sa ating pabigkas ng I LOVE YOU at I MISS YOU... say what you mean and mean what you say.
Huwag nating ipagkait ang ating sarili sa ating pamilya. Mahalaga ang pera pero mas mahalaga ka sa iyong pamilya at alam kong mahalaga rin ang pamilya sa iyo kesa sa perang iyong pinadadala.
Si Efren, Rolly, Domeng, at Gemma, ilan lang sila sa mga kababayan kong dayuhan sa ibang bayan, hanggang kailan sila mananatiling dayuhan sa kanilang sariling tahanan.
Paunawa:
Hindi po ako kasali at hindi rin po ito poste bilang enty sa PEBA 2010. Ito'y isang paanyaya sa mga makakabasa sa makabuluhang tema ng kasalukuyang patimpalak ng PEBA - "Pagtibayin ang Pamilyang OFW: Mas Matibay na Tahanan Para sa Mas Matibay na Bayan"
Huwag maging dayuhan sa usaping pamilya. Makibasa, makibahagi at sumali bilang nominado sa adbokasiya ng PEBA tungo sa maayos na Pamilyang Pilipino.
Mahalaga ang pera pero mas mahalaga ka sa iyong pamilya at alam kong mahalaga rin ang pamilya sa iyo kesa sa perang iyong pinadadala.
ReplyDeletewell said kuya!
@ Bhing
ReplyDeleteWow, super bilis naman ang comment mo hahaha, ginulat mo ako, I have just clicked the POST button pag review ko kay comment ka na. You really amaze me.
Thank you so much. God bless you.
I agree sa mga sinabi mo marami sa ating mga kababayan ang may ganitong gawain. mas mabuti cguro na isama ni tatay si kuya sa sabungan at tapos ay sa inuman para bonding... quality time ika nga. aheheeh teka lng namamali yata ako ng comment.
ReplyDeleteSa totoo lang dapat na gugulin natin ang kakauinting oras natin sa PAMILYA na namiss nating ng matagal
Amen Pope! I agree with you 100%
Meron ding ganun dito sa France, yung nanay niya 89 years old na, gusto siya makita, pero ayaw niya umuwi kasi ang laki daw ng gastusin kung uuwi siya.Pamasahe 70Kphp, pocketmoney 50kphp, i work na lang daw niya at ipadala ang pera. Meanwhile ang nanay niya nag tatampo na, mamamatay na lang ako anak, di pa kita makita. Sa kabaong ko na lang ba tayo magkatagpo? hayzz , ewan.
ReplyDelete@ Yellow Bells
ReplyDeleteNatuwa ako sa comment mo na isama na lang ang si kuya sa sabungan at sa inuman para duon magbonding hahahaha.
Salamat sa pagbisita at paglahok sa PEBA 2010. good luck.
@ Francesca
ReplyDeleteNapakahirap unawain ang pananaw ng ilan nating kababayang OFW, kaya nanginbang bayan ay para guminhawa ang pamilya, pagdating sa abroad panay iyak dahil miss ang pamilya at laging nangangarap na makapiling ang pamilya. At kapag sumapit ang pagkakataong na puedeng umuwi, ipagpapaliban dahil sa panghihinayang sa magagastos sa pagbabakasyon.
Mahirap maging alipin ng pera, ang kalayaan mong makita ang pamilya ay ipagkakait mo di lamang sa iyong sarili pati sa pamilyang nananabik sa iyong muling pagbabalik.
Salamat sa muling pagbisita at pagiiwan ng marka.
Tunay na natural na nangyayari ang mga yan! Salamat at minsan pang pagmulan ng ikamumulat ng kagaya kong OFW ito ang pinakamatinding hamon "hanggang kailan sila mananatiling dayuhan sa kanilang sariling tahanan" salamat Sir!
ReplyDeletetalagang ramdam natin ang sakripisyo ng bawat isa sa ating (OFW).
ReplyDeleteisang kwento naman ng kaibigan.
tuwing katapusan lang sya natetxt ng kapamilya.
tuwing may problema sya tinatawagan ng kapamilya.
pero ng mag bday ang kaibigan ko. nung katapusan lang sya nabati sa txt ng kapamilya...
konti lang ang ganito...kasi marami parin satin ang pinakamahalaga ang pagsasama ng pamilya. kaya natin tiisin lahat para sa kanila.
kaya nating saluhin lahat para maging buo ang pagsasama. kahit sa tingin ng iba. tayo ang dahilan nito, dahil lumayo tayo. pero gaya ng sinabi- di habang buhay ang trabaho sa ibang bansa. kailangan natin ang pamilya.. at ito ang una sa lahat..
Thank you for this, The Pope.
ReplyDelete