Nagalit, nainis, nakidalamhati... iba't ibang emosyon at damdamin na kumawala sa ating pagkatao matapos nating masaksihan ang Hostage Taking Crisis na gumimbal sa ating pagkatao at sa buong mundo na naganap nuong August 23, 2010 sa Luneta Grandstand.
Lahat tayo'y napako ang ating kaisipan at kamalayan sa paghahabi ng iba't ibang opinyon na pumapaluob sa karumaldumal at di katangap tangap na pagtugon ng ating kapulisan at ng pamahalaang Aquino sa hostage taking na nauwi sa kamatayan ng 8 Tsino at ng nag-iisang hostage taker na si Capt. Mendoza.
Maraming katanungan na tila di mabibigyan ng kasagutan, katarungan na tila di makakamit ng mga biktima ng karumaldumal ng krimen.
At ang mga mas apektado maliban sa mga biktimang Tsino ay ang 200,000 mga mangagawang Pilipino na nasa bansang Hongkong kung saan kasalukuyan nilang nararamdaman ang tensyon ng batikos ng mga Tsino sa ating mga kababayang OFW.
Nais kong ibahagi ang aking panayam sa aking kaibigang OFW na si Sonya (di tunay na pangalan) na kasalukuyang nagtatrabaho sa Hongkong bilang Domestic helper nuong August 28, 2010 sa aming Yahoo Messenger chat.
The Pope : musta ka na fren?
Sonya : hi im a bit ok, how about you?
The Pope : wala bang tension sa work mo?
Sonya : sa boss ko nun umpisa wala but ng dumating n un mga labi ng nasawi nagbago, di sya muna nagiimik sakin
The Pope : ganun ba? ikaw una kong naisip nung mangyari yung hostage incident. sabi ko naku nasa HK ka pa naman
Sonya : oo nga kala ko open minded si boss kaya lng talaga palang emotional sila ng sobra. di ko nag oopen ng opinion sa kanila not unless sila ang magtanong
The Pope : Oo mas makakabuti
Sonya : hay naku bro lahat kmi dito may pangamba. fren just pray for us here in hk, dpa namin alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod n araw. tom first time kong sassali sa rally
The Pope : bakit ka sasama sa rally?
Sonya : sa tagal ko dito di ako nakikisali sa kung anu ano but now im willing para maipakita namin ang aming deep sympathy at parating n din ang condolence namin sa mag relativ na victims
The Pope : okay, basta mag-ingat ka kasi baka may mga manggulo
Sonya : naipangako ko na yan sa sarili ko na sasama ko if ever nga n magkaron
The Pope : alam ng mga amo mo yan? na sasama ka?
Sonya : kaya nga nag aalala ang mga anak ko. Siguro naman wala (masamang mangayari sa rally) kasi maganda ang layunin ng rally. Kagabi. madami syang (si Amo) tinanong s kin about sa atin. sobra talaga ang galit nila fren. kahit san kami pumunta (sa Hongkong) damang dama ang galit nila.
The Pope : talagang nakakahiya ang nangyari, isang kahihiyan ng bansa.
Sonya : lalong nakadagdag sa galit nila kahapon un paglalagay ng phil.flag sa ibabaw ng kabaong ni mendoza
The Pope : oo nga, nasusundan mo pala sa news dyan sa HK
Sonya : nun dinner time namin first time ako kinausap ni boss, ask nya kung bakit dw nakatawa p si Noynoy? Sagot ko facial xpression nya lng but deep inside he's xtremely mad
The Pope : okay
Sonya : 2nd ask nya kung lhat dw ba ng pilipino my guns? sabi ko hindi only the military and the polis.
The Pope : okay tama
Sonya : 3rd ask nya ko kung bakit dpa binigay un benifits ng hostage taker gayun di naman dw kalakihan compare sa mga demands ng ofw dito s hk
The Pope : oo nga
Sonya : sabi ko i have no idea and besides all of us too are asking why? 4th ask nya ko if good dw ba si noynoy? sabi ko nobody can tell now coz hes only 3 mos. on the position but his father are a good lider and mother. Sabi nya but not the son! so sa mga salita nya galit n talaga syasa huling ask nya ko pumalpak. Ask nya ko kung dapat dw b lagyan ng flag un mga ganun klaseng tao? nagulat ako nakita ko sa news may flag na yung casket ni hostage taker. Matigas ko sinabi n hindi pede lagyan even though hes a military bec(ause) he die not in a hero way
The Pope : korek ka dyan fren
Sonya : at talagang sinigurado ko na hindi lalagyan un pala nakita n nya s news. kaya bigla syang tumayo at sabay sabi n meron (meron flag ang casket).
The Pope : ngekkkk
Sonya : Shame. nainis na naman si bossing mo. shame talaga parang gusto kong humagulgol. pakiramdam ko bumaba ang pagkatao ko sa kanya
The Pope : ang hirap ng kalagayan mo rin
Sonya : sinabi ko na tom my rally ang mga pilipino just to show tothe hk people n nasa kanila ang aming sympathy at bilang pagpaabot n din ng pakikiramay sa mga biktima. Kaya fren pagdasal mo kami tom ha, actually nag pass din ako ng mga txt message n magsuot kmi ng white para kahit san ibaling ng tsino ang tingin nila ang mga pilipino nka white
The Pope : oo naman don't worry mamaya sama ko kayo sa prayers.
Sonya : im xpecting your support fren alam mo ba un
The Pope : makakaasa ka
Sonya : ok tnx, balitaan kita kung ano ang susunod pang mangyayari sakin dito ok
Isa lang si Sonya sa malaking bilang ng OFW sa Hongkong nangangamba sa mataas na emosyong nangingibabaw sa mga Tsino na nagdadalamhati sa madugong hostage taking nuong August 23, 2010.
Sa kabila ng kaliwa't kanang batikos sa ating pamahalaan, kapulisan at mga kababayan sa iba't ibang panig ng mundo, bilang mga Pilipino at pagsa-alang alang sa ating mga kababayang OFW na naiipit sa madamdaming emosyon ng mga Tsino, maging instrumento sana tayo ng kapayapaan at sa ating panalangin nawa'y makamit ang hustisya ng mga biktima at manunbalik ang tiwala at respeto sa atin bilang nagkakaisang bayang Pilipino.
Ngayung ginugunita natin ang Araw ng Mga Bayani, nawa'y ang ating mga munting tinig sa pamamagitan ng Blogs, Tweeter at Facebook ay makatulong tayo sa paghilom ng sugat, pag-aalis ng poot, magbigay pag-asa sa mga taong naulila at mga kababayang OFW naiipit sa emosyon ng galit sa mga bansang banyaga na ating kinikilala bilang mga Bagong Bayani ng ating bansa.
Note: Image snipped from flick.com uploaded by Rachael Elsa
Kahit anuman batuhan ng sisi ay wala na tayo magagawa kundi ipagdasal na mahilum ang sakit na nangyari lalo na sa mga nasawi sa trahedyang iyon. Naway hindi madamay ang mga kababayan nating OFW.
ReplyDeleteBTW Goerge thank you for the comforting words and prayers .
Nakakalungkot talaga, buti na lang open minded ang Canada, bago ako sa trabaho ko ang tanong agad sa kin ng bisor ko kung nabalitaan ko nangyaro sa pinas sabi ko oo at sana hindi nila isipin na lahat ng pinoy ganoon, pero alam kong mali ako doon kasi maraming pinoy ang hindi nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng magandang bukas ang kumakapit sa patalim, nawawalan ng rasyunal na pagiisip at marami din sa gobyerno ang hindi kayang magbigay ng tamang desisyon sa mga sitwasyong ganyan.
ReplyDeleteButi na lang ang sagot sa kin ng bisor ko e "Of course not."
Sana nga lang lumawak pa ang pag iisip ng iba para di na madamay ang ibang Pinoy..
ReplyDeletei was still in the philippines when it happened. ang bilis ng panahon, isang taon na pala ang nakakalipas.
ReplyDeletesana maghilom din ang lahat. at sana lang tumugma ang imbestigasyon ng pinas at hongkong para hindi na lumala pa ang kontrobersya.
ReplyDelete