Mahal na Mahal Kita - 19 na Anibersaryo
Labing siyam na taon ang nagdaan,
tayo'y nagsama bilang mag-asawa.
Mula sa isang maliit na paupahan
na tila bahay ni John and Marsha,
isang hakbang paabante ay sala
at isang habang paatras ay kusina.
Ang kalan nati'y kusinilya
Tanke ng gas ay binobomba,
at ang kawali sa pagpiprito
ay planganitag yari sa aluminyo.
Parang isang larong bahay-bahayan
ang payak na tahana'y tigib ng kasiyahan.
Tanke ng gas ay binobomba,
at ang kawali sa pagpiprito
ay planganitag yari sa aluminyo.
Parang isang larong bahay-bahayan
ang payak na tahana'y tigib ng kasiyahan.
Marami ang humusga sa ating pagsasama
di raw tayo bagay para sa isa-t isa.
Maraming sa kanila'y tumaas ang kilay
sila'y nanalangin na tayo'y maghiwalay;
tayo'y instant artista sa mga taong tsismoso,
Ikaw raw ay si Marimar at ako'y si Pulgoso.
di raw tayo bagay para sa isa-t isa.
Maraming sa kanila'y tumaas ang kilay
sila'y nanalangin na tayo'y maghiwalay;
tayo'y instant artista sa mga taong tsismoso,
Ikaw raw ay si Marimar at ako'y si Pulgoso.
Mga pagsubok sa buhay ay ating hinarap
hindi tayo sumuko't sabay tayong nangarap.
Maraming bagyo ang ating pinagdaanan,
isa na rito ang aking pangingibang bayan.
Labis na kalungkutan ating naranasan
subalit lahat ng ito'y ating nalampasan.
hindi tayo sumuko't sabay tayong nangarap.
Maraming bagyo ang ating pinagdaanan,
isa na rito ang aking pangingibang bayan.
Labis na kalungkutan ating naranasan
subalit lahat ng ito'y ating nalampasan.
Salamat sa'ming kaibigang naging sandigan
sa mga suliranin kami'y tinutulungan.
Salamat sa Panginoong Hesus na mapagpala
sa labing 19 na taon naming mag-asawa.
Sa hirap, ginhawa, kalusugan at karamdaman,
tayo'y Kanyang kinalulugdan at 'di pinababayaan.
sa mga suliranin kami'y tinutulungan.
Salamat sa Panginoong Hesus na mapagpala
sa labing 19 na taon naming mag-asawa.
Sa hirap, ginhawa, kalusugan at karamdaman,
tayo'y Kanyang kinalulugdan at 'di pinababayaan.
Mahigit apat na libong kilometro ang layo natin sa isa't isa,
ika'y nasa Antipolo at ako'y nasa Doha.
Subalit hindi ito hadlang sa aming pagsasama,
tanging ang katapatan sa isa't isa
At ating dalangin sa Amang Maykapal
Ang ating buhay mag-asawa nawa'y magtagal.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa
Kami ay umaasa na tayo'y muling magkikita
Sa susunod na taon sa ganito ring panahon
Aming anibersaryo madadagdagan ng isang taon.
"Ang pananampalataya sa Dyos ang aming sandata.
Kami'y magsasama hanggang may hininga."
ika'y nasa Antipolo at ako'y nasa Doha.
Subalit hindi ito hadlang sa aming pagsasama,
tanging ang katapatan sa isa't isa
At ating dalangin sa Amang Maykapal
Ang ating buhay mag-asawa nawa'y magtagal.
Kung galing po kayo sa SONA ng Pangulo,
o sa Anibersaryo ng Iglesya ni Kristo;
Maaari rin kayong dumaan sa Antipolo
Kayo'y kumbidado sa aming anibersaryo
Ang aking asawa ay nakahandang magluto
nang masarap na pansit, lumpia at biko.
o sa Anibersaryo ng Iglesya ni Kristo;
Maaari rin kayong dumaan sa Antipolo
Kayo'y kumbidado sa aming anibersaryo
Ang aking asawa ay nakahandang magluto
nang masarap na pansit, lumpia at biko.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa
Kami ay umaasa na tayo'y muling magkikita
Sa susunod na taon sa ganito ring panahon
Aming anibersaryo madadagdagan ng isang taon.
"Ang pananampalataya sa Dyos ang aming sandata.
Kami'y magsasama hanggang may hininga."
Tinanong ako ng aking anak kung ano raw ang kusinilya, kaya't minabuti kong isama ang larawan ng nasabing kalan. Sa mga kabataan, La Germania na po ang inyong nakilalang kalan.
Mahirap pong gamitin ang kusinilya, mano-manong binobomba, sinusundot kapag may bara, mausok, madumi at sabi nila'y delikado, subalit ang wastong paggamit nama'y napag-aaralan kung iyong pagsusumikapan. Dito po nagsimula ang kwento ng aming buhay mag-asawa, mula sa isang KUSINILYA.
Mahirap pong gamitin ang kusinilya, mano-manong binobomba, sinusundot kapag may bara, mausok, madumi at sabi nila'y delikado, subalit ang wastong paggamit nama'y napag-aaralan kung iyong pagsusumikapan. Dito po nagsimula ang kwento ng aming buhay mag-asawa, mula sa isang KUSINILYA.
Happy Anniversary sa inyong mag-asawa!!!
ReplyDeletehow sweet. congratulations and happy anniversary. PRAYING for your continued strenght and love for each other.
ReplyDelete[Cool! Naisama pa ang Sona at anniversary ng INC. Talagang may halong current events. U]
ReplyDeleteSa picture palang, makikitang on the 19th year, getting stronger pa rin! Congratulations po sa inyong mag-asawa. o",)
--
Ngayon ko lang nalamang kusinilya pala ang tawag diyan sa stove na 'yan.
Happy Anniversary sanyo!
ReplyDeleteWow!!!Lupit!!!19 Years, kami 11 pa lang...sana umabot din kami ng ganyan katagal na maayos pa ang lahat at nagmamahalan :)
ReplyDeletePinagpapala ka talaga The Pope...
Happy Anniversary pre
@ gillboard
ReplyDeleteMaraming salamat sa pagbati.
@ Malejandria
Salamat sa pagbisita, God bless your family.
@ RJ
Makahulugan sa amin yang kusinilya hahaha, isa yan sa aming kaunaunahang gamit na inapundar sa aming buhay mag-asawa.
@ Badong
Maraming salamat sa pagdalaw at pag-iwan ng marka.
@ Lord CM
Maraming salamat sa iniwan mong papuri. Ang sikreto sa buhay mag-asawa upang tumagal ang inyong pagsasama ay walang sawang pagmamahal, pang-unawa sa isa't isa at matibay na pananampalataya sa Lumikha.
Mr. and Mrs. Pope, happy anniversary! I am looking forward to read your post on your silver anniversary..
ReplyDeleteCongrats sa pagiging matatag na mag-asawa. Alam nating bihira lang ang ganitong pagmamahalan. Pagpalain kayo ng Maykapal at bigyan pa ng karagdagang trust sa isa't isa..
happy anniversary po sa inyo...
ReplyDeleteakala ko embedded video ng MMK... hindi na ko sana manonood sa pinoychannel.... hahahaha! nagoyo ako! tsk!
nawa'y tumagal pa ang inyong pagsasama... patuloy kayong magbigay ng kasiyahan sa inyong mga anak. huwag kalimutang MAG-USAP dahil isa iyon sa susi ng magandang samahan!
God Bless your Family, kuya.
wow! cool! going strong! happy anniversary po!
ReplyDeletekusinilya pa la ang twag dun.. pwede pa rin naman po yatang itawag yun sa mga La Germania hehehe yun nga lang hindi na siya mano mano hehehe
Wow! answeet naman! siguradong tuwang-tuwa asawa mo sa regalo mo... saka nakagamit na rin ako niyan noon yang...kusinilya... nung minsang hindi ako nakatira sa bahay... jijijijiji
ReplyDeleteHappy anniversary po!!! 19 years and 90 years more!!!
ReplyDeleteAs usual (hmp, lagi naman...), natouch ako sa poem mo. Parang may mga childhood scenes na bumalik. Lalo na dun sa kusinilya. Hehehe.
Salamat, the Pope. And congratulations sa yo at kay misis. At sa buong family na rin.
Godbless.
oo nga MMK na MMK Pope...
ReplyDeletecongrats po sa 19 years, and prayers for more anniversaries to come...:D
pakain nga, kakagutom naman yan.
Happy 19th anniversary at sana tumagal pa ng mahabang panahon ang inyong samahang mag asawa!
ReplyDeleteinabutan ko yang kalan na yan actually gamit ko cia nun pag bakasyon at nagtitinda tinda ako sa amin pag fiesta, Happy 19th Anniversary po sa inyo More Blessing to the both of you....
ReplyDeleteyan ang tunay at tapat na pag ibig, sa hirap at ginhawa, umulan mat umaraw,abutin man ng maraming taon hindi kumukupas bagkos nadaragdagan at lalong lumalakas, saludo ako sainyong mag asawa sanay makahanap na din ako ng makakasama ko habambuhay...
ReplyDeletebinabati ko kau sa 19th Anniversary ng inyong maligayang pagsasama.. Mabuhay kayo!
ReplyDeletehappy 19th anniversary..more fruitful and blessed married years to come..Ü
ReplyDeleteako alam ko yan kusinilya kasi ginagamit yan ng mga nagtitinda sa amin lalo na ung mga magpifishball at kwek kwek..haha Ü
iyon ang tunay na mag asawa..sana madagdagan pa ng 19 years o lampas pa ang pagsasama niyo..maganda ang pagkakasulat mo ng tula..magaling ka rin..good luck sa inyo..kakainggit kasi ako di nagtatagal ang relasyon..
ReplyDeletekapag may mahal ka na ay huwag ka ng magmamahal sa iba ha kasi masasaktan ka lang..kung bakit ay alamin mo sa new post ko..
Wow, how sweet naman. If only all husbands are as sweet and thoughtful as you are to your wife, then the world will surely be a better place.
ReplyDeleteGood luck sa inyong dalawa at sa inyong pamilya. Sana'y marami pang anniversary poems ang mabasa namin in the future.
Salamat po sa pagdalaw and for the encouraging words. God bless din po.
P.S.
May natira pa bang pansit, lumpia, at biko? hehehe
Miss N
http://nortehanon.com
hi, belated HAPPY ANNIVERSARY! Late na naman ako sa pagbibigay ng comment. Pacensia na ngayon lang ako nagkafree time to bloghop...
ReplyDeleteI admire you both. Infact the Thoughtskoto admire Mr and Mrs. Pope. May you will find more love to each other, wisdom and strength through your faith.
huwaw! belated hapi anibersaryo sa inyo pards!
ReplyDeleteito ang lakas ng pamilyang pinoy!
ang sweet naman. natuwa naman ako sa version nyo ng MMK. hehe.
ReplyDeletelove,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
Bago ang lahat bro. isang mapagpalang pagbati sa iyong Anibersario mula sa life moto family.
ReplyDeleteyou and me against the world pala ang istorya de amor mo.
Ang sarap balikan at i share sa ating mga anak ang mga pagsubok at unos na damarating sa buhay ng mag-asawa. lalo na kung itoy nalampasan at patuloy na nakikibaka. At the end ay kapit bisig pa rin kayong dalawa.
have a nice day ang God bless to your relationship.
Marami pong salamat sa inyong pakikibahagi at pagbati sa aming ika-19 na anibersayo ng aming kasal, lubos po ang ang kagalakan at ang aming panalangin ng pasasalamat sa inyong mga blogista na hindi man kayo nagpapakilala ng lubusan ay nanatili kayong mga tunay na tao sa aming pamilya.
ReplyDeleteMabuhay po kayong lahat.
Maligayang Bati sa iyo at iyong butihing maybahay! Nakakatuwa na habang lumilipas ang panahon ay lalo namang tumitibay ang inyong pagmamahalan.
ReplyDeleteNaabutan ko din ang kusinilya at naka-relate ako ng husto. Natatandaan ko na ang mga fish ball vendors ay ito ang gamit na kusinilya.
hi pope, longtime!.nagpalipas po d2..@inenjoy ang iyong galing sa pusong obra :D
ReplyDeletenaabutan ko rin nong araw ang kusinilya, talgang manualan ang gamit ano..mapalad ang bagong henerayon ngayon na isang pihit lang o saksakan lang, mkkpagluto na..
maganda ang tula mo. gusto ko ring gumawa ng ganito.
happy anniversary po sa inyo. ang cute ng kusinilya :)
ReplyDeletewow! ang twit naman..
ReplyDeletehappy anniversary po sa inyo!
wow!!! nakakaiyak naman ang tula mo!!! soooo inspiring haneps!!!
ReplyDeleteGOD bless!!!