Kung ikaw ay nagising kaninang umaga na puno ng kalusugan at walang karamdaman, ikaw ay mas pinagpala sa kabila ng isang milyong tao ang sumakabilang buhay nitong nagdang linggo.
Kung ikaw ay hindi nakaranas ng panganib ng mga digmaan, ng kalungkutan mula sa kulungan, o paghihingalo mula sa pagpapahirap o sakit mula sa pagkagutom, ikaw ay nakalalamang sa 500 milyong tao sa buong mundo.
Kung ikaw ay may pagkain sa refrigerator, damit sa iyong katawan, bubong sa iyong ulunan at lugar na matutulugan, ikaw ay mas mayaman sa 75% ng ating mundo.
Kung ikaw may kaunting pera sa banko, sa iyong pitaka o may sobrang pera para kumain sa labas ng iyong tahanan, ikaw ay kabilang sa mga nangungunang 8% na mayayaman sa buong mundo.
Kung ang mga magulang mo ay nabubuhay pa at kasalukuyang nagsasama bilang mag-asawa, ikaw ay kakaiba, lalo na kung ikaw ay nasa Amerika.
Kung mapapanatili mo ang iyong sarili na may ngiti sa iyong labi, mapagpakumbaba at mapagpasalamat, mapalad ka, bagama't ito ay nagagawa ng iba, mas marami pa rin ang di kayang gumawa nito.
Kung ikaw ay nanalangin kahapon at ngayon, ikaw ay kabilang sa iilan na mga naniniwala sa Diyos na Lumikha na dinidinig at tinutugon ang mga panalangin.
Kung sa kasalukuyan ikaw ay nakapagbabasa at nababasa mo ang aking panulat ako ay nagpapasalamat, subalit lubos kang pinagpala dahil mahigit dalawang bilyong tao sa buong mundo ang hindi nagkaruon ng pagkakataong makapag-aral na makapagbasa.
Kung ikaw ay may pinanghihinayangan sa anumang bagay ngayon, nawa'y unawain mo ang iyong sarili na mas pinagpala ka kaysa sa mga taong nasa paligid mo.
Subukan mo silang kausapin, aliwin, at magbigay ng kaunting tulong, baka dito mo matagpuan ang iyong sarili na ikaw ay mas pinagpala kaysa sa iba.
Sana makita mo kaibigan
na pinagpala ka,
at matutunan natin
na ipagpasalamat ito
sa Panginoon.
na pinagpala ka,
at matutunan natin
na ipagpasalamat ito
sa Panginoon.
Lagi mong tatandaan.
Life is Beautiful.
Count your Blessings
and Keep on Believing.
Count your Blessings
and Keep on Believing.
Pinagpala nga ako.
ReplyDeleteMapalad ako dahil pagising ko kanina pumasok kaagad ako sa manukan. Mapalad ako dahil sa gitna ng global economic recession isa ako sa mga taong nananatiling may trabaho (kahit punung-puno ito ng mga hamon), 'di gaya ng milyun-milyong tao sa buong mundo na nawalan ng hanapbuhay dahil sa kasalukuyang krisis.
Tama ka dun pre, yun nga lang meron talagang mga taong di na nakuntento sa kung anong meron sila...
ReplyDeleteMapalad pa rin ako at naintindihan ko yung entry mo at nakapag reply pa ako :)
Salamat...
everybody is blessed....
ReplyDeletesometimes we are just put to test...
and...
at the end of it all...
we should be thankful for all that we have...
Minsan naiisip ko bakit ang hirap ng buhay... tingin ko sa sarili ko napaka malas kong tao..pero sa tuwing nakakakita ako ng mga pubuli sa daan, mga barong barong sa ilalaim ng tulay, napag-iisip kong maswerte din pala ako...
ReplyDeleteNice post POPE!
Amen.
ReplyDeleteSa tuwing magigising ako, nagpapasalamat ako sa Panginoon. Dahil ginising pa rin Nya ako. Dahil binigyan Nya ulit ako ng pagkakataon para magbago.
Sa pananaw ko: Sa lahat ng umagang gigising tayo, panibagong pagkakataong bigay ng Diyos yon para sa atin.
Magpasalamat tayo dahil binigyan niya tayo ng biyaya...
ReplyDeleteGod Bless The Pope :)
AMEN sa lahat ng nagcomment! Mapalad tayong lahat dahil buhay tayo at malakas. Mapalad pa rin ako kahit walang trabaho dahil nakakakain pa rin sa labas ng aming tahanan....sa patio lang nga hehehe. Thanks Pope sa magandang inspirasyong ito.
ReplyDeletenakikisama sa lahat ng ngpapasalamt.. :D
ReplyDeleteisa sa mga realizations sa buhay na ikinatutuwa kong narealize ko habang bata pa ko.
ReplyDeleteang sarap mabuhay! ^_^
namiss ko naman dito pope.. kamusta po?? keep safe oks!! *wink*
-chennn