Isang ordinaryong kahon kung pagmamasdan - kadalasang kulay ay kayumanggi at ito ay may hugis na parisukat. At kung susuriin mo, tulad ng sikat na patalastas, ito ay may tibay na maaasahan. Ito ang tinatawag na "Balikbayan Box", ito ay simbolismo ng kultura ng bawa't migranteng Pilipino.
Sa bawa't Pilipino saan mang panig ng mundo, minsan sa kanilang buhay bilang OFW ay hindi maikakaila na sila’y nakapagpadala o kanilang dala-dala ang isang Balikbayan Box na naglalaman ng mga pasalubong sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.
At kung susuriin, ang nilalaman ng pangkaraniwang balikbayan box, ito ay naglalaman ng mga produktong mabibili sa mga pangunahing tindahan sa Pilipinas.
Isang bagay na tila katawa-tawa sa iba, bakit nga ba hindi na lang pera ang ipadala ng mga OFW sa kanilang kapamilya at bahala na sila ang mamili ng kanilang kursunadang produkto na naaayon sa kanilang panlasa at isang kapakinabangan din sa mga OFW dahil hindi na sila mahihirapan sa paghahanda ng ilalaman ng isang "balikbayan box".
Ngunit sa mga OFW, hindi sapat ang pera upang maipakita ang kanilang pagmamahal sa pamilya. Dahil ang tinatawag na remittance ay isang buwanang obligasyon ng OFW upang matugunan ang gastusing pinansyal ng kanyang kapamilya kung saan ang lalabis dito ay ituturing na savings ng kanyang kapamilya. At hindi kayang palitan ng salapi ang tinatawag na “spirit of gift giving”.
Ang kahong kayumanggi ay isang manipestasyon ng Pilipino “diaspora” na naglalayon na maipakita ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga kapamilya sa bansang sinilangan sa isang boluntaryong pamamaraan.
Patuloy ang pagtangkilik ng OFW sa pagpapadala ng package sa kanlang pamilya sa pamamagitan ng Balikbayan box dahil sa ilang mga kadahilanan.
- Ibinabahagi ng bawa't OFW ang maraming mga bagay na kanilang tinatamasa, mga produktong nabibili sa bansang pinagtatrabahuan na natagpuan nilang kaaya-aya sa kanlang panlasa at nais nila na matikman din ito ng kanilang pamilyang naiwan sa Pilipinas.
- Sa paghahangad ng mga OFW na mabigyan kasiyahan ang kanyang kapamilya sa Pilipinas, kung saan ang ilang mga gamit na minsan nilang pinangarap sa kanilang buhay ay naging mailap ng sila ay nasa Pilipinas pa. At ang pagiging OFW ay nagbibigay katuparan na mabili ang ilan sa mga pinapangarap ng kagamitan bilang laman ng kanilang balikbayan box.
- Upang matugunan ang mga kahilingan ng kapamilya kung saan ang mga produkto ay mas mura sa kanilang bansang pinagtatrabahuan kung ikukumpara sa kasalukuyang presyo nito sa sa Pilipinas.
- Sa bawa't nilalaman nitong kahong kayumanggi ay masusing pinili ng mapanuring mata at panlasa ng mga OFW. Ilang araw at ilang gabi ring pinag-isipan ng mga OFW ang wastong ireregalo, at sinisiguro na bawa't miyembro ng kapamilya ay nakalista.
Masinop nilang pinag-aralan ang pakikipagtawaran upang makapamili sa abot kayang halaga, upang iba pang pasasalubungan ay makinabang rin. Maingat na binalutan ng mga dyaryo, plastic at mga damit, upang masigurong ang mga binili ay protektado. Maingat na isinalansan sa loob ng kahong kayumanggi, sa ilalim ang mabibigat at sa ibabaw naman ang magagaan.
Ilang ulit na tinimbang bago isara ng tuluyan ang kahong kayumanggi. At sa malikhaing kamay ng mga OFW, ang detalye ng patutunguhan ng kahong kayumanggi ay buong pagmamalaki nilang isinulat sa labas ng kahon. Ang iba’y tinatalian pa ng makapal na nylon upang masigurong laman sa loob ay mas protektado.
Sa paglalakbay ng bawa’t kahong kayumanggi saan mang panig ng mundo ito magmumula patungo sa pintuan ng kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas, hindi lamang ito naglalaman ng mga materyal na bagay na inaakala ng iba.
Bagkus sa loob ng bawa’t balikbayan box ay matatagpuan mo ang puso ng bawa’t OFW, ang kanilang nag-uumapaw na pagmamahal sa kanilang naiwang kapamilya sa Pilipinas. Ito ay isang tradisyon na makikita mo lamang sa Lahing Pilipino.
Kapamilya, kaibigan, kakilala o kababayan, ipagpaumanhin nyo sana kung tsokolate lang ang aming naipadala, kahit ito ay gawa sa Tsina, tunay na may pusong Pilipino naman ang nagpadala, at nawa'y sa bawa't kagat nyo nawa'y malasahan nyo hindi lang ang tsokolate kundi ang tamis ng aking pag-ibig at pananabik na ikaw ay makasama, miss na kasi kita.
Ikaw kaibigan, miss mo rin ba sila?
Toothpaste, sabon, shampoo at lotion na may mala "bulateng" naka sulat na nagpapatunay na ito ay galing sa ibang bansa. Mga kasangkapang kung tutu-osin ay meron din sa atin. Ngunit iba ang dating at pakiramdam kung binabanggit na - "Galing ito kay (tatay, nanay, kuya, ate, anak, apo)"!
ReplyDeletepara sa aming mga babae.. laging laman ng kahon (kasama ng mga nabanggit ni kuya blogusvox) ay gamit sa kusina... tefal/prestige na lutuan para sa mommy, sangkalan at kubyertos galing sa IKEA, black & decker na 1 set tools para kay daddy. sapatos na nike at sketchers para sa mga kapatid at pamangkin... Charles & Keith na sandals ni mommy. Adidas na sapatos ni daddy... T-shirt na may tatak ng bansang kinaroroonan... (I LOVE DUBAI sa case ko!), dart board at bolang pambasketball... bedsheets.... towels... etc...etc...
ReplyDelete30 days ang sailing bawal maglagay ng pagkain kase masisira lang...
masarap ang feeling pag nakarating sa atin... ilang months na supply... sana'y bago maubos ay dumating na ulit ang kasunod....
Kaso antagal dumating ng balikbayan box.. minsan mahigit-kumulang 3 buwan jijijijiji....
ReplyDelete@ BlogusVox
ReplyDeleteTama, may malabulating sulat ang mga produktong galing dito sa Gitnang Silangan, hahahaha.
@ A-Z-E-L
Halos lahat ng kasangkapan ko sa bahay na electrnonics items at mga gamit ng wife ko sa kusina, mga gamit sa kwarto at kama, etc. galing lahat dito sa Gitnang Silangan. Isang pagmamalaki na tila sinasabi katas ng pagiging OFW.
@ I am Xprosaic
Ganun ba katagal halos 3 months? Siguro kung galing sa USA, kasi dito sa Middle East, 30 - 45 days lang ang sea freight, at kapag air cargo ay 4 days lang.
tunay na pagmamahal ang bawat laman ng bawat kahong iyon. kasi kakainin mo na lang ay itatabi mo pa para lang makabili ka. isip ang puso ang ginagamit bago makabili ng isang item na minsan ay napipintasan pa :)
ReplyDeletebut I am sure na sa bawat abot natin ng regalo ay may tao tayong napapaligaya.
@ Life Moto
ReplyDeleteTutuo yang sinabi mo, mula sa regular monthly budget, pinipilit nating tipirin ito at anuman ang sumobra ay ibinibili natin ng mga pasalubong para makapagdulot tayo ng kasiyahan sa pamamagitan ng balikbayan box.
kailan din kaya ako makapagpapadala ng balikbayan box? ang aking ipon ay hindi pa sapat..hehehe
ReplyDelete@ poging (ilo)CANO
ReplyDeleteAng kadalasan kong ginagawa kapag naggo-grocery ako, isinisingit ko na ang mga ipapadala ko sa Pilipinas, tulad ng kape, de lata at iba pang produkto, sa halip na isang piraosng sabon, 2 na binibili ko isa sa akin at isa para sa balikbayan box, hanggang sa maipon ito at di mo namamalayan marami ka na rin palang naiipon at maipapadala sa kanila.
When I was looking for a shoes para ipapadala sa brother ko, nahirapan ako sa size, kaya sabi ko, bakit di na lang pera ipapadala ko, makakapili pa siya. Sabi ng friend ko, kahit mumurahin lang yang ipapadala mo, pero pag galing ng saudi, iba ang dating. hehehe. totoo nga naman.
ReplyDeletetotoo lahat ng ito pards..alam mo ba na unang balot ko nuon, katapos palang ng pangalawang sweldo ko.halos maiyak ako sa tuwa ng nilalagay ko sa kahon ang mga pasalubong na ipapadala ko.iba ang pakiramdam ng unang kayumanging kahon para sakin masarap at masaya.isang bagay ito na hindi ko malilimutan bilang isang ofw. ito ang tatak ng pagmamahal ng pinoy sa pamilya.
ReplyDeletemabuhay ka pards.nabasa mo ang tatak OFW!
Natatawa ako habang binabasa ko ang blog mo ngayon, kasi ako rin nagpapadala ng balikbayan box at eto nga sa sobrang laki ng box, nauna pa akong nakarating sa Pilipinas dahil hindi ko mapuno hehehe. Bukod sa pera may box pa tayong pinapadala kasi kung pera lang malamang hindi naman bibilhin ng mga kamag-anak ko ang mga produktong pinapadla ko na laman ng kahon, kasi nanghihinayang sila sa halaga nito kaya malamang imbes na pambili nila ng mamahaling produkto ipambibili na lang ng pagkain nila, kaya mas mainam pa rin na magpadala ng box at nalalasap nila ang mamahaling produkto mula sa bansang pinagtatrabahuan natin ngayon.
ReplyDeleteMiss your blog na Pope! Makakabawi na rin sa tagal kong nawala sa blogosphere :-)
Dito me balikbayan box din, cost 125€(8000php) ang service fees. One month darating, put all you can.
ReplyDeleteIm going to close mine now.
Like sardonyx, baka mauna pa ako sa manila, haha
@ Mr. Thoughtskoto
ReplyDeleteIyan din ang natutuhan ko dito sa abroad, kahit mura, pag galing sa abroad, iba ang dating sa makakatanggap.
@ Everlito (ever) Villacruz
Kabahagi na talaga ng kultura ng Migranteng Pilipino ang kahong kayumanggi, tama ka, ito ang tatak ng OFW.
@ Sardonyx
Welcome back Bb. Sardz, na miss ka namin ng husto.
@ Francesca
Magbabakasyon ka rin pala, well happy trip.
Every december nakakatanggap ako ng box na yan frommy tito at illinoise, nakaktuwa, nakaktaba ng puso, yah, its true na may mga bagay sa loob ng kahon na meron naman dito kung gusto ng tate meron naman din mabibilhan dito but the fact na naalala ka nila na gusto nilang magshare whatever what they have, yun ang dapat naapreciate not exactly the things what inside the box but the value of that box...not the cost but still the value...kaya kahit utol ko ngayon di ko na pinipigilan pag nagsasabi na magpapadala cia nian kc ganun din ako nun..Godbless...
ReplyDeleteano kaya ang pakiramdam ng isang OFW..sana maramdaman ko iyon..
ReplyDeleteako? hindi ako nagpapadala ng balikbayan box, usapan na namin ng nanay ko yun kasi, katulad nga nga ng sinabi mo, yung mga laman ng balikbayan box e mga mabibili rin sa pinas. Medyo praktikal kami..sabi ni nanay perahin ko na lang daw lol!
ReplyDeleteAlam ko naman syempre kung saan napupunta ang pera, nanay ko pa :)
@ SEAQUEST
ReplyDeleteWhat you have said is true, for each balikbayan box that the family receives, inside bears the love, sacrifice and dedication of a Gloabal Filipino.
@ Arvin U. de la Peña
Well mahirap i-expalin ang nararamdaman ng OFW, but only one thing is common for all OFW, it is love and devotion to their family, kaya hinarap nila ang kalungkutan and the uncertainties at the foreign land.
@ melai
Just like some of my friends, di rin sila nagpapadala ng balikbayan boxes sa family nila, kasi nga they are thinkin na mas practical if they just send money instead to their family.
A blessed evening to you.
Balikbayan box... sa tuwing naririnig ko ang katagang ito, marami akong naalala.. matatagal din akong nagtrabaho sa middle east, sa saudi, dubai, at Qatar.. madalas yan ang dala-dala ko sa tuwing ako'y umuuwi. minsan nagpapadala via Cargo forwarders, na ang laman ay puro groceries at mga appliances. 14 years din ako sa middle east, kaya ang balikbayan box ay naging bahagi na rin ng buhay ko bilang OFW... ngayon nandito nako sa Africa, hindi na yan nauso dahil sa sobrang Mahal ang mga bilihin dito... hindi na balik-bayan box kundi drop-box na pra diretso na ang pera sa pamilya.
ReplyDelete