Anim na buwan ang nakaraan, dito mismo sa aking kinauupuan, sa labis na kalungkutan Palipasan ay isinilang. Isa lang naman ang aking adhikain, ang maibahagi ang aking saloobin. Kaya't ako po'y napapasalamat sa inyo, na nakiraan, dumalaw, bumisita, tumambling, umistambay, nagbasa, nagkomento at nag-iwan ng marka at bumoto sa aking panulat Silang Mga Naglakas Loob bilang nominado sa PEBA 2009.
Kayo na nga, wala na akong hahanapin pa, dahil kayo ang nagibgay ng saya, ng tamis at lambing sa blog ko, maraming pong salamat sa inyong lahat at narating ng Palipasan ang anim na buwang pananatili sa blogshpere at ito ngaun ang pang "100th Post ng Palipasan".
Maraming pong salamat sa inyo, sa Palipasan kayo po ni Bro ang laging bida. Tulad ng mga naunang panulat, sa aking pang 100 post - ito'y inihahandog ko sa bawa't Pilipino, sana po maibigan ninyo.
HINANAP KITA SA IBANG BANSA, SUBALIT HINDI KITA NAKITA
Nuo’y aking inakala na mapalad ang mga OFW at mga Migranteng Pilipino na nasa ibang bansa, silang mga naglakbay sa Timog, Hilaga, Silangan at Kanluran at ako’y napadpad sa Gitnang Silangan na minsa’y hinanap ang kagandahan ng tanawin ng ibang bansa at pilit na ikinumpara sa yaman ng ating Inang Bayan.
Sa unang pag-apak sa ibang bansa bilang mga banyaga, mga OFW ay namangha sa iba’t ibang tanawin sa kanilang mata’y bumulaga. Sinong mag-aakala na kanilang makikita ang matayog na Eiffel Tower ng Paris, ang mahabang tulay ng Golden Gate sa Amerika, ang arkitektura ng simbahan ng St. Peter Basilica sa Roma, ang makasaysayang Pyramid ng Ehipto at ang sikat na Merlion ng Singapore, mga ilan sa seven wonders na sa magasin lamang madalas nakikita.
Hindi maipaliwanag ang nag-uumapaw na kasiyahan sa unang pagkakita sa mga mapuputing niebe o “snow” na tila isang himala na ipinagkaloob lamang ni Bathala sa mga piling lupain ng Europa, Amerika, Canada at mangilan-ngilang bansa sa Asya.
Ang marangyang buhay hatid ng makabagong teknolohiya ay kanilang nalasap, computer at laptop, home theater at flat screen, i-Phone at i-Pod at magagarang sasakyan tulad ng kotseng pangarera at dambuhalang 4WD ay ilan lamang sa kanilang kinahumalingan.
Subalit makalipas ang ilang buwan, kanilang napagtanto na ang mga ito ay pansamantalang kaligayahan lamang, dahil iba ang ating nakasanayan, iba ang ating kinalakihan, iba ang kulturang Pilipino na ating kinagisnan.
Kanilang naramdaman ang unang pangungulila bilang mga banyaga sa panahon ng pagkakasakit o karamdaman dahil kanilang hinahanap-hanap ang haplos ng pagmamahal, ang kakaibang pag-aaruga ng kapwa kababayang Pilipino.
Lalong umigting ang kalungkutan sa pagsapit ng kapaskuhan, dahil sa ibang bansa ang pagdiriwang ng Pasko ay tila isang ordinaryong kasiyahan lamang. Dahil habang tumatagal ang pananatili bilang banyaga ay lalong sumisidhing pananabik na makauwi sa sarilng bansa.
Pagka’t walang makapapantay sa ganda ng ating bansa, ang mapuputing buhangin ng Boracay, ang Amanpolo, ang Dakak at Puerto Galera. Ang malamig na tanawin sa bayan ng Baguio at Tagaytay. Ang kakaibang lugar ng Chocolate Hills ng Bohol at Hundred Islands ng Pangasinan.
Ang makulay na kultura sa taunang kapistahan na matatagpuan lamang sa ating bansa, ang Black Nazarene Festival ng Quiapo, ang Sinulog Festival ng Cebu, ang Ati-Atihan Festival sa Aklan, ang parada ng Lechon sa Laguna ay ilan lang sa kinagigiliwan at dinarayo hindi lang ng mga Pilipino, maging mga turista sa ibang bansa.
Sino ang makalilimot sa masayang kapaskuhan sa Pilipinas, ang mga makukulay na parol at Christmas Tree, ang pangangaroling, ang Simbang Gabi, bibingka’t puto bumbong, ang pamimigay ng aguinaldo, ang Noche Buena at ang masigabong pagsalubong para sa isang Manigong Bagong Taon.
Wala nga tayong malalapad na kalsada, at pawang Sarao at pedicab lamang ang gumagala sa ating lansangan pero sa kasalukuyan sapat naman ito para makarating sa ating patutunguhan. Wala rin tayong Autum at Winter, dahil ayon na rin kay Bathala tag-araw at tag-ulan lamang ang tanging kailangan sa pagtatanim at pag-aani sa mayaman at matabang lupa ng ating kabukiran.
Lagi kong sinasariwa ang aking pagkabata, sa tuwing sasapit ang dapit hapon akoy’ laging nakapamintana. Mula sa malawak na karagatan ng Manila Bay na aking natatanaw, ako’y matiyagang naghihintay sa makulay na paglubog ng Haring Araw. Isang pangitain na hindi ko pinagsasawaan na balik-balikan at hindi ko ito nakita sa ibang bansa.
Ngayon alam ko na kung bakit ang mga dakilang bayani na minsan ay namuhay sa ibang bansa bilang mga banyaga, tulad nila Gat Jose Rizal at Senador Benigno Aquino ay walang takot na nagbalik sa Pilipinas dahil sa labis na pangungulila na tayo ay muling makasama.
Silang mga tinaguriang Bagong Bayani ng Bayan na mas kilala sa tawag na Pinoy Expats o OFW na nagsilikas upang labanan ang pambansang kahirapan sa ibang bayan, kahit ilang taon man silang mga banyaga, sila'y nanabik na magbabalik sa ating bansa dahil AKO, IKAW AT SILANG MGA OFW - TAYO AY IISA AT PARE-PAREHONG MGA PILIPINO, nananabik na muling makasama at makita ang kanilang mga kapamilya, kababayan at ang kagandahan ng Bayang Sinilangan na sa Pilipinas lamang makikita.
Kaibigan, tangkilikin natin ang ating mga kababayan at ang sariling bayan, sana magtulungan tayo para makamtan ang tunay na pagbabago para sa Pilipinas at Lahing Pilipino.
Kaibigan, tangkilikin natin ang ating mga kababayan at ang sariling bayan, sana magtulungan tayo para makamtan ang tunay na pagbabago para sa Pilipinas at Lahing Pilipino.
congrats kuya! naka 100 post ka na :) wala bang kendi jan? kendi nalang kase sawa na ako sa berjer. nyahahaha!!
ReplyDeletegaling ng post mo :) nakaka miss talaga ang pinas. nakaka miss ang buhay naten sa pinas lalo na ang mga pagdiriwang sa ibang bayan na pinupuntahan naten. sabi nga nung isang kasama namen sa bahay, sana daw ay may fiesta din dito sa dubai para masaya. hehehe... kase namimiz niya daw yung mga ganun. kahit ako. yung peryahan pag may fiesta. hihihi...
alam ko naman na hindi lahat ng OFW ay magtatagal sa isang bansang napili. uuwi at uuwi pa rin sa bayang sinilangan dahil doon ang buhay naten at doon tayo ay masaya kapiling ang ating mga mahal sa buhay :)
Binabati kita sa iyong ika-100 post. Maraming gumagawa ng mga blog nila, pero hindi lahat umaabot ng isang daan ang mga nailalathala nila. At mas lalong konti ang mga nagsusulat ng mga makubuluhang panunulat. Isa ka dun sa kaunti na yon.
ReplyDeleteKeep it up!!!
congrats sa 100 poste na hanggang ngayon ay maliwanag na iniilawan kaming mga mambabasa!
ReplyDeletenakakamiss ang Pinas... ang dami mong sinabing lugar, masarap balikan ang mga un... pero kahit ang kwarto ko lang at ang bahay-kubo sa likod bahay namin, sapat na yun upang malaman kong talagang hindi natin makikita ang mga bagay na hinahanap natin sa ibang bansa....
salamat kuya sa pagbuhay ng Pilipinas sa aming mga diwa... malaking tulong sa amin un!
Happy 100 post po sa iyo... hehehe! tuloy niyo lang ang pag-share ng mga saloobin :)
ReplyDeleteGOd bless!
pope hinahanap ko din yang bebot na yan,hehe
ReplyDeletehapi 100th posts. marami akong natutunan sa mga posts mo,pumupurol po ang sungay ko dahil sa blog mo,hehe salamat... :)
proud ako sa erpats ko dahil isa din siyang OFW kagaya niyo,mabuhay tayong lahat! :)
Bro, lalo ako na homesick sa article mo na ito. Kahit na naging maaga pa ang pasko ang damang dama ko dito.
ReplyDeleteTunay na walng kapalit ng sariling tahanan. There is no place like home.
Thanks for up lifting the OFW and congrats for the 100th.
Have a nice weekend bro.
Sangkatutak na ang post mo bro at sangkatutak na din na kaalaman ang naipasa mo sa amin. Keep it up! Alam kung marami ka pang gagawin para sa susunod mo na post. Anyways, nakakamis talaga ang Pinas. 3 years ko nang di na nakita ang mala paraiso naming probinsya.
ReplyDeleteInuman na yan..happy 100th post POPE!
ReplyDeleteIlang taon na nga po kayong nagtatrabaho sa ibang bansa? Akala ko ang mga Pilipinong kakaalis lamang sa bansa (tulad KO) ang nakakaramdam ng ganito.
ReplyDeleteHalatang nanggaling sa puso't kaluluwa ang mga salitang nakasulat sa post na ito. Tagos talaga, ang galing! Nakaka-relate ako.
@ Dyi
ReplyDeleteNa miss ko ang Bicol at ang Mayon, taga Tabaco City ang wife ko.
@ gillboard
Salamat sa pagbati, hindi ko ito mararatng kung wala kayo, kayo ang nagbibigay inspirasyon sa akin na manatili sa pagsusulat, at lagi ko itong inihahandog para sa inyo.
@ A-Z-E-L
Sa loob ng anim na taon kong pagtatrabaho sa Aviation company sa Pinas, halos nalibot ko ang buong Pilipinas, nakita ko ang kagandahan nya mula sa lupa at himpapawid, walang makakapantay sa kanyang ganda.
@ MarcoPaolo
Salamat sa pagbisita at pagbibigay inspirasyon.
@ HARI NG SABLAY
Sabay natin syang hanapin sa Kalibo Aklan sa kapistahan ng Santo Nino hehehehe.
Regards to your father, isa syang dakilang ama and a proud dad for having a son like you. Tama ka, mabuhay tayong lahat.
@ Life Moto
ReplyDeleteWell hindi ka nag-iisa pagdating sa pagka home sick, think about the 12 million OFW na nasa iba't ibang bahagi ng mundo, we are all on the same boat, longing to come home, sana dumating ang panahon na di na natin kailangang mag-abroad.
@ Ruphael
Saan ang province mo bro? Miss ko ang amoy ng mga bukid, ang amoy ng bagong ulan na dumadampi sa lupa, ang paglalakad sa pilapil, ang pamimitas ng mangga at bayabas.
Happy weekend.
@ Mokong
Hahahahaha, ilabas na ang serbesa, pulutan at videoke hahahaha. Salamat sa pagbisita at pagiiwan ng marka.
@ RJ
17 long years na ako na nagta-trabaho sa abroad, subalit hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa ating bansa, hindi nagbabago ang aking pananabik na makauwi at manatili sa ating Inang Bayan.
Best regards kaibigan.
i miss you na pinas! kailan kaya kita muling makakasama?hehe
ReplyDeletemor, mor da wan handred poat to kam.
ang galing ng post na ito, nakakamiss nga naman ang Pinas:D
ReplyDeletecongrats sa ika-100th post, keep on blogging Pope:D
napakatalinghaga naman ng post title and banner na yan!
ReplyDeleteMaligayang ika-100 post, The Pope! (At mayat-maya mo akong pinapahanga sa iyong likhang sanaysay. Laging may kurot).
ReplyDeleteResilient ang mga Pinoy, OFW man o hindi. That's one thing that we should be proud of. Kahit gaanong hirap pa ang bakahin natin, we always have that 'spiritual smile' within us.
And reading you adds up to that 'spiritual smile'.
todo nato!,mabuhay ang palipasan sa anim na buwan naka isang daan pagbibigay talakayan sa mundo ng bloggersperyo!
ReplyDeletehappy 100th post Pope! continue showering us with inspirational posts!
ReplyDeletewaw! congrats pope!
ReplyDeleteisa ka po talaga sa mga hinahangaan kong blogger, di nawawalan ng tamang inspirasyon.
more blessings to come po! sana dumating ung time na makauwi ka na po dito sa pinas at makasama mo na ang family mo po..
god bless po :)
-chennn
Happy 100th post Pope, congrats and more power to your blog. Galing ng post mo ngayon wala akong masabi kundi .....bow! AMEN! hehehe Sana rin huwag kang magsawa sa pagsulat ng tungkol sa bayang Pilipinas at sa mamamayang Pilipino.
ReplyDelete@ poging (ilo)CANO
ReplyDeleteHahahaha, para s iyo kaibigan, patuloy akong lilikha ng panulat.
@ DETH
Kahit na ako, sobrang miss ko ang Pinas.
A blessed Sunday, happy weekend.
@ kcatwoman
Maraming salamat sa muling pagbisita.
@ isladenebz
Tunay ang mga sinabi mo kaibigan, madaling maka-adopt ang mga Pinoy sa iba't ibang kultura, pero di nawawala sa kanila ang pagiging Pilipino. Maraming salamat sa iyong paniniwala at pag-iiwan ng marka.
@ Everlito (ever) Villacruz
Maraming salamat sa pagdalaw, at mabuhay ang mga blogistang Pilipino.
@ Badong
Salamat sa iyong papuri at muling pagbisita.
@ yellowshoelace
Isa ka sa aking mga inspirasyon, natutuwa ako kapag ako'y may nakikitang kabataan na magsisimulang mag blog, isang makabuluhang paraan ng pagpapahayag ng saloobin sa makabagong daigdig ng internet.
@ Sardonyx
Hanggang may mga kapwa blogger na tulad mo na akin ring hinahangaan na patuloy na lumilikha ng mga panulat at patuloy rin na nagbabasa ng aking panulat, mananatiling masaya ang ating buhay at ang mundong ating ginagawalan sa daigdig ng reyalidad at ng birtuwalidad.