"Do not follow where the path may lead. Go instead where there is no path, and leave a trail" (Ralph Waldo Emerson)
Sa daigidig na ating ginagalawan, may mga pangkaraniwang tao na lumilikha ng mga pambihirang gawain – sila’y namamayagpag saan mang sulok ng daigdig sa pagharap sa bawa't hamon ng buhay upang maabot ang kanilang mga munting pangarap. Sila ang mga tinaguriang Migranteng Pilipino na mas kilala sa tawag na OFW.
Hinarap nila ang hamon ng pangingibang-bayan, binaybay ang malawak na karagatan, halos abutin ang mga ulap sa kalangitan, pinanhik ang mga kabundukan, naglakbay sa mga desyerto at kapatagan. Hindi inalintana ang pinakamatinding init ng araw at ang kakaibang lamig na hatid ng nyebe na hindi naranasan sa sariling bayan.
Ang mga kwento ng katapangan at kalungkutan, tagumpay at kabiguan, sa kabila ng mga hamon ng buhay. Sila ay kinilala at tinanggap sa buong mundo.
Sila Ang Mga Naglakas Loob Upang Maging Kakaiba,
Sila Ang Mga Naglakas Loob Upang Mamayagpag
Ayon sa pagsusuri ng Phil. Migration and Development Statistical Almanac of the Institute of Migration and Development Issues (IMDI), sa buong daigdig, naitala na may mamamayang Pilipino sa 239 na bansa. Sa kabuuang bilang, 209 na bansa ay kasapi sa United Nations. Ang nalalabing 30 ay hindi kasapi ng UN kung saan kabilang ang mga isla at teritoryong hindi kilala ng nakararaming Pilipino.
Sa bawa’t araw, halos 3,000 ang lumalabas ng bansa bilang migranteng Pinoy. Kasalukuyang may mahigit 12 milyong Pilipino Expats o OFW ang matatagpuan sa ibat ibang sulok ng mundo,
Sila'y kahalintulad ng mga tala sa madilim na kalangitan na nagbibigay ningning sa mapanglaw na gabi. Dahil tayong mga Pilipino ay maihahalintulad sa mga batong-hiyas na may kakaibang kinang, brilyo at kalidad kung saan nahumaling ang mga banyaga.
Sila'y kahalintulad ng mga tala sa madilim na kalangitan na nagbibigay ningning sa mapanglaw na gabi. Dahil tayong mga Pilipino ay maihahalintulad sa mga batong-hiyas na may kakaibang kinang, brilyo at kalidad kung saan nahumaling ang mga banyaga.
Sa pandaigdigang populasyon ng paglalayag, 25% nito ay pinamamahalaan ng mga Pilipino “seafarers”. Ang ating mga nurses at caregivers ay bahagi ng “Global Human Ecology of Caring” kung saan binuksan ng Amerika, Canada, Japan at Europe ang kanilang mga pinto sa Mangagawang Pilipino.
Mataas na bilang ng ating mga kababayan sa larangan ng Entertaining Arts ang matatagpuan sa naglalaking mga hotel at casinos ng Macao, Singapore at sa Hongkong Disneyland. Sa mga 5-Star hotels at sikat na beach resorts at restaurants sa buong mundo may makikita kang manggagawang Pilipino. Mga Filipina domestic helpers ay nasa bawa’t tahanan sa Gitnang Silangan, Europa, Amerika, Hongkong. At ang mga Filipino professional, skilled and factory workers ay nasa mga bansang Korea, Saudi Arabia at Middle East, Taiwan, at Brunei. Sa literal na pangungusap, sinakop na ng manggagawang Pilipino ang buong mundo.
Sapagka't ang tinaguriang Pilipino “Diaspora" ay kinikilala sa buong mundo dahil sa ating kakaibang talento at kakayanan sa larangan ng pagtatrabaho. Natagpuan ng mga banyaga sa ating bansa ang pinakamahalagang mina ng ginto, ito ang mina ng kadalubhasaan at talento, isang hiyas na nasa katauhan ng bawa’t Manggagawang Pilipino.
Ang mga tunay na kwento ng kalungkutan, pang-aabuso at kamatayan ng ilang mga OFW ay hindi naging hadlang upang panghinaan ng loob bagkus buong tapang na hinarap ang hamon ng pangingibang bansa.
Tiniis lahat ng mga kalungkutan, ilang Pasko at Bagong Taon, kapistahan at Flores de Mayo, ilang berdey at anibersaryo, sa bawat taon ang ating inaala-ala ng nag-iisa. Lahat ng bagay ay tiniis, at buong sahod ay ipinapadala dahil ang katwiran ng bawa’t OFW - “Pamilya Ang Laging Una”.
Sa pag-apak natin sa ibang bansa bilang mga banyaga, nananabik tayo na makakakita ng kapwa Pilipino, may balat ay kayumanggi, ilong na may pagkapango at katamtamang taas – at hindi natin ikinahiyang wikain ang mga salitang “Kabayan, Pilipino Ka Ba?”
Dinala nila sa ibang bansa ang ating kulturang Pilipino, bitbit sa maleta ang mga balot at itlog na pula, tuyo, dilis at daing, bagoong na nilahukan ng baboy, manggang kalabaw, mga kamisetang may disenyong “Araw at Bituin” at “alpombrang” sinelas na gawa sa Marikina.
Isang kamalayan ng lahing Pilipino na sa paglikas mula sa sariling bayan patungo sa ibang bansa sa paghahanap ng katugunan sa kanilang munting pangarap, bitbit natin ang ating mga puso ang kinagisnang Pananampalataya.
Bagama’t banyaga, lakas-loob na lumikha ng “munting bansa” sa pamamagitan ng paglulunsad ng matibay na “Filipino communities” bilang sagisag ng nagkakaisang OFW. Lumabas ang pagiging pilantropo nating mga OFW sa patuloy na pagtulong natin sa mga kababayan naitn sa Pilipinas na naging biktima ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, sunog at pagbabaha.
Ang ating pananatili sa ibang bayan ay isang mukha ng pakikibaka ng Pilipino bilang OFW laban sa pambansang kahirapan. Bagama’t wala sila sa kahabaan ng EDSA at tulay ng makasaysayang Mendiola, nakibahagi pa rin silla sa mga kilos protesta sa mga lansangan ng Amerika, Canada, Europa, Hongkong at Taiwan. Sila'y nanindigan, Pambansang Halalan ay aming sinuportahan at Saligang Batas ay aming binantayan.
Karamihan sa kanila ginamit ang kapangyarihan ng blog, ang isang uri ng makabagong literatura - ang paninindigan ay kanilang ipinahayag. Dito lumabas ang bagong talentong Pinoy, sila'y nanatiling mapagkumbaba at hindi na nais pang magpakilala sa madla, Sa malayang kaisipan kanilang ibinahagi ang kwento ng kanilang buhay bilang OFW, ito'y nagbigay daan upang ang makababasa ay mabigyan ng pag-asa sa kabila ng pinagdadaanang mga hilahil sa buhay.
Karamihan sa kanila ginamit ang kapangyarihan ng blog, ang isang uri ng makabagong literatura - ang paninindigan ay kanilang ipinahayag. Dito lumabas ang bagong talentong Pinoy, sila'y nanatiling mapagkumbaba at hindi na nais pang magpakilala sa madla, Sa malayang kaisipan kanilang ibinahagi ang kwento ng kanilang buhay bilang OFW, ito'y nagbigay daan upang ang makababasa ay mabigyan ng pag-asa sa kabila ng pinagdadaanang mga hilahil sa buhay.
Subalit kahit ilang taon silang naninirahan sa ibang bansa bilang banyaga hindi pa rin maipagkakaila ang kanilang pangungulila na makabalik sa sariling Bansa.
Kung ang ating mga pawikan sa karagatan at mga ibon sa kalawakan, libo-libong milya man ang kanilang binaybay, sila’y muling nagbabalik sa kanilang pugad na kinagisnan, tayo pa kayang mga tao at tunay na Pilipino na pawang nananabik na makasama ang mga mahal sa buhay at kapwa mamamayang Pilipino.
Kung ang ating mga pawikan sa karagatan at mga ibon sa kalawakan, libo-libong milya man ang kanilang binaybay, sila’y muling nagbabalik sa kanilang pugad na kinagisnan, tayo pa kayang mga tao at tunay na Pilipino na pawang nananabik na makasama ang mga mahal sa buhay at kapwa mamamayang Pilipino.
"The cry of the Israelites has reached me, and I have also seen how the Egyptians are oppressing them; so come now, let me send you to Pharaoh, that you may bring my people, the Israelites out of Egypt"(Exodus 3:9-10).
Isang pagpupuri sa kadakilaan ng Global Filipinos saan mang sulok ng mundo, sila ang tunay na "Pag-asa Ng Bayan", sila ang "Handog sa Mundo".
Salamat sa KABLOGS at PEBA sa pamamagitan ng mga panulat sa blog tinig ng mga OFW ay nadinig, sila'y napuna at binigyan ng pagpapahalaga.
Isang pagpapatunay na kapwa Pilipino lamang ang higit na makakaunawa at makapagbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanyang kapwa kababayang OFW. Kaya kabayan, sana pahalagahan natin ang kontribusyon ng ating mga kapwa Migranteng Pilipino.
Sana ikaw at ako - tayong dalawa, nawa'y ang tunay na pagbabago sa ating bansa ay sa ating dalawa magsimula, upang sa pagdating ng panahon walang ng OFW na kailangang mangibang bayan, dahil napakasarap isipin kung walang iwanan sa Bayan ni Juan.
salamat at sa wakas ay naitayo na rin ang posteng matagal ko ng inaabangan!
ReplyDeletesalamat sa pakikilahok.
salamat sa patuloy na pagsuporta sa PEBA.
Mabuhay tayong mga Migranteng Pilipino!
ano pang hinihintay mo?
GRAB the nominee badge!
oisssttt... nakita ko ung mukha ko sa video! lolz!
Maraming salamat sa pagtanggap, ito'y aking ibinabahagi sa lahat ng mga OFW Blogers na kasalukuyang aking kinabibilangan, sa KABLOGS at sa mga repsetadong Pilipino na nananatiling mapagkumbaba at piniling di magpakilala na syang bumubuo ng PEBA na naniniwala sa galing at talento ng Lahing Pilipino.
ReplyDeleteawww....
ReplyDeleteang galing kuya...
naluha ako ng wanport...:(
all the best kuya \m/
Galing! iba talaga ang nagagawang pagbuklod ng PEBA sa mga pilipino lalo na sa mga migranteng pilipinong bloggers... jijijijijij
ReplyDelete@ EǝʞsuǝJ
ReplyDeleteMaraming salamat sa pag-iiwan ng marka. Natawa ako sa wanport na luha hahahaha. God bless.
@ I am Xprosaic
Kahanga-hanga talaga, sa tulong ng PEBA, pinag-isa ang mga Pilipinong blogger sa walang hanganang blogsphere. Salamat sa pagbisita.
Kala ko pre hindi ka na sasali eh, ikaw pa naman ang inaasahan kong gagawa ng ganito, well siguro binuo mo muna lahat ng entries mo para makabuo ng isang entry :)
ReplyDeleteGaling pre, di lang ako kasali iboboto kita eh :D
yehey kasali na rin si Pope...goodluck po:D
ReplyDeletepinagpawisan ako dun ah..ayos...panalo!
ReplyDeletecongrats din sa lahat!
mabuhay ang ofw!mabuhay ang PEBA2009, mabuhay ang pilipinas!
@ Lord CM
ReplyDeleteNgayon lang ako napapagsubmit ng entry kasi ngaun ko lang nakumpleto ang 6 months archive requirements ng PEBA.
@ DETH
Isang karangalan ang maging bahagi ng PEBA 2009.
@ Everlito (ever) Villacruz
Maraming salamat sa pagbisita at pagbubunyi sa Lahing Kayumanggi. Pagpalain ka kaibigan.
Someone raise the bar, the bar of the contest. Everytime a very good blogger submit an entry, pinagpapawisan ako, kasi I can almost see the judges perspire reading such as this entries, pinagisipan, pinag-aralan, binasa, binasa ulit, binasa pa ng maige, pinagisipan, hayyyy. Goodluck!
ReplyDeletehehehe yun lang pala sasabihin ko!
Thank you for joining. Salamat ng marami. Sumobra ang goal namin, akala namin this month of July, we will have 20 nominees, eh kalahati pa lang, 21 na!
It means PEBA is the platform for OFW and Expats Bloggers to showcase their best post and blogs!
Salamat sau The Pope!
napa wow!! naman ako habang binabasa ang entry mo. parang pagkaing punong puno ng ingredients, kumpletong kumpleto, walang kulang, labis labis pa. iba talaga nagagawa ng PEBA. isang saludo sa 'u parekoy.
ReplyDeleteMaganda, mahusay, magaling! U
ReplyDeleteTalagang challenge sa mga magiging hurado ang mag-judge ng mga entries para sa 2009 PEBA!
wow, ang inaabangan ng lahat!
ReplyDeletegudluck po!
@ Mr. Thoughtskoto
ReplyDeleteMaraming salamat sa pagtanggap sa aking entry, isang malaking karangalan sa isang baguhang tulad ko ang mapabilang sa listahan ng mga dalubhasang nominadong bloggers ng PEBA 2009 na nagkatipon tipon upang bigyan pugay ang kadakilaan ng bawa't Pilipino.
Purihin ang inyong marangal adhikain para sa kapakanan ng nakararaming OFW.
@ Dakilang Palaboy
Salamat kaibigan sa iyong pagbisita at papuri, ikaw at ang mga OFW Bloggers ang nagsilbing gabay sa akin sa paglikha ng mga panulat, kayo ang dahilan sa aking pagpapatuloy sa paglikha ng mga panulat.
Purihin ka kaibigan.
@ RJ
Salamat sa pagdalaw, sa takbo ng pagdating ng bilang ng mga nominado, tinataya kong mahigit pa sa 30 ang bilang ng nominado sa PEBA, lalong isang malaking hamon ito sa PEBA judges.
@ Bhing
natuwa naman ako sa iyo Bhing, parang nag-paanak ako sa delivery room at inaabangan kung its a girl or a boy hahahaha (lolz).
Maraming salamat talaga sa iyong pagdalaw.
nawindang po ako sa slide niyo! akalain mong may poging napasama dun.hehee
ReplyDeletegudlak po!
ang galing ng pagkagawa..
@ poging (ilo)CANO
ReplyDeleteMalaking panahon ang aking ginugol sa paghahanap ng mga makabuluhang larawan na magbibigay buhay sa aking panulat, at nagpapasalamat dahil nakita ko kayo. ;)
A blessed Thursday evening.
Taob! The video is impressive. Touching. As in akala ko napaluha na ako ni Poging Ilokano, mas pinaluha mo pa ako sa video mo ngayon.
ReplyDeleteThe writing is equally impressive. The quality of chosen words are de-kalibre. Bull's eye sa theme; bull's eye din sa puso ng mga mambabasa.
Totoo: Sino man sila...hindi man magpakilala...hindi man natin sila kilala o makikilala...sila ang tunay na bayaning maipagmamalaki ng Pilipinas.
Mabuhay ka, The Pope. At mabuhay ang lahat ng taong nakabasa at magbabasa ng iyong likhang sining.
Congratulations.
Ang galing! Talagang pinaghandaan mo ang blog entry mo na to. Mabuhay ang PEBA at salamat naman at lumahok ka dito. Bakit wala ako sa video? hahaha joke lang. More power to your blog.
ReplyDelete@ isladenebz
ReplyDeleteMaraming salamat sa mga papuri, at aking inihahandog ang lahat ng ito sa ating mga kababayang mga OFW na nanatiling mapagkumbaba sa kabila ng kanilang dakilang naibahagi sa kanilang mga kapamilya, kababayan at sa ating bayan, na nagbigay inspirasyon sa bawa't bloggers na magpatuloy lumikha ng mga panulat na nag-uugnay sa bawa't isa sa atin sa malawak na dagidig ng blogshpere.
@ Sardonyx
Sa kabila ng malaki mong kontribusyon sa mga kapamilya at sa kababayan bilang OFW, naging mailap ka pa rin sa mga paparazzi kaya't nabigo pa rin silang makakuha ng larawan para maisama ko sa aking video. Maraming salamat sa iyong panahon na inuukol sa pagbabasa ng aking mga panulat at pag-iiwan ng marka. Purihin ka at ang iyong pamilya.
masaya ako at nagkaroon ako ng blog at naibahagi ko sa iba ang mga sinulat ko..
ReplyDeleteAko ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope you read it..
uurong ko na entry ko.
ReplyDeleteWalang panama sa entry mo.
mukhang pinaghandaan ng mabuti.
ang ganda , inspirational.
@ Arvin U. de la Peña
ReplyDeleteMaraming salamat sa iyong pagdalaw, at makakaasa ka na aking dadalawin ang iyong blog upang mabasa ang iyong post.
@ Francesca
Magandang umaga at maraming salamat sa iyong pagbisita at pag-iiwan ng marka. Being a nominee in PEBA is not just about winning, its about courage to stand up on the challenges of PEBA, and our love and compassion in sharing talents in the glory of our Filipino OFW.
And its a great honor to be be with the talented and professional bloggers like you and other nominees who have inspired millions of readers in this limitless world of blogging.
God bless you and your family.
Hi pwede ko po ba ipost ito sa yahoo group ko sa pinoy expat, at high school friends ko na parehas ko rin na pinoy abroad? Tingin ko pasok to sa finalist if not number one spot sa PEBA awards.
ReplyDeletegreat post congratulation's in your well deserved nomination for the blog awards...kung ako ang bumubuo ng PEBA awards this will be a runaway winner more power and God Bless you my friend.
ReplyDelete@ Ayatola
ReplyDeleteIsang karangalan na maibahagi ko ang aking panulat sa iyong yahoo group na kinabibilangan rin ng Pinoy Expats.
Bilag pagsang-ayon sa iyong kahilingan, paki-link na lamang ang Palipasan at PEBA sa iyong Yahoo Group.
@ John B.M
Maraming salamat kaibigan sa pagdalaw at mga papuri. Pagpalain ka rin nawa ng Panginoon.
"The best" yan ang masasabi ko! Hindi maipagkakaila ang inyong malalim na karanasan bilang isang OFW.
ReplyDeletePagsasama sama ng ng relihiyon, sosyolohikal at pulitikal sa isang sanaysay
Salaudo ako sa iyo kabayan
Drake
gudluck pope, kung ako ang judge panalo ka na,hehe pengeng ferrero,haha
ReplyDeleteWow pre galing ah! Di na ako magtataka kung ikaw ang mananalo atsaka pagnanalo ko blow out ha...=)
ReplyDeleteMasasabi ko ngang mga "bagong bayani" ang mga OFW dahil sa sakripisyong ginagawa nila maitaguyod lamang ang pamilya. Ang wish ko lang sana ay mamayagpag ang mga talento ng Pinoy sa sarili nating bayan. Pero hindi nangyayari dahil sa (mga) reason na alam na nating lahat na siya namang nagtulak sa marami nating kababayan na lumabas ng bayan.
ReplyDeletehello, dumaan lang ako para mag "hi". happy sunday sa iyo. :)
ReplyDeletelove,
nobe
www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com
nakakakilabot po ang video nyo...
ReplyDeletetunay na nakakaantig...
gumawa na naman ako ng muta...
salamat po sa pagdalaw sa blog ko
hindi ko po magamit ang user id ko...ginamit ko na lang yung wordpress blog ko...
lyzius
www.lyzius.com
magaling, magaling!!!! naiyak ako sa video at lalong nagkaroon ng mas magandang liwanag nang mabasa ko ang iyong saloobin. Mabuhay ka kaibigan. Mabuhay ang pagka-Pilipino nating lahat!
ReplyDelete@ DRAKE
ReplyDeleteSalamat kaibigan, isang pagdakila sa lahat ng mga OFW sa bawa't dako ng mundo.
@ HARI NG SABLAY
Walang problema bro, Ferrero, M&M, Linzt, Kisses hahaha, you're so sweet.
@ Kablogie
Treat kita sa Qube hehehehe, salamat sa pagbisita.
@ Abaniko
Ang tanging pangarap ko sa aking pagbabalik sa ating bayan ay magamit ko ang aking kaalaman at natutuhan sa ibang bansa at maituro sa ating mga kababayan.
@ Nobe
Salamat sa pagdaan, God bless you.
@ lyzius
Maraming salamat sa iyong pagbisita.
@ observerseyes
Salamat sa pakikiisa, mabuhay ang Lahing Kayumanggi.
Ang galing...saludo ako and saludo ako sa inyo bilang OFW. Bago pa lang ako sa blogosperyo, sana balang araw makasulat din ako ng ganito.
ReplyDelete----Sa pag-apak natin sa ibang bansa bilang mga banyaga, nananabik tayo na makakakita ng kapwa Pilipino, may balat ay kayumanggi, ilong na may pagkapango at katamtamang taas – at hindi natin ikinahiyang wikain ang mga salitang “Kabayan, Pilipino Ka Ba?”
Korek na korek Sir! Almost 2 yirs na ako dito sa US...yan ang feeling talaga.
Mabuhay & God Bless!
kung hindi pa ako napasali sa fan club ng PEBA eh di ko pa madidiscover na naipasok mo na pala ang entry mo. hinintay ko rin ito, sana ay di pa ako huli... para magkomento. sori naman po dahil gusto man kitang iboto ay di ko na magagawa. but i wish you all the best. very touching itong entry mo at lalong naging touching kasi nakita ko mukha namin ni gard & friends dyan. hehehe
ReplyDeleteall the best pope and God bless :)
~ENJOY
Isang pagpupugay para sa iyo POPE. Sobrang na inspire ako at mas lalo ako naging proud to be one true OFW ng bayan.
ReplyDeletemuli, gudlak po sa PEBA 2009.
:)
ka touch naman to..
ReplyDeleteMabuhay kayong lahat!!!
- joelcastro.com
magpost lng po ako ng Opportunity tnx!
ReplyDeleteif interested po kayo pwede po nyo ako kontakin
ito po yung link
http://www.youtube.com/watch?v=dT71lZxUND4