Wednesday, June 24, 2009

PANANAMPALATAYA - NASA PUSO NG BAWA'T OFW



"Be it done to you according to your faith." (Matthew 9:29)

"Ikaw ay maglalakbay, malayo ang mararating mo sa buhay", ito ang winika sa akin ng isang maghuhula habang seryoso nyang pinagmamasdan ang aking kanang palad. Katorse anyos ako ng ako'y hulaan sa isang banketa sa harap ng Simbahan ng Quiapo, isa sa maraming beses namin na pagsisimba ng aking Ina bilang panata sa Black Nazarene tuwing unang Byernes ng bawa't buwan.

Bata pa ako nangarap na akong maging pari , at dahil sa ipinahayag ng matandang manghuhula, inakala ko na susundan ko ang mga yapak ni San Pablo, ang Dakilang Misyonaryo kung saan ako'y magiging isang misyonaryo tulad nya na maglalakbay sa buong mundo upang ipahayag ang Ebanghelyo.

"I'll be a fisher of men".

Makaraan ang labing pitong taon, naganap nga ang hula - ako ay naglakbay at malayo ang narating ng aking buhay. Subalit hindi ako naging pari lalong hindi ako naging isang misyonaryo, ako'y naging isang Migranteng Pilipino, at tinawag akong OFW.

Sa bawa't OFW na lumalabas ng bansa, bitbit hindi lamang kanilang kaalaman at kadalubhasaan. Ang pinakamahalagang bitbit nila sa kanilang katauhan ay ang kanilang pananampalataya sa Diyos na Lumikha. Sa bawa't Kristyano na umaalis, sa kanilang maleta matatagpuan ang kopya ng Bibliya. At sa mga Katolikong OFW, may pabaon pang Rosayo o Iskapular, at ang iba naman ay may nakatiklop pang panyolito na may imahen ng El-Shaddai. At sa ating mga kapatid na Muslim mula sa Mindanao, sa kanilang pagtungo sa ibang bansa, kanilang dala-dala ang Aklat ng Koran.

Sabi nga nila, mula sa iyong pag-iisa at pangungulila sa ibang bansa, duon mo mas madarama na may Dyos na sa iyo ay nag-aaruga. Sa tulong ng pagbabasa ng Banal na Salita, napunuan nito ang kalungkutan ng bawa't OFW, ito ang naging sandigan ng mga Migranteng Pilipino sa bawa't sandali ng kanilang pagharap sa mga hamon ng pangingibang bayan.

Sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya, ito ang nagbibigkis sa nagkalayong mag-asawa na maging tapat sa isa't isa. Ang pangungulila sa asawa o kasintahan ang kauna-unahang hamon sa bawa't Migranteng Pilipino. Nagsisimula sa pangungulila na nauuwi sa paghanap ng ibang magkakalinga, kapag kulang sa pananampalataya mauuwi ito sa isang malaking pagkakasala, na kadalasan nagiging sanhin ng pagkasira ng isang dati'y masaya at puno ng pag-asang pamilya.

Ang mga bisyong pagsusugal, sobrang paglalasing at paninigarilyo, ay ilan lamang sa mga bagay na naiwasan ng maraming OFW ng simulan nilang sundin ang tagubilin ng Kabanalan.

Ito rin ay nagbibigay ng oportunidad upang magkaisa ang bawa't OFW na magkasama-sama bilang mga Pilipinong sumasamba sa iisang Dyos at dumadalangin na makamtan ang isang tunay na pagbabago hindi lamang sa pansariling adhikain, kundi para sa kapakanan ng kanyang pamilya at ng buong Inang Bayan.

Nakakatuwang isipin at ako mismo ang naging saksi sa ilang mga Pilipino na bagama't sila ay Kristyano subalit ito'y balewala at hindi siniseryoso, ngunit sa pag-apak ng ibang bansa bilang banyaga, nagkakaruon ng malaking pagbabago sa kanilang katauhan at natututunan nilang hanapin at kilalanin si Bathala.

Isang kamalayan nating mga Pilipino na sa paglikas mula sa sariling bayan patungo sa ibang bansa sa paghahanap ng katugunan sa ating mga pangarap, bitbit natin ang ating mga puso ang kinagisnang Pananampalataya.

Ikaw kaibigan, sana sa iyong pangingibang bansa, dalhin mo nawa sa iyong puso at pagyamain ang pag-ibig at aral ng Dakilang Lumikha.


I thank God for the gift of sight,
I thank God for seeing Him.

I thank God for the beauty
even in seemingly mundane things that surround us.

I thank God when I doubt
for in the end I realize He blesses me,
and I realize you are a blessing to me, too!

I thank God for the gift of virtual friendship and the internet
for He makes people like us connect
making us one in spirit!

Life is Beautiful. Keep on Believing


20 comments:

  1. LIFE IS BEAUTIFUL, that's one quotes I will always remember coming from a friend out there. Indeed life is beautiful, more so knowing and befriending someone like you. Regards and paganda ng paganda ang post mo, pwede ba, please wag mo na kami ibitin, ito na ba ang entry sa peba? hhehe, ang ganda eh!

    ReplyDelete
  2. naks ganda naman nito perekoy...gudluck nga pala sa PEBA...

    ReplyDelete
  3. PEBA entry na toh...
    hehehe...
    akala ko din PEba entry na..

    hindi PA ba ito yun?
    hmmm...

    tama kuya..
    nakakalungkot lang isipin na minsan, or kadalasan sa pag-alis lang natin sa ating sariling bansa at chaka tayo nagpo-focus sa ating pananampalataya...

    pero hindi pa huli ang lahat para magpahayag ng pagmamahal sa lumikha satin..
    indeed life is beautiful kuya...
    thank you for these inspiring posts
    more to come kuya!
    aantayin namin ang entry mo para sa PEBA! :D

    ReplyDelete
  4. Hindi nga lang pagpapari ang natatanging paraan para makapaglingkod sa Dakilang Lumikha. Tulad ngayon, nakapagpapahayag rin naman kayo ng tungkol sa Kanya at sa pagmamahal Niya.

    Napakabisa po nitong Palipasan!

    ReplyDelete
  5. powerful ang paghingi ng patawad at pagpapasalamat..ganda ng mensahe nito.

    ReplyDelete
  6. @ Mr. Thoughtskoto
    Sige na nga, isusunod ko na dito ang PEBA entry ko, kinakabahan tuloy ako sa iyo hehehehe.

    @ Mokong™
    Salamat sa papuri kaibigan.

    @ EǝʞsuǝJ
    Ang pagbabago at pagyakap sa pananampalataya ay walang kinikilalang lugar, oras o panahon, and it is worthy to see people change.

    Salamat sa pagtitiwala, God bless you.

    ReplyDelete
  7. @ RJ

    Tama ka, kung jindi ka pinalad na maging kandila na naghahatid ng liwanag, maaari kang maging salamin na nagsisilbing pang-aninag ng liwanag.

    @ Everlito (ever) Villacruz

    Salamat sa muling pag-iiwan ng marka at pagbisita.

    ReplyDelete
  8. pangarap ko rin nung bata ako na maging pari pero tutol ang aking mga magulang. Gayunpaman, ipagpatuloy ko parin ang pagsisilbi sa Kanya nang walang sawa.

    ReplyDelete
  9. @ poging (ilo)CANO

    Tama ka bro, maraming paraan upang makapaglinkod sa Panginoon. Salamat sa paglalahad ng bahagi ng iyong buhay.

    ReplyDelete
  10. Thanks sa inspiring advice. It need not for us to become a priest nor a pastor para ma share ang grace ng Panginoon. Katulad ng pag blo-blog ay malaking bagay na makapagpahayag tayo ng Word of God.

    Totoo nga bro na kung di natin baon si Lord sa puso natin sa pakikiba sa ibayaong dagat ay makakasama natin si "San Miguel, Mario de Boro at si Eva."

    Have a nice day!

    ReplyDelete
  11. Ugali na yata natin yan eh, kapag nalayo sa sariling bayan saka natin naaalala ang lumikha sa atin, kapag nag iisa na tayo, kapag may mga problemang dumarating...

    Pero sana pag uwi ng Pinas, at lahat masaya na wag pa rin sana nating Syang kalimutan..

    ReplyDelete
  12. @ Life Moto

    Yes, you are right my friend, through blog we inspire people to follow the right path and lead them to Him.

    @ Lord CM

    Sana nga kahit saan man tayo magpunta hindi na tayo bibitiw sa Kanya.

    Salamat sa muling pagdalaw.

    ReplyDelete
  13. it is all because "we walk by faith, not by sight." Faith is not belief. Belief is passive. Faith is active. it is vision which passes inevitably into action...Kaya san man tayo pumaroon we must always in faith....Nice post, Godblessyou more....Spread the spirit of faith in everyone...

    ReplyDelete
  14. pngarap ko din mkapangibang bansa, kaso wala pa kong nakikitang oportunidad.

    gudluck sa buhay niyo dyan pope... :)

    ReplyDelete
  15. Excellent post! Tama ka Pope..Ako man ay baon ko ang lumang bibliya namin kasi alam kong mahirap ang buhay sa ibang bansa at Diyos lang ang iyong tanging kaibigan na pwede mong kausapin kahit anong oras..

    Salamat sa inyong napakagandang post.

    ReplyDelete
  16. boto na kita sa PEBA :)

    ang nanay ko paborito nyang pasalubong sa tuwing bibisita sya sa Singapore nung nandun pa kaming magkapatid e mga religious articles at book galing sa simbahan at ang pinakamagandang pabaon nya sa kin e isang prayer meeting kung saan lahat ng kamay nila pinapatong sa ulo ko....swerte ko diba biro mo yun daming nagdadasal para sa kin :)

    salamat pala sa bisita :)

    menilenya

    ReplyDelete
  17. Good luck sa PEBA! naalala ko may manghuhula din noon sa akin at daming sinasabing mga magagandang bagay na mangyayari sa akin... di ako naniniwala dahil noon pa man alam ko magiging maganda ang landas na tatahakin ko... kung hindi man kagandahan pipilitin kong ito'y maging maganda! Gandang araw! jijijijijiji

    ReplyDelete
  18. @ SEAQUEST
    Thank you so much for your inspiring comment, God bless you and happy weekend my friend.

    @ HARI NG SABLAY
    Mas kailangan ka siguro ngayun dyan sa Pinas kaya hindi pa dumadating ang opportunidad mo na kapapangibang bayan, but don't worry, your time will come, be patient, in "God's Time" more opportunities will come your way.

    @ Ruphael
    Salamat sa pag-iiwan ng marka, always seek God, being with God is being in the right path.

    @ melai
    Salamat po sa encouraging words, isang karangalan ang iyong pagdalaw.

    You are right, panalangin mula sa ating mgahal sa buhay at kaibigan ang pinakamabisang maibabahagi nila sa ating buhay. And religious articles and books ay isa sa pinakamagandang regalo na maibibigay natin sa ating mahal sa buhay.

    Life is Beautiful. Keep on Believing.

    ReplyDelete
  19. ahh,kaya pala the Pope ang napili mong pangalan sa blogosphere.

    i cant agree more!hindi tayo magiging matibay at matagumpay sa ibang bansa kung wala tayong pananampalataya. :)

    keep your faith!

    ghee
    http://akoni.info

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails