Ang salitang "Diaspora" ay salitang nag-uugnay sa mga sinaunang Griyego na nagsisikap na sakupin at manirahan sa mga lupain sa labas ng bansang Griyego upang matugunan nang kanilang suliranin sa lumalaking populasyon nuong ikaapat na siglo bago ipanganak si Kristo.
"The term diaspora (in Greek, διασπορά – "a scattering [of seeds]") refers to the movement of any population sharing common ethnic identity who were either forced to leave or voluntarily left their settled territory, and became residents in areas often far remote from the former. It is converse to the nomadic culture, and more appropriately linked with the creation of a group of refugees. However, while refugees may or may not ultimately settle in a new geographic location, the term diaspora refers to a permanently displaced and relocated collective.", Wikipedia.
Sa pamamagitan ng Lumang Tipan na isinalin sa Griyego, nagkaruon ng pagbabago ang orihinal na konsepto ng "Diaspora" na tumalakay sa mga mamamayang Hudyo (Jews) na ipinatapon ng mga Babilonyan mula sa Hudea at ng Romano Imperyo mula Herusalem.
"The LORD shall cause thee to be smitten before thine enemies: thou shalt go out one way against them, and flee seven ways before them: and shalt be removed into all the kingdoms of the earth.", Deuteronomy 28:25
Ang pangkaraniwang salitang na "Diaspora" ay tumutukoy sa lupon ng mga tao o etnikong populasyon na pinilit or hinimok na iwan ang kanyang tradisyunal na ethinkong tahanan at mamuhay at manirahan sa ibang komunidad. Makalipas ang maraming siglo matapos maglaho ang kaharian ng mga sinaunang Griyego, ang kasaysayan ng ating daigdig ang nagsilbing isang buhay na saksi sa pangkasalukuyang konteksto ng mga pangdaigdigang diaspora na nag-ugat mula sa pagpapatapon, pagpapa-alipin, kapootang panlahi, digmaan at iba pang di mapagkaunawaan ng mga tao, o dahil sa mga natural na kalamidad o kalunos lunos na sitwasyong pang ekonomiya sa Bayang Sinilangan.
Ang diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao na lumilikas at naghahanap ng kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon.
Ito ang simula ng kwento sa paglalakbay ng Lahing Kayumangi.
ANG UNANG OFW
Ang kauna-unang Pilipinong Mandaragat at nagtrabaho bilang isang banyagang mangagawa na naitala sa kasaysayan ay si Trapobana, isang alipin na nabili ni Ferdinand Magellan mula Melaka (ngaun ay Singapore) at isinama sa kanyang paglalayag patungong Portugal. Mula sa kanyang pangalang Trapobana na pinaniniwalaang isang pangalang Pagano, pinalitan ito ng pangalang angkop at madaling tandaan ng mga Kastila at siya ay tinawag na Enrique.
Dahil nakakitaan si Enrique ng kasipagan, angking kaalaman at dedikasyon sa trabaho, ginawa syang isang mandaragat ("seafarer") at isinama siya ni Magellan sa kanyang paglalayag sa buong mundo. Bilang isang katutubo mula sa Cebu, si Enrique ay nagsilbing "interpreter" ng mga Kastila sa kanilang pagdaong sa Pilipinas sa isla ng Limasawa at sumunod ay sa Cebu. Nabigo si Magellan na sakupin ang Cebu na nauwi sa isang madugong digmaan na naging dahlan ng kanyang kamatayan, isang pagkakataon na sinamantala ni Enrique na manatili sa isla bilang na unang "Balikbayan" at muling niyakap ang Lupang Sinilangan.
Uhmn... Sa 'diaspora' pala ini-encourage ang mga taong lumikas. Kapag migration naman po, ang mga tao ba ang kusang lumilipat ng matitirahan?
ReplyDeleteMasasabi po ba nating pinu-promote ang "modern diaspora" sa ating lupang sinilangan?
Maraming salamat sa info tungkol kay Trapobana, sa totoo lang ngayon ko lang siya nakilala. Marami akong natutunan.
Habang namumulot ako ng mga dead birds mamaya, iisipin ko ang kaugnayan ng Spolarium dito sa Diaspora. Mahina po kasi ako sa Kasaysayan. Whew!
Ngayon ko lang nakilala si Trapobana di ko yata siya nakilala noong nag-aaral ako ng history (o hindi lang ako nakikinig noon hehehe, siya pala ang unang OFW at balikbayan.
ReplyDeleteWala nga yata sya sa history nung nag aaral pa ako :D ..
ReplyDelete@ RJ
ReplyDeleteAng makabagong diaspora ay nagpapatuloy kasalukuyang panahon kung saan isinusulong at itinataguyod ng ating pamahalaan ang tinatawag na "Labor Export Program" isang polisiya kung saan nakikipagugnayan sa mga karatig bansa na buksan ang kanilang pintuan sa pangingibang bayan ng ating mamamayan bilang tugon sa pambansang kahirapan.
Ito rin ay tumutugon sa pagkilos nating mga mamamayan na lumikas sa ating Bayan upang takasan ang kahirapan at kakulangan ng hanapbuhay sa sariling bayan at harapin ang hamon sa ibang bansa bilang banyagang mangagawa.
Ang Spolarium na Obra ni Juan Luna ay pansarili ko lamang na paghahambing sa konteksto ng diaspora, kung saan ang mga Roman Gladiators ay walang pinag-iba sa mga OFW, mga "unsung heroes" na nakikipaglaban sa "arena" ng kahirapan, at kapag dumating ang panahon ng kailang tumigil sa pakikibaka, sila ay nagiging bahagi ng nakaraan na nakalimutan na ng lipunan at nagwawakas sa silid ng "Spolarium".
Ang "Spolarium" ay tumutukoy sa isang silid na pinaghahatiran ng mga labi ng talunan at walang buhay na mandirigmang "gladiator" na dito sila ay hinuhubaran, inaalis ang kasuotan at saka sinusunog ang mortal na katawan.
@ Sardonyx
Mas kilala si Trapobana sa kanyang pangalang Enrique, hindi sya naipakilala sa ating kasaysayang Pilipino. Si Enrique ay binigyan buhay sa mga "journals" na isinulat ni Antonio Pigafetta, isang Italyanong manlalakbay, na kasama ni Magellan sa paglalayag kung saan makailang beses itong binanggit at pinuri bilang katiwala ni Magellan.
@ Lord CM
Hindi nga ito nakapaloob sa ating Phil. History, dahil sya ay ipinakilala sa mga journals ni Antonio Pigafetta at ito rin ay kinatigan sa mga panulat ni Carlo Butalid nuong 2002.
Kailan ba nabigyan ng puwang sa pahina ng mga aklat ng kasaysayan ng lahing Pilipino ang mga tinatawag na Bagong Bayani ng Bayan? Kailan ba naituro sa paaralan ang pangalang Flor Contemplacion? Kapwa OFW lamang at kapamilya ang nakakaunawa sa tunay na damdamin ng bawa't ng OFW.
"FILIPINO DIASPORIC COMMUNITY" ang tawag ni NJ sa mga OFW's and EXPATS, hehehe
ReplyDeleteNapagisip tuloy ako sa suggestion ni Pete na ang mga Entries ng PEBA gagawing Book tapos papamigay, galing di ba? Hmmmn.
Gagawing aklat ang mga PEBA Entries? Isang magandang panukala iyan, kailangan magsimula na tayong maghanap ng sponsor bilang paghahanda hahahahaha.
ReplyDeleteWow! Ang galing ng explanation niyo sa relation ng Spolarium at ng 'diaspora'! Talagang binalikan ko ito para mabasa ang sagot niyo sa aking puna. o",)
ReplyDeletewow! now i have a new History Professor...
ReplyDeletetama. i have been good when it comes to Philippine History nung HS at College days ko... pero hindi ko nakasalubong sa aking pagpupuyat ang pangalan ni Trapobana... walang nabanggit si Pigafetta tungkol sa kanya.
Gayunman, ang paliwanag tungkol sa "spolarium" ay naaalala ko pa...
___________________________
magandang idea na i-complie sa e-book ang mga entries sa PEBA. pero mas maganda siguro kung ung mga previous entries na naglalaman ng katotohanan ng buhay ng OFWs ay ilagay din sa ibang CHAPTER ng e-book upang mabigyang daan ang mga blogger na hindi na makasali sa contest (dahil committee o nanalo na noong 2008).
may punto po ba ako?
E-book lang ang gawin sa entries ng PEBA para di magastos :D
ReplyDeletenow i know.hehe
ReplyDeletesalamat sa dagdag kaalaman na inyo pong naibahagi sa amin... :)
@ RJ
ReplyDeleteSalamat sa papuri Bro hahahaha, mabuti ginalingan ko.
@ A-Z-E-L
Hindi pa naman me qualified na maging History Professor, hehehehe.
Ipinakilala si Enrique (a.k.a. Trapobana) sa journal ni Pigapefetta sa bilang "Henrique". Bagama't wala akong first hand reference sa journals ni G. Pigafetta, nawa'y makatulong ang link na ito mula sa wikipedia for your further readings:
http://en.wikipedia.org/wiki/Enrique_of_Malacca
Nawa'y matugunan ko ang iyong mga agam-agam at kung man ako nakapagdulot ng kalituhan, tanggapin mo ang aking paumanhin.
@ Lord CM
E-book, puede rin, it is a good suggestion...let's hear it from the PEBA Team hehehehehe.
@ Hari ng Sablay
Salamat sa pagdalaw. A blessed Monday to you.
@ @bi3L
ReplyDeleteThe truth is this is one of my favorite subject in school.
A blessed morning bro.
This is the first time I heard about Trapobana's story (first OFW). Ang galeng! thanks for sharing!
ReplyDeleteTingin mo ba even before that meron na kayang mga katutubong taga Mindanao na bumabiyahe sa Malaysia para makipag trade/trabaho? Parang ang lapit din kase di ba?
sya pala ang pinakaninuno ng mga seaman. Mabuhay ang mga Seaman!
ReplyDeleteSalamat at malaki ang naitulong nito sa aking klase
ReplyDeleteThank u po sa info....malaking tulong po ito sa aking report
ReplyDelete