Kasalukuyan, halos 1 sa bawa't 10 Pilipino ay nasa labas ng bansa, o may bilang na halos 11 milyong Pinoy ang nagtatrabaho sa iba't ibang sulok ng mundo bilang Pinoy Expat o OFW.
Ang Pilipino diaspora ay isang uri ng makabagong rebolusyon ng manggagawang Pilipino, isang uri ng mapayapa at matahimik na protesta laban sa kasalukuyang pamahalaan.
Hindi man kami naging bahagi ng mga taong nakikipaglaban sa kahabaan ng EDSA at sa tulay ng Mendiola, subalit rin kami mamahimik sa halip kami ay nakipaglaban sa dagok ng kahirapan sa pamamagitan ng aming sariling makakayanan.
Tulad nila Dr. Jose Rizal, Apolinaryo Mabini, Juan Luna at Benigno "Ninoy" Aquino, minsan pinili rin nilang lumabas ng bansa upang duon dalhin ang kanilang pakikibaka laban sa pamahalaan.
Bagama't hindi maaring ikumpara ang mga OFW sa nabanggit na mga pambansang bayani na nagbuwis ng buhay para sa Bayan, ang mga mangagawang Pilipino ay hinarap ang hamon ng kahirapan at sa suliranin sa kawalan ng hanapbuhay na hindi kayang tugunan ng pamahalaan, dala ang kanilang angking kaalaman at paniniwala na kayang lampasan ang karukhaan ng buhay - sila ay lumikas at nangibang bayan.
Subalit hanggang kailan sila makikipaglaban sa kahirapan bilang mga OFW, kailan magwawakas ang makabagong rebolusyon ng Pilipino Diaspora, kailangan bang sundan pa ng mga susunod na henerasyon ang kanilang yapak sa mahabang paglalakbay upang hanapin sa ibang bayan ang kanilang pangarap na ipinagkait ng kanyang malayang Pilipinas.
Minsan winika ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang talumpati sa pangalawang "Global Forum on Migration and Development ang mga sumusod na salita:
"We long for the day when going abroad for a job is a career option, not the only choice, for a Filipino worker. Our economic plans are designed to allow the Philippines to break out of this cycle..."
Isang pangarap na hindi naisakatuparan ng pamahalan, hanggang ngaun hindi pa rin makahilagpos ang Inang Bayan sa pagkakagapos sa kahirapan. Kaya't mananatili ang aming pakikibaka laban sa kahirapan ng Pilipinas mula sa labas ng bansa.Nawa'y magisnan ko sa susunod na mamumuno ng ating bansa ang tunay na reporma ng pagbabago tungo sa kaunlaran ng bansang Pilipino.
Subalit hangang hindi nangyayari ito, mananatili kami bilang mga Pilipino Diaspora - ang bagong mukha ng Rebolusyonaryong Manggagawang Pilipino.
Wala na akong maidadagdag pa.
ReplyDeletevery well said!
ReplyDeletebravo!
Gusto ko na umuwi!!!Kaso maibibigay pa kaya ng pinas ang naibibigay ko sa pamilya ko ngayon?
ReplyDeletehaha, akala ko ang entry mo na sa PEBA. alam mo pwede mo pagdugtungin yung post mo previously at ngayon, pwede na entry. Hehe, unique sia.
ReplyDeleteAng ibang tao talagang ganyan ang motive in going out the country, so sick of the system, so sick of the corruption.
lalo akong natatakot sa mga sinusulat mo Kuya Pope... parang rehearsal... parang nagpapractice ka na para sa PEBA entry mo.
ReplyDeletepikit mata kong binasa...(pano un?!) hoping sa dulo sana eto na ung ipapasa mo.. laging ganon! kung hindi pa ito ang entry mo, siguradong mahihimatay ako pag sinabi mong... "this is my entry to PEBA" (patay kang bata ka!)....
well said! (lagi naman) hehehehehe!
isa lang naman ang pangrap ng bawat pinoy tol..ang umangat ang bawat buhay nila...sana lang maging priority ng gobyerno ang problemang yan..may ibang bansa nga, mas mahalaga pa ang family time kesa sa trabaho, zealand yata yun!!!
ReplyDeleteisang makatotohanan,simpleng pamamaraan,pero may tibay at tanaw para sa kinabukasan ng sanbayanan!
ReplyDeletemabuhay ang pilipinas!
teka nahawa ata ako dun ah.:0
Well said! I have high hopes for 2010. Sana we have a fair, peaceful and civilized election this time around.
ReplyDeleteGreat post as ever!
ReplyDeleteAko, wala na akong hinihingi sa Pinas. Lahat naman ibinibigay niya. Lav ko ang Pinas. Wala na rin akong hinihingi sa kung sinuman ang magiging pinuno nito. Dahil alam kung wala naman silang magagawa..When I was a kid, ganito na ang sitwasyon - problema sa politika at pakikibaka ng mga mahihirap. Tila ata walang pagbabago kahit sino pa mang santos ang naging presidente natin..Naisip ko tuloy ang sinabi ni Maria Theresa. Anya, hindi siya sasama sa rebolusyon laban sa kahirapan. Kung meron man daw rebolusyon laban sa kasaganaan doon siya sasama. I think She is just applying the law of the universe - the law of attraction.
Tama... hindi purkit nasa labas kayo ng bansa ay mananahimik kayo.. Malaki ang paghanga ko sa mga OFW na tulad mo The Pope. Malaki ang respeto ko sa inyo..
ReplyDeleteLahat naman tayo gustong umangat sa lugmok na buhay na meron tayo. Pero mukang matagal tagal pang marararamdaman ng mga pinoy ito. I still have high hopes sa pagbabago na magkakaroon ang bansang ito.
Proud pa rin akong maging Pinoy!
GREAT POST parekoy! Mabuhay ang mga OFW... =)
@ RJ
ReplyDeleteNakakatuwa naman, sige na nga payag na ako, "no comment" hahahaha.
A blessed thurday bro.
@ Bhing
Thank you for leaving a mark.
Life is Beautiful.
@ Lord CM
We all want to go back home, pero hindi pa ngaun, kailangan pa rin nating makipaglaban, makipagsapalaran bilang OFW.
@ Mr. Thoughtskoto
Salamat sa encouragements, hayaan mo pag-iisipan ko kung paano ko gagawin ang entry ko, now that we have 12 great entries, ang hirap makipagsabayan.
@ A-Z-E-L
Natawa naman ako sa iyo, this is just my normal blog, para bang "dry run" ito? Hayaan mo, once I am ready for my entry I'll approach you agad, right now I am really enjoy writng kasi nandyan ka who appreciates my post, thank you so much.
@ Mokong™
Let us pray and hope na ang susunod na mauupong gobyerno ay magpatupad ng tunay na reporma tungo sa isang makabuluhang pagbabago.
Tutuo iyon, sa Europe, priority nila ang family time, secondary lang ang work.
@ Everlito (ever) Villacruz
salamat sa pagdalaw at paniniwala sa kakayanan nating mga OFW.
@ Garando
I also agree with you Mr. G., I always have high hopes for our country.
@ Ruphael
Thank you for mentioning Mother Theresa, she was an inspiration to me... some of quotes I used in my previous posts are coming from her.
A blessed eveing my friend.
@ Dencio
Salamat sa papuri kaibigan, nais kong ipabatid na maraming mga OFW akong kilala na tunay na pilantropo at talagang tumutulong sa mga kababayan natin na Pilipino dito sa gitnang Silangan, sila ang mga tao sa likod ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga biktima ng pang-aabuso at panloloko ng kanilang mga employer. Sila ang mas malaki ang naitututulong kaysa sa delegado ng gobyeron dito, subalit sa kabila ng kanilang pagiging pilantropo, mas pinili pa nilang hindi magpakilala sa publiko. Sa kanila ko ini-aalay ang iyong papuri.
Salamat kaibigan.