Sunday, June 21, 2009

PAMILYA ANG LAGING UNA




Malapit na naman ang katapusan, tulad ng dati mahaba na naman ang pila sa mga Money Remittance Centers sa buong mundo kung saan dinarayo ng mga Pilipino sa araw na makuha nila ang kanilang buwanang sweldo.

Kahit saang Money Remittance Center, makikita mong may mga dedicated counters na Pilipino ang syang nag-aasikaso para sa iyong pangangailangan para sa mabilis na serbisyo sa iyong pagpapadala ng pera para sa iyong pamilya.

Ang laging katanungan ng bawa't Pilipino na nagpapadala ng pera ay "kabayan, kailan na ito matatanggap sa Pilipinas ng aking pamilya". Isang katanungan ng paniniguro na nawa'y mabilis na matanggap ang kanilang pinadalang pera.

Dahil sa OFW, kanyang pamilya ang laging una.

Karamihan ng OFW, sapat na pera lamang ang kanyang itinatabi para sa personal nyang pangangailangan sa bansang kanyang pinagtatrabahuan - halos buong sahod kanyang pinapadala sa pamilya.

Sapat na sa kanila na may na pambili ng ilang pirasong de-lata, personal na pangangailangan sa loob ng isang buwan tulad ng deodorant, lotion, sabon, toothpaste at ang phone cards na syang tulay sa pakikipagusap sa kanyang mahal sa buhay,

Sa panahon ng matinding kalungkutan, ito ay hindi ipinapaalam sa kanyang pamilya, ang nadarama sa mga gabi ng pag-iisa, laging sinasabi na "Huwag kayong mag-alala - masaya naman ako dito" na sa likod ng mga pangungusap ay tigib ng hinagpis sa kanyang pag-iisa. Walang puwang ang tinatawag na homesick dahil para sa OFW, dahil kanyang pamilya ang siyang laging una.

Kapag may karamdaman ang isang OFW, hindi ito ipinararating agad sa kanyang pamilya, "Ayos lang ako dito, wala namang problema", karaniwang sinasabi sa kabila ng masamang pakiramdam dala ng kanyang sobrang pagod ng katawan o may dinaramdam na karamdaman, dahil para sa OFW, walang puwang ang pag-aalala ng kanyang mga kapamilya, dahil kailangang paglabanan ang anumang sakit at karamdaman, dahil sa kanya maraming umaasa, sa OFW, pamilya ang laging una.

Sa bawa't OFW na nasa iba't ibang sulok ng mundo, ang asawa, anak, kapatid at magulang ang unang dahilan kaya't sila nangibang bayan. Dahil sa tunay at walang hanggang pagmamahal sa pamilya kaya't sila ang laging una.

Ikaw kaibigan, bakit ka ba nasa ibang bansa? Sa puso mo, sila ba ang laging una?

12 comments:

  1. Sila nga...

    Wala yata sa bokabularyo ng mga Global Filipinos ang salitang 'maka-sarili'.

    ReplyDelete
  2. Para lang sa kanila ang lahat ng 'to...

    ReplyDelete
  3. tama ka po jan kuya pope..oo sila ang una..pero kahit ganoon, kahit konti lang natatabi kasi sa kanila napupunta masaya pa rin naman diba?..Kasi iyon naman talaga ang purpose natin e..ang makatulong sa family..

    ReplyDelete
  4. @ RJ, Lord CM & Niqabi

    Naniniwala akong kaya natin nakakayanan ang bawa't hamon ng pangingibang bayan ay dahil sa pagmamahal natin sa ating pamilya.

    Life is Beautiful.

    ReplyDelete
  5. Syempre.."sila ang laging una"

    nakakataba ng puso na nakakatulong tayo sa ating mga pamilya kahit na majority ng sahod natin pinapadala natin sa kanila..

    and i'm very happy and honored to do that for my family :D

    ReplyDelete
  6. Katotohanan..Masarap isipin na mapaligaya mo ang pamilya mo, lalo na kung sayo lang sila umaasa..Di bale na kung resibo ng western union lang ang naiipon mo..mayaman ka naman sa puso..

    Para sa ating mga OFW, let's be honored!

    ReplyDelete
  7. walang katumbas ang maibigay ang pangangailangan sa ating pamilya..saludo ako sa post sir!


    p.s.
    sir kopyahin ko yung photo ha..maganda kasing gawing medium sa painting.

    ReplyDelete
  8. @ EǝʞsuǝJ & Ruphael

    Nakakagaan talaga ng dadamin kapag nakakatulong ka sa pamilya, tama nga, kahit resibo na lang ng Western Union ang laman ng wallet mo kampante ka kasi mas marami ang napapasaya mo sa Pilipinas.

    @ Everlito (ever) Villacruz

    Salamat sa pagbisita, yung larawan ay aking nakita lamang sa flickr.com... feel free to grab it.

    ReplyDelete
  9. pwede ba magrequest?

    pwede ba kung ang entry na ito, lagyan ng PEBA logo, at link sa PEBA homesite at submit as an entry. Konting refine na lang, matching with the title "SILA ANG UNA" i think is okay na. Although the judges will have the final say, pero I am honestly touched by this post.

    ReplyDelete
  10. @ Mr. Thoughtskoto

    Nakakalaki ng puso ang request mo, I am really tempted to put this up for my entry, pag-iisipan ko pa, dami mo ng request, yung mga nauna ko ring post sabi mo puede ko na ring i-submit, multiple entries na ito hahahaha.

    Hayaan mo I'll consider all those options or I can combine all the previous entries into one, ano po masasabi nyo?

    God bless you.

    ReplyDelete
  11. pumunta ako dito para sa kanila...kya sila ang laging una!

    ReplyDelete
  12. @ poging (ilo)CANO

    Isa iyong katotohanan na hindi maipkakaila.

    Purihin ka kaibigan.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails