THREE KINDS OF PEOPLE
There are three kinds of people:
Those who make things happenThose who watch things happenThose who have no idea what happened
Hindi ko kailangan magsuot ng inilalakong mga damit na may desenyong "Araw at Bituin" na likha ng namayapang si Francis M. at ang mga kamiseta ni Pidro na gawa ni Danny Javier ng Apo Hiking Society upang sabihin na Ako ay Pilipino.
Hindi ko kailangan magdikit ng "sticker" ng ating bandila o anumang palamuting maka-Pilipino sa sasakyan upang ipaalam sa kanila na Ako ay Pilipino.
Hindi ko rin kailangang magdisplay ng mga iba't ibang banner o logo sa "side bar" ng aking "blog site" upang malaman ng mambabasa na Pilipino Ako.
Hindi ko rin kailangan magpatugtog ng awiting makabayan tulad ng "Bayan Ko", "Magkaisa", "Ako ay Pilipino" at iba pang sikat na nationalistic songs para masabing Pinoy Ako.
Dahil walang kabuluhan ang aking pagiging Pilipino kung ako ay hindi maniniwala na may naghihintay pang pagbabago sa ating Bayang Pilipinas.
Walang kabuluhan ang aking pagiging Pilipino kung ako bilang nakatatanda at padre de pamilya ay magpapakita ng kahinaan samantalang ang aking anak at mga kabataan ay umaasa at nakikipaglaban na magkaruon ng pagbabago sa ating Inang Bayan.
Walang kabuluhan ang aking pagiging Pilipino kung ako mismo ay magwawalang bahala, magkikibit balikat at magbubulagbulagan sa mga kagananapan sa ating kapaligiran.
Nasaksihan ko sa anim na taon na nagdaan, tumaas ang bilihin, marami ang nawalan ng trabaho at marami ang nakaranas ng gutom sa kanilang buhay.
Nakita ko sa anim sa taon na nagdaan na puno ng eskandalo, nagsimula sa "Hello Garci", nabunyang ang ZTE, sumikat si Joc-joc Bolante, ngaun ang "Double Entry" na nalihis kay Katrina Halili.
Sa loob ng anim na taon ang nagdaan, umasa ako sa isang pagbabago, subalit ako ay nabigo, nasaktan, nagalit at nabuwisit.
Subalit hindi ito ang panahon ng aking pagsuko, hindi ito ang panahon ng aking pagtatambo sa gobyerno. Hindi ito isang laro na dapat akong mapikon at umayaw sa aking pagkadismaya sa nakakasalukasok na lipunan.
Samahan ninyo ako, lumabas tayo sa yungib ng kadiliman, umahon tayo sa balon na ating kinasasadlakan. Gumising tayo at bumangon sa katotohanan.
Ito ang panahon ng bagong simula, ito ang wastong panahon ng panindigan, ito ang tamang panahon para sabihing AKO AY PILIPINO - MAKIKIALAM AKO, MAKIKILAHOK AKO AT BOBOTO AKO.
Huwag nating gawing dahilan na pare-pareho lang ang mga kandidato, naniniwala akong ikaw mismo ay may napipiling kandidato kaya lang maaaring hindi pa naghahayag ng kandidatura o maaaring kakandidato at nag-aalangan kang baka siya ay matalo dahil siya ay isang matinong tao.
Huwag rin nating gawing dahilan na dadayain lang tayo, dahil dumarami na ang mga kabataan, mga simbahan, mga NGOs at di mabilang na samahan na nagmamatyag sa anumang pandarayang gagawin sa nalalapit na halalan. Sila ay ilan sa milyong mamayanan na naghahangad rin ng pagbabago.
Huwag nating sayangin ang OVERSEAS ABSENTEE VOTING LAW (OAV), umabot na pinaghandaan sa loob ng 16 na taon bago maisa-batas bilang alay para sa ating mga OFW at Pinoy Expats. Isang karapatan ng Mangagawang Pilipino na nasa labas ng Pilipinas saiba't ibang panig ng mundo upang maipahayag ang kanyang tinig sa nalalapit na halalan.
Kung magkakaisa sa iisang tinig ang lahat ng Pinoy Expats at OFW para sa tunay na pagbabago, sapat na ito para makalikha ng higanteng ingay para mapakinggan ng ating kababayan sa ating Bayang Siinilangan.
Kung magkakaisa ang lahat ng Pinoy Expats/ OFWs, sapat na ang ating bilang upang makalikha ng isang matibay na pundasyon ng pagkakaisa tungo sa tunay na pagbabago.
Nasa hanay nating mga OFW ang tinatawag na "matured voters" dahl sa ating anking talino, estado sa hanapbuhay, at malakawak na pang-unawa sa mga ksalukuyang isyu ng lipunan. Tayo ang tinaguriang "Bagong Bayani ng Bayan" na hindi lamang nasusukat sa ating salaping pinadadala sa Pilipinas kundi sa ating dedikasyon sa trabaho sa kabila ng kalungkutan at di mabilang na pagsubok sa ating buhay bilang mga banyaga sa ibang bansa.
Tulad ng mga panawagan ng ilan sa iginagalang nating bloggers ng KABLOGS at PEBA, si Nebz sa kanyang panulat na "Will OFWs Remain Voiceless in 2010?", at si NJ na may akda ng "Gearing Up for Election 2010: Will Overseas Absentee Voting Make A Difference?", samahan natin sila sa kanilang panawagan na manindigan bilang Pilipino na harapin ang hamon sa ating mga OFWs na magparehistro sa OAV, dahil sa darating na Halalan 2010, sa ating mga boto nakasalalay ang kapalaran ng ating Bayan sa susunod na anim na taon.
Ikaw, ako, tayo ang bagong simula ng pagbabago, huwag tayong mapagod na mangarap para sa ating Bayan, at ang katuparan ng ating pangarap ay magsisimula lamang kung haharapin natin ang hamon sa atin ng ating Bayan - ang manindigan sa nalalapit na halalan.
Huwag tayong maging bulag, pipi at bingi - idilat natin ang ating mata sa sa katotohanan, ipadinig natin ang ating tinig at pakinggan natin ang sigaw ng kabataan... SA PAMAMAGITAN NG AKING BOTO UMAASA AKONG ITO ANG SIMULA NG ISANG PAGBABAGO.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteOkay sige po. Aalamin ko kung paano 'yan dito sa Australia. Sana hindi ko na kailangang pumunta sa Canberra para magpa-register at bumoto doon. Halos dalawang oras na domestic flight pa kasi 'yon.
ReplyDelete(Sorry po, hindi pala sa Palipasan nanggagaling 'yong music.)
excellent post once again! I especially love the first part. My exact philiosophies. Ang pagiging makabayan ay di lang dapat sa isip, sa salita at sa gawa. Kundi pati sa puso. Wag tayong mawalan ng pag-asa sa Pilipinas!
ReplyDeletesana mag-unify sina among ed, gov padaca at brother eddie.
ReplyDeletewag sana silang maglaban laban.
sa kanila lang ako may nakikitang pag-asa!
Mabuhay si The Pope!!!Iboto si The Pope!!! :D ...sorry kala ko meeting de abante lolzzz
ReplyDeleteTama ka parekoy, ang pagiging pilipino ay hindi lang sa gawa...nasa puso dapat yan at sa isip...
Boboto ako!!!Iboboto kita!!! :D
Sayang at di pa ko makakabot ngayong 2010. Nagustuhan ko po 'yung make,watch, and don't know niyo. :)
ReplyDeletepara tuloy may summit sa blog mo :)
ReplyDeletesayang..dito sa japan,pwede na ring bumoto kaso sa tokyo pa yata?sana magkaroon ng online para ma encourage ko rin ang iba.
btw,wala akong na receive na email from you.sabi mo sa tag board ko ay nag send ka sa gmail account ko?(ally`s name?)
sana,maayos na yung comment box dun sa kablogs.
more power!!
ghee
http://akoni.info
Those who make things happen
ReplyDeleteThose who watch things happen
Those who have no idea what happened
truly, truly...complain tayo ng complain, pero tayo mismo walang ginagawa
we need to stand firm, and let the world knows we exist...
hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa....(positively ah)
Sarap bumoto ng walang pumipilit sa iyo..sarap ding iboto na alam mong makakatulong sa bayan...
ReplyDeleteTuwing eleksyon nagbo-volunteer ako para mging comelec committee sa isang precinto...para na rin mabantayan ng mabuti ang mga boto...
hello, absentee voter po ako dito sa taiwan...
ReplyDeletenakarelate sa post mo...
tnx for reminding us to vote!
Ok ang topic mo pero feeling ko kahit sinong umupo sa Gobyerno ntain they are all same *bananas*...Mabait lang yan mga kandidato na yan habang nangangapanya pero pag nakaupo na sila asahan mo mahirap na lapitan mga yan (i know di lahat ay BAD!)..Pero kahit bulok ang Gobyerno natin Proud Pinoy pa din ako dahil nag e-excel ang pinoy lalo na sa ibang bansa...Yaan mo Pope iboboto ko kita bilang Presidente na pinas...lolz!
ReplyDeleteAko mismo ay makikilahok para sa pag babago!
ReplyDeleteFirst time voter po ako sa susunod na election...sana wag masayang ang boto ko.
hapii blogging :)
ako din... hopefully makakaboto na sa eleksyon next year.. hintay lang opportunity na makaregister.. hehe
ReplyDeleteSalamat po, George (tama b ako?). Paxnxia na kung ngayon lang ako nadalaw.
ReplyDeleteSige, isulong natin ang pagpapalaganap ng OAV. Para magkaroon tayo ng tinig.
Malapit na po ung PEBA entry...malapit na.