Monday, September 21, 2009

Batas Militar: Pagkamatay Ng Demokrasya




Tatlumput pitong taon ang nakalipas, ika-21 ng Septyembre, 1972, ang bansang Pilipinas ay sumailalim sa Batas Militar sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa tibay ng Proklamasyon Bilang 1081, labing isang taon ako ng panahon na iyon ng aking masaksihan ang pagdidilim ng langit ng demokrasya.

Di ko malilimutan ng ako'y nasa ika-5 baytang sa mababang paaralan, sa di malamang dahilan ay maaga kaming pinauwi sa aming paaralan. Pagsapit ko sa bahay di ko maunawaan ang pinag-uusapan ng aking Ina at Ate, at tanging pangalang Marcos at Martial Law lang ang aking nariirnig sa kanilang pag-uusap.

Binuksan ng aking Ina ang kabinet ng aming TV, isang black and white na telebisyon, pinihit nya pakanan ang rotary channel selector, walang palabas, may nag-iisang istasyon na ang tanging mukha ni Marcos ang nasa telebisyon nagsasalita sa wikang ingles... tahimik ang aking Ina at malungot na lumingon sa akin... tila nais sabihin, "anak patay na ang demokrasya".



Kinabukasan, walang mabiling peryodiko sa lansangan. Wala ring marinig marinig na programa sa anumang estasyon sa radyo. Nagkaruon ng malawakang curfew sa buong bansa. Takot at pangamba ang namayani sa bawat mamamayan. Ito ang panahon ng batas militar, na isang diktaturang pamahalaan na isinulong para sa kapakanan ng iillan.

Bilang pag-alala sa nakaraang Batas Militar, aking inihahandog ang isa sa labing isang video clips na nilikha ng NinoyAquinoTV para sa You Tube, isang pagbabalik tanaw sa madilim na nakaraan na nawa'y gumising sa kamalayang Pilipino na pahalagahan ang ating tinatamasang demokrasya at ating isulong ang adhikain ng isang malayang Pilipinas.

Hahayaan mo bang muling maulit ang ganitong kasaysayan?









14 comments:

  1. Sa totoo lang, kung merong form of government na nasa gitna ng dictatorship at democracy, 'yon ang pipiliin ko. Mahirap din ang may kalayaan, madalas naaabuso.

    Uhmn... siguro ganito nalang: Kailangang alalahanin ang Martial Law declaration nang sa gayo'y mapahalagahan ng bawat Pilipino at hindi aabusuhin ang natamong 'kalayaan'.

    ReplyDelete
  2. Nagkaroon tayo ng demokrasya pero hanggang saan ito makakarating. I hope na ang tunay na demokrasya ay sana makamtam natin.

    Sana sa susunod na mamumuno ay mabigyan tayo ng totoong demokrasya at kalinisan ng gobyerno.

    Wag na sana magamit ulit itong 1081 ever again.

    ReplyDelete
  3. @ RJ
    Natuwa ako sa choice of form of government mo, but there is no such thing that exists between a dictatorship and a democratic form of government.

    The forms of government can only be divided into two parts, the authoritarian which is the "Rule of the Few" and the democratic kung saan mas kilala bilang "Rule of the Many".

    Kung meron man sa pagitan nito, iyon ang tinatawag na "Anarchy at Anarchism" kung saan ang bansa ay walang kinikilalang pamahalaan at isinusulong ang isang "Stateless Society" na walang bansa ang yumakap sa ganitong uri ng pamamalakad.

    Ang kalayaan ay isang kamalayang ibinahagi ng Panginoon sa ating kapanganakan, isang malayang kaisipan upang makita ang wasto at mali, ang itim at puti, at galak at hinagpis.

    Ang batas militar ay isang pagpapaala-ala na pahalagahan, ingatan at bantayan ang kalayaang ating tinatamasa.

    Salamat sa iyong pagdalaw kaibigan.

    @ Life Moto

    Ang biyaya ng demokrasya ay hindi natin malalasap hanggang ang gulong ng hustisya ay ipinagkakait sa mga nakararami at sa mahihirap.

    Hilaw ang demokrasya kung ang mga lider ng bansa ay hantarang nagpapasasa sa kaban ng bayan at samantalang milyon ang mamamayang walang hanapbuhay at walang pagkain maihain sa hapag kainan.

    Ito ang ating demokrasyang pinaglalaruan lamang ng mga iilan para sa kanilang sariling ganid na kapakanan.

    Sana sa susunod na halalan, iboto natin ang kandidatong may tunay na pagpapahalaga sa kasarinlan ng ating Saligang Batas at isulong ang tunay na adhika ng Malayang Pilipinas.

    ReplyDelete
  4. Salamat po sa video. Kanina lang iniisip ko kung gano nga ba kagulo noong panahon ng Martial Law. Nakakalungkot kasi marami pala talagang nasaktan at namatay. Hindi ko akalain na ganun ka brutal as in lantaran ang mga barilan and bombing na nangyayari sa Maynila. Hindi ako sigurado kung gusto ko bang nabuhay noon panahon na un o mabuti na rin na hindi ko naabutan ang panahon na un. Ang gusto ko lang siguro noong panahon na iyon ay yung mga buildings na naipatayo noong panahon ni Marcos. Hanggang ngayon nananatiling matatag. Ilang lindol na ang pinagdaanan pero nananatiling nakatayo at napapakinabangan.

    ReplyDelete
  5. You are lucky dahil hindi mo inabot ang panahon ng martial law, kasi wala talagang demokrasya, walang freedom of the press, you cannot be critical against the government kasi you'll be branded as communist.

    About the Martial Law landmarks, yung PICC, Folk Arts Theater and Cultural Center of the Philippines and the San Juanico Bridge.

    God bless.

    ReplyDelete
  6. I was not there during the martial law. But I heard lot of news about it. I agree with RJ. Like him I chose to be ruled by this type of government.

    ReplyDelete
  7. di pa rin ako nageexist during the time of marcos but i can say that during marcos regimen was one of the best regimen ever but ofcourse except for the dictatorial thing..anyway, kung ako papipiliin,yung between diktaturyal at demokratikong pamahalaan ang pipiliin ko dahil tulad ni kuya rj, marami ding cons ang democratic form of gov't as well as dictatorial alone.

    para mabago ang kalakalan at takbo ng pilipinas, dapat magumpisa talaga ang pagbabago sa bawat isa.

    ReplyDelete
  8. ganun pa man nung time ng martial law sa pamumuno ng dating pangulong marcos,maraming protesta ang nangyari..pero sa lugar na kinalakihan ko di ko naunawaan ang martial law,di ko rin naramdaman ito,ang alam ko lang mabuti at maayos ang kabuhayan namin nun...pero ganun paman nakataktak na marami ang naapektuhan nito.siguro nung panahon iyong wala pa ako sa kaalaman kung anu ito...demokrasya ang sagot...tama...pero hanggang ngayon hinahanap parin ito.

    ReplyDelete
  9. Sobrang bata pa ako noon to remember Martial Law. Pero alam mo while I was watching the video, I can't help but think if GMA is capable of a similar stunt. Sana hindi. Mangunguna ako sa protesta if even that happens.

    ReplyDelete
  10. sa current situation ng ating bansa..parang mas gusto ko ang dictator ni macoy dati basta wag lang aabusuhin ng mamumuno..

    ReplyDelete
  11. Di pa man ako pinapanganak nyan, pero parang mas okey nga yang ganyang Gobyerno wag lang sobra...at sang ayon ako kay Doc RJ

    ReplyDelete
  12. di ko malilimutan ang petsa na ito, Sept 21, kahit maliit pa ako nang magkaroon ng martial law... di ko na naramdaman ang buhay batas militar....pero dapat ngang magpasalamat tayo ngayon at may kalayaan na ang mga Pilipino. Magaling si Marcos sa mali lang niya ginamit ang kanyang pagka pangulo.

    ReplyDelete
  13. This is a great article thanks for sharing this informative information. I will visit your blog regularly for some latest post. I will visit your blog regularly for Some latest post. Militar

    ReplyDelete
  14. preserve happening the enjoyable be roomy , I entrance few posts upon this internet web page and i conceive that your blog is every single one glamorous and has units of great advice. Poder Naval

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails