ANG TANAGA – "Tulang Tagalog na palasak na sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila. Ito’y may mataas na uri at binubuo ng apat na taludturang may pituhang pantig. Itinuturing ito na malayang tula at sagana sa talinghaga" - Dr. Crisanto Rivera
MGA TANAGA KAY ONDOY
Nakapanghihilakbot,
Nakapangingilabot,
Putik na dambuhala,
Ragasa’y walang awa.
Mga kotse’y lumakad,
Mga ref ay lumipad,
Kompyuter ay lumangoy,
A, kay bagsik mo, Ondoy!
Patak na malulupit,
Baha ay pinagngalit,
Inalis mga bahay,
Winalis mga buhay.
Bubong ay humihiyaw,
Kable’y pumapalahaw,
Bangkay ay nangagkalat,
Pumipikit ang lahat.
Kamay na nakalahad,
Pantapik sa balikat,
Anuman ang maganap,
Biyaya’y laging lantad.
Tulang likha ni Gng. Ma. Teresa B. Nicolas,
Guro, Mataas na Paaralang Kanluran ng Lunsod ng Pasay
Larawan mula sa flickr.com hatid ng kookaikookai's photostream
PEBA at KABLOGS Isang Panawagan Bilang TulongSa Mga Biktima ng Ondoy
PEBA at KABLOGS Isang Panawagan Bilang TulongSa Mga Biktima ng Ondoy
Isang kawang-gawa ang isinusulong ng mga kawani ng PEBA at Kablogs upang matulungan ang ng ating mga kababayan na naninirahan sa Kasiglahan Village ng Montalban, Rizal sa kanilang kalunus-lunos na kalagayan matapos ang nakapangingilabot na hagupit ng bagyong Ondoy. Isang panawagan sa ating mga kababayan at kapwa bloggers na nais magbigay ng anumang donasyon ay maaari po lamang na ihatid ang mga ito sa sa mga sumusunod na lugar:
Para sa dagdag kaalaman at anumang katanungan, maaaring tawagan ang sumusunod :
Pete - (632) 920-2595 local 107
Beth - (632) 922-0246 / 927 -0794
maari ring magpadala liham sa pamamagitan ng e-mail:
peba09@gmail.com and kablogs123@gmail.com
Ang ganda ng tulang ito, lalo na ang huling mga talata.
ReplyDeleteTulad ng mass media ang mga bloggers din ay may malking kutribusyon sa pagpapaabot ng tulong sa ating mga kababayan na higit na nangangailangan.
Okay nb ang family mo George? Mine is okay na. Nakatawag na ako kahapon and thanks God they weren't much affected. Nagulat nga rin sila dahil late na nila nalaman ang epekto ni Ondoy sa Rizal. Kahapon rin lang kasi nagkaroon ng power sa bahay.
ReplyDeleteNice tanaga of a teacher.
As always, my prayers.
hope ok ang lahat and pray na maiahon ulit ang mga nasalanta nito..kasama ang lugar samin sa bulacan...
ReplyDelete@ Life Moto
ReplyDeleteMaraming salamat sa papuri, ang may akda ay aking pamangkin at kanyang nasaksihan ang malagim na pananalanta ng bagyong Ondoy na naging dahilan sa paglikha ng nsabing tula.
@ Isladenebz
Salamat sa concern nebz, okay naman ang family ko, mataas ang area namin kaya di me nag-aalala sa problema ng pagbabaha, I was worried kasi na-stranded ang anak ko sa Pasig, it took her almost 2 days bago nakauwi. Salamat naman at walang naging problema sa kanya. I was able to call her kahapon. I really thank God that she is safe.
@ Everlito (ever) Villacruz
It will take time bago makaahon ang mga biktima ng kalamidad, at ang pilat ng pighati ay mananatili sa kanilang mga puso't alaala.