Friday, September 18, 2009

OFW: Sa Paglaki Ng Kita, Lumalaki Rin Ang Pamilya


Pangunahing dahilan ng pangingibang bansa ng mga Pilipino ay ang dahilang pang-ekonomiya, ang malaking sahod upang maitawid sa kahirapan ang kanyang pamilya bilang isang payak na pangarap ng isang mamamayang Pilipino, magkaruon ng sapat na pagkain sa hapag-kainan para sa pamilya, maayos na edukasyon sa kanyang mga anak, at sariling bahay na magbibigay proteksyon mula sa ulan at init ng araw.


Kapansin-pansin sa pangingibang bansa ng mga Pilipino bilang mga OFW ay ang paglaki ng kanilang mga kita kung saan kasabay rin ang paglaki ng pamilya. Ang pangangailangan pinansyal ng mga magulang, kapatid at lolo't lola ay nagiging bahagi na rin ng kanilang kampanya para sila matulungan mula sa kahirapan.


Ang buwanang remittance ng isang OFW ay hindi nagsisimula sa Western Union at nagtatapos sa bulsa ng asawa o magulang lamang. Ang bawa''t dolyar na kanyang pinapadala ay nababahaginan rin ang kanyang mga kapatid at pamangkin na pinag-aaral, ang mga magulang na kanyang pilit na pinasasaya, ang mga tyuhin at tyahin na may sakit o karamdaman, ang kanyang biyanan bilang tulong at paggalang, ang mga hipag at bayaw, manugang at apo mula sa kanyang mga anak na walang maasahan kundi ang dakilang OFW.


Hindi pa kasama rito ang kasambahay pati na rin si yaya ng kanyang pamilya na tinuring na ring kapamilya, at pati ang anak ng kasambahay ay naambunan din sa biyaya ng bawa't OFW mula sa ibang bansa.


Sa dami ng umaasang kapamilya at itinuturing na ring kapamilya, sana naman ay kanilang pahalagahan ang bawa't sentimos na ipinadadala sa kanila ng mga OFW dahil hindi kayang tawaran ang sakripisyong kanilang pinagdadaanan sa ibang bansa bilang mga banyaga.


Sapat na rin itong dahilan upang kanilang ipanalangin sa Panginoon na pagkalooban ng malusog na pangangatawan at kaisipan ang bawa't OFW na nasa ibang bansa bilang ganti sa kabutihan sa biyayang kanilang tinatamasa.


Wala akong nakikitang masama sa pagiging matulungin nating mga Pilipino lalo pa't sila'y ating mga kapamilya, tulad ng kasabihan -


"Charity begins at home."


Subalit isa lamang paala-ala na huwag ring kakalimutan na paghandaan ang sariling kinabukasan dahil hindi panghabang buhay ang pagiging OFW, dahil darating ang panahon na ang ating katawa'y mapapagod rin sa pangingibang bayan at kailangan magpahinga sa Bayang Sinilangan, nawa'y sa pagsapit ng panahon na ito, may sapat na ipon sa pagsisimula ng buhay sa kanyang panunumbalik sariling bayan.


Sa katauhan ng bawa't OFW makita ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang buong kapamilya, isang pagpapatunay na sa bawa't Pilipino mahalaga ang bawat myembro ng pamilya, isang pagpapatunay na sa bawa't OFW pamilya ang laging una.


Kamustahin natin ang ating mga kapatid na OFW, sila'y pasalamatan at ipagdasal na sa kabila ng kanilang matinding kalungkutan kinahakarap sa kanilang pag-iisa bilang mga banyaga, nawa'y kanilang mapaglabanan ang mga tukso na karaniwang nagiging dahilan ng pagkawasak ng masasayang tahanan at manatiling tapat sa kanilang mga iniwang asawa't anak na sa kanila ay tanging umaasa.

Kaibigan, alalahanin mong maraming umaasa sa iyo. Huwag mo sana silang bibiguin, higit pa sa bayani ang tingin nila sa iyo.

20 comments:

  1. Napa-isip tuloy ako. Kung ang tingin ng aking mga kamag-anak sa akin ay mas higit pa sa isang bayani, ano kaya 'yon?! Matanong ko nga ang isa sa kanila...

    ReplyDelete
  2. ayos na ayos pope...

    ako rin napagisip higit pa daw sa bayani ang tingin nila malamang isang SANTO ang ofw parang si POPE lol

    ReplyDelete
  3. Ang mahirap lang, hindi ka na nila makamusta pagnatanggap na ang padala mo :(

    ReplyDelete
  4. @ RJ & Mightydacz

    Ang mga uring mangagawa sa katauhan ng bawa't OFW, kanilang buhay ay iniaalay para sa kapakinabangan ng kanilang mga pamilya, sinuong ang anumang hilahil ng buhay saan man mapadpad ang kanilang mga paa sa lupang banyaga kung saan ang karamihan ay pumapagitna pa sa mga bansang may digmaan.

    Ang ilan nama'y tiniis ang panlalait, pang-aalipusta, at pang-aabuso ng kanilang mga amo, maitawid lamang sa kahirapan ang kanyang pamilyang iniwan sa Pilipinas.

    Maraming isinakripisyo, sariling kasiyahan at karangyaan, pinaglabanan ang tukso ng laman para alang alang sa kanilang mga mahal sa buhay at kadakilaan ng Maykapal.

    Hindi ko lamang nakita sa kanilang katauhan ang makabagong bayani na inuugnay ng pamahalaan, nakita ko sa kanila ang katauhan ni Kristo, tama ka Mightydacz, sa kanilang pagmamahal sa kapwa at sa Dyos, maaninag mo na kanila ang kabanalan bilang tunay na tagasunod ni Kristo.

    @ Lord CM

    Kadalasan ganun nga ang pangyayari, people ends up knocking at you pag may kailangan, pag naibigay mo, tila nakakalimutan ka. Pero huwag kang mag-alala, dahil hindi nakakalimot ang Panginoon sa bawa't kabutihang iyong pinagkakaloob sa iyong kapwa, He is more thankful for all your kindness.

    God bless.

    ReplyDelete
  5. @LordCM..ahaha sinabi mo pa..kahit man lang text mag abiso na "salamat sa padala mo!" bakit nga ba ganun?

    ReplyDelete
  6. ambigat neto a ^_^ sang-ayon ako sa punto nitong artikulong ito. hindi itinatae lang ang pera, mahirap kumita!

    isang paraan talaga ng pagrespeto ang pagiging masinop sa perang ibinigay ng mga indibidwal na nagpakahirap magtrabaho kitain lamang ang perang iyon.

    applicable ang artikulong ito hindi lamang sa mga OFW, kundi maging sa mga indibidwal na andito mismo sa Pinas... sa lahat na!

    increased income = increased wants and needs talaga ^_^

    nga pala, Hi The Pope... matagal na rin ^_^ kamusta!

    sali ka sa International Bloggers Community kung may oras ka.

    eto yung link sa article ko
    http://violetauthoress.blogspot.com/2009/09/silip-on-international-bloggers.html

    salamat-salamat

    ReplyDelete
  7. kahit naman siguro naman saan ganyan...

    kahit nasa Pinas at doon nagtatrabaho.. pag-taas ng sahod, pagtaas ng gatos!

    pag manager ka na... madami nang aasa sayo. dahil manager ka na, kelangan may yaya na ang mga anak mo. gusto mo sa private school na pumapasok... idadamay mo na rin ang mga pamangkin mo... hanggang lumawak na ang responsibilidad mo.

    ganon naman ang kinagisnang kultura ng pinoy kuya.... tulong-tulong... sama-sama... hangga't kaya!

    ReplyDelete
  8. @ Kablogie

    Salamat sa muling pagbisita, gustong gusto ko yang larawan mo. happy holidays.

    @ violetauthoress

    Long time no hear, I really missed you sa blgosphee. Maraming salamat sa pag-tag at paanyaya, hayaan mo at kapag nabawasan ang load ko ay aasikasuhin ko ang iyong kahilingan. God bless you.

    @ AZEL

    Gusto ko yung tagline na sinabi mo -

    "...tulong-tulong... sama-sama... hangga't kaya!"

    Happy Holidays.

    ReplyDelete
  9. Hindi masama ang tumutulong. Ang masama ay yung ayaw tumindig sa sariling paa ng tinutulongan.

    ReplyDelete
  10. @ BlogusVox

    You are right, may mga taong naging pala-asa na lamang, wala ng pangarap at tila nagtatapos ang kanilang daigdig sa kanilang kinagagalawan, kuntento na lamang kung anung dumating sa kanilang buhay. Ang their favorite excuse in life is "kasi mahirap lang kami"

    Salamat sa pagdalaw, Eid Mubarak.

    ReplyDelete
  11. Magpadala ka ng maliit, kulang!Mapadala ka ng malaki, kulanh pa rin!Sobrahan mo ng padala, kulang uli! Hindi na sumakto ang padala natin sa pinagkakagatusan ng pamilya natin sa pinas.

    Minsan kasi kasabay ng paglaki ng sweldo ng isang OFW ay ang pagbabago rin ng lifestyle ng pamilya nito.

    Konti lang ang bilang ng mga OFW yumayaman! Kaya sana wag tayong maging talunan sa bandang huli!

    Ingat

    ReplyDelete
  12. Naku pag malaki ang kita sadyang biglang dami naman ng kapamilya, kamaganak at kakilala... nagmistula kang bangko sa paningin nila... hayz...

    ReplyDelete
  13. Sa title mo pa lang, napangiti na ako. Sabay tango ng ulo. Totoo ang tinuran mo. Lumalaki nga karaniwan ang pamilya ng OFWs dahil na-e-extend ang tulong sa kung kani-kanino. Pero sabi mo nga, huwag kalimutan ang sarili.

    I tell that to myself most often: dapat alagaan ang sarili. Dahil pag nawala ka, madaming tao ang lalong mawawalan.

    And yes, I totally agree with Ed. Dapat marunong ding tumulong sa sarili ang mga tinutulungan.

    Nice post, George. Salamat po.

    ReplyDelete
  14. @ DRAKE

    Natawa ako sa tinuran mo, magpadala ng maliit, kulang, magpadala ng malaki, kulang, sobrahan mo, kulang pa rin... hahahahaha.

    Sana mapahalagahan ng mga nakakatangap ng ating remittance ang bawa't sentimos na kanilang natatanggap.

    Salamat sa pag-iiwan ng marka.

    @ I am Xprosaic

    Parang takip ng kaldero ano, paglumaki ang kaldero kailangan malaki rin ang tapi nito, o tulad ng butones laging tugma sa ojoles.

    A blessed weekend.


    @ isladenebz

    Salamat sa paniniwala kaibigan, likas na kasi sa Pilipino ang mapagmahal sa kanyang kapamilya, sa probinsya kahit 5th generation na kamag-anak pa rin ang turing natin sa kanila, kahit sabihin pang distant relative - relative pa rin yan.

    Happy holidays.

    ReplyDelete
  15. nice observation and advice here bro. masakit nga lang sa ibang mga kapamilya ay naaalala lang kapag meron kanlangan..
    Thank you naman sa mga di nakakalimot. Salamat na lng sa friendster and facebook at madalasa na kakaroon ng komunikasyon.

    ReplyDelete
  16. pag OFW ka medyo sikat ka..pag sikat ka dadami ang pamilya at kaibigan mo..pag dadami ang pamilya at kaibigan mo dadami din ang responsibilidad mo..Isa lang itong katotohanan ng buhay OFW..This is called the equation of relativity..

    ReplyDelete
  17. parang ang bad ko tuloy kasi di ako nakakapagtext sa kanya..huhuhu

    ReplyDelete
  18. basta kung ano kaya natin, ibigay sa kanila, kasi hindi nila kaya ang hirap, kahit sa pangarap nila suportahan natin sila,

    isama natin sila, sa ating pag unlad,

    ReplyDelete
  19. sa akin nag tetext naman sila, tuwing katapusan na nga lang, at parang nag papa alala at na katupasan na ng buwan bat di kapa ng papadala,,,huhuhuhu,

    ReplyDelete
  20. @ Life Moto

    Malaki talaga ang naitutulong ng Friendster at Facebook, it keep us connected with our kababayan.

    Eid Mubarak1

    @ Ruel

    I love that "equation of relativity", parang for every action there is an equal and opposite reaction.

    God bless you.

    @ ♥superjaid♥

    Well this is the perfect opportunity to say 'hello', probably mauunawaan ka naman coz your so busy with your studies.

    A blessed weekend.

    @ Francesca

    You are perfectly correct, suportahan natin sila kahit sa kanilang pangarap at isama natin sila sa ating pag-unlad. Yan ang tunay na pusong Pilipino.

    Happy weekend po.

    @ bosyo

    Hahahaha, para kang yung kakilala ko, kung ang ibang tao natutuwa kapag may text na natatangap sa kamag-anak, yung kakilala ko nalulungkot pag may text na galing sa kapamilya, kasi sigurado problema ang dahilan kaya siya tine-teks.

    Pero huwag tayong magsawa sa pagtulong.

    Happy weekend.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails