Sunday, March 7, 2010

Kilala Mo Ba Ang Iboboto Mo?


Halos 2 buwan na lang ang nalalabi at ako'y kabilang sa mahigit 550,000 overseas voters mula sa iba't ibang panig ng mundo na muling boboto para sa susunod na mamumuno sa ating bansa. Isang hamon sa aking katauhan upang kilatisin maigi ang karapat dapat na pagkalooban ko ng aking boto sa Mayo 10.

Subalit ngaun lamang nangyari sa akin buhay bilang isang botanteng Pinoy na sa nalalabing 2 buwan, mula sa aking masusing pananaliksik ay wala pa rin akong napipiling na kandidato na mamanukin sa 2010 Election.

Haba kong sinusubaybayan ang mga nangununang politiko sa pamamagitan ng internet na hayagang namimili ng boto sa pamamagitan ng malawak na paglustay ng milyon milyong salapi sa Political Media Campaign, di ko alam kung karapat dapat pa silang pagkalooban ng aking boto habang ang nakararaming Pilipino ay nagugutom at walang pagkain sa kanilang hapag kainan at malinis na tubig na maiinom. 
Kung iipunin ang kabuuang halaga na ginastos sa Political Media Campaign ng lahat ng kandidato, siguro'y makasasapat ito upang matustusan ang mga gutom na sikmura ng pobreng Pilipino o kung ilalagak ang salapi sa makabuluhang proyekto na lilikha ng bagong trabaho, maraming Pilipino ang mabibigyan ng tunay at bagong pag-asa, pero hindi mangyayari ito, dahil sa politika walang kawang gawa, isang larong kailangang mamayagpag sa paningin ng publiko ang kandidatong madalas nakikita sa TV o naririnig sa radyo upang makasiguro ng boto, isang paniniwalang hindi ko masikmura.

May isang politiko na nilangoy ang dagat ng basura at ginamit ang mga bata sa kanyang kampanya na nagmistulang phedopile sa aking paningin at nasasangkot sa anomalya sa C5 at ngaun ay sa isyung suhulan.

Ang isang politiko naman ay nagsabing hindi sya magnanakaw kapag sya ay nahalal, na nakasakay sa alapaap ng popularidad ng kanyang mga magulang, subalit hindi lang naman ito ang basehan upang maging Pangulo, kailangan ay may matibay na plataporma ukol sa mga isyung kumakaharap sa ating lipunan.

At ang pangatlo naman'y patung patong na demanda at pagkakakulong dahil sa kasong pandarambong ay tila pinaniniwalaan pa rin ng masang Pilipino, ganito na ba kababa ang mentalidad ng tinatawag na masang Pilipino upang sya ay pumangatlo sa tinatawag na survey ng bayan?

Ang isang kandidato naman'y mas kilala bilang kaalyado ng Gobyerno na tila sa kalituhan ng pamahalaan at ng kanyang partido ay sya'y napabayaan dahil sa kanilang paghahabol sa bagong karera ni Gloria sa pagiging Kongresista ng Pampangga. Nais sana kitang bigyan ng boto pero sa iyong mistulang pag-iisa sa iyong pakikibaka, malamang na hindi ko rin maibigay sa iyo ang aking boto, baka sa susunod, sa taong 2016 ikaw muling makilala.

May ilan pang mga kandidato sa pagka-Pangulo na tila mga sugong propeta na may hatid na pangakong milagro sa naghihikahos na lipunan ng ating bansa. Mahigit pa sa sakit na ketong ang suliranin ng ating bansa, hindi kita iboboto kung dadaanin mo lang ako sa pakanta kanta  sa entablado o pagbisita sa palengke ng galunggong upang malaman ang tunay na halaga nito sa merkado.

Wala pang laman ang aking listahan ng iboboto sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo kailangan ko pang lubusin ang pagkakakilala sa kanila. Sa 12 Senador, dalawa pa lang ang nasa aking listahan, sila ay inyong makikilala sa susunod na kabanata.

Ikaw, kilala mo ba ang iboboto mo?


Ang larawan ay mula sa amBisyon2010 Facebook fan page.

12 comments:

  1. May mga kuro kuro man ako ay parang wala ako sa posisyon kasi hindi ako registered voter =) ... Hats off po sa iyo Pope sa pagstimulate sa mga readers mo kung sino ang dapat iboto.

    Kudos din sa mga kasamahaang OFWs na pinagtitiyagahan puntahan ang mga consulado para magparehistro, na natitiis kahit hindi encouraging ang mga staff sa consulado. Kudos din sa mga consulado na going the extra mile para mas mapadami ang makarehistro...

    ReplyDelete
  2. True, George. Alam mo ba na I am more certain in who I'm not going to vote for kesa sa kung sino ang iboboto ko talaga.

    I am not totally resolved in electing Noynoy pero the more I look at it, the more I see that the other presidentiables may do worse if elected (except siguro kay Gordon). So I'm still thinking between Noynoy or Gordon. For the VP, I am for Bayani.

    Pero the problem naman if I elect Gordon is that mababawasan ang boto ni Noynoy which could see Villar being elected.

    Mahirap ang eleksyong ito. I can no longer afford to be ma-prinsipyo with my vote unlike before. Ngayon, we really have to weigh things carefully.

    ReplyDelete
  3. Ako wala pang naiisip ni isang iboboto para sa mga SEnador, wala pa rin sa pagkapangulo at pangalawang pangulo. Actually ang hirap pag-isipan kung sino ang nararapat iboto.

    ReplyDelete
  4. Sa katunayan, kilalang-kilala ko ang dapat ilagay sa 'king listahan para iboto sa darating na halalan. Ang masaklap, hindi ako nagheristro!!! Alam mo kaya kung sino sila? hahaha... Mahirap talaga pumili lalung-lalo na sa bilang na ito: 10-Pres, 8-VP, 61-Sen at 107-Party List... Ang haba ng listahan! Isa sa mga presidentiables at isa rin sa mga VPs ay naging mga bosing ko rati! Sa totoo lang, ayaw ko maging Presidente sya ng Pinas, pero yong isa para VP, oks na oks.

    ReplyDelete
  5. Kung ako tatanungin, Si Gordon ang pipiliin ko...Hindi dahil pamilya nya ang namuno ng ilang dekada sa bayan namin, kundi alam ko kung ano ang mga nagawa nya at magagawa pa...

    ReplyDelete
  6. Kung ako ang tatanungin Gordon and Bayani, sila lang sa lahat ng kumakandidato ang may nagawa ng pagbabago sa Pilipinas. Masyado matigas ang mga pilipino para sa isang lalambot-lambot na leader. Kailangan ng Pinas ang disiplina at sila lang dalawa ang nakapag-iwan na ng marka sa kanilang lalawigan, kung nakaya nila.. magagawa din nila yun sa buong pilipinas

    ReplyDelete
  7. actually, Gordon at Bayani din ako. Kaya lang, naisip ko, Noynoy vs Villar ang laban. Ayoko talaga kay Villar pero pag siya ang manalo, gagawin niya lang isang malaking real state ang bansa. Negosyante si Villar at malamang na magkaroon ng conflict of interest kapag siya ang naging Pangulo. Ganito rin ang nangyari sa C5 na paulit ulit niyang iniiwasan. Tsk tsk! Kaya naman, imbis na si Gordon, baka kay Noynoy ko ibigay ang boto ko. Pero hindi pa rin naman sure. Tinitingnan-tingnan ko pa ang mga posibilidad.

    ReplyDelete
  8. para sa akin, one of the scariest experience ang pagboto. bakit? dahil sa aking boto nakasalalay kung paano magbabago ang buhay ng nakararami nating kababayan. mahirap magkamali... but in the end, ang tamang isipin natin ay ang punto na ang progreso ay wala sa kamay ng mga pinuno natin, ito ay nasa kamay natin mismo. it's just a matter of what you do with the opportunities given. argh... i'm not even sure if i'm making some sense right now but what what i'm trying to say is that our success relies in our own hands. at pumili tayo ng mga lider na magbibigay sa atin ng mga oportunidad upang tayo ay maging matagumpay sa buhay. be an informed voter.

    ReplyDelete
  9. Hi The Pope, ganyan din ako. Hindi ko pa din alam kung sino ang aking iboboto. Sure Noynoy ako nung umpisa tapos nagustuhan ko si Gibo after kong mapanood ang mga debate nila. Pero definitely NO to Villar ako, nakakatakot isiping baka bawiin niya ang mga nagastos niya pag siya ang naluklok.

    ReplyDelete
  10. ang hirap talaga pumili. hindi mo na alam ang totoo at hindi sa kanila. kaya nga isama na lang natin sa panalangin kung sino man ang manlo ito ay kalooban nya.

    ReplyDelete
  11. Personally, i believe, walang makakalutas ng problema ng bansa, lalo na malakas ang corruption.
    Un bang, alagaan kita, aalagaan mo ko pag andun ka na. Sa politika, walang puti ang hangarin.
    Lahat yan may interes na personal, fame glory money, power.

    I would prefer Villar, he can build jobs for the filipinos, kasi he is a businessman. He can invite investors because he himself is investing in the country. His reputation and his business is a stake if lolokoloko siya.At ang may pera na, will not "that" greedy.Although they all are, still.

    Thats how I believe.

    But then, c'est dommage(its a pity) I am not a voter.

    I encourage voters to see what you can do to your country by voting wisely. Not what your country can do for you.

    Sino ba may sabi neto, di ko na matandaan, si Pres Kennedy ata?
    Yun na yun.

    ReplyDelete
  12. ako...wala pa akong maisip na iboto..nakakatakot kasing bumoto lalo't na at pers tym ko...sa Boto ko nakasalalay ang kinabukasan ng bayan..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails