Iboto ang kandidatong may kakayahang labanan ang korapsyon at kahirapan ng bansa. Ito ang kahilingan ng grupo ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko.
Hindi maitatanggi ng ang korapsyon ay isang dahilan ng patuloy na paghihirap ng ating bansa, ang mga binabayad nating mga buwis na sa halip ay mapunta sa mga proyektong agrikultura, inprastraktura, edukasyon at kalusugan ay napupunta lamang ang malaking bahagi nito sa bulsa ng mga "corrupt" na politiko. Sino nga ba ang mgakakalimot sa mga kontrobersyal usaping ZTE Deal, Fertilizer Scam, at sa kagkakakulong ni dating Presidente Erap sa kasong pandarambong.
Ayon sa Wikipedia, ang salitang "corruption" at "corrupt" ay maraming kahulugan, ang ilan dito ay"
- "Political corruption: the abuse of public power, office, or resources by government officials or employees for personal gain, e.g. by extortion, soliciting or offering bribes"
- "Bribery in politics, business, or sport (including match fixing)."
Ito ang pinakamalapit na kahulugan na sumasalamin sa kasalukuyang lipunan na ating ginagalawan. Subalit ang korapsyon ay tila isang sakit na kanser na walang gamot na unti unting kinakain ang kalamnan ng ating Bansang ginagalawan.
Ttila manhid na ang masang Pilipino tungkol sa suliranin ng ating bansa ukol sa usaping korapsyon dahil hindi lamang sa loob ng mga gusali ng pamahalaan nangyayari ang iba't ibang mukha ng korapsyon. Ito ay nagaganap sa bawa't bintana ng mga ahensyang sangay ng Pamahalaan at sa bawa't kahabaan ng kalsada ng ating bansa kung saan halos karamihan ng morotirsta ay nagbibigay ng suhol sa ilang kapulisan at traffic authorities upang matakasan ang mga traffic violations na kinasasangkutan.
Nakakalungkot isipin na tila naging bahagi na ng ating lipunan ang salitang "lagay", "suhol", padulas at "kotong". Pamilyar ba kayo sa mga pangungusap na -
Sir/Mam, nagmamadali po kasi ako, baka puede pong mapabilis ang approval at release ng aking mga papeles, ito po Sir/Mam, nakikiusap lang po sana ako (sabay abot ng papeles na may nakaipit na pera sa ilalim nito)".
Naku 'Sarge', di ko po alam na "No Left Turn" po dito, pasensya na po kayo, nagmamadali lang po kasi ako, Sir, pasensya na po kayo talaga, baka po puedeng madaan ito sa pakiusap (sabay abot ng driver's license na may nakaipit ng P200.00).
Inaamin ko, minsan ako'y lumangoy sa kumunoy ng korapsyon, kung saan ang salapi ay bahagi ng aking pakikipagugnayan sa bawa't sangay ng pamahalaan, sa bawa't bintana at lamesang aking pinupuntahan, ngiti ng pagkakasala ang aking hatid sa nag-aabang na mga pobreng tagapaglingkod ng bayan. Ako'y nagpapasalamat na ako ay makaahon sa pagkakasala sa tulong ng aking pananampalataya.
Dahil walang saysay ang ating tinig para sa isang tunay na pagbabago kung tayo mimso ay bahagi pa rin ng bulok na sistema ng ating lipunan kung saan ang korapsyon ay binigiyan natin ng puwang sa ating puso't damdamin. Tanging tunay pananampalataya lamang ang makapaghihiwalay sa atin sa ganitong uri kanser ng lipunan.
Huwag mo ng tangkaing lumangoy sa kumunoy ng korapsyon.
Nawa'y sa atin magmula ang hinahangad nating tunay na pagbabago.
sang-ayon ako sa inyo The Pope, dahil gusto ko ng pagbabago nde ako makikilangoy sa korapsyon. ayoko sa mga 'mandaraya at manloloko' kaya naman nde ako papayag na maging parte ako ng ganitong mga gawain :-)
ReplyDeleteTinatanong mo ba pre kung sinong makakalimot sa mga issue nuon na kinasangkutan ng matataas na pulitiko? Sino pa?! edi yung mga sangkot sa issue!
ReplyDeleteSana nga lang pagkatapos ng eleksyon o sana kahit simula ngayon, may mga pagbabagong magaganap sa bawat isa sa atin para matigil na ang korapsyon na yan at magkaruon naman ng konting pag asa ang Pinas
kung gusto nating mawala ang korapsyon sa ating lipunan..nararapat lang na ang korapsyong nagaganap mismo sa ating sarili ang simulan nating alisin..^_^ baguhin muna ang sarili bago natin mababago ang lipunang ginagalawan natin..^_^
ReplyDeleteTama ka marami rin sa atin ang ipokrito!heheh
ReplyDeleteGalit na galit sa Gobyerno, pero sila rin naman ang nanunuhol sa taong nasa Gobyerno para sa pansariling interes.
Kaya dapat nga kapwa tayo magbago, ang kaisipan natin at ang gobyerno din mismo!
ingat pope
@ animus
ReplyDeleteSalamat sa pakikiisa at paniniwala.
@ Lord CM
Di lang madaling makalimot ang Pilipino, madali rin magpatawad kaya siguro di matapos ang cycle of corruption, ang mga nakulong ay patuloy pa rin sa pagkakaupo at pamamayagpag sa bawa't halalan.
@ superjaid
Tama ang iyong puna, dapat tayo mismo ay huwag magpadala sa tukso ng anumang uri ng korapsyon, sabi nga nila walang tatanggap ng suhol kung walang manunuhol, walang manunuhol kung walang papayag na magbigay ng suhol.
@ DRAKE
natuwa ako sa salitang ipokrito, pero tutuo yan, punta ka sa LTO, napakalakas ng lagayan, sa custom office, sa kalye hindi mawawala ang mga scalawags kasi may mga taong nagbibigay talaga ng suhol upang makaiwas sa abala. Nasanay kasi tayo sa instant, ayaw pumila, ayaw maghintay ng normal na proseso, at ayaw matikitan sa traffic violation pero wala namang dispilina sa pagmamaneho, buhay nga naman.
Tama ka Pope, saang sulok ng Pilipinas may mga "buwaya sa katihan" puro kurakot ang nasa isip, wala na yatang pag-asa ang bansa natin. Ang ugat marahil nito ay ang "kahirapan" natin at ang sweldo ng mga nasa gobyerno. Kung siguro may sapat na kita ang mga empleyado baka hindi na nila hahangarin pang pag-ukulan ng pansin ang paglagay at pagsuhol ng mga kababayan natin.
ReplyDeletePero nasa bawat isa ang pagbabago, dapat nga simulan natin sa sarili natin, pero paano? Kung ang mga nasa paligid mo ay puro gahaman din? Mahirap pero dapat gawin, dapat may pagkakaisa....sama-sama. Pero, nakakapagdalawang-isip pa rin....wala na yatang pag-asa ang bansa natin....tsk tsk
Siguro alam na rin ng matatalinong botante kung sinu-sino ang mga kandidatong kurakot at nagbabantang lalo pang mangurakot pagkanahalal. Unang-una babawiin muna ang bilyones na ginastos sa infomercial. sana naman wag ang klaseng ito papanalunin ng mga umaasang makaahon sa hirap.
ReplyDelete