Wednesday, March 17, 2010

Sa Condom, May Kaligtasan Ba?



Nakababahala ang tumataas na antas ng Aids sa ating bansa na ito ay tinatayang umabot na sa bilang na 4,567 katao ang may kaso ng HIV/AIDS.

Subalit mas nakababahala ang kawalan ng tunay na programa ng pamahalaang Arroyo sa panunguna ni Health Secretary Esperanza Cabral sa pamamagitan ng pag-angkat ng mga condom na nagkakahalaga ng 8 Milyon Dolyar. Ayon sa huling panayam ni Sec. Cabral "The consistent and correct use of condoms is one of the best ways to prevent the spread of HIV, which could lead to full-blown AIDS”. (Manila Standard Today)

Ito nga ba ang tanging solusyon sa pamamagitan ng "madalas at wastong paggamit ng condom" upang maiwasan ang HIV/AIDS?"

Sa lumalalang imoralidad sa ating lipunan kung saan tila isang ordinaryong tanawin ang extra marital affairs ng mga artista, ng mga politiko, ng mga empleyado ng Gobyerno at pribadong tanggapan kung saan ang usaping casual sex ay tila katanggap tanggap na sa ating lipunang ginagalawana kung saan tila isang piping saksi na lamang ang ating pamahalaan at ang tanging solusyon ay ang programang pamumudmod na parang kendi na iniaalok sa lansangnan sa bawa't mamamayan.

Ang tila patuloy na pagkasira ng bawa't himaymay ng moralidad ng mga kabataan hatid ng mga malalaswa't gahiganteng billboards sa lansangan ng Metro Manila kung saan makikita ang mga mapang-anyayang halos hubad  katawan nila Angelica Panginiban at iba pang mga sikat na artista  na tanging suot ay panty o underwear.  

Ang mga dancers ng mga sikat na noontime shows ay tila di na rin nalalayo sa mga dancers sa bars at beerhouses sa kanilang mga mapang-akit na kasuotan habang nagsasayaw sa harap ng mga camera na sinasabing programa ng bawa't Pilipino. Ang dati kong kinagigiliwan na palabas na Going Bulilit na ngaun ay ipinapakita ang mga eksenang magkasintahan na ginagampanan ng mga child stars, kung inaakala na ito ay isang katatawanan, sa aking paningin ito ay may negatibong hatid sa murang kaispan ng mga bata nakapanunuod.

Mga mapang-akit na motel na dikit dikit sa kabahaan ng mga kalye na tila kumakaway sa mga motorista sa Metro Manila hatid ang mga mensaheng Short Time, Reduced Rate at Special Offers - mga murang lugar na palipasan ng mga nakararaming magkasintahan, magkalaguyo at ng mga parokyanong tumatangkilik sa mga nagbebenta ng panandaliang aliw.

Nnakalimutan na ng pamahalaan ang responsibilidad sa moralidad ng bawa't pamilya na bumubuo ng bawa't barangay ng ating lipunan dahil sa pagiging abala sa pangungulimbat sa kaban ng Bayan. Baka naman may bahid ng korapsyon ang pag-angkat ng 8 Milyong Dolyar na halaga ng condom kaya't ang Malakanyang ay di nag-atubili sa programa ng  DOH.

Ngaung papalapit ang Mahal na Araw, sa nakararaming Katolikong Pilipino sa nasa Pilipinas at sa iba't ibang bahagi ng mundo, sa mga OFW na malayo sa mga pamilya at asawa, bigyan pansin natin ang moralidad na itinuturo ng Simbahan. Maging tapat tayo sa ating asawa, iwasan ang pre-marital sex at anumang uri ng tukso na magtutulak sa atin sa pagkakasalang hatid ng casual at commercial sex.

Wastong edukasyon na nagsisimula sa bawa't tahanan, paaralan at simbahan ukol sa konsepto ng pakikipagrelasyon, pagpapamilya, pakikipagtalik at sa banta ng sakit na AIDS ang tunay na solusyon sa suliranin ng AIDS. Ang pagiging tapat sa asawa at pag-iwas sa tukso ng laman ang tanging paraan para maiwasan ang nakamamatay na HIV/AIDS.

Kung naimbento ang filter sa bawa't sigarilyo para sa mga taong di mapigilan ang bisyo ng paninigarilyo, salamat sa condom sa hatid na solusyon sa mga taong di makapagpigil sa tawag ng laman, yan ang tanging hatid na mensahe ng ating Gobyerno. Kaya't kayong mga kababaihan, kung ang inyong asawa o kasintahan ay makitaan ninyo ng condom sa pitaka, huwag kayong magtaka dahil yan ang mensahe ng DOH, ang maging laging handa.

Ngayong papalapit na Semana Santa, nawa'y matagpuan ng bawa't mamamayan ang tunay na kaligtasan mula sa banta ng HIV/AIDS sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa pamilya at asawa at kapwa tao.

7 comments:

  1. @ Renz

    Salamat Renz, natuwa naan ako, ikaw nga ang una at tunay na naka based.

    God bless.

    ReplyDelete
  2. ang galing ng post mo. Both side of me as Medtech and as a Youth leader nag-aaway sa usaping eto. bilang medtech, condom nga ang isang paraan to minimize the spread of the virus. As a youth leader I disagree to that. Faithfulness, patience, and faith can stop the spread the virus.

    Corinthians 6:18-20

    18Flee from sexual immorality. All other sins a man commits are outside his body, but he who sins sexually sins against his own body. 19Do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; 20you were bought at a price. Therefore honor God with your body.

    ReplyDelete
  3. sa tingin ko naman kasi kung magiging disiplinado lang ang mga pilipino maiiwasan ang pagkalat ng AIDS n yan. andun n tayo sa pagiging mapusok ng mga kabataan ngayon na kung makikisangayon pa yung mga mas nakakatnda at mas nakakaalameh lalo lng mapapalala ang sitwasyon. kelangan lng talga tamang gabay ng mga magulang sa anak. at magkaroon lamang ng isang affair.

    ReplyDelete
  4. naku magwawala pa rin ako pag nakitaan ko ang asawa ko na may condom sa pitaka no hehehe, hiwalay ang katapat....hiwalay ang puti sa de kolor, paglalabahin ko siya LOL

    kakatakot na nga ang AIDS, isa lang ang pinahihiwatig niyan, tama ka, dapat maging tapat at mananamapalataya sa Diyos...

    ReplyDelete
  5. kanina akala ko napost na ang comment ko, pupugak-pugak kasi ang net sa planta during breaktime. anyway, ang sabi ko kanina, i support the cause: chastity before marriage, fidelity after marriage. when we went home, nalungkot kami, porno dvd's are for sale on top of overpass, nagkalat sa bangketa sa ilalim ng mrt at lrt. We are breaking and degenerating as a nation. Its sad, and scary, the future who is coming after us.

    ReplyDelete
  6. @renz

    lupit mo talaga bata...hehehe
    bilib ako sayo napaka open minded mo..

    hmmm... isalang masasabi ko about sa post na ito
    sana maraming pilipino makabasa nito para matauhan ang mga ayaw mag isip..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails