Tulad ni John Lloyd at Bea
sa kanilang huling pelikula,
Para rin tayong Petronas Tower
sa tuwing tayo'y magkasama.
Bagama't di ko naitala
ang una nating pagkakakilala,
Tandang tanda ko pa nuon
nang una tayong magkita.
Ang aking mga mata'y nabihag
sa makinis mong katawan,
ang amoy langka mong halimuyak
ay aking pinagnasaan.
Sa unang haplos pa lamang
at kalabit ay akin ng naramdaman,
na ika'y karapat-dapat sa akin
at di na kita pakakawalan;
At ikaw nga'y aking inuwi sa aking tahanan,
akoy napuspos ng kaligayahan.
Sa aking munting kwarto,
tayong dalawa lang ang nagkakarinigan.
Dumaan ang mga sandali at ika'y aking ipinakilala,
sa mga inuman ikaw ay isinama
Ipagpaumanhin ang di magandang tanawin,
mahirap kasing iwasan ang ilang kaibigan.
Ipagpaumanhin mo rin kung
ika'y aking isinama sa lamay sa patay.
Mahirap ring tumanggi sa mga pagdadalamhati
na nangangailangan ng ating pakikiramay.
Alam kong iyong ikinatutuwa
kapag magkasama tayo sa simbahan.
Sa bawa't misa, di ko maitangging
tayong dalawa ang pinagmamasdan.
Natatandaan mo rin ba
ang bawa't gabi ng ating karoling,
Di matutuloy ang karoling kung wala
ang isa sa atin.
Subalit nitong huling buwan ipagpaumanhin
kung ika'y aking nakalimutan.
Dahil sa Pesbuk, Petbil
at Parmbil ika'y nakaligtaan.
Sa mga alikabok na naipon sa iyong katawan,
aking napagtanto ang aking kasalanan.
Kamalian ay aking dapat itinutuwid,
sa Petbil at Parmbil di na ako muling pagagamit.
Katawan mo'y aking muling hahaplusin
at ika'y laging kakalabitin,
Dahil ikaw ang tunay na nagbibigay saya
lalo't pag wala ang aking asawa.
Dahil di nila alam ang ating pinagsamahan
sa tulad kong isang hamak na
GITARISTA
Kulang ang buhay ko kapag nawala ka
dahil ikaw ang aking nag-iisang
GITARA.
Pope's Ibanez Guitar
ang galing mo naman pope! mukhang magaling ka mag-gitara ah! go go!!! tugtugan na ulit :)
ReplyDeleteakala ko po xrated na e! hahaha! kayo po gumawa nun?! ang cute ha!
ReplyDeleteHello The Pope! ang galing!(frustrations ko kasi ang mga yan- gumawa ng tula at mag-gitara) :-)
ReplyDelete@ roanne
ReplyDeleteSalamat sa pagdalaw, tuloy ang jamming hehehe.
@ mommy ek
Naku, pang General Patronage po ako hehehe, salamat nagustuhan mo ang post.
God bless.
@ animus
ReplyDeleteAng kailangan siguro ay interest at practice para madevelop ang talent. Naniniwala akong ang Pinoy ay tunay na may kakanyahang talento sa tula at musika.
Ano to?!Gumaganyan ka na rin pre?! lolzz
ReplyDeleteAyos!Gitarista ka rin pala, pero ako hindi :D
gusto kong magkaroon ng gitara at matutong mag-gitara. :)
ReplyDelete@ Lord CM
ReplyDeleteGaito ang nangyayari pre kapag walang maisip isulat, tagtuyot hahahaha, puede kitang turuan sa gitara pre, dati akong nagbibigay ng libreng guitar lessons sa simbahan.
@ MarcoPaolo
Kailangan muna ng self interest to explore your talent in music, mura lang ang gitara lalo na yung made in Cebu.
akala ko naman tungkol sa pelikula. ni hindi ko man lang nasilayan ang trailer nyan. huhu! nwei, hawakan mo na ang gitara pope, tugtugan mo na lang kami. :D
ReplyDeletePope. post ka ng Video mo nag naggigitara ka request ko lang ung Passenger Seat...hehehe
ReplyDeleteTagal nga akong di nadadalaw dito Pope! Oo nga sample naman dyan o! Post ka ng video mo habang tumutugtog ng gitara!hehhe
ReplyDeleteIngat
sa tagal ng pagkawala ko...
ReplyDeletegumaganyan ka na rin! lolz!
and so bad.. hindi ko pa napanood ang movie na yan!
napatawa mo ko Kuya George :) tnx!
gusto ko rin panoorin yang movie na yan..hindi nga lang sa sine..sa dvd...ehehehe nice poem pope
ReplyDeletenadale mo ako dun Pope kala ko naman kung sino yun pinagnanasaan mo hahaha, gawa ba sa langka tree ang gitara mo at nangangamoy langka? kala ko pa naman si misis ang namimiss mo hehehe, galing talaga! idol!!! sana matuto pa akong mag gitara tinamad na kasi ako e panay umpisa lang alam ko lol
ReplyDeleteSample naman jan o. (I really would love to see you play, George! Request lang...Tayo'y Mga Pinoy!).
ReplyDeleteang ganda naman ng gitara mo kuya pope..im sure maganda ang tumog nyan..naku kainggit..^_^
ReplyDelete@ Rej
ReplyDeleteSalaamt sa pagdalaw, dahil weekend dito, jamming time na nga
@ bad_mj97
Sinubukan kong mag-record ng video habang naggigitara ako, unfortunately hindi maganda ang audio results kaya di ko na itinuloy, hayaan mo hahanap me ng magandang video recorder.
@ DRAKE
Hahaham hayaan mo, makakaasa ka sa tamang panahon.
@ A-Z-E-L
Natuwa naman ako sa iyo, epekto ata ito ng El Nino, tag-tuyot ang kaisipan ko hehehe, kaya bigla kong naalala ang aking gitara.
@ Mokong
Salamat sa muling pagbisita.
@ Sardonyx
Yang gitara ko ang number 2 ko hehehe. Yung amoy langka, karamihan ng mga gitara sa Pinas ay gawa mula sa puno ng langka, pero itong gitara ko na Ibanez brand ay gawa mula sa puno ng mahogany. May mga video tutorial at ilang pyesa na madaling sundan na available sa You Tube.
@ isladenebz
Alam mo bang mas mahihirap ang mga notes sa gitara ng mga sikat na Tagalog songs but I find them challenging.
Happy weekend.
@ superjaid
Honestly, maganda ang quality ng tunog ng Ybanez brands.
Kawawang Gitara dahil kina Pesbuk, Parmbil at Petbil =)
ReplyDeleteNext post daw, dalawa na kayo ni Gitara in a video =)