Tuesday, June 22, 2010

Happy Birthday To My Wife, Elinor



In the early years of our marriage, I spent hours writing romantic messages in Hallmark cards, with my artistic hands at every stroke of my caligraphy pens I tried to put into words how I felt about you. with the help of postage stamps,it will embark on an average of 14 days journey across the seas until my message reaches our doorstep.

As time marched on, I tried to find the perfect words. Today, as my fingers find the rights thoughts across my keyboard ensuring every keys I press will put into words how I felt about you. with the click of the mouse or the ENTER key, this will be instanteously posted into the internet as my message will be transported and be visible in your monitor screen.

As you celebrate your birthday, I want to tell you how honored I am to have you in my life, despite the vast ocean that separate us at this special day, God's infinite wisdom has keep our hearts together.

I may not be able to give you a birthday gift but I hope with this post, my message of love can reach your heart. This LOVE maybe too small a word to convey what I feel for you, but it has served as glue that binds us together, that sealed and kept our family together for years.

You're the reason for sweet yesterdays, and my promise for tomorrow. May today, 23rd June, 2010 be filled with love, understanding, and contentment as you journey through life with me... HAPPY BIRTHDAY... MY WIFE AND MY LIFE, ELINOR. 

He Never Gives Up On You


 
I find it craziness...
To hate all roses, because you got scratched by one thorn.
To give up all your dreams, because one did not come true.
To lose faith in prayers, because one was not answered.
 


Totally madness...
To give up on your efforts, because one of them failed.
To condemn all your friends, because one of them betrayed.
Not to believe in love, because someone was unfaithful.
 


Remember that Life is Beautiful, 
another chance will come up.
A new hope, A new friend, A new love, A new life.
 


Never give up on anything!  
Because God never gives up on you...
In fact, He has already done so much for YOU.


Note: Image was snipped from flickr.com uploaded by  ://maraculio

Sunday, June 20, 2010

OFW Dads - Happy Father's Day!



To all the Filipino fathers in the world who have taken the road to Diaspora and braved the biting wind of loneliness, our Government has exulted you as "Modern Day Heroes", while your children have looked upon you as "Men of Steel" and traditionally you are commonly referred to as "haligi ng tahanan (house foundation)".

However, behind those machismo beliefs - the large chest, bulky muscles strong and calloused hands; these "manly" body structure cannot contain the tears running down from the men's eyes cascading to their cheeks and the muffled cry that they tried to contain during the still of the night where the faceless "homesickness" strikes unexpectedly. When everybody sleeps, or alone in the cold room, the men in shining armour shed tears too as they realized how many special events and occasions they have missed, their kids baptism, first walks, annual birthdays, first communion and graduations... enough to bring the "Man of Steel" sobbing in tears as the emotional anguish of men is unmeasurable as they hide those tears of sadness from their family and with cracking voice - they talk to them on the telephone, or thru internet or snail mail, they always tell their wife and children - with firm voice and with assurance that "I AM OKAY", even though you they're not.

Driven by their determination to fight poverty by trading loneliness for econimc gain in the hope of bringing brighter future to their family, their sacrifices as OFW Dads are priceless, they are not just heroes, but super heroes - you are Super Dads who plays bigger role in nation building and have been an inspiration to your proud family back home. And most of you have made our country known in evey part of this world, you are an ambassador in your own right and an evangelist too as you bring your religious faith in the foreign lands.

TO ALL THE OFW FATHERS, DADS, AMA, ITAY and TATAY and LOLO... HAPPY FATHER'S DAY, I look forward in the coming days when you reunite with your children and wife.

MALIGAYANG ARAW SA LAHAT NG MGA AMANG OFW, BAYANI KA!

Friday, June 18, 2010

Maligayang Araw Ama




Dear Tatay,

Tanging ang mga masasaya mong ala-ala ay walang sawa kong binabalik-balikan, sa kabila ng aking murang kaisipan at hindi ko malililimutan. Kung saan ako ay lagi mong kinakarga sa iyong mga balikat, o kaya'y isinasakay sa iyong likuran.

Ang bawat mga dapit hapon mula sa pasimano ng ating bintana habang pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw at ang pinananabikan iyong pagdating mula sa iyong pinagtatrabahuan at pansamantala tangan ko ang paris ng iyong sinelas para isuot sa pagod mong mga paa. Samantala si Inay ay abala sa pagluluto ng manok na tinola.

At sa tuwing araw ng sweldo ay di mo nakakalimutan, na kami ni Ina't Ate ay laging pasalubungan, sorbetes na nasa galon na lata at espesyal na ensaymada, sa ating hapag kainin ay ating pinagsasaluhan.

Subalit maikli man ang panahon na iyong ibinahagi sa amin, nagpapasalamat pa rin ako at ikaw ay ipinahiram sa'min ng Maykapal. Sapat na iyon upang habang buhay kang mamalagi sa aming puso't isipan.

Sa bawa't pag-aalala ko sa aking mga anak, ngaun ko nararamdaman ang pag-aalala mo rin sa akin nung ako ay bata pa, sa bawa't oras na pagbahagi ko ng pagmamahal sa aking anak, ay napagtanto ko rin na ganito rin ang pagmamahal iyong nararamdaman sa amin.

Saan ka man naruruon ngayon Tatay, alam kong masaya ka sa piling ni Nanay, walang gutom, pagod at karamdaman na nararamdaman. Subalit huwag mo namang madaliin na ako'y makasama sa Paraiso na iyong kinalalagyan dahil nais ko pang makasama ang aking pamilya para mapaglingkuran, dahil alam kong sila'y mahal mo rin.

Itay, Happy Father's Day !!!


Nagmamahal mong anak,


Boy

Happy "Tatay" Day sa lahat mga ama at magiging ama. 


Paunawa - ang larawan ilan sa mga piling larawan na kuna ni Sarolazmi mula sa flickr.com

Tuesday, June 15, 2010

KABLOGS - PEBA Forum

Para sa nalalapit na Pinoy Expat/OFW Blog Awards at sa patuloy na pagdami ng sumusuporta sa KaBlogs, muling naghahandog ang inyong lingkod ng isang tambayan kung saan ang lahat ay may kalayaan sa kani-kanilang opinyon...


Isang tambayan kung saan ang lahat ng bagay ay maaaring pag-usapan, pagkwentuhan, pagtsismisan, o pagdebatehan...

Isang tambayan kung saan magkakasama-sama ang lahat, magkakakilanlan at muli magkakaisa sa hangaring kabutihan para sa kababayan.

Muli, inihahandog namin sa lahat ng OFW/Expat, saang sulok ka man ng mundo ang isang tambayan.

click the image to register in the forum


Paunawa: Ang original na artikulo ay matatagpuan na naka-poste sa Kablogs at Dungeon Lord

Thursday, June 10, 2010

Kalayaan, Paano Ba Kita Mararamdaman?


Ika 12 ng Hunyo, isang daan at labing dalawang taon ang nakaraan, mula isang bintana ng balkonahe ay magugunita na iwinagayway ni Hen. Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas bilang hudyat ng kalayaan ng ating bansa mula sa pagkaka-alipin sa mga banyaga.

Isang daan at labing dalawang taon ang nakaraan, halos 10 Milyong Pilipino ang nasa mga bansang bayaga, nakikipagsapalaran,  naghahanap ng kalutasan upang makalaya sa kahirapan at kakulangan ng hanapbuhay sa sariling Bayan.

Kalayaan sa kahirapan ang aming ipinaglalaban, nilisan ang sariling bayan, pamilya’y isinaalang-alang upang maitaguyod ang kanilang kinabukasan na ipinagkait ng ating sariling pamahalaan.

Kalayaan, paano ba maging tunay na malaya kung ang Saligang Batas ay dinadalahura sa bulwagan ng Kongreso at ang Freedom of Information Act ay binaliwala ng mga Kongersista na sariling  bulsa ang tanging pinatataba.

Kalayaan paano ba maging tunay na malaya, kung ang sigaw  ng katarungan ay hindi napapakinggan, at ang tinatawag na hustisya ay sadyang  may kinikilingan, tila mas pinapaburan ang mga taong may pera at may impluwensya sa Korte Suprema.

Kalayaan, paano ba maging malaya, kung sa iyong sariling tahanan ikaw ay laging kinakabahan, na anumang oras baka ikaw ay pagnakawan, kaya’t  pinto ay laging sarado, may bantay ka pang aso at lagi kang armado.

Kalayaan, paano ba maging malaya, kung ang salitang kalayaan ay laging pinaguusapan sa pagitan ng mga NPA at pamahalaan. Paano mo makikita ang sinasabing kalayaan kung ang mga taga-Mindanao ay laging nasa gitna ng digmaan.

Kalayaan, paano ba maging malaya, kung ang Sandatahang Lakas ay laging nagbabanta sa pag-aaklas at kudeta. Paano ba maging malaya, kung ang Kongreso ay laging aligaga sa pagbabago ng Saligang Batas, isang paraan upang manatili sa puwesto at patuloy na mapagnakawan ang kaban ng bayan.

Kalayaan, paano ba maging malaya, kung kaming mga mangagawa na nasa ibang bansa’y takot na bumalik sa sariling Lupa. Tila ang salitang kalayaan ay para sa iilan lang, sa mga elitista, politiko at pawang mayayaman? At ang mga mahihirap at mangmang ay pinagsasamantalaha’t pinaglalaruan.

Kalayaan, mula sa aking kapanganakan tunay kitang kinasasabikan, sa pagsasalin ng kapangyarihan sa bagong pamahalaan, nawa’y sa mga susunod na taon, ang tunay na kalayaan ikaw ay maramdaman ng aking Bayan.


Note: Image snipped from flickr.com, uploaded by Meljoe San Diego

Monday, June 7, 2010

Kabayan, Migrant's Workers Day Pala Ngayun


Iisang mukha, di maipagkakaila, sila ang aking laging nakikita sa tuwing katapusan ng bawa't buwan, sa kahabaan ng pila, sapat na ang tanguan kasabay sa pagtaas ng aking dalawang kilay kasama ang isang matipid na ngit na tila nagsasabing "Kamusta ka kabayan".

Bagama't hindi ko man sila nakikilala kanilang mga pangalan, tuwing sa oras ng padalahan sila ang aking kahuntahan, kwentuhan o kangitian habang nag-aabang sa pila upang makapag-padala ng remittance sa aming mga pamilya.

Hapos 40 minuto na akong nakatayo, mahaba pa ang pila, walong katao pa ang nasa aking harapan bago ako humantong sa counter ng padalahan. At aking nilingon ang pila mula sa aking likuran, halos 10 pang katao ang sumusuod sa akin.

Tinitiyak ko ganito rin ang mga kaganapan sa iba't ibang bahagi ng mundo, mga lahing kayummanggi, nakapila sa iba't ibang remmitance centers upang magpadala ng pera sa mga naiwang pamilya sa Pilipinas. Mas kilala sila sa tawag na OFW, pero para sa pamahalaan sila'y hinihirang na "Bagong Bayani" dahil sa pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng buwanang remittance kanilang ipinapadala.

Ngayon, ika-7 ng Hunyo, itinakda ng pamahalaan ang araw na ito bilang "Migrant Worker's Day" sa ilalim ng tema na "OFWs: Tagumpay sa Hamon ng Panahon, Kaagapay sa Pagsulong”.

Habang nag-aabang ako sa pila, di ko mapigil na banggitin ang balitang ito sa lalaking nasa aking unahan, "Kabayan, Migrant Workers Day pala ngaun bilang pagkilala ng pamahalaan sa ating kabayanihan."

"Wag mong pinag-iintindi yan brod, naka-isip na naman ang pamahalaan ng pagkakagastusan  at baka pagkakitaan pa nila tayo sa pagdiriwang na 'yan. Sa halip na makatulong sila sa atin, lahat ng puedeng pagkakitaan sa OFW ginagawa nila, pero serbisyong tutuo ng gobyerno sa OFW di mo maramdaman", tugon nya sa akin.

Di ko namalayan na tumatango ang ulo ko bilang pagsang-ayon sa kanyang mga sinabi, may katotohanan,  sa mga OFW di nila alintana ang anumang papuri ng pamahalaan kung hindi naman nila nararamdaman ang pagbabago ng estado ng ating bayan. Gaano nga ba kahalaga ang mga papuri na ito sa bawa't OFW na abala sa pagtatrabaho habang pinaglalabanan ang di masukat na pagsubok at kalungkutan na malayo sa mga mahal sa buhay.

Habang pinagmamasdan ko ang aking kaharap na iniaabot ang kanyang pera at lumang resibo sa counter ay marahan nyang binigkas ang isang katanungang - "Matatanggap ba ito agad ng pamilya ko bukas?" 

"Makakaasa kayo Sir, bukas puede ng ma-withdraw yan ng pamilya ninyo sa Pilipinas", narinig kong bigkas ng teller at ilang saglit, lumisan ang aking kabayan na may ngiti sa kanyang mga labi. Sapat na katugunan sa kanyang katanungan upang mapawi ang pagod sa pagtatrabaho at mahabang pila - mas higit pa sa papuring inihahanda ng pamahalaan sa kanya.

Thursday, June 3, 2010

May Nag-Teks


Sa pagnanais kong magkaruon ng mas malawak na komunikasyon sa aking pamilya sa Pilipinas, minabuti kong bumili ng Smart Buddy Prepaid SIM ngayong umaga para sa Roaming facility na naipagkakaloob nito sa mga OFW na katulad ko.

Mula sa isang shop sa Souk ay nakabili ako ng Smart Buddy SIM sa halagang QR15.00 (P185.00). Pinagmasdan ko ang pakete, binusisi ang panlabas na anyo niyo, selyado at may nakasulat ang mga katagang "SMART PINOY SIM, Ang SIM para sa Overseas Pinoy".

Maingat kong inilagay ang Smart SIM Card sa aking selpon at ibinalik ang baterya at takip at ini-'ON' ko ang selpon. Masusing pinagmamasdan ko ang 'screen' ng aking selpon at napangiti ako ng lumabas mula sa mukha ng aking selpon ang mga salitang "SMART Buddy" na nangangahulugan na maayos na gumagana. Inilapag ko ang selpon pansamantala upang alamin mula sa pakete ang numero ng aking Smart SIM subalit wala pang ilang segundo ay tumunog ang selpon, "may nag-teks".

Sino kaya ang aking unang texter, may pagkasabik kong dinampot muli ang selpon, ang text ay mula sa di ko kilalang numero "09284646289" at ito ang mensahe:

Congratulations! your SIM no. Had won (950,000) thru electronic raffle draw fr:PHILIPPINES charity foundationw/ Banko Sentral ng Philipinas "Handog pangkabuhayan to claim your prize.! call me now.! i'm Vergilio M. Perez frm BSP info. Dpt Per-DTI#3920 series of 2010

Dali-dali rin akong nag-text sa kanya, at ito ang kasagutan ko -

Mr. Perez, maraming salamat sa inpromasyong inyong ipinagkaloob, ipagpaumanhin mo kung di mo ako makakausap ng personal dahil sa aking pagiging abala. Ang aking napanalunang salapi na iyong nabanggit ay aking ikagagalak kung maipagkakaloob mo sa Bantay Bata Foundation ang halagang 900,000 at ang natitirang 50,000 ay ipinagkakaloob ko sa iyo bilang balato - ang iyong Ninong Milyonaryo.

Ikaw, gusto mo bang makibahagi sa susunod kong swerte? Iwanan mo lang ang pangalan sa aking comment box matapos basahin ang blog na ito at maaring sa iyo ko ipagkaloob ang aking mapapanalunan at huwag kalimutan na ako'y ipagdasal na sana sa aki'y laging may mag-teks.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails