Thursday, June 3, 2010

May Nag-Teks


Sa pagnanais kong magkaruon ng mas malawak na komunikasyon sa aking pamilya sa Pilipinas, minabuti kong bumili ng Smart Buddy Prepaid SIM ngayong umaga para sa Roaming facility na naipagkakaloob nito sa mga OFW na katulad ko.

Mula sa isang shop sa Souk ay nakabili ako ng Smart Buddy SIM sa halagang QR15.00 (P185.00). Pinagmasdan ko ang pakete, binusisi ang panlabas na anyo niyo, selyado at may nakasulat ang mga katagang "SMART PINOY SIM, Ang SIM para sa Overseas Pinoy".

Maingat kong inilagay ang Smart SIM Card sa aking selpon at ibinalik ang baterya at takip at ini-'ON' ko ang selpon. Masusing pinagmamasdan ko ang 'screen' ng aking selpon at napangiti ako ng lumabas mula sa mukha ng aking selpon ang mga salitang "SMART Buddy" na nangangahulugan na maayos na gumagana. Inilapag ko ang selpon pansamantala upang alamin mula sa pakete ang numero ng aking Smart SIM subalit wala pang ilang segundo ay tumunog ang selpon, "may nag-teks".

Sino kaya ang aking unang texter, may pagkasabik kong dinampot muli ang selpon, ang text ay mula sa di ko kilalang numero "09284646289" at ito ang mensahe:

Congratulations! your SIM no. Had won (950,000) thru electronic raffle draw fr:PHILIPPINES charity foundationw/ Banko Sentral ng Philipinas "Handog pangkabuhayan to claim your prize.! call me now.! i'm Vergilio M. Perez frm BSP info. Dpt Per-DTI#3920 series of 2010

Dali-dali rin akong nag-text sa kanya, at ito ang kasagutan ko -

Mr. Perez, maraming salamat sa inpromasyong inyong ipinagkaloob, ipagpaumanhin mo kung di mo ako makakausap ng personal dahil sa aking pagiging abala. Ang aking napanalunang salapi na iyong nabanggit ay aking ikagagalak kung maipagkakaloob mo sa Bantay Bata Foundation ang halagang 900,000 at ang natitirang 50,000 ay ipinagkakaloob ko sa iyo bilang balato - ang iyong Ninong Milyonaryo.

Ikaw, gusto mo bang makibahagi sa susunod kong swerte? Iwanan mo lang ang pangalan sa aking comment box matapos basahin ang blog na ito at maaring sa iyo ko ipagkaloob ang aking mapapanalunan at huwag kalimutan na ako'y ipagdasal na sana sa aki'y laging may mag-teks.

16 comments:

  1. sa aking experienced ay mayroon akong kaibigan na ganyan kapareho ng pangyayari or may nag text sa kanya at pinapunta sya sa banko bago yun nagpaload ng malaking halaga ang nag text para daw sa mas malinaw na instruction. nang bandang huli ito pala ay isang form ng panloloko kya mag ingat

    ReplyDelete
  2. Hahaha madalas din akong makatanggap ng ganyan, minsan sabi ko sa kanya padala nya sa akin ung 100k at ung matitira eh sa kanya na...di na sumagot lolzzz

    ReplyDelete
  3. @ tj_04

    Iba't ibang raket pala ang kumakalat kung saan ginagamit ang SIM Card o thru texting para makapanloko ng kapwa, dapat palang paigtingin ng mga Service Provider ang inpormasyon sa publiko ukol sa pag-iingat sa iba't-ibang scam na kinasasangkutan ng kanilang mga SIM Cards.

    @ Lord CM

    GRabeh, wala pang isang minutong inilagay ko ang SIM Card sa aking selpon at nai-ON ito ay bigla na lang may nag-teks, pakiramdam ko parang pre-programmed tuloy ang Smard Buddy SIM at may koneksyon ang mga manloloko sa loob ng Smart upang malaman ang aking SIM Card number na bagong bili.

    ReplyDelete
  4. Hahaha madalas rin akong makatanggap ng text na ganyan. Dami talagang manloloko sa atin. Hay sana naman magkaroon na tayo ng batas na maipapatupad para sa pagrerehistro ng mga SIM para hindi makapanloko ang mga ganyang klase ng tao.

    ReplyDelete
  5. natawa naman ako may pabalato pa :] Iba na talaga ngayon nu, kakasalpak lang ng sim may scam na agad?

    ReplyDelete
  6. dami ko ring natatanggap na ganyan. kahit sa emails. kung pinatulan ko lang yan eh mayaman na ako!

    pope, salamat sa pag-add sa blogroll. naisama na rin kita sa blogs ko.

    rakenrol \m/

    ReplyDelete
  7. hmm.. napansin ko lang, dumarami ang mga OFW SIMs na napapadalhan ng ganyang message. Yung sa tatay ko kasi, nakakareceive rin siya ng mga ganyang mga text messages. Although maraming mga Pilipino rin naman dito sa Pilipinas ang nakakatanggap ng ganyang mga mensahe, naisip ko lang na baka pinupuntirya ng mga sindikatong ito ang mga OFWs na silang nagdadala ng pera dito sa Pilipinas.


    ---
    Join Emerging Influential Blogs 2010 and support my entertainment blog: www.AroundTheBuzzPrimetime.blogspot.com! Click here for more details: http://www.myfjordz.com/2010/05/top-10-emerging-influential-blogs-for.html

    ReplyDelete
  8. Kung totoo lang lahat ng claim ng mga spammers na yan, hindi ko na kailangan pang mag-abroad. Mayaman na siguro ako. Hehehe.

    I so miss your blog, George.

    ReplyDelete
  9. grabe talaga sa tin ang daming scam....napansin ko lang Pope, ilang send yun reply mo? parang ang haba e? baka naubos na kagad ang load mo nun? hahaha, sayang yun reply mo pang text sa Pinas na yun LOL

    maingat na ko sa ganyan, sa cellphone naloko ang Kuya ko e na ako pa ang nagbayad ng utang niya hehehe

    ReplyDelete
  10. @ Misalyn

    May panukalang batas dati ukol sa pagpaparehisto ng bawa't SIM Card na ipagbibili sa publiko subalit hindi ito nagtagumpay na maisa-batas dahil sa "Right to Privacy" at iba't iba pang batas na may kaugnayan sa Karapatang Pantao.

    @ Renz

    Grabeh talaga, di pa nag-iinit ang SIM cad ko mula sa pagkakalagay sa selpon may gusto na agad manamantala.

    @ NoBenta

    Naku, kung pinatulan mo, baka sila ang yumaman hehehehe. Salamat sa din ex-links.

    @ Fjordan Allego

    Mukhang organisadong grupo ang gumagawa nito at hindi ng iilan lamang kaya't dapat maging mapanuri.

    Makakaasa sa aking suporta sa iyong entertainment blog, maraming salamat.

    @ isladenebz

    Kung tunay ang mga spammers, marami ng mayaman hahahaha. I miss your blog too. Salamat sa muling pagbisita, pagbababsa at pag-iiwan ng marka.

    ReplyDelete
  11. @ Sardonyx

    Lahat na yata ng raket meron na sa atin, pati hacking ng FB at YM messenger, kaya't dobleng ingat talaga ang kailangan.

    Happy weekend.

    ReplyDelete
  12. HAHAHAHA! pagpasensyahan mo na kasi yung mga number e nirerecycle nila, katulad sa kin dati bago yung sim card ko syempre bago din ang number tapos biglang may nagtext hinahanap yung ibang pangalan, sabi sa kin yun daw yung dating number nung hinahanap nya.


    manilenya

    ReplyDelete
  13. deperado makapanloko yung text sender, baka maunahan ng iba eh

    ReplyDelete
  14. ang hindi ko alam kung paano nila nakukuha ang mga number natin. madalas manak makatanggap sa roarming ko nyan.

    ReplyDelete
  15. Naku kakabili ko lang din po ng roaming sim ko at meron din akong txt na nareceive na ganyan pero ung saken nman is handog from NOY2..o diba?! hahaha!

    ReplyDelete
  16. meron pa isa klase magtetext 1. "sis; eto na ang bago kong no. paki load mo nga ako ng 300 emergency lang yun pala scam din. 2.isang mrs ng ofw's may nag text honey bumili ka nga ng load kasi malakas pala ang paload dito sa amin sa mga kasamahan ko.dito sa no na ito mo ibigay ang password at control no.si mrs hindi confirm yung asawa parang 3x nangyari nang bigla tumawag ang mr. nya kinumusta nya yung paload sabi ng asawa nya ano ba yun pinagsasabi mo e hindi naman ako nagpapaload dito ANO KA BA? KAYA DAPAT DOBLENG INGAT SA LAHAT..

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails