Iisang mukha, di maipagkakaila, sila ang aking laging nakikita sa tuwing katapusan ng bawa't buwan, sa kahabaan ng pila, sapat na ang tanguan kasabay sa pagtaas ng aking dalawang kilay kasama ang isang matipid na ngit na tila nagsasabing "Kamusta ka kabayan".
Bagama't hindi ko man sila nakikilala kanilang mga pangalan, tuwing sa oras ng padalahan sila ang aking kahuntahan, kwentuhan o kangitian habang nag-aabang sa pila upang makapag-padala ng remittance sa aming mga pamilya.
Hapos 40 minuto na akong nakatayo, mahaba pa ang pila, walong katao pa ang nasa aking harapan bago ako humantong sa counter ng padalahan. At aking nilingon ang pila mula sa aking likuran, halos 10 pang katao ang sumusuod sa akin.
Tinitiyak ko ganito rin ang mga kaganapan sa iba't ibang bahagi ng mundo, mga lahing kayummanggi, nakapila sa iba't ibang remmitance centers upang magpadala ng pera sa mga naiwang pamilya sa Pilipinas. Mas kilala sila sa tawag na OFW, pero para sa pamahalaan sila'y hinihirang na "Bagong Bayani" dahil sa pagsulong ng ekonomiya ng ating bansa sa pamamagitan ng buwanang remittance kanilang ipinapadala.
Ngayon, ika-7 ng Hunyo, itinakda ng pamahalaan ang araw na ito bilang "Migrant Worker's Day" sa ilalim ng tema na "OFWs: Tagumpay sa Hamon ng Panahon, Kaagapay sa Pagsulong”.
Habang nag-aabang ako sa pila, di ko mapigil na banggitin ang balitang ito sa lalaking nasa aking unahan, "Kabayan, Migrant Workers Day pala ngaun bilang pagkilala ng pamahalaan sa ating kabayanihan."
"Wag mong pinag-iintindi yan brod, naka-isip na naman ang pamahalaan ng pagkakagastusan at baka pagkakitaan pa nila tayo sa pagdiriwang na 'yan. Sa halip na makatulong sila sa atin, lahat ng puedeng pagkakitaan sa OFW ginagawa nila, pero serbisyong tutuo ng gobyerno sa OFW di mo maramdaman", tugon nya sa akin.
Di ko namalayan na tumatango ang ulo ko bilang pagsang-ayon sa kanyang mga sinabi, may katotohanan, sa mga OFW di nila alintana ang anumang papuri ng pamahalaan kung hindi naman nila nararamdaman ang pagbabago ng estado ng ating bayan. Gaano nga ba kahalaga ang mga papuri na ito sa bawa't OFW na abala sa pagtatrabaho habang pinaglalabanan ang di masukat na pagsubok at kalungkutan na malayo sa mga mahal sa buhay.
Habang pinagmamasdan ko ang aking kaharap na iniaabot ang kanyang pera at lumang resibo sa counter ay marahan nyang binigkas ang isang katanungang - "Matatanggap ba ito agad ng pamilya ko bukas?"
"Makakaasa kayo Sir, bukas puede ng ma-withdraw yan ng pamilya ninyo sa Pilipinas", narinig kong bigkas ng teller at ilang saglit, lumisan ang aking kabayan na may ngiti sa kanyang mga labi. Sapat na katugunan sa kanyang katanungan upang mapawi ang pagod sa pagtatrabaho at mahabang pila - mas higit pa sa papuring inihahanda ng pamahalaan sa kanya.
Hi The Pope, hindi din kami aware dito sa pagdiriwang na ito para sa ating mga OFW.
ReplyDeleteBy the way, gusto ko itong linya mong ito (na-touched ako at naka-relate):
"Sapat na katugunan sa kanyang katanungan upang mapawi ang pagod sa pagtatrabaho at mahabang pila - mas higit pa sa papuring inihahanda ng pamahalaan sa kanya."
Di ko rin alam tong kaganapan na to, siguro nga tama si Kabayan, di naman natin ramdam kung ano ung ginagawa ng Gobyerno para sa atin eh...ang mahalaga napapakain natin at naititira sa maayos na bahay ang ating mga mahal sa buhay...
ReplyDeleteNice post pre...
may ganito palang kaganapan..nice..buti naman at nabibigay ng ganitong tribute ang pamahalaan..^_^
ReplyDeletehay buhay abroad....kapag suweldo, dumadaan lang saglit sa palad mo ang kinita matapos ang isang buwan!
ReplyDeletepaksyet ang gobyerno. panay ang pang-uuto sa mga OFW's. anong gagawin mo sa mga taenang events na ginagawa nila? mas kailangan natin ang benefits bilang overseas workers! bayani daw tayo. ang hirap paniwalaan kapag 'di mo ramdam na ika'y sinusuportahan!
saludo ako sa mga OFW.. ginagawa lahat para sa kanilangpamilya. i know sa maikling panahon darating ang araw na mga dayuhan na magsisilbe sa mga pilipino:D...
ReplyDelete@ animus
ReplyDeleteNakakalungkot, dahil sa gitna ng pagdiriwang na ito, tila iilan lamang ang nakaka-alam ng nasabing pagtitipon na kung saan ang binibigyan papuri ay ang mga OFW.
@ Lord CM
Sa gitna ng kalungkutan at kalawan ng kasiguruhan sa kapalaran ng pangingibang-bayan, tanging ang pamilya lamang ang sandigan at nagbibigay lakas sa bawa't OFW, bilang pangalawa sa Maykapal.
@ ♥superjaid♥
Ang pagdiriwang na ito ay itinakda at pinagtibay ni dating Pang. Ramos nuong 1995 bilang pagbibigay pugay sa kabayanihan ng bawa't OFW.
@ NoBenta
Nawa'y sa pagpapalit ng bagong Administrasyon ay mapalawig ng pamahalaan ang pagbibigay ng proteksyon sa bawa't OFW sa iba't ibang bansa.
hindi natin kailangan ang papiri kundi suporta and proteksyon.
ReplyDelete