Dear Tatay,
Tanging ang mga masasaya mong ala-ala ay walang sawa kong binabalik-balikan, sa kabila ng aking murang kaisipan at hindi ko malililimutan. Kung saan ako ay lagi mong kinakarga sa iyong mga balikat, o kaya'y isinasakay sa iyong likuran.
Ang bawat mga dapit hapon mula sa pasimano ng ating bintana habang pinagmamasdan ko ang paglubog ng araw at ang pinananabikan iyong pagdating mula sa iyong pinagtatrabahuan at pansamantala tangan ko ang paris ng iyong sinelas para isuot sa pagod mong mga paa. Samantala si Inay ay abala sa pagluluto ng manok na tinola.
At sa tuwing araw ng sweldo ay di mo nakakalimutan, na kami ni Ina't Ate ay laging pasalubungan, sorbetes na nasa galon na lata at espesyal na ensaymada, sa ating hapag kainin ay ating pinagsasaluhan.
Subalit maikli man ang panahon na iyong ibinahagi sa amin, nagpapasalamat pa rin ako at ikaw ay ipinahiram sa'min ng Maykapal. Sapat na iyon upang habang buhay kang mamalagi sa aming puso't isipan.
Sa bawa't pag-aalala ko sa aking mga anak, ngaun ko nararamdaman ang pag-aalala mo rin sa akin nung ako ay bata pa, sa bawa't oras na pagbahagi ko ng pagmamahal sa aking anak, ay napagtanto ko rin na ganito rin ang pagmamahal iyong nararamdaman sa amin.
Saan ka man naruruon ngayon Tatay, alam kong masaya ka sa piling ni Nanay, walang gutom, pagod at karamdaman na nararamdaman. Subalit huwag mo namang madaliin na ako'y makasama sa Paraiso na iyong kinalalagyan dahil nais ko pang makasama ang aking pamilya para mapaglingkuran, dahil alam kong sila'y mahal mo rin.
Itay, Happy Father's Day !!!
Nagmamahal mong anak,
Boy
Happy "Tatay" Day sa lahat mga ama at magiging ama.
Paunawa - ang larawan ilan sa mga piling larawan na kuna ni Sarolazmi mula sa flickr.com
maligayang araw ng mga erpats sa iyong itay!
ReplyDeletewaaaa kakaiyak!! Happy Father's Day Pope! Kailangan makatawag sa Tatay ko hehehe, sana may signal sa paanan ng bundok hehehe
ReplyDeletenatakam ako sa sorbetes at ensaymada tuloy kakamiss din
Kay ganda ng iyong pitak, Pope. Maligayang araw sa inyong mga tatay.
ReplyDeletehappy father's day kay tatay at sayo sir
ReplyDeleteHappy father's day pope! Daan ka sa bahay ko may video ako para sa inyo :)
ReplyDelete@ NoBenta
ReplyDeleteMaraming salamat sa pagbati,likewise happy Father's Day sa iyong Itay.
@ Sardonyx
Happy Father's Day din sa hubby mo, I am glad that his mission is over and you're moving back to US. God bless!!!
@ kikomatching
Maraming salamat sa iyong pagbati, at isang Happy Father's Day at Happy Birthday din sa iyong Papa.
@ Renz
Thank you sa iyong pagbisita, with prayer, happy Father's Day din sa iyong Dad.
@ Roanne
You have never stop to amaze me, at sa iyong dakilang ama, happy Father's Day.
Fathers who are actively involved with their children can be a wholesome influence. MAPALAD ANG MGA BATANG MAY TATAY PA at nag aalaga sa kapakanan nila sa emotional at spiritual na paraan. Its not only kasi material needs, but fathers should inculcate good moral values to children, kahit malayo sila, andun ang disiplina,kaya they are worth the love of their children too, not only today, but always.
ReplyDelete