Ika 12 ng Hunyo, isang daan at labing dalawang taon ang nakaraan, mula isang bintana ng balkonahe ay magugunita na iwinagayway ni Hen. Emilio Aguinaldo ang watawat ng Pilipinas bilang hudyat ng kalayaan ng ating bansa mula sa pagkaka-alipin sa mga banyaga.
Isang daan at labing dalawang taon ang nakaraan, halos 10 Milyong Pilipino ang nasa mga bansang bayaga, nakikipagsapalaran, naghahanap ng kalutasan upang makalaya sa kahirapan at kakulangan ng hanapbuhay sa sariling Bayan.
Kalayaan sa kahirapan ang aming ipinaglalaban, nilisan ang sariling bayan, pamilya’y isinaalang-alang upang maitaguyod ang kanilang kinabukasan na ipinagkait ng ating sariling pamahalaan.
Kalayaan, paano ba maging tunay na malaya kung ang Saligang Batas ay dinadalahura sa bulwagan ng Kongreso at ang Freedom of Information Act ay binaliwala ng mga Kongersista na sariling bulsa ang tanging pinatataba.
Kalayaan paano ba maging tunay na malaya, kung ang sigaw ng katarungan ay hindi napapakinggan, at ang tinatawag na hustisya ay sadyang may kinikilingan, tila mas pinapaburan ang mga taong may pera at may impluwensya sa Korte Suprema.
Kalayaan, paano ba maging malaya, kung sa iyong sariling tahanan ikaw ay laging kinakabahan, na anumang oras baka ikaw ay pagnakawan, kaya’t pinto ay laging sarado, may bantay ka pang aso at lagi kang armado.
Kalayaan, paano ba maging malaya, kung ang salitang kalayaan ay laging pinaguusapan sa pagitan ng mga NPA at pamahalaan. Paano mo makikita ang sinasabing kalayaan kung ang mga taga-Mindanao ay laging nasa gitna ng digmaan.
Kalayaan, paano ba maging malaya, kung ang Sandatahang Lakas ay laging nagbabanta sa pag-aaklas at kudeta. Paano ba maging malaya, kung ang Kongreso ay laging aligaga sa pagbabago ng Saligang Batas, isang paraan upang manatili sa puwesto at patuloy na mapagnakawan ang kaban ng bayan.
Kalayaan, paano ba maging malaya, kung kaming mga mangagawa na nasa ibang bansa’y takot na bumalik sa sariling Lupa. Tila ang salitang kalayaan ay para sa iilan lang, sa mga elitista, politiko at pawang mayayaman? At ang mga mahihirap at mangmang ay pinagsasamantalaha’t pinaglalaruan.
Kalayaan, mula sa aking kapanganakan tunay kitang kinasasabikan, sa pagsasalin ng kapangyarihan sa bagong pamahalaan, nawa’y sa mga susunod na taon, ang tunay na kalayaan ikaw ay maramdaman ng aking Bayan.
Note: Image snipped from flickr.com, uploaded by Meljoe San Diego
nakakalungkot isipin na hindi naman talaga tayo naging lubos na malaya... dahil nagpapasakop pa rin tayo sa idea at kalakal ng ibang bansa, na kung iisipin, malaki sana ang magagawa nito sa pag-udlad ng pinas kung tatangkilikin natin ang sariling atin.
ReplyDeleteTama ang iyong mga puna, di tayo magiging malaya hanggang di natin natututunan na tangkilikin ang sariling lalo't tayo ay nag-aangkat ng mga produktong bigas na dati ay tayo ang nangunguna.
ReplyDeletewow..ang ganda naman po ng inyong sanaysay patungkol sa kalayaan. Nagbigay ito ng kamulatan sa aking mga matang bulag ka katotohanan. Nawa ay maramdaman na nga natin ang kalayaan na iyan sa mga susunod na taon, sa ilalim ng bagong pangulo.
ReplyDeleteLet's appreciate having the freedom to choose what we will do and say, what we will eat and wear, what kind of work we will do, and where and how we will live.We donot want someone to dictate our every word and action every moment of our life.
ReplyDeleteThats already freedom (kalayaan)on personal side.
No normal person wants his life taken out of his control so completely.
With the government like Phillipines?
They must have a reliable SOCIAL SERVICES FIRST.
Health services where the SSS covers 70% of medical expenses,
have out of 50% monthly work salary if the company busted to be given by SSS to members ,
allowances for the family of minimum earners,
free schooling up to college,
Salary of 1000pesos a day at least.
House provided by govt to working class.
Now that's what we call dreaming.
It cant be in Phils.
It is in first world country, but even then, its not all implemented.
We all do what we can under the circumstances we are in.
C'est la vie.
Thats life.
I hope na ang bagong administration ang magsusulong sa kalayaan na ito. mahirap man umasa pero sa muli ay ating matutunghayan ang vision at mission ng elect pres Aquino. at sana ay mawakasan or mabawasn ang kahirapan ng ating bansa. kung kaya ng ating karatig bansa na umangat. kaya natin ito.
ReplyDeleteHappy Indepence sa ating lahat.
galing! sapul na sapol mo Pope! hayyyy tama ka talaga....kailan kaya mangyayari ang tunay na kalayaan? wala na nga... wala....hehehe
ReplyDelete"I would rather have a country run like hell by Filipinos than a country run like heaven by the Americans…” - MLQ
ReplyDeleteAng kalayaang ating pinagdidiwang ay ang pagiging independente. Pagsasarili sa pamamalakad ng ating gobyerno na walang impluwensya o dikta sa mga banyagang dating sumakop sa atin.
Kung inihahambing mo ang kalayaan sa sitwasyon ng lipunan natin ngayon, masasabi kayang mas mainam na banyaga nalang sana ang nagpapatakbo ng ating pamahalaan?
Oo nga.
ReplyDeleteSabi nila we're free. The truth is: we so fear a lot of things kaya in the end, we become cooped in our own safety shell. Sa katotohanan: hindi rin tayo naging malaya.