Friday, February 27, 2009

BURNED OUT

I was really tired after posting the last of my memoirs on EDSA, feeling ko ay parang may kumukutikutitap sa aking mga paningin, eye stress siguro, kaya't minabuti ko na munang magpahinga just for a day.

Now I know how it feels to be a blog addict, PaJay is correct, di ko napupuna na marami na rin pala akong naisulat, may kabuluhan man o wala, I made a total 26 posts since I started blogging this year. At gusto kong pasalamatan ang mga taong nagpalipas o gumugol ng oras sa aking blog, nag post ng comments at messages, mga followers, visitors, at nag-usyoso, salamat sa inyong lahat.

I must warn you, blogging is addictive, watch out for early signs of blog addiction, it starts with your keyboard...



Wednesday, February 25, 2009

HILAW HINDI DILAW ANG KALAYAAN


Dalawamput tatlong taon ang lumipas, hindi ko nakita ang tinatawag na liwanag na hatid ng tagumpay ng People Power Revolution. Sa pagbaba ng telon ng EDSA, dalawang pangunahing karakter ang naging Pangulo ng Pilipinas sina Cory at FVR, isang Presidente ang nahalal na tinaguriang "Kampeon ng Mahihirap" sa katauhan ni Erap at ang huli ang ang kanyang dating bise presidente na naluklok sa tulong ng EDSA 2 na si GMA. Sa dalawang dakeda, dalawang EDSA, dalawang babaeng pangulo at 2 lalaking pangulo, pero walang pagbabago. Nagpabaya ba si Juan Dela Cruz at hinayaan na abusuhin muli pagkatapos ng EDSA?

O talagang may kakulangan na sangkap sa bawa't kalayaang ating natamo kaya't balewala lang ito sa atin. Kung susuriin ang ating history books, hindi maitatanggi ang tapang ng ating mga Katipunero at mga sundalong nagbuwis ng libo-libong buhay para sa ating kalayaan. Subalit nakakabahala rin na isipin na ang bawat kalayaan natin ay ipinagkaloob at inihain sa pinggang pilak at hindi natamo sa madugong pakikibaka.

Nang itatag ni Hen. Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo, kanyang inihayag ang kalayaan ng Pilipinas nuong Hunyo 12, 1898 at ang nakalulungkot isipin ay di pa rin tayo ganap na malaya sa mga Kastila. Nuong Agosto 1898, sa isang "Mock Battle" sa Maynila ginanap ang 'moro-morong" pagsuko ng mga Kastila sa pwersa ng Amerikano. Dahil hindi magiging katanggap-tanggap sa Espanya ang pagkatalo ng kanyang pwersa sa lahing Pilipino at mas ninais nilang sumuko sa mga Amerikano.

Sa "Treaty of Paris" ng September ay pormal na isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos kapalit ng halagang USD20 million. Ang pagbebenta ng kasarinlan ng Pilipinas sa pagitan ng dalawang dayuhang bansa ay tinutulan nila Aguinaldo kaya siya ay dinakip ng Amerikano at ikinamatay ng libo-libong Pinoy sa tinatawag na Filipino-American Conflict" nuong 1899 na nagpalawig sa pananakop ng mga Amerkano sa bansa.

Taong 1934, sa pamamagitan ng Tyding-McDaffy Act, itinakda ng Amerika na sa Hulyo 4, 1946 ay magiging ganap na malaya ang Pilipinas at itinatag ang Commonwealth Republic nuong 1935 sa pamumuno ni Pangulong Quezon.

Sa kasagsagan ng World War 2, Enero 1942 sinakop ng puersang Hapon ang Maynila. Maraming sundalong Pinoy at Amerikano ang namatay sa mga digmaan sa Bataan at Corregidor. 1944, bumalik si McArthur sa Pilipinas. At Sep. 1945, sumuko ang mga Hapones sa pwersa ng Amerikano. Nagpatuloy ang buhay ng Pilipino at nanatili ang mga sundalong Amerikano sa ating bansa na naging malaki ang impluwensya sa buhay ni Juan.

EDSA 1, bumagsak ang rehimeng Marcos sa isang mapayapang rebolusyon kung saan nais pang makibahagi ng Amerika sa ating tagumpay sa kabila ng kanilang pagkupkop sa pamilyang Marcos. Sa tinaguriang EDSA 2 nuong 2001, muling nanaig ang mapayapang rebolusyon laban sa administrasyong Estrada na sa tulong mga elitista, negosyante at nagbalimbingang politiko. Nahatulan ng 40 taon pagkakakulong si Pang. Estrada sa salang pangungulimbat, nuong Sept. 2007 subalit binigyan ni GMA ng Presidential Pardon at muling pinalaya nuong October 2007.

Ito nga ba ang tunay na dahilan kung bakit passive si Juan dela Cruz, dahil ba ang kalayaan na kanyang tinatamasa ay inihain sa "Silver Platter" kung saan nakisawsaw pa ang mga daliri ng mga banyaga. Dahil rin kaya sa turo ni Gat. Jose Rizal na sa pamamagitan ng mapayapang paraan o sa turo ng simbahan na sa pananalangin sa Dyos ay makakamtam ang hustisya. At dahil rin kaya sa malambot na puso ng Pilipino na madali tayong magpatawad sa mga taong nagkakasala sa atin. Si GMA ay nag-sorry sa kasagsagan ng Garci tape scandal. Si Cory ay nag-sorry kay Erap sa pagsali nya sa EDSA 2.

Ito rin nga kaya ang dahilan kaya naging hilaw ang political maturity ni Juan dela Cruz at tila walang pakialam sa mga kaganapan sa kanyang lipunan at ipinauubaya na lamang sa Diyos ang pagdating ng himala.

Sana ay may himala.

Tuesday, February 24, 2009

BALIK TANAW SA EDSA REVOLUTION - 02/25/86


Peb. 25, wala pa rin kaming pasok sa opis, gusto ko sanang magbalik EDSA pero wala akong kasama, kaya't minabuti ko na lang na sundan ang mga kaganapan sa panunuod ng TV. Natunghayan ko ang nakalilitong balita, mula sa Club Filipino, si Cory Aquino ay iniluklok bilang bagong Presidente ng Pilipinas, at si Doy Laurel bilang kanyang Bise-Presidente.

Samantala, si Apo Marcos naman ay iniluklok bilang muling halal na pangulo mula sa balkonahe ng Malakanyang. Gusto kong mainis, dalawang presidente sa iisang araw. Minabuti kong matulog na muna subalit nag-aalala ako na baka maging tatlo ang presidente ng Pinas sa aking paggising.

Makatapos ang pananghalian, nagpasya akong pumunta sa Sta. Clara de Montefalco kung saan ko natagpuan ang mga kasama ko sa Children of Mary. Kasama sina Bros. Benny, Albert, Joseph, Sis. Rowena, Liza, Carol, Jane at iba pang mga CoMers na di ko na rin matandaan ang kanilang pangalan ay nagkasundo kaming magtungo sa EDSA.

Narating namin ang Ortigas ng 4:30 pm at nasaksihan ang mas makapal ng tao. Sa unang tingin ay di mo aakalain na may nagaganap na military coup sa lugar at sa halip ay tila isang fiesta ang kapaligiran. May mga pamilyang tila nagpipiknik bitbit ang kanilang mga anak at may dalang mga radyo at mga pagkain. May ilang dala pa ang kanilang alagang aso. Karamihan ay nakasuot ng kulay dilaw ng head band at T-Shirt na may may larawan ni Ninoy.

Natunton namin ang gusali ng PCI Bank na nagsisilbing assembly point ng Pastoral Council ng aming parokya na aming kinabibilangan. Dito kami tumigil ng paglalakad at nakipagpalitan ng mga istorya tungkol sa kanilang karansan at pananaw sa nagaganap na rebolusyon. Nakitugon din kami sa kanilang pagrosaryo na hindi alintana ang makapal na taong dumadaan sa aming harapan.

Di ko mabilang kung ilang minuto kaming nagdadasal, at ilang saglit pa ay narinig namin ang mga hiyawan ng mga tao, at may ilang putok ng kwitis na nagliwanag sa langit. Nagtatalunan at tila nagsasayawan ang mga tao, nag-iiyakan at nagyayakapan at nagsisigawan na "UMALIS NA SI MARCOS SA MALAKANYANG", "MALAYA NA TAYO", hindi ko na rin napuna na gumigild na luha ko sa pisngi, di ko maipaliwanag, pero alam kong masaya rin ako. Masaya ako dahil dininig ng Dyos ang dasal ng mga mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon.

Nanatili pa kami sa haggang 9:00 pm upang damahin ang tinatawag na tagumpay bago tuluyang lisanin ang EDSA kung saan may makapal pa ring tao ang tila nagsasayawan sa galak.

Peb 23, 2009, Ika-23 taong anibersaryo ng EDSA, kahapon lamang ay ipinagdiwang ang nasabing okasyon sa isang payak napagtitipon. Maliban kay Sen. Enrile, walang inilabas na pahayag ang dalawang dating pangulo na sina Ramos at Aquino na pangunahing bituin ng EDSA. sa paglipas ng panahon.

Tila nakakalimutan na ang diwa ng EDSA at mananatili na lang itong isang alaala ng mga nabubuhay na taong nakibahagi dito. At sa mga taong hindi nakasaksi ay makikita na lamang ito sa mga pahina ng history books.

Patuloy pa rin ang maruming daigdig ng politika, ang malawakang pangungurakot sa kaban ng bayan at mga kasakiman at pag-abuso sa kapangyarihan ng mga nakaupo sa pamahalaan at magpapatuloy pa rin ang pagkalugmok ni Juan dela Cruz sa putik ng kahirapan.

Walang himala.

Note: Image courtesy of http://www.stuartxchange.com/Edsa.html

Sunday, February 22, 2009

HAPI BERTDEY NENG




Hindi puedeng lumipas ang pagdiriwang ng EDSA na hindi ko ginugunita ang berdey ng aking niece na si Neneng a.k.a. Ma. Teresa Bermejo-Nicolas ngaung February 23. Bongga, umuwi pa sa Pinas ang kanyang asawa na si Elmer na nagmula sa Russia para makasama sya sa special day na ito.

Tulad rin ng aking kapatid, sya'y naging isang mabuting anak, mabait na kapatid, isang ulirang ina at maasikasong asawa, masipag ding guro na naghahatid ng mga karangalan sa kanilang paaralanng Pasay City West High School. Happy Berdey Neng. Pa-burger ka naman, Wala man akong regalo, hinanap ko ang tulang ito for you for you and all the teachers in the world. HAPI BERDEY NENG



Teacher's Prayer

Dear Lord, bless these teachers mightily
as they seek to teach, enrich and guide
Your precious children.
Grant them abundant resources to do their job,
intelligence, wisdom, sensitivity, kindness,
and the material things that make it possible
to turn some of these tender green plants
into the strong, stable trees that will lead our nation,
to transform some of these buds into brilliant flowers
that will bring light, color and happiness
to all who encounter them,
and to give every one of them the tools
to be creative, and productive and to develop
their own kind of success in the world.
Lord, wrap Your loving arms around these teachers
who give so much of themselves to grow our youth
into creative, responsible adults.
We pray that You will immerse them
in your boundless, transcendent love.
We pray that You will strengthen and soothe them
when they have given so much of themselves
that they need Your extra attention, Your extra care.
We love, respect and admire these teachers, Lord
and we pray that you will watch over them always--
these special people who hold our children
and our future in their hands.
Amen.

By Joanna Fuchs

BALIK TANAW SA EDSA REVOLUTION - 02/24/86


Bagama't dalawang araw na ang lumipas mula ng magtago si Enrile at Ramos sa Camp Crame bilang hudyat ng simula ng coup attempt laban sa mga Marcos na nagsimula nuong Feb. 22, 1986, bantulot pa rin akong pumunta sa EDSA upang magbigay ng supporta tulad ng panawagan ni Cardinal Sin sa Radio Veritas sa mga mamamayang Pilipino.

Natatakot na rin kasi akong makisali sa mga anti-Marcos protests, ang huli kasi ay ng habulin kami ng mga Metrocom sa Pasay City Hall ng gabi ng canvassing sa SNAP Election nuong Feb 7, 1986; kung saan ako ay NAMFREL Volunteer. Kami ay kinaladkad, itinaboy at pinalo ng kanilang mga truncheons upang hindi kami makapagbigay ng serbisyo sa naturang bilangan ng boto. Ang ilan kong kasama ay napalo, nabukulan at nakulong pansamantala.

Pebrero 24, Lunes, alas otso ng umaga, pumasok pa ako sa Soriano Corp., sa Ayala, Makati, pero pagdating ko ay main gate ay sinabihan kami na wala kaming pasok dahil sarado ang mga pangunahing kalye. Kaya't kasama ang ilang opismeyt tulad ni peping na taga Malibay, nakauniporme pa kami ng barong ay nagtungo kami sa EDSA. Lulan ng kotse ng isang barkada, nagpark kami bago dumating sa POEA buliding at nagsimulang maglakad sa malawak na kalye ng EDSA kasabay sa agos ng libo-libong tao na patungo sa Camp Crame.

Tila isang malaking dagat ng tao ang aking nasaksihan na pinagsama-sama, may iba't ibang pananampalataya, mayaman at mahirap, mga burgis at mga elitista, estudyante at mga propesyunal, mga taong nais makibahagi sa EDSA People's Revolution, nakikiusyoso lang o tunay na supporter, tulad ko, bahagi pa rin sila ng makasaysayang pagtitipon.

Ang mabilis na pagtakbo ng mga kamay ng orasan, ay di ko alintana, nakita ko ang karamihan ng aking mga kasama sa kumpanya na taga Aviation Department na nag-volunteer sa pamamahagi ng mga libreng inumin na produkto ng San Miguel Corp. at mga tinapay mula sa nakaparadang van.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang harap na pinto ng Camp Crame, nang biglang magsigawan at magtakbuhan ang mga tao. Sa bilis ng pangyayari, natagpuan ko ang sarili ko na pumapanhik sa bakod ng Crame kasama ang di mabilang na tao upang maging human shield sa mga sundalo sa banta ng papalapag na mga helicopter ng Air Force na kinabibilangan pala ni Maj. Gen. Sotelo, mga supporter din pala nila Ramos at Enrile. Sa pagkakataong ito ay napahiwalay ako sa aking mga kasamahan.

Di ko maipaliwanag ang kasiyahan na may halo pa ring kaba at takot, nanatili ako sa EDSA ground hanggang hapon, kahalubilo ang mga di kilalang tao, mula sa mga improvised speakers, at mga portable radio na bitbit nila, aming pinakikinggan ang madamdaming pagbabalita ni June Kiethley.

Halos 4.00 pm na ng hapon ng maramdaman kong kumakalam na rin ang aking sikmura, bagama't may mga pagkaing libre na iniaalok ng mga volunteers ay minabuti ko na munang umuwi dahil napuna kong marumi na rin ang suot kong puting barong at puno ng alikabok ang itim kong pantalon at sapatos. Nagsimula akong maglakad papalayo ng Crame hanggang sa makakuha ako ng bus na masasakyan sa may bandang Mandaluyong. Gabi na rin ng marating ko ang aming bahay sa Tramo, tila normal ang takbo ng buhay dito, di alintana ang kaganapan habang nagtatagayan ang mga lasengo sa kalye.

Bukas babalik ulit ako sa EDSA, bulong ko sa aking sarili. Sundan sa ikalawang bahagi... BALIK TANAW SA EDSA REVOLUTION - 02/25/86


Note: Image courtesy of http://www.stuartxchange.com/Edsa.html

Saturday, February 21, 2009

HARING SOLOMON


As I was looking for OPM albums to download from torrent site, I stumble upon the music of Boy Sullivan's Haring Solomon - a grin novelty song na naging dahilan ng pagtaas ng kilay ng mga kababaihan nuong 70's.

Of course if you're over 35 years old alam mo ito, otherwise nabuhay ka sa loob ng kumbento. And how can I forget their music, ang katabing bahay namin na dingding lang ang pagitan sa "Omart" in Pasay used to play the whole vinyl album of Haring Solomon in full volume mula sa kanilang Quadrosonic Stereo araw-araw. At walang makapag reklamo because the owner of the house is a barakong hagad na pulis Pasay. And the ladies we're always saying "bastos" naman ang nagpapatugtug na yun, but they we're laughing upon hearing the lyrics of songs, so which one is bastos, the songs or the cop?

The songs included in the album were Haring Solomon, O-Tin-Dera, Longganisa, Walang Buto Walang Tinik, Ang Mahiwagang Hiwa, Pagbigyan Mo Ako, Ang Buserong Si Mang Gusting, Kulot Na Buhok, Sabong Ng Manok, Kikay, Ang Itlog Ko At Mani Mo, O Karyo, Sidewalk Vendor, Haring Solomon II. May malisya ba ang mga pamagat?

Kung nagustuhan mo ang grin and novelty songs ni Andrew E at ng Tito, Vic and Joey, subukan mong pakinggan ang lolo ng novelty songs na si Boy Sullivan available ang kanyang album na Haring Solomon for download mula sa mininova torrent site http://www.mininova.org/tor/2109785

Thursday, February 19, 2009

NO KISSING SA TRAIN STATION


Ang poster sign na ito ay nagsisilbing paalala sa mga papaalis na pasahero at mga maghahatid, na ipinagbabawal ang pagpapalitan ng halik sa ilang istasyon ng tren sa Northern England.

Ayon sa tagapagsalita ng Virgin Rail, ng pagpapalitan ng halik bilang isang paraan ng pamamaalam na may kasamang pagyayakapan ay ipinagbabawal sa mga train stations sa pagitan ng London at Glasgow, gayundin sa Birmingham at Scothland na kung saan mataas ang bilang ng mga pasahero, ang nasabing emotional farewell raw ay nakakapagdulot lamang ng pagsisikip ng trapiko sa rail ways.

Tila isang uri ng pagsikil sa karapatang pantao ang nasabing policy at parang napakahirap na magkasya na lamang sa flying kiss at pagkaway in bidding farewell.

Kailan mo huling hinalikan ang partner mo nang magpaalaman kayo sa isa't isa sa MRT, LRT, PNR, Dometic Airport o NAIA, Pier o sa bus terminal man lang?

Tuesday, February 17, 2009

BAGONG THEME

Napansin po ba ninyo ang bagong lay-out at banner ng aking blog? Iyan ay sa tulong ng artistic mind ng aking anak na si Geeka. Sa kanyang likhang theme ay nagbigyan makabagong visual representation ang aking blog mula sa old fashioned banner na aking nilikha na aking ilunsad ang Palipasan, mula sa luma kong larawan nuong nagdaang Asian Games 2006 na nagsilbing banner na wala rin sa tamang size at out of proportion.

Sa eleganteng banner ay makikita ang silahis ng sinag ng araw that shines behind my title blog "Palipasan" as a representation of hope and glory. Hindi maipagkakaila ang likhang Pinoy sa tingkad ng kulay blue, white at red , ang nationalistic colors ng ating bandila that blends with the rays of the sun.

Pinasasalamatan ko ang aking anak sa kanyang kontribusyon sa kanyang likhang banner na nagbigay ng makulay na expression na syang tugma sa aking blog na tumatalakay sa personal kong karanasan at pananaw bilang isang Pinoy at OFW.

Ipagmalaki natin na tayo ay Pilipino. Basahin at tangkilikin natin ang mga likhang blogs ng mga Pilipino.

Saturday, February 14, 2009

VALENTINES' DAY MORNING DIARY...

6.07 am - Received a Valentine greeting from my wife on my Yahoo mobile.

6.08 am - Called my wife and daughter in Antipolo for my personal Valentine greetings.

6:17 am - Tried to call my sister in Pasay, the phone keeps on ringing but nobody answers.

6:19 am - Send an SMS message to my niece, Teresa; inquiring why nobody's answering my call.

6:26 am - Teresa informed me that my sister is still on the phone and talking to my wife.

6:42 am - Finally, I was able to get in touch with my sister and greeted her Happy Birthday and Valentines Day.

7:05 am - Send an SMS message Valentine greeting to Teresa.

7:08 am - A reply greeting was received from Teresa.

7.10 am - Received a notification notice (SMS) from my phone service provider, ubos na ang load ko.

Friday, February 13, 2009

SA AKING KAPATID, HAPI BERDEY ATE


Ngaun ko naunawaan kung bakit pinili ng Panginoon na isinilang ka ng February 14, sa Araw ng mga Puso, dahil sa iyong malinis na kalooban at walang sawang pagmamahal sa akin, sa iyong pamilya at sa Diyos, nararapat lamang na maiugnay ang iyong pangalan at kapanganakan sa pandaigdigang pagdiriwang ng pagmamahal.

Sa aking kamusmusan, ikaw ang aking naging gabay mula ng tayo ay mangulila sa mga magulang. At magpasahanggang ngayon na sa kabila ng aking buhay may pamilya ay ikaw pa rin ang aming kinakapitan sa oras ng aming kagipitan.

Nagpapasalamat kami sa Diyos, dahil ibinigay ka sa amin, bilang aking kaisa-isahang kapatid, at huwarang ina sa iyong 4 na anak.

At aking laging dinadalangin sa Dyos na patuloy kang pagkalooban ng magandang kalusugan para maipagpatuloy mo pa ang pagbibigay ng pagmamahal hindi lamang sa amin na iyong pamilya kundi pati sa mga taong naging ispirasyon ka sa kanilang buhay.

Happy Berdey Ate Tess...


With Love and Prayers,


Boy, Enor, Jason at Geeka

Thursday, February 12, 2009

ARA MINA LIVE IN QATAR


Masasaksihan ng mga OFW at mga "Borabs" ang alindog ni Ara Mina sa dalawang gabing pagtatanghal ng mga awitin at tugtugan sa Doha sa Feb. 13 at 14 na gaganapin sa Qube-Ramada Plaza sa pinamagatang "Ara Mina Live in Qatar" kung saan makakasama nya sa pagtatanghal sina Ms. Judi Azur-Estrada, ang Links Band at ang sax player na si John Ray.


Matutunghayan din sa unang gabi ng concert ang paglulunsad ng amateur talent search na pinangalanang "Qube Idol 2009".


Sa mga kasama ko sa Doha, this could be a romantic evening celebration for you and your partner ngaung Valentine.


Wednesday, February 11, 2009

KAHAPON - FOGGY MORNING, NGAUN - SAND STORM AFTERNOON



Isang malakas na Sand Storm ang bumulaga sa Doha kaninang tanghali habang kami ay papauwi ng bahay galing sa trabaho. Ang kaganapan ay lumikha ng pansamantalang traffic sanhi ng mabagal na pag-usad ng mga motorista. Ang mga makapal at pinong buhangin na pumapailanlang sa hangin ay maaring magdulot ng problema sa kalusugan tulad ng hika at iba pang sakit sa paghinga.

Taliwas sa kasalukuyan, kahapon ng madaling araw, bandang 5:00 am ay aking natunghayan ang makapal ng fog na bumalot sa Doha na tumagal ng 3 oras na nagdulot rin ng peligro sa mga motorista dahil sa 'poor visibility' sa lansangan.

May mga nagsasabing ang ganitong mga pangyayari ay senyales na malapit ng magtapos ang taglamig na na klima at pagpasok ng tag-init na panahon sa Doha at sa ibang karatig na bansa sa Gitnang Silangan.

Tuesday, February 10, 2009

'SELECTIVE BAN' - HILING NI KABAYAN

Magandang balita sa ating mga OFW na nais bumalik sa Iraq, Lebanon at Nigeria. Hiniling ni Bise Pres. Noli de Castro sa DFA at DOLE ang pagpapatupad ng 'selective deployment ban' sa mga nasabing bansa sa kanyang pakikipagpulong kay Ambassador Roy Cimatu, pinuno ng Middle East Preparedness Team na magsasagawa ng pag-aaral ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga bansa ayon sa kaligtasan ng mga OFW.

Mungkahi ni Kabayan ay alisin ang 'ban' sa mga lugar na kung saan mataas ang konsentrasyon ng paggawa, samantala sa mga lugar naman na peligroso ng kaligtasan ay mananatili ang 'deployment ban'. Dagdag pa ni Kabayan na may mga lugar na sentro ng kalakalan at ekonomiya sa 3 bansa at may mga napabalitang ang sitwasyon pangkaligtasan ay nanumbalik na sa normal.

Sa kasalukuyan ay nangnangailangan ng mahigit 30,000 construction workers sa Iraq sa pagtatayo ng mga gusali at mga kalsada. Makikinabang din sa panukalang ito ay ang mahigit 10,000 mga 'undocumented' na manggagawang Pinoy kung saan kasalukuyang nagtatrabaho sa US Base at ibang bayagang kumpanya na sa kabila ng deployment ban ay nakikipagsapalaran pa rin na makapagtrabaho dahil sa malaking pasahod na alok ng mga employer.

Malaking bilang ng mga engineers at iba pang mga propesyonal ang kinakailangan sa industriya ng Oil and Gas ng Nigeria, samanta mga Domestic Helpers at Care Givers na Pinoy ang nasa priority hiring ng mga employer sa bansang Lebanon.

Sa kabila ng di mapigilang pandaigdigang krisis na kung saan ay libo-libong mga OFW ang nawawalan ng trabaho, ang panukala ni Kabayang Noli ay magbubukas ng bagong oportunidad para sa ating mga kababayan na nakakaranas ng hagupit ng kahirapan - subalit sana ay hindi maisaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Saturday, February 7, 2009

MACHINE READABLE PASSPORT


Ang bagong Machine Readable Passport na kasalukuyang ini-issue ng embassy ay nagkakaruon ng kalituhan sa ating mga expats dito sa Doha. Dahil sa mis-informations na kumakalat, maraming OFW ang sumugod sa Doha embassy upang magpapalit ng passport ng maaga kahit ang kasalukuyang pasaporte nila ay valid pa hanggang 2011.


Ang bagong uri ng passport na ini-isyu ng ating DFA ay kulay 'maroon' ang balat at may "64kb chip" na naglalaman ng personal na inpormasyon ng nagmamay-ari ng bagong pasaporte. Ang pagkakaloob ng MRP ay alinsunod sa 'global standard' na itinakda ng International Civil Aviation Organization (ICAO) kung saan kanilang itinakda sa mga bansang kinabibilangan ng ICAO tulad ng Pilipinas ay kailangang magsimulang mag-isyu ng MRPs "not later than 01 April 2010".


Sa bagong MRPs, inaasahan na matitigil ang talamak ng pagpepeke ng mga passports at mas mabilis na serbisyo publiko mula sa iba't ibang immigration counters sa arrival at departure areas ng mga paliparan sa buong mundo.


Walang katotohanan o basehan ang lumalabas na balita na simula sa January 2010 ay Machine Readable Passports lang ang kikilalanin sa lahat ng paliparan sa buong mundo. Kung kayo ay holder pa rin ng "green" passport at valid pa rin iyan beyond January 2010, wala kayong dapa't alalahanin at maari pa rin iyang gamitin sa inyong paglalakbay. Para sa dagdag kaalaman ay tumawag sa pinakamalapit ng DFA opis o bumisita sa kanilang website http://www.dfa.gov.ph/

Friday, February 6, 2009

Koenigsegg CCX sa Villagio Mall




Ang Swedish sports car na Koenigsegg CCX ay itinuturing na isa sa mga pinakamabilis na kotse sa buong mundo, na kilala sa kanyang kakaibang porma at desenyo ay kasalukuyang nakadisplay sa Villagio Mall sa Doha.

Talagang hanep sa porma, ito ay 8-cylinder V-shaped aluminum engine at may capacity na 4.7 liters and 32 valves-4 valves bawat cylinder. Ang kanyang makina ay may lakas na 806 horse powers sa 7000 rpm na may pinakamabilis na round sa 920 Newton/meter sa 5500 rpm. Kayang umabot sa bilis na 100 km/h sa loob ng 3.2 segundo mula sa kanayng acceleration, at +395 km/h sa pamamagitan ng kanyang 6-speed pistons. Ang makina ay binibigyan lakas ng superchargers na likha ng Sweden company Rotrex na kayang lumikha ng pressure na 1.2 bars.

Gawa sa mula sa lightweight carbon fiber composite, reinforced with Kevlar at aluminum honeycomb ay nagkakahalaga ng QR 4,450,000 o halos 58 milyong piso lamang) sa merkado.

WINDOWS 7 BETA DOWNLOAD ENDS ON FEB 10


Windows 7 Beta will be available from Microsoft servers until February 10, so if you are among the undecided group but wants to test the new OS, you still have 4 days to make up your minds.


"Windows 7 beta availability will be shut down in stages, LeBlanc said. While the beta will be pulled from Microsoft's servers at the end of the day Feb. 10, users who have already begun the download by then will have two more days, through Feb. 12, to complete the process.

Users can pause the Windows 7 beta download and resume it later; an interrupted download -- perhaps due to a severed Internet connection -- can also be resumed at the point it was halted.

Activation keys will be available indefinitely for users who finished downloading the disk image file before Feb. 12. Even users unable or unwilling to activate the beta, however, can install and run Windows 7 for up to 120 days without a key by using the same "slmgr -rearm" command that gained notoriety after Windows Vista's debut.

Subscribers to the TechNet and Microsoft Developers Network (MSDN) will be able to download the beta after the February deadlines imposed on the general public, LeBlanc added.

Users can download Windows 7 from the Microsoft site after selecting the 32- or 64-bit version, and the desired language."

Monday, February 2, 2009

HAPI BERDEY JAM



Ika-4 na taong berdey ng aking apong si Jharem ngaun Pebrero 2, 2009 at ang buong pamilya ko sa Antipolo ay excited sa nasabing event. Syempre basta apo ay ispo-el sa mga lolo at lola. At bongga, may inbitasyon pa... kaya ang manugang kong si Mely ay abalang abala sa nasabing paghahanda ng kanyang anak na panganay na gaganapin mamayang hapon sa kanilang tahanan.

Ang aking asawang at anak kong si Geeka naman ay hindi magkanda-ugaga sa pagbili mula sa SM Marikina at pagbalot ng mga regalo na ibibigay na robot at may kasamang mga e-Wall na pencils at mga letter at number toys. Hindi nga nya masyadong ini-ispo-el ang apo.

Dahil sa malupit na pangangailangan bilang mga OFW, hindi po makakarating sa handaan ang kanyang papa Jason at ang lolo mula sa Doha. Kung sakaling hindi po kayo naimbitahan ay wag po kayong mahiyang pumunta pero wag din kalilimutan ang regalo sa apo ko sa nasabing birthday party (LoL).

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails