Magandang balita sa ating mga OFW na nais bumalik sa Iraq, Lebanon at Nigeria. Hiniling ni Bise Pres. Noli de Castro sa DFA at DOLE ang pagpapatupad ng 'selective deployment ban' sa mga nasabing bansa sa kanyang pakikipagpulong kay Ambassador Roy Cimatu, pinuno ng Middle East Preparedness Team na magsasagawa ng pag-aaral ukol sa kasalukuyang sitwasyon ng mga bansa ayon sa kaligtasan ng mga OFW.
Mungkahi ni Kabayan ay alisin ang 'ban' sa mga lugar na kung saan mataas ang konsentrasyon ng paggawa, samantala sa mga lugar naman na peligroso ng kaligtasan ay mananatili ang 'deployment ban'. Dagdag pa ni Kabayan na may mga lugar na sentro ng kalakalan at ekonomiya sa 3 bansa at may mga napabalitang ang sitwasyon pangkaligtasan ay nanumbalik na sa normal.
Sa kasalukuyan ay nangnangailangan ng mahigit 30,000 construction workers sa Iraq sa pagtatayo ng mga gusali at mga kalsada. Makikinabang din sa panukalang ito ay ang mahigit 10,000 mga 'undocumented' na manggagawang Pinoy kung saan kasalukuyang nagtatrabaho sa US Base at ibang bayagang kumpanya na sa kabila ng deployment ban ay nakikipagsapalaran pa rin na makapagtrabaho dahil sa malaking pasahod na alok ng mga employer.
Malaking bilang ng mga engineers at iba pang mga propesyonal ang kinakailangan sa industriya ng Oil and Gas ng Nigeria, samanta mga Domestic Helpers at Care Givers na Pinoy ang nasa priority hiring ng mga employer sa bansang Lebanon.
Sa kabila ng di mapigilang pandaigdigang krisis na kung saan ay libo-libong mga OFW ang nawawalan ng trabaho, ang panukala ni Kabayang Noli ay magbubukas ng bagong oportunidad para sa ating mga kababayan na nakakaranas ng hagupit ng kahirapan - subalit sana ay hindi maisaalang-alang ang kanilang kaligtasan.
No comments:
Post a Comment