Friday, February 6, 2009

Koenigsegg CCX sa Villagio Mall




Ang Swedish sports car na Koenigsegg CCX ay itinuturing na isa sa mga pinakamabilis na kotse sa buong mundo, na kilala sa kanyang kakaibang porma at desenyo ay kasalukuyang nakadisplay sa Villagio Mall sa Doha.

Talagang hanep sa porma, ito ay 8-cylinder V-shaped aluminum engine at may capacity na 4.7 liters and 32 valves-4 valves bawat cylinder. Ang kanyang makina ay may lakas na 806 horse powers sa 7000 rpm na may pinakamabilis na round sa 920 Newton/meter sa 5500 rpm. Kayang umabot sa bilis na 100 km/h sa loob ng 3.2 segundo mula sa kanayng acceleration, at +395 km/h sa pamamagitan ng kanyang 6-speed pistons. Ang makina ay binibigyan lakas ng superchargers na likha ng Sweden company Rotrex na kayang lumikha ng pressure na 1.2 bars.

Gawa sa mula sa lightweight carbon fiber composite, reinforced with Kevlar at aluminum honeycomb ay nagkakahalaga ng QR 4,450,000 o halos 58 milyong piso lamang) sa merkado.

3 comments:

  1. ang ganda naman ng car na yan...at tumataginting ang presyo, hehe. Luxury na masyado, okay na saken ang toyota...mura pa ang piyesa.

    ReplyDelete
  2. Woooooow! Hanep naman sa ganda! Grabe naman ang presyo!
    Okay na rin yung gimik mo na mag pa"kodak" na lang sa tabi... nag blend pa ang attire mo sa kulay ng Swiss beauty na yan.

    ReplyDelete
  3. Tunay yang sinabi ninyo Mr.Thoughtskoto at Desert Aquaforce, nakakatakot sandalan ang CCX, wala tayong pambayad pag nagasgasan ang tsikot hehehehe. Kaya tama na yung 'Kodakan' na lang (LoL)

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails