Dalawamput tatlong taon ang lumipas, hindi ko nakita ang tinatawag na liwanag na hatid ng tagumpay ng People Power Revolution. Sa pagbaba ng telon ng EDSA, dalawang pangunahing karakter ang naging Pangulo ng Pilipinas sina Cory at FVR, isang Presidente ang nahalal na tinaguriang "Kampeon ng Mahihirap" sa katauhan ni Erap at ang huli ang ang kanyang dating bise presidente na naluklok sa tulong ng EDSA 2 na si GMA. Sa dalawang dakeda, dalawang EDSA, dalawang babaeng pangulo at 2 lalaking pangulo, pero walang pagbabago. Nagpabaya ba si Juan Dela Cruz at hinayaan na abusuhin muli pagkatapos ng EDSA?
O talagang may kakulangan na sangkap sa bawa't kalayaang ating natamo kaya't balewala lang ito sa atin. Kung susuriin ang ating history books, hindi maitatanggi ang tapang ng ating mga Katipunero at mga sundalong nagbuwis ng libo-libong buhay para sa ating kalayaan. Subalit nakakabahala rin na isipin na ang bawat kalayaan natin ay ipinagkaloob at inihain sa pinggang pilak at hindi natamo sa madugong pakikibaka.
Nang itatag ni Hen. Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo, kanyang inihayag ang kalayaan ng Pilipinas nuong Hunyo 12, 1898 at ang nakalulungkot isipin ay di pa rin tayo ganap na malaya sa mga Kastila. Nuong Agosto 1898, sa isang "Mock Battle" sa Maynila ginanap ang 'moro-morong" pagsuko ng mga Kastila sa pwersa ng Amerikano. Dahil hindi magiging katanggap-tanggap sa Espanya ang pagkatalo ng kanyang pwersa sa lahing Pilipino at mas ninais nilang sumuko sa mga Amerikano.
Sa "Treaty of Paris" ng September ay pormal na isinuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos kapalit ng halagang USD20 million. Ang pagbebenta ng kasarinlan ng Pilipinas sa pagitan ng dalawang dayuhang bansa ay tinutulan nila Aguinaldo kaya siya ay dinakip ng Amerikano at ikinamatay ng libo-libong Pinoy sa tinatawag na Filipino-American Conflict" nuong 1899 na nagpalawig sa pananakop ng mga Amerkano sa bansa.
Taong 1934, sa pamamagitan ng Tyding-McDaffy Act, itinakda ng Amerika na sa Hulyo 4, 1946 ay magiging ganap na malaya ang Pilipinas at itinatag ang Commonwealth Republic nuong 1935 sa pamumuno ni Pangulong Quezon.
Sa kasagsagan ng World War 2, Enero 1942 sinakop ng puersang Hapon ang Maynila. Maraming sundalong Pinoy at Amerikano ang namatay sa mga digmaan sa Bataan at Corregidor. 1944, bumalik si McArthur sa Pilipinas. At Sep. 1945, sumuko ang mga Hapones sa pwersa ng Amerikano. Nagpatuloy ang buhay ng Pilipino at nanatili ang mga sundalong Amerikano sa ating bansa na naging malaki ang impluwensya sa buhay ni Juan.
EDSA 1, bumagsak ang rehimeng Marcos sa isang mapayapang rebolusyon kung saan nais pang makibahagi ng Amerika sa ating tagumpay sa kabila ng kanilang pagkupkop sa pamilyang Marcos. Sa tinaguriang EDSA 2 nuong 2001, muling nanaig ang mapayapang rebolusyon laban sa administrasyong Estrada na sa tulong mga elitista, negosyante at nagbalimbingang politiko. Nahatulan ng 40 taon pagkakakulong si Pang. Estrada sa salang pangungulimbat, nuong Sept. 2007 subalit binigyan ni GMA ng Presidential Pardon at muling pinalaya nuong October 2007.
Ito nga ba ang tunay na dahilan kung bakit passive si Juan dela Cruz, dahil ba ang kalayaan na kanyang tinatamasa ay inihain sa "Silver Platter" kung saan nakisawsaw pa ang mga daliri ng mga banyaga. Dahil rin kaya sa turo ni Gat. Jose Rizal na sa pamamagitan ng mapayapang paraan o sa turo ng simbahan na sa pananalangin sa Dyos ay makakamtam ang hustisya. At dahil rin kaya sa malambot na puso ng Pilipino na madali tayong magpatawad sa mga taong nagkakasala sa atin. Si GMA ay nag-sorry sa kasagsagan ng Garci tape scandal. Si Cory ay nag-sorry kay Erap sa pagsali nya sa EDSA 2.
Ito rin nga kaya ang dahilan kaya naging hilaw ang political maturity ni Juan dela Cruz at tila walang pakialam sa mga kaganapan sa kanyang lipunan at ipinauubaya na lamang sa Diyos ang pagdating ng himala.
Sana ay may himala.
Sana ay may himala.
Himala! Walang himala. Sana may pag-asa pa ang ating bansang minamahal.
ReplyDeleteIs there anything new after 33 years? It's still the same in the political front - lots of color changes and playing of the musical chair (maybe even worst). Some (If not majority) of our political leaders are still inept and corrupt!
ReplyDeleteSana hindi babangon si Ninoy para magtanong "Is the Filipino worth dying for?"