Bagama't dalawang araw na ang lumipas mula ng magtago si Enrile at Ramos sa Camp Crame bilang hudyat ng simula ng coup attempt laban sa mga Marcos na nagsimula nuong Feb. 22, 1986, bantulot pa rin akong pumunta sa EDSA upang magbigay ng supporta tulad ng panawagan ni Cardinal Sin sa Radio Veritas sa mga mamamayang Pilipino.
Natatakot na rin kasi akong makisali sa mga anti-Marcos protests, ang huli kasi ay ng habulin kami ng mga Metrocom sa Pasay City Hall ng gabi ng canvassing sa SNAP Election nuong Feb 7, 1986; kung saan ako ay NAMFREL Volunteer. Kami ay kinaladkad, itinaboy at pinalo ng kanilang mga truncheons upang hindi kami makapagbigay ng serbisyo sa naturang bilangan ng boto. Ang ilan kong kasama ay napalo, nabukulan at nakulong pansamantala.
Pebrero 24, Lunes, alas otso ng umaga, pumasok pa ako sa Soriano Corp., sa Ayala, Makati, pero pagdating ko ay main gate ay sinabihan kami na wala kaming pasok dahil sarado ang mga pangunahing kalye. Kaya't kasama ang ilang opismeyt tulad ni peping na taga Malibay, nakauniporme pa kami ng barong ay nagtungo kami sa EDSA. Lulan ng kotse ng isang barkada, nagpark kami bago dumating sa POEA buliding at nagsimulang maglakad sa malawak na kalye ng EDSA kasabay sa agos ng libo-libong tao na patungo sa Camp Crame.
Tila isang malaking dagat ng tao ang aking nasaksihan na pinagsama-sama, may iba't ibang pananampalataya, mayaman at mahirap, mga burgis at mga elitista, estudyante at mga propesyunal, mga taong nais makibahagi sa EDSA People's Revolution, nakikiusyoso lang o tunay na supporter, tulad ko, bahagi pa rin sila ng makasaysayang pagtitipon.
Ang mabilis na pagtakbo ng mga kamay ng orasan, ay di ko alintana, nakita ko ang karamihan ng aking mga kasama sa kumpanya na taga Aviation Department na nag-volunteer sa pamamahagi ng mga libreng inumin na produkto ng San Miguel Corp. at mga tinapay mula sa nakaparadang van.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang harap na pinto ng Camp Crame, nang biglang magsigawan at magtakbuhan ang mga tao. Sa bilis ng pangyayari, natagpuan ko ang sarili ko na pumapanhik sa bakod ng Crame kasama ang di mabilang na tao upang maging human shield sa mga sundalo sa banta ng papalapag na mga helicopter ng Air Force na kinabibilangan pala ni Maj. Gen. Sotelo, mga supporter din pala nila Ramos at Enrile. Sa pagkakataong ito ay napahiwalay ako sa aking mga kasamahan.
Di ko maipaliwanag ang kasiyahan na may halo pa ring kaba at takot, nanatili ako sa EDSA ground hanggang hapon, kahalubilo ang mga di kilalang tao, mula sa mga improvised speakers, at mga portable radio na bitbit nila, aming pinakikinggan ang madamdaming pagbabalita ni June Kiethley.
Halos 4.00 pm na ng hapon ng maramdaman kong kumakalam na rin ang aking sikmura, bagama't may mga pagkaing libre na iniaalok ng mga volunteers ay minabuti ko na munang umuwi dahil napuna kong marumi na rin ang suot kong puting barong at puno ng alikabok ang itim kong pantalon at sapatos. Nagsimula akong maglakad papalayo ng Crame hanggang sa makakuha ako ng bus na masasakyan sa may bandang Mandaluyong. Gabi na rin ng marating ko ang aming bahay sa Tramo, tila normal ang takbo ng buhay dito, di alintana ang kaganapan habang nagtatagayan ang mga lasengo sa kalye.

Bukas babalik ulit ako sa EDSA, bulong ko sa aking sarili. Sundan sa ikalawang bahagi... BALIK TANAW SA EDSA REVOLUTION - 02/25/86
Note: Image courtesy of http://www.stuartxchange.com/Edsa.html
No comments:
Post a Comment