Saturday, February 7, 2009

MACHINE READABLE PASSPORT


Ang bagong Machine Readable Passport na kasalukuyang ini-issue ng embassy ay nagkakaruon ng kalituhan sa ating mga expats dito sa Doha. Dahil sa mis-informations na kumakalat, maraming OFW ang sumugod sa Doha embassy upang magpapalit ng passport ng maaga kahit ang kasalukuyang pasaporte nila ay valid pa hanggang 2011.


Ang bagong uri ng passport na ini-isyu ng ating DFA ay kulay 'maroon' ang balat at may "64kb chip" na naglalaman ng personal na inpormasyon ng nagmamay-ari ng bagong pasaporte. Ang pagkakaloob ng MRP ay alinsunod sa 'global standard' na itinakda ng International Civil Aviation Organization (ICAO) kung saan kanilang itinakda sa mga bansang kinabibilangan ng ICAO tulad ng Pilipinas ay kailangang magsimulang mag-isyu ng MRPs "not later than 01 April 2010".


Sa bagong MRPs, inaasahan na matitigil ang talamak ng pagpepeke ng mga passports at mas mabilis na serbisyo publiko mula sa iba't ibang immigration counters sa arrival at departure areas ng mga paliparan sa buong mundo.


Walang katotohanan o basehan ang lumalabas na balita na simula sa January 2010 ay Machine Readable Passports lang ang kikilalanin sa lahat ng paliparan sa buong mundo. Kung kayo ay holder pa rin ng "green" passport at valid pa rin iyan beyond January 2010, wala kayong dapa't alalahanin at maari pa rin iyang gamitin sa inyong paglalakbay. Para sa dagdag kaalaman ay tumawag sa pinakamalapit ng DFA opis o bumisita sa kanilang website http://www.dfa.gov.ph/

3 comments:

  1. Ayos kabayan, nagpa renew na ako ng passport at inantay ko talaga ma expire bago ko nirenew!

    ReplyDelete
  2. Great info. According to one of the email I received eh scam lng kasi ng ilang travel agency para kumita. Have a nice day!

    ReplyDelete
  3. Kapapalit lang ng bagong pasa-porte ko nung nakaraang buwan. Hindi dahil sa kumakalat na balita kundi dahil magpapaso na ito. Ang bagong pasa-porteng ibinigay sa akin ay kulay pula, mayroong "barcode" at "watermark" ngunit walang "chip". Ang sabi ng embahada dito ay hindi pa raw handa ang DFA na ipamahagi ang MRP dito sa KSA. Kaya walang katotohan ang balibalitang kumakalat sa ngayon.

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails