Friday, November 5, 2010

Isang Minutong SMILE

Isang paanyaya bilang pakikiisa sa makabuluhang adbokasiya na inilunsad ng aking kaibigang blogista at kapwa OFW na si Lord CM mula sa isla ng Palau - 
tayo'y makilahok sa unang taong anibersaryo ng 
Isang Minutong SMILE sa Dec. 8, 2010
 Ang mga sumusunod na talata ay posteng likha ni Lord CM
 ___________________________________________
Walang masama kung susubukan mo,
kahit isang minuto
pagbigyan mo ang sarili
mong maging masaya...
kahit isang segundo lang okey na un...

Naalala nyo pa yan? Oo, Isang Minutong SMILE...Nagrequest si The Pope last year na sana magkaruon ng adbokasiya para sa animnapung segundong SMILE o Isang Minutong SMILE. At di naman sya napahiya dahil nagkaruon nga ng malawakang pagngiti nuong Dec. 8, 2009 alas otso ng gabi.

At ngayon nga, muli, ipagpapatuloy natin ang naumpisahan dahil nalalapit na naman ang Dec. 8 o ang SMILE Day.

Darating na naman ang araw kung saan libre tayong ngumiti ano man ang pinagdaraanan natin sa buhay, kalungkutan, kasiyahan, problema, o kahit ano pa yan subukan mong ngumiti kahit isang minuto lang, isang minuto para mawala kahit saglit ang bigat ng iyong problema, isang minuto para kahit papaano may mapasaya ka dahil lamang sa tamis ng iyong ngiti...

Dec. 8, 2010 - SMILE Day, mayroon kaming walong taong pangingitiin(Facebook User/Blogger) at kung papalarin, isang grupo ng mag aaral sa isang paaralan sa Baguio ang mapapa-SMILE, at kung susuwertehin, sana, isang buong school na puno ng ngiti sa labi ang makikita natin.

Samahan nyo po kami sa adbokasiyang ito, upang nang sa gayon, hindi lamang sarili natin ang mapangiti sa darating na SMILE Day, kundi pati na rin ang mga batang mas nangangailangan.

Magkakaruon po ang Isang Minutong SMILE nang pa-contest para sa bloggers at FaceBook Users na nasa Pinas, walo ang mananalo ng shirt na may logo ng Isang Minutong SMILE, at isang school ng mga bata ang susubukan naming pangitiin sa tulong ng mga mabubuting sponsors ng Isang Minutong SMILE.

At para sa mga gustong tumulong para sa adbokasiyang ito, dito lang po kami matatagpuan isangminutongsmile@yahoo.com

Samahan nyo kaming ibahagi ang Isang Minutong SMILE sa mga batang mas nangangailangan.

Isang malakeng pasasalamat na rin po kung gagawan nyo ng entry sa sarili nyong pahina ang Isang Minutong SMILE...Hangad din po naming maipakalat sa karamihan ang Isang Minutong SMILE

4 comments:

  1. Excited na ako para sa IMS. :)

    God bless

    ReplyDelete
  2. Salamat dito The Pope :)

    At sana marami tayong mapa-SMILE nitong darating na Pasko :)

    ReplyDelete
  3. Sasama ako Pope...God Bless and have a good weekend ahead!

    ReplyDelete
  4. eeeh!one year na rin pala ang nakaraan..soo happy for IMS!^^

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails