"Nothing wrong to leave our country, learn abroad and come back to apply knowledge. Rizal, Ninoy, Luna did just that... Geography is not the only requirement to be Filipino. 11 million people agree."
Tugon ni G. Jim Paredes kay Sen. Gringo. Honasan sa kanilang maikli at hindi inaasahang balitaktakan sa "tweet".
Sumasangayon ako sa pananaw ni G. Paredes sa tuwirang kasaysayan ng lahing kayumanggi, ang mga bayaning sina Marcelo del Pilar, Lopez-Jaena, Antonio Luna, Rizal at Blumentritt ay nangibang bansa at inilunsad ang pahayagang La Solidaridad sa Barcelona ang isang uri ng rebolusyon sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag nuong taong 1889.
Ang ating unang Pambansang Bandila ay hinabi sa malikhaing kamay nila Gng. Marcela de Agoncillo, ang kanyang anak na si Lorenza at Gng. Josefina Herbosa de Natividad (pamangkin ni Dr. Rizal), mga bayaning lumikas sa Hongkong mula sa mga Kastila.
Ang mga naunang bayani ay mga "ilustradong" Pilipino na nanginbang bayan kung saan ang populasyon ng Pilipinas ay tinatayang 8 milyong mamamayan lamang. Makalipas ang mahigit 120 taon, mahigit 80 milyong Pinoy ang tinatayang populasyon natin ngayun. At nagbago ang hugis ng pakikibaka, mga bayaning Pilipino'y nasa ibang bansa - hindi na sila ang mga "ilustrado" - na mas kilala sila sa tawag na OFW, 11 Milyong bayaning nakikibaka sa kahirapan sa sariling bansa- na hindi mabigyan ng katugunan ng mga halal na lider ng bansa mula sa Pangulo, mga Senador at Kongresman.
Nakalimutan rin ni Sen. Honasan na ang kanyang pagkakahalal sa Senado ay utang nya sa mga OFW na nagkampanya sa kanya sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Palagay ko ay may karapatan din na makipagtalastasan ang kahit sinong ordinaryong mamamayan kahit hindi halal ng Bayan sa isang Senador tulad ni Honasan, kaya't mali ang kanyang tinuran na "get elected first". Kung ito ay pasaring sa pagkatalo ni G. Paredes sa Barangay election nuong taong '90s ay tila di nakapagbigay ng sustansya sa pagtatalo at sa halip ay lumikha lamang ng negatibong imahe sa Senador.
Sa dinami-dami nga naman ng mga kalahok, ako, mga sundalo, pari't madre, ordinaryong mamamayan, masyadong nabigyan ng matingkad na kulay ang katauhan ni Honasan sa malawak na entablado ng EDSA. Hingaan, sinipulan, pinalakpakan. Matapos ang EDSA, nakalimutan ng taong bayan na si Enrile, Ramos at Honasan ang pangunahing tauhan rin sa likod ng Martial Law ni Marcos, dahil sa mabilis na pagpapalit ng telon, sila'y biglang naging bayani.
Ayokong tawaran ang pagkatao ni Senador Honasan, subali't nararapat nyang tanggapin ang puna at katotohanan ng mga pribadong indibidwal na ang layunin ng RAM sa pamumuno ni Honasan sa tangkang pag-agaw ng kapangyarihan mula kay Pang. Aguino ay nagdulot ng pagkasawi ng mahigit 100 Pilipino, pangamba sa mamamayang at muling pagkalugmok ng ekonomiya ng mga panahon na iyon.
Kung nagtagumpay ang RAM at nagapi ang administrasyong Cory Aquino, may ipagdiriwang pa ba tayong EDSA? At may tatawagin pa ba tayong Ina ng Demokrasya? Baka di na tayo makapag tweet at blog. Bawa't kwento ng buhay ay kailangang sumangayon sa isang magandang pagtatapos ng istorya - Pagbabago para sa Kalayaan. Kaya't nanaig ang kwento ng demokrasya.
At kaming mga OFW, bahagi rin kami ng pagbabago tungo sa maunlad na Pilipinas, dahil saan mang panig ng mundo kami'y Pilipino.Kami ma'y lumisan ay muling magbabalik upang ibahagi ang aming kaalaman para sa Bayan.
tama, iyan din ay isang pangarap ng bawat OFW, mag ibang bansa, mag ipon, at ibahagi sa iba ang bagong kaalaman...
ReplyDeleteAko din!
http://pupsicle10.blogspot.com/
tama tama waang masama sa pangingibang bayan ung babalik at di lilimutin ang pinagulang bayan.=)
ReplyDeleteoo nga po! sana ganun nga, kaso pag bumabalik sa pinas di ka agad tinatanggap sa ibang work kasi sasabihin "you are over qualified"
ReplyDeletei definitely agree! marami rin naman ang nasa Pilipinas ang gusto mangibang bansa.
ReplyDeletehttp://momdaughterstyle.blogspot.com/