Kailan mo sila huling nakita? Miss ka na rin nila.
Halos isang buwan ang nakalipas ng huli kong bisitahin ng aking blog na itinuring na tahanan. Nagsilbi itong tahanan sa akin sa panahon ng kalungkutan at sa mga sandaling naghahanap ng kalinga ang aking pagal na kaisipan kung saan dito sa Palipasan ko nahantungan ang malawak na komunidad ng manunulat na itinuring kong kapamilya, at muli ako ay nagbabalik hindi lamang upang ibahagi ang aking panulat kundi upang ipadama ang aking pangako na di ko maaaring talikuran ang aking tahanan sa daigdig ng sapot, ang Palipasan - ako'y nagbabalik blog.
Sa tunay na buhay, ang salitang pagbabalik sa positibong talakayan ay may hatid na pag-asa, pagbabalik-loob at pagbaballik-pananampalataya ay naghahatid ng layong Kaligtasan ng kaluluwa mula sa tukso at pagkakasala kung saan nagkakaruon ng pagbubuklod ang tao sa pag-ibig ni Kristo.
Sa ibang antas ng pananaw, ang pagbubuklod ng pamilyang minsan ay pinaghiwalay ng Tadhana dahil sa kahirapan kung saan ang isang bahagi ng pamilya ay kailangang mangibang bayan sa hindi bababa sa isang taon upang maitawid sa gutom at mabigyang katuparan ang parangarap ng pansamantalang iniwang pamilya sa sariling bayan, sa pamamagitan ng PAGBABALIK-BAYAN muling pinagtibay ang simunpaang tunay na pagmamahalan.
Ang salitang pagbabalik-bayan ay higit pa sa madamdaming pagtatagpo ng minsang lumisan na OFW at ng naiwang pamilya sa Pilipinas, higit pa ito sa klasikong awiting hatid ni Gary Valenciano na pinamagatang "Babalik Ka Rin". Ang pagbabalik-bayan ay pagtupad sa pangako na magbabalik upang maisakatuparan ang mga pangarap na hinabi sa kabila ng pangungulila.
Ang pagbabalik-bayan ay isang simbolismo ng matagumpay na pagwawagi sa pakikidigma laban sa kahirapan kung saan hindi nagtagumpay ang tukso ng laman, droga, alak at sugal na hatid ng matinding kalungkutan at nanatiling tapat sa kasintahan, o kaya ay sa asawa't mga anak.
Sa mga susunod na buwan mula Marso hanggang Mayo, di maikukubli ang pagtaas ng bilang ng mga kababayan nating OFW na magbabalikbayan sa Pilipinas bilang bahagi ng nalalapit na "summer" at Mahal na Araw, at buwan din ng "graduation" sa iba't ibang paaralan.
At kasabay nito ay may patikim na ang PEBA sa kanyang taunang patimpalak kung saan ang layon ng kanyang tema ay "Pagbabalik Bayan". At bilang panimula ay kanilang inilunsad ang "Theme/Slogan Making Contest" na magbibigay kulay sa pagbubukas ng nasabing patimpalak sa Marso.
Samahan ninyo ako sa isang makabuluhang paglalakbay sa malawak na daigdig ng blog upang ating saksihan ang iba't ibang madamdaming kwento ng tunay na buhay sa pagbubukas ng PEBA 2011, makibahagi tayo sa panibagong aklat ng kasaysayan sa daigdig ng blog - maging bahagi tayo ng "Pagbabalikbayan".
This is a positive approach The Pope!
ReplyDeleteAng pagbabalik-bayan ay pagtupad sa pangako na magbabalik upang maisakatuparan ang mga pangarap na hinabi sa kabila ng pangungulila.
ReplyDeletewelcome back Kuya!
welcome back po kuya!miss reading your post..=)
ReplyDelete@ The Psalmist
ReplyDeleteMaraming salamat sa muling pagbisita.
@ Bhing
ReplyDeleteNawa'y sa iyong pagbabalik-bayan ay magkaruon katuparan sa tulong ng Panginoon ang pinapangarap mong pagbuo ng sariling pamilya.
@ ♥superjaid♥
ReplyDeleteSalamt sa iyong pagsubaybay, isang mapagpalang Lunes sa iyo at iyong pamilya.
maligayang pagbabalik Pope, namiss kita eh...saan ka ba naglimayon at ngayon mo lang nasumpungan magsulat muli? hanep lalim nun ah di ko matarok hehehe...anyways.....welcome back again and can't wait for the PEBA contest this year...happy new year and happy valentine's day na rin hehehe
ReplyDeleteAng pagbabalikbayan ay muling paghalik sa lupang una mong tinapakan at muling pagdama sa init ng mga yakap ng naiwang mga mahal sa buhay.
ReplyDeletedaming nagbabalik blog...
ReplyDeletePa follow ha? ;)
ReplyDeleteMalapit na rin ako!
ReplyDelete