Bagama’t ako’y nasa ibang bansa, aking nadama ang pagdadalamhati ng bansang Pilipinas at ng kanyang mamamayang Pilipino sa pagpanaw ni Tita Cory.
Naantig ang aking puso’t damdamin sa aking mga nasaksihan, sa kabila ng pagbuhos ng ulan at init ng haring araw, ang mahabang pila at oras sa paghihinntay, di alintana ang mga bagay na ito ng mga nakararaming Pilipino masilayan lamang sa huling pagkakataon ang labi ng isang dakilang asawa sa kanyang yumaong kabiyak na si Ninoy, isang dakilang Ina sa kanyang mga anak, isang dakilang bayani na nagpanumbalik ng demokrasya sa ating Bansa, isang dakilang lider ng ating Republika ng Pilipinas, at isang dakilang Kristyano na tagasunod kay Kristo.
Taos pusong paggalang sa dating Pangulo ng ating bansa ang aking namalas mula sa iba’t ibang pahayagan, sa telebisyon at sa internet kung saan ang KABLOGS ay naging “dilawan” at napuno ng papuri, pasasalamat at pagdadalamhati sa pagpanaw ng isang dakilang lider ng ating bansa, na naglakas loob na labanan ang isang rehimeng diktatura na gumapos sa ating kalayaan sa nagdaang 20 taon, isang babae na nanindigan, naging kakaiba at nagbigay katugunan sa awiting “Bayan Ko” na atin lagi nating kinasasabikan na mga katagang “…makita kang sakdal laya”.
Unang nagkaisa ang samabayanang Pilipino ng mapaslang ang kanyang asawang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino para isulong ang "Laban ni Ninoy" para sa katarungan at kalayaan.
Muling nagkaisa ang sambayanang Pilipino nuong EDSA Revolution, sa mapayapang paraan napababa ang isang diktatura at naluklok sa pagka-Pangulo ang isang Cory Aquino.
At sa huling pagkakataon, nagkaisa ang sambayanang Pilipino upang magbigay pugay sa isang bayani na nakipaglaban hindi lamang para sa kalayaan ng ating bansa kundi pati sa nakamamatay na sakit na kanser, sa kabila ng marupok na katawang tao at sa edad na 76, ipinakita nya ang kanyang determinasyon na mabuhay at hanggang sa huling hininga, nanatili syang tunay na Pilipino, sa isip, sa wika at gawa.
Naitanong ko sa aking sarili, "sa pagtitipon-tipon kaya ng mga mamamayang Pilipino sa labi ni Tita Cory ay pagpapakita rin kaya ng pagkakaisa para ipagpatuloy ang laban para mapangalagaan ang demokrasyang kanyang iiwanan sa ating mga kababayang Pilipino? "
Ako ay napa-isip, paano na kaya ang iiwanan nyang liwanag ng kalayaan na nakamit sa EDSA, hahayaan ba nating ito na unti-unting mamanglaw at muling maglaho at tayo'y muling sasailalim sa kadiliman ng isang diktaturang pamahalaan?
Ang sulo ng kalayaan na nagsimula sa lahi ni Lapu-Lapu, at pinag-alab nila Rizal at Bonifacio, at pinagyabong ni Tita Cory na nagmulat sa atin sa silahis ng demokrasya, sa kanyang paglisan ay kanyang iiwanan ang mayabong na kalayaan sa ating sambayanang Pilipino. Atin itong pangalagaan at bantayan sa anumang banta sa mga grupong maaaring kumitil sa ating tinatamasang demokrasya at kasarinlan ng ating Saligang Batas.
Kagabi, tinanong ko ang aking anak kung ano ang kanyang ginagawa at naka-online pa sya sa YM, ang tugon nya sa akin, “pinanunuod ko ang mga video clips mula sa You Tube tungkol sa “Batas Militar”, nais kong malaman ang buhay ninyo Daddy nuong wala pa si Cory, wala pala kayong "Freedom of the Press nung panahon na hindi pa Pangulo si Cory”.
Natuwa ako sa aking anak, bagama’t may kirot ang pagpanaw ni Tita Cory, ito ang namulat sa kaisipan ng aking 19 na taong gulang na anak at ng mga kabataang di kilala ng lubusan si Tita Cory upang alamin at paghambingin ang dalawang panahon, panahon ng Diktatura at panahon ng manalo ang EDSA.
Kung sakaling hindi nagtagumpay ang EDSA at tayo ay nasa ilalim pa rin ng isang Diktatura, malaya pa rin kaya tayong makakapag-blog, mababasa pa kaya ng aking mga kapamilya at kababayan na nasa Pilipinas ang nilalaman ng “Palipasan” at malaya pa rin kaya akong makakatuligsa sa Pamahalaang ganid sa kapangyarihan at kayamanan ng Bayan?
Huwag nating hayaang masayang ang mga pinaglaban ni Tita Cory para sa Bayan.
Bantayan natin ang ating Kalayaan at kasarinlan ng Saligang Batas.
Tayo’y magparehistro at makibahagi sa nalalapit na Pambansang Halalan sa 2010.
Ilan ito sa mga bagay na ipinaglalaban ni Tita Cory para sa malayang Pilipinas, para sa ating kinabukasan at sa kinabukasan ng ating mga anak.
Sa paghahatid sa huling hantungan ni Tita Cory, nawa’y tayo ang maging bagong simula para sa tunay na pagbabago ng ating bansa.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletePasalamat po tayo kay Tita Cory sa kanyang sacrifice para sa ating bayan. I believe in God's perfect time ay meron magpapatuloy ng kanyang adhikain. i believe that nagising muli ang mga mamayang Pilipino sa kanynag panlisan.
ReplyDeleteTunay na napakadakila nyang ina ng kanyang family at Ng Bayang Pilipinas. God's bless her and her family!
Mabuhay po ang Pilipinas At Mabuhay ang alaala ni President Cory Aquino!
Thank s for this post bro!
OO nga! napakaraming instances kanina na talagang nakakapanindig balahibo... kakaiba talaga ang cory magic!
ReplyDeleteNatuwa ako sa ginawa ng inyong anak. U
ReplyDeleteSa tingin ko, sa nangyaring ito simula noong nagkakasakit si Tita Cory hanggang sa siya'y nakaburol na, napa-isip talaga ang ibang mga lider ng Pilipinas. Sigurado akong magiging inspirasyon ang kadakilaan ng isang Cory Aquino sa kanila.
Nawa'y tularan ng ibang lider ang kabayanihan ni Tita Cory... yong tipong ang mamamayan ang iniisip hindi ang pansariling interes!
ReplyDeleteKagaya po ng nasabi ko na sa ibang post, ipinagmamalaki ko na ako ay namuhay sa panahon nila Ninoy at Cory - mga Pilipinong naging bayani ng ating henerasyon, mga taong selfless at standing firm for truth and righteousness.
ReplyDeletehalos ka-edad ko lang din po pala yung anak niyo.. hehehe.. ganun po yata talaga ang henerasyon namin..at least marunong makialam at may sinasabi bagay na kailangan din ng bansa para maiwasan ang pagiging pasibo...
ReplyDeleteANG SARAP MAGING FILIPINO!
ReplyDeleteNakita ng henerasyon natin ang dalawang pagsupurta ng Filipino sa dalawang bayani.. pati ang mga hindi pa pinanganganak noong 1983, napakswerte at may Ninoy at Cory...!
Mabuhay tayong lahat na Filipino sa buong mundo!
she must be reallt heaven sent.
ReplyDeletesa mga ganyang moments
masarap maging pinoy.
hello po kumusta....mabuhay ang mga Pilipino....Mabuhay ang mga OFW .......iwagayway ang bandila....iwagayway at ipagmalaki kung ang PASSPORT mo ay berde ayyyyy marrrroooon na pala ngayon lol
ReplyDelete