Saturday, August 1, 2009

Salamat Tita Cory


Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino
January 25, 1933 – August 1, 2009


Maraming salamat po Tita Cory, binuksan mo ang aking mga mata sa tunay na kulay ng demokrasya nuong 1986 na ipinagkait sa akin mula sa aking kapanganakan.

Maraming salamat po Tita Cory, binigyan ako ng Panginoon ng pagkakataon na makibahagi sa isang makabuluhang pakikibaka na iyong pinamunuan sa paghahangad ng demokrasya sa naganap na Presidential Snap Election at EDSA Revolution.

Maraming salamat po Tita Cory, sa iyong tapang at katataga'y ipinakilala mo ang bansang Pilipinas sa Sandaigdigan sa pamamagitan ng mapayapang People's Power Revolution.

Maraming salamat po Tita Cory, ipinakita po ninyo sa Sambayanan at sa buong mundo na ang isang simpleng maybahay na Pilipina na mas kilala sa tawag na "plain house wife" ay may karapatan at tinig sa isang malayang bansa tulad ng Pilipinas at maaring maging kakaiba at maging Pangulo ng ating bansa.

Maraming salamat po Tita Cory, sa iyong determinasyon ay nagkaruon ng bagong pananaw ang mamamayang Pilipino sa karapatan ng mga kababaihan na tinawag na "women's empowerment.

Maraming salamat po Tita Cory, ikaw ang nagbigay karangalan sa ating bansa bilang ika-11 Pangulo at unang Pangulong babae ng Pilipinas at ng Asya.

Higit sa lahat, maraming salamat po Panginoong Hesukristo sa iyong mapagpalang kamay ay ipinahiram po ninyo sa sambayanang Pilipino ang isang Maria Corazon "Cory" Cojuangco Aquino, upang makita namin ang liwanang ng demokraasya, kapayapaan at pagkaka-isa.

At sa kanyang paglisan sa aming daigdig upang muli Kang makapiling sa Iyong Paraiso ay aming idinadalangin ang kanyang mapayapang paglalakbay para sa Inyong muling pagkikita at ang kanyang mga alaala ay mananatiling buhay sa puso ng bawa't mamamayang Pilipino.

At sa kanyang pamamaalam sa aming bansa, naway pagkalooban po ninyo kami Panginoon ng paninbagong lider na tulad ni Tita Cory Aquino, na may takot sa Diyos, may tunay na pagmamahal sa aming Bayan at sa kapwa Pilipino.

Maraming salamat po Panginoon.
Maraming salamat po Tita Cory.

20 comments:

  1. Nakakalungkot lang na isang CORY AQUINO pa ang nawala, na minsay nagbigay kalayaan sa Pinas...Sana ung mga ganid na lang na pulitiko..

    Sorry sa tinamaan pero mas matatanggap pa ng mga tao kung hindi si Cory ang nawala...

    ReplyDelete
  2. patuloy kaming nagdarassal para sa kanya..salamat Tita Cory.

    ReplyDelete
  3. nakakalungkot dahil nawala na ang isang tulad nyang nagpatunay na ang kapayaan at kalayaan ay pwedeng pasamahin..Salamat..

    ReplyDelete
  4. Isang marka ng demokrasya ang iniwan ni Tita Cory sa ating lahat..Sana habambuhay tayong merong demokrasya..

    Salamat sayo Tita Cory..

    ReplyDelete
  5. @ Lord CM
    Sa kabila ng mga huling sandali ni Tita Cory sa kanyang hirap na pinagdadaanan sa sakit na Colon cancer, kanyang ipinalangin na ang kanyang sakit na nararamdaman ay huwag sana maramdaman ng sino mang Pilipino ganun din sa kanyang mga naging kaaway at kritiko sa politika, ito ay binanggit ni Kris Aquino sa kanyang panayam sa TV Patrol.

    Si Tita Cory ang simbulo ng kababaang-loob at pagpapatawag.

    @ Badong
    Salamat sa pakikiiisa sa panalangin.

    @ ♥superjaid♥
    Isang malaking kawalan ang pamamaalam ng isang "great leader", salamat sa kanyang pagmamahal sa ating bayan.

    @ Ruel
    Ipaglaban natin ang kanyang itinaguyod na demokrasya sa ating bansa. Salamat sa pakikiisa.

    ReplyDelete
  6. Even if her administration was besieged with various coups and other problems, Cory was instrumental in restoring democracy in this country and led this nation with unquestionable integrity. My thoughts are with her family and loved ones.

    ReplyDelete
  7. naway lahat ng ipinamana sa atin ni Cory bilang mga pilipino ay wag lang nating gunitain kundi isagawa, wag sayangin ang kanyang mga ipinaglaban kundi ituloy natin...ngayong wala na ang konsensya at puso ng bayan sanay tayong mga pilipino and maging konsenya at puso nito

    ReplyDelete
  8. "Eternal rest grant unto her, O Lord, and let perpetual light shine upon her."

    Sayang!

    ReplyDelete
  9. i never had any personal encounter with Madam Cory but i know in my heart i lost a very important person

    ReplyDelete
  10. She may be gone but she left us a legacy... our democracy!

    ReplyDelete
  11. Paalam sa tanging Ina ng ating kalayaan...

    ReplyDelete
  12. Nothing can compare to her legacy..

    We will miss you,Madam Cory..

    Rest in Peace...

    ReplyDelete
  13. Maraming salamat po, Tita Cory

    ReplyDelete
  14. yan po ang bungad saken ni mommy kanina pagbaba ko sa sala. di ko po xa maxadong kilala dahil hindi pa ko buhay nun edsa 1, pero base sa mga nakikita ko ngayon, i'm sure she lived a productive and worthy life.

    -chennn

    ReplyDelete
  15. As one nation let us pray for her eternal rest. Her legacy will live forever. And let us pray that there will be someone to follow her footstep, for true peace and democracy to our country.

    Thank you Ma'am President for your courage and bravery.

    ReplyDelete
  16. Isang simbolo ng matatag na pananampalataya ang pinakamabisang sandata sa lahat ng bagay dito sa mundo....Nawa lang makita ito ng mga namumunong mahilig sa dahas at dinadaan ang lahat sa kapangyarihang taglay...May she rest in peace...

    ReplyDelete
  17. nice post Pope, yes maraming salamat kay Tita Cory na nagkaroon ng EDSA revolution....at sa lahat ng nabanggit mo Pope kasama mo kami dun...sa pasasalamat

    ReplyDelete
  18. She's in a place far, far better than the rest of us. That's her gift for being a good soul.

    ReplyDelete
  19. I join the whole world mourning for the death of our mother. Farewell Cory and Thank you!

    ReplyDelete

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails