pwede rin poh yun before you speak, think.. hehehehe most of the time, ganun ako...i blurt something out even without thinking about it first.. kaya tuloy in the end, nagsisisi ako...
Una sa lahat at kailangan bigyang-diin dito ay ang isyung kung paano hinaharap ng isang mabuting tao ang kaniyang mga “kaaway”. Naipakita mo ng lubusan na ang pagiging tao ay hindi lamang nasusukat kung ano ang naibibigay na materyal na bagay at mamahaling hiyas sa iba kundi manapa’y nasusukat sa pagiging bukas, handa at maginoo sa lahat ng uri ng sitwasyon maging ito ma’y mabuti o masamang pangyayari. Maraming daan ang maaaring lakaran ng isang tao sa mga panahong narito at umaatake ang mga kalaban. Ngunit sa nangyari, ang iyong piniling lakbayin ay isang daang maliwanag at nakapagdudulot ng kaligayahan hindi lamang sa puso ko’t damdamin ngunit pati na rin sa kaluluwa ng maraming nilalang.
Hihingi ako ng paumanhin sa iyo. Ito ang pangalawang isyu. Ipagpatawad mo ang kagaspangan ng ugali ni Mike Avenue. Siya’y isa lamang sa mga nilalalang na naghahanap ng kasagutan sa labas ng mundong kaniyang ginagalawan. Isa lamang siyang tao na katulad mo ay nagnanais na mabigyang-linaw ang kaniyang naguguluhang utak. Maaaring ito’y pagpapakita ng isang senaryo kung saan kailangang subukan muna bago mapatunayan. At sa mga pangyayari, buhat sa post na IGOROT hanggang sa artikulong TSOKOLATE, natagpuan ko ang mga kasagutan sa maraming mga tanong na umuukilkil sa aking katauhan. At dahil dito’y napasaalapaap ako ngayon. At utang na loob ko ito sa lahat. Partikular na nakita at naging isang aral sa buhay ko ang pagiging mapagkumbaba. Ipinakita mo ito ngayon at lubos na nabagbag ang aking damdamin.
ANg pangatlong isyu: Ang nangyari sa TSOKOLATE ay isang malaking aral din sa akin. Nalaman kong hindi pala ako nabubuhay ng mag-isa. At mas masarap mabuhay kung may mga kasama. Na ang reaksiyon sa mga post na aking isinusulat ay seryosong isinasadibdib ng marami. Na hindi lamang pala ako ang nasa mundo na ito kaipala’y maraming tao rin na kagaya ko ay maipawala sa madla ang mga nasa sa isip. Masakit isipin na sa tuwing makakakita ako ng aral, laging sa “hindi masyadong magandang sitwasyon” humahantong. Siguro nga’y kakambal ko ang kalungkutan at dala marahil ng katakot-takot na kasalanang nagawa ko sa ibang tao at sa Diyos. Naging adik at alcoholic ako noon. Laging gising at laging lasing. At sa dami ng mga pangyayaring nakaumang ang patalim ng kamatayan sa aking dibdib, laging iisipin ng sinuman kung bakit pa ako nabubuhay. Kung bakit ko pa pinipiling mabuhay. Ngunit pilit kong nilabanan ito sa abot ng aking makakaya. Naging mahina ako sa mga pagsubok noon ngunit pinagsumikapan kong maging matatag ngayon upang gapiin ang mga unos ng buhay. Nagtitiis man akong hindi magawa ang mga dati kong ginagawang bisyo na nakapagdudulot ng kaligayahan sa pisikal na aspeto, natutuwa narin ako sapagkat kahit paano’y nakakabawi na sa aking pamilya sa pamamagitan ng paglalakad ng tuwid.
Nakita ko na ang mabuting manunulat ay hindi nasusukat sa pagganti at pagiging barumbado. Ang “gulo” na inihatid ng isyung TSOKOLATE ay nakapagbigay ng maraming kaisipan. Tanggap ko na ngayon na ang ginawang paghamak at pag-aalipusta ni Kenji ng Thoughtskoto at ng iba pa sa akin ay isa lamang halimbawa ng reaksiyon. Na kung walang apoy ay siguradong walang usok. Hindi kasi ako nasanay na nakikibagay. Sapagkat lumaki akong walang pinagingimian at pinakikisamahan. Nasanay lagi na ako ang isinasaalang-alang ng aking kapwa at ako ang siyang pinakikibagayan dahil nasa sa akin ang pera. Noon na ang pera ay tila pinupulot lamang. Kung tutuusin, ang lahat ng post ko sa PINOY BLOG ay patungkol lahat sa akin at ako ang laging bida. Ang kasalanan ko’y ang pagnanais na maibato sa ibang tao ang lahat ng sisi at pagsalangsang.
Gusto kong ituwid ang lahat. Nais kong humingi ng tawad sa iyo. At sa lahat ng mga kasama. Hindi ko na iisa-isahin sapagkat sa dami ng may galit sa akin, baka hindi kumasya sa pahinang ito. Ipinaaabot ko ang taos puso kong paghingi ng kapatawaran. Sana’y maibahagi ninyo sa isang katulad ko ang isa pang pagkakataon.
Gusto kong magbago at tuwirin ang nilalakaran mo, The POPE at ng iba pang blogger. Nais kong tumawid sa kalsada ninyo at maging isa sa inyong mga kaibigan. Nakita ko sa nangyari na ang inyong pagkatao’y busilak at dakila. Nakita kong ang iyong hangarin ay makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kapalit. Salamat at magandang araw.
Hanggang dito,
Mike Avenue
Request: Dahil sa pagnanais kong maibahagi ang aking karanasan sa iba at kapulutan ng aral at dahil sa wala na akong blog na maaaring paglagyan nito (binura ko iyon sa galit ko sa aking sarili. Akalain mong pati ang sarili ko ay nagagalit na rin sa sarili ko) nais kong mabigyan sana ito ng sariling post kasama ng iyong reaksiyon. Iyon naman ay kung mamarapatin lamang. Maraming maraming salamat po.
If the above comment is heartfelt and sincere, I am human, and a sinner too. Me, my wife and the Thoughtskoto forgive you and welcome you as one of friends.
I thank and admire the man who become the instrument of this meaningful and heartwarming reconciliation. Pope, thank you so much, you and your family makes us proud.
we all make mistakes...... we are after all just human.... if God can forgive... why cant i? its not a simple misunderstanding... kahit pano malaki din ang pinag ugatan.. a lot of things has been said and done pero ang importante.. natuto tayong lahat sa mga nangyari......at narealize natin na ugn gma pagkakamali.. i think everything is forgivable naman... God bless you Mike Avenue
Para sayo Pareng(Naalala mo "Hindi mo ako Pare!!!" hehehe) Mike, bukas ang KaBlogs sa lahat ng bagay tulad ng pagpapatawad...Tulad ko at tulad ng ibang KaBlogs nasa ikabubuti ng bawat isa ang hangad namin hanggat maaari, ngunit kung susubukan ng pagkakataon maaaring kaming lumaban at itama ang mali...
Sa pagkakataong ito, pinabilib mo na naman ako tulad ng dati( kung taos sa puso man ang lahat ) .. Hindi namin ipagkakait ang kapatawaran sayo dahil tulad mo tao rin lang kaming nagkakasala na kung minsa'y kailangan din ng kapatawaran...
Sana'y magtuloy tuloy ang pagiging magkakaibigan kahit sa mundo lang ng blogsphere..
aw, thats is sweet of Mike to do such a gentleman act.
The people of Kablogs naman eh, honors those who are sincere in their apologies.
I was in Igorot Issue, They wanted me to apologize also, but the difference with the Kablogs is once someone apologize, they take it in seriously without insulting the person more.
Meaning, in Kablogs, the people are willing to forgive and forget and move on. And even welcome the person with open arms and would like him to be a part of Kablogs. Thats for me is a very dignified decent manner.
Sabi ko nga lagi walang pinakamabuting panggalang sa lahat ng unos sa buhay kung di ang magpakumbaba, hindi na mahalaga pa kung sino at pano ang kasalanan ay naganap what important is bukal sa bawat humihingi ng kapatawaran ang pagpapakababang-loob kung panong madaling magmura at manira ng kapwa ay siyang hirap naman tumanggap ng pagkakamali at di magagandang pagpuna mula sa kapwa, kung panong madaling manakit ay siyang hirap naman kung panong gapiin at paghilumin ang bawat sugat na ating nagawa subali't alalaong bagay lahat tayo'y may karapatang magkaron ng ikalawang pagkakataon, lahat tayo'y pantay-pantay pagdating sa pagmamahal at pagpapatawad ng Maykapal sa ginawa mong ito Kuya Mike i'm proud at sa mga taong nasaktan nia at nasagasaan nia di man sinadya o sinadya, marapat lang na ang ating pusong busilak ang ciang magpatawad, mas mabuti ang alam mong ikaw ang nagiging mapagpakumbaba kesa sa ikaw ang sapilitan ghinihingan nito..May Godbless you all...
Hindi basta basta humahanga ako sa isang tao, pero pinahanga mo ako, Mike Avenue. It takes guts at tunay na maginoo na umako at umamin sa isang pagkakamali.
Pareho tayo ng kinagisnan. Ang kaibahan lang ay nandyan lagi ang nanay kong naka-umang ang kamay sa aking batok sa konti ko lang palihis ng daan.
Sino ba akong hindi magpapakumbaba sa taong nagsusumamo. Para sa akin, you're always welcome to my blog, anytime!
Sa pag lubog ng araw, may ianaasahan tayong bagong liwanag sa kibukasan. Kung anuman nangyari sa kadiliman ay maiwawasto sa liwanag.
Madamdamain at taos puso mo pong sinasabi (MA)lubos na nagagalak ang KABLOGS at lahat ng OFW. Hindi ko man kayang makipagsabayan sa mga maling nagagawa ng iba. subalit nakikiisa ako sa mga nais ipaglaban ang kahinaan ng iba.
Para sa KABLOGS let the spirit live in us, unity, peace and helping one another.
Nawa'y manahan ang Espiritu ng kapayapaan sa ating mga puso.
Ang tunay na katapangan ay hindi nakikita sa pisikal na pangangatawan at kaanyuhan ng bawat tao at hindi rin makikita sa kawalan ng takot na sumuong sa kaguluhan ng buhay.
Ang tunay na katapangan ay matatagpuan sa katauhan ng taong kayang magpakumbaba, tumanggap ng pagkakamali at paghingi ng kapatawaran.
Iyan ang tunay na katapangan na hindi kayang isabuhay ng nakararami, na natagpuan ko sa iyong katauhan Mike Avenue.
Ang kapatawaran na iyong hiniling sa akin ay aking naipagkaloob na sa iyo nang araw mismong ng iyong i-"delete"ang mga iniwan mong kommento sa aking blog. at pinatotohanan ko iyan sa aking tugon kay Bb. Seaquest nang sabihin ko na sa kanya na "...I have forgiven him my friend and have asked the Lord that may love and forgiveness reign in his heart too, and harmony be restored in blogsphere".
Ang nakarang unos na ating pinagdaanan ay isang pagsubok sa ating katatagan hindi lang bilang manunulat ng blog sa malawak na dagidig ng internet kund bilang mamamayang Pilipino at mananampalataya kay Hesukristo.
Ang nakaraang kaguluhan ay nagbigay ng pagkakataon na sa bawa't isa sa atin na sukatin ang ating kamalayan, paninindigan, pagmamahal sa kapwa at pananampalataya.
Maraming nasaktan at maraming aral na natutuhan ang bawa't isa sa atin. At ako'y hindi nawalan ng pag-asa na "in God's time", matututunan natin ang salitang pagpapatawad at matatagpuan ang pag-ibig at pagkakaunawan ng bawa't isa sa malawak na gaigdig ng blogospero.
Ang iyong pagpapakumbaba at paghingi ng tawad at pang-unawa ay maihahalintulad sa sa pabula sa bibliya ung saan ang 'prodigal son" ay nagbalik sa kanyang Ama, kung saan ang ama ay nagbubunyi sa iyong pagbabalik at nagpahanda ng piging para sa kaganapan na ito.
Tulad ng ating Dakilang Ama na nagbubunyi sa pagbabalik kanyang matalagal na nawawalang anak, ganun din ako at ang buong KABLOGS na tinatanggap ka sa iyong muling pagbabalik.
Let us move forward, anuman ang nakaraan ay magsilbing aral ito sa ating lahat, ang mahalaga ay nanumbalik ang paggalang at pagkakaunawaan ng bawa't isa, at ating lasapin ang tagumpay ng muling pagkakaisa na kasama ka ngaun at sa mga susunod na pagsulong ng ating mga adhikain sa pagdakila sa ating Panginoon, sa ating mga Kababayang Pilipino at sa ating kapwa bloggers.
Sa iyong pagbabalik, pinatunayan mo ang iyong pagiging tunay na maginoo at ang pagiging tunay na manunulat ng blogs. Salamat kaibigan at pagpalain ka ng Maykapal.
sori kc isa dn ako sa nag post ng entry sa blog ko. nag react ako sa tsokolate pero tapos na un...hinahangaan pa rin kita. ang mga tula mo sa BRGY NAKALIMUTAN ay lagi kung sinusubaybayan ngunit nalungkot ako hindi ko na mabuksan.
naway manahan sa atin ang pagmamahal & pagkakaisa!
Mahigit tatlong oras tayong nagusap at matiyaga mong sinagot ang lahat ng aking katanungan. Salamat din for accepting my apology for over-reacting sa mga post ko na "Dear Mike Avenue" at "Epistaxis" in rataliation sa "Tsokolate" at "Daga" mo na mga post down to your comment at DungeonLord and PALIPASAN.
I encourage you to open your blog again, and remain the Mike Avenue that we know, inspiring and a very good writer...and let us bury the past as we face the future together as KABLOGS, friends and brothers.
@ the Pope Thank you na merong the Pope sa KABLOGS, at merong KABLOGS na the Pope. Thank you for being the light to all of us. Thank you for through your shining example of humility and goodness, you touch a soul, and make us all the better person than who we are before. Continue to be the 'Gandalf the White' in our lives. Thank you to your wonderful family too for sharing you to us.
haaay salamat naman na ayos na lahat ng kaguluhan sa blogsphero..lahat ng kaguluhan this week..and as the week ends, i hope makalimutan na lahat ng nangyari ngunit ang mga bagay na natutunan ay di mawala sa ating mga puso..
at para sayo kuya mike avenue..
*super hugs*
napakatapang mo para aminin ang iyong pagkakamali..saludo ako sayo..at syempre pati sa bumubuo ng kablogs, ang dami kong napupulot na mabubuting aral sa inyo..
nakakatuwa na sa muling pagbisita ko sa blogosperyo ay isang matiwasay na atmosphere at positibong palitan ng mga salitaan ang aking mababasa. all's well that ends well. walang gusot na hindi naaayos sa matiwasay na pag-uusap at malalim na pag-aanalisa ng mga pangyayari.
isa ako sa dating mambabasa ni mike. tulad ng hiling ni the pope, umaaasa rin ako, na isang araw ay muli mong masumpungan daan patungo sa pagsusulat.
Pope and Mike pinahanga ninyo ako sa inyong pagpapakumbaba, at maging kay Kenji at sa lahat na mga nasaktan....sana laging ganito may pagsisisi at pagpapatawad....salamat
Sa mga ganitong pangyayari nakikita ang tunay na tao. Basta saludo ako sa mga taong naghahayag ng saloobin nila. Anuman ang naipahayag nila, sa bandang huli dun nila malalaman anu ba ang tama sa mali, ano ang nakakasama o nakakabuti, nakakasakit o nakakapagpasaya.
Namimiss ko na ang blog ni Mike Avenue, nakakagaan ng loob na nakuha nyang humingi ng dispensa, pero gumaan ang loob ko nang humingi ng tawad ang mga nag-over react sa nabasa nila noon. MAs nagalit kasi ako sa kanila.
Ganyan talaga ang buhay, di mo naman malalamang tama o mali ang isang bagay kung wala kang ginagawa. Doing nothing is a meaningless act. PEro as a grown up and matured person lahat dumadaan pa rin sa sitwasyong tulad nito.
Natututunan ko na ang mga nasa posts mo, reminder yan sa lahat. Yun nga lang may isang mejo kailangan ko pa talagang pag-aralan. Before you spend, earn!!! Ahaha!
Cheers to all bloggers! Esp to Mike Avenue and Pope!
Ipinaaabot ko ang isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagbukas ng palad upang maiahon ang isang kaluluwang muntik nang mapasahulog sa dagat. Hindi lahat ng mga pangyayari ay maaaring malimutan sa isang iglap lamang ngunit pasasaan ba't darating din ang pagkakataong ang haplos ng kapatawaran ay maghahari upang magkaisa tungo sa pagbabago.
Ako'y nagagalak na mabigyan pa ulit ng isang pagkakataon upang maibahagi ko ang dugo na dumadaloy ng kusa sa aking dibdib at diwa. Pakaasahan ninyong mananatili kayong lahat sa aking puso sa tuwinang haharap ako sa mundo ng mga salita at pangungusap.
Magsilbing aral sana sa lahat ang nangyari sa akin at baunin sa mga paglalakbay sa kalsadang ito ng buhay. Lagi sanang manatili sa isipan ang saya at lungkot; ang dilim at liwanag; ang kasamaan at kabutihang dulot ng mga sitwasyon upang maging gabay sa oras na inililipat na ninyo sa tiklado ang daloy ng enerhiya sa inyong utak.
Marami akong natutunan sa inyong lahat. Babaunin ko ito hanggang doon sa pagkakataong lumipad na ang aking kaluluwa patungo sa kung saan. Hindi ko malilimutan na sa isang bahagi ng buhay ko ay may mga taong nagsilbi kong estribo upang makapasok sa namumuwalang sasakyan at sama-sama, hawak-kamay na sisigaw ng DARNA!
Kenji: Cut! The Pope: Bakit naging ganun, Mike? superjaid: The Pope, lasing yata si Mike... Yanah: Hay naku, so kakainis naman.
Nag-peace sign si Mike.
LordCM: Maiiyak na kami eh, binanatan mo ng ganun. Kenji: Oo nga, nakahanda na ang tissue ko eh. Ever: Hindi kaya tissue yan. panyo po! Nebz: Parehas kaya yun. Tissue panyo parehas lang ang gamit. Dylan: Hindi ah. Sige, gamitin mong pamunas sa pwet ang panyo kapag... Pogi: Pwede rin yun. Tanong mo pa kay Ate Susan. The Pope: Saan mo ba nakuha yang panyo? Kenji: Nakita ko kanina dun.
Bhing: Mga ate, mga kuya, para po sa akin parehas lang na pamunas ng luha ang panyo at tissue. Mas maganda pa ngang ipamunas ang panyo sa pwet dahil pwedeng labhan. *Sabay tawa Sardonyx: Hehe. Patawa si Ate Bhing! Hindi naman kalbo. Apieceofkeyk: Bat kalbo lang ba ang nagpapatawa? Tama si Ate Bhing. Lifemoto: *Titingin kay LOrdCM. LordCM: Bakit ka nakatingin sa akin nung sinabing kalbo. Blogusvox: *Hahawakan ang ulo ni LordCM. Kalbo ka ba? Hindi naman ah. Medyo lang. Hehehahahehehaha! Seaquest: Magsipaghinahon kayong lahat po! Drake: Kuya, saan ang CR? LordCM: Wrong timing naman ang pasok mo. Francesca: Anong gagawin mo? Eebak ka ba? May panyo ka ba? LOL. Hari ng Sablay: Kunin mo yung kay Kenji. LOL Kenji: Dun ang CR. *Hindi inabot ang panyo.
Papunta na si Drake sa CR. Insert music: Narda. Music fades then usok effects before Lalapag si Darna.
Darna: Tabi lahat. Pupunta ako sa CR. Drake: Eebak ka din? Darna: Tapos na, ‘no. Naiwan ko lang yung panyo ko kanina!
Mapapakamot si Kenji ng ulo sabay hagis ng panyo. Tatawa lahat. Pasok ang music ni Charlie Chaplin. Fade then extro ng programa.
Unti-unting magdidilim ang paligid habang naghahalikan si Mike Avenue at Darna sa gilid. Magsasara ang tabing.
----
Seriously, Limang salita lang naman talaga ang gusto kong sabihin. SALAMAT SA INYONG LAHAT! Apat lang pala!
so short, yet so true..Ü
ReplyDeletepwede rin poh yun before you speak, think..
ReplyDeletehehehehe
most of the time, ganun ako...i blurt something out even without thinking about it first.. kaya tuloy in the end, nagsisisi ako...
just sharin' hihihi
Dearest The Pope,
ReplyDeleteUna sa lahat at kailangan bigyang-diin dito ay ang isyung kung paano hinaharap ng isang mabuting tao ang kaniyang mga “kaaway”. Naipakita mo ng lubusan na ang pagiging tao ay hindi lamang nasusukat kung ano ang naibibigay na materyal na bagay at mamahaling hiyas sa iba kundi manapa’y nasusukat sa pagiging bukas, handa at maginoo sa lahat ng uri ng sitwasyon maging ito ma’y mabuti o masamang pangyayari. Maraming daan ang maaaring lakaran ng isang tao sa mga panahong narito at umaatake ang mga kalaban. Ngunit sa nangyari, ang iyong piniling lakbayin ay isang daang maliwanag at nakapagdudulot ng kaligayahan hindi lamang sa puso ko’t damdamin ngunit pati na rin sa kaluluwa ng maraming nilalang.
Hihingi ako ng paumanhin sa iyo. Ito ang pangalawang isyu. Ipagpatawad mo ang kagaspangan ng ugali ni Mike Avenue. Siya’y isa lamang sa mga nilalalang na naghahanap ng kasagutan sa labas ng mundong kaniyang ginagalawan. Isa lamang siyang tao na katulad mo ay nagnanais na mabigyang-linaw ang kaniyang naguguluhang utak. Maaaring ito’y pagpapakita ng isang senaryo kung saan kailangang subukan muna bago mapatunayan. At sa mga pangyayari, buhat sa post na IGOROT hanggang sa artikulong TSOKOLATE, natagpuan ko ang mga kasagutan sa maraming mga tanong na umuukilkil sa aking katauhan. At dahil dito’y napasaalapaap ako ngayon. At utang na loob ko ito sa lahat. Partikular na nakita at naging isang aral sa buhay ko ang pagiging mapagkumbaba. Ipinakita mo ito ngayon at lubos na nabagbag ang aking damdamin.
ANg pangatlong isyu: Ang nangyari sa TSOKOLATE ay isang malaking aral din sa akin. Nalaman kong hindi pala ako nabubuhay ng mag-isa. At mas masarap mabuhay kung may mga kasama. Na ang reaksiyon sa mga post na aking isinusulat ay seryosong isinasadibdib ng marami. Na hindi lamang pala ako ang nasa mundo na ito kaipala’y maraming tao rin na kagaya ko ay maipawala sa madla ang mga nasa sa isip. Masakit isipin na sa tuwing makakakita ako ng aral, laging sa “hindi masyadong magandang sitwasyon” humahantong. Siguro nga’y kakambal ko ang kalungkutan at dala marahil ng katakot-takot na kasalanang nagawa ko sa ibang tao at sa Diyos. Naging adik at alcoholic ako noon. Laging gising at laging lasing. At sa dami ng mga pangyayaring nakaumang ang patalim ng kamatayan sa aking dibdib, laging iisipin ng sinuman kung bakit pa ako nabubuhay. Kung bakit ko pa pinipiling mabuhay. Ngunit pilit kong nilabanan ito sa abot ng aking makakaya. Naging mahina ako sa mga pagsubok noon ngunit pinagsumikapan kong maging matatag ngayon upang gapiin ang mga unos ng buhay. Nagtitiis man akong hindi magawa ang mga dati kong ginagawang bisyo na nakapagdudulot ng kaligayahan sa pisikal na aspeto, natutuwa narin ako sapagkat kahit paano’y nakakabawi na sa aking pamilya sa pamamagitan ng paglalakad ng tuwid.
...
(karugtong)
ReplyDeleteNakita ko na ang mabuting manunulat ay hindi nasusukat sa pagganti at pagiging barumbado. Ang “gulo” na inihatid ng isyung TSOKOLATE ay nakapagbigay ng maraming kaisipan. Tanggap ko na ngayon na ang ginawang paghamak at pag-aalipusta ni Kenji ng Thoughtskoto at ng iba pa sa akin ay isa lamang halimbawa ng reaksiyon. Na kung walang apoy ay siguradong walang usok. Hindi kasi ako nasanay na nakikibagay. Sapagkat lumaki akong walang pinagingimian at pinakikisamahan. Nasanay lagi na ako ang isinasaalang-alang ng aking kapwa at ako ang siyang pinakikibagayan dahil nasa sa akin ang pera. Noon na ang pera ay tila pinupulot lamang. Kung tutuusin, ang lahat ng post ko sa PINOY BLOG ay patungkol lahat sa akin at ako ang laging bida. Ang kasalanan ko’y ang pagnanais na maibato sa ibang tao ang lahat ng sisi at pagsalangsang.
Gusto kong ituwid ang lahat. Nais kong humingi ng tawad sa iyo. At sa lahat ng mga kasama. Hindi ko na iisa-isahin sapagkat sa dami ng may galit sa akin, baka hindi kumasya sa pahinang ito. Ipinaaabot ko ang taos puso kong paghingi ng kapatawaran. Sana’y maibahagi ninyo sa isang katulad ko ang isa pang pagkakataon.
Gusto kong magbago at tuwirin ang nilalakaran mo, The POPE at ng iba pang blogger. Nais kong tumawid sa kalsada ninyo at maging isa sa inyong mga kaibigan. Nakita ko sa nangyari na ang inyong pagkatao’y busilak at dakila. Nakita kong ang iyong hangarin ay makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kapalit. Salamat at magandang araw.
Hanggang dito,
Mike Avenue
Request: Dahil sa pagnanais kong maibahagi ang aking karanasan sa iba at kapulutan ng aral at dahil sa wala na akong blog na maaaring paglagyan nito (binura ko iyon sa galit ko sa aking sarili. Akalain mong pati ang sarili ko ay nagagalit na rin sa sarili ko) nais kong mabigyan sana ito ng sariling post kasama ng iyong reaksiyon. Iyon naman ay kung mamarapatin lamang. Maraming maraming salamat po.
PS
ReplyDeletePaghingi ng tawad sa lahat...The Pope, Kenji at Wife, Lord CM, Yanah, NJ, Kablogs, all OFWs, at sa iba pang nasaktan sa mga artikulo.
Makakaasa kayong hindi na mauulit ang ganitong pagkakataon. Maraming salamat at pagpalain kayo ni Bathalang Dakila.
Mike Avenue
August 23, 2009
Sunday, 11:59 am
If the above comment is heartfelt and sincere, I am human, and a sinner too. Me, my wife and the Thoughtskoto forgive you and welcome you as one of friends.
ReplyDeleteI thank and admire the man who become the instrument of this meaningful and heartwarming reconciliation. Pope, thank you so much, you and your family makes us proud.
Salamat, Mr. Thoughtskoto.
ReplyDeletewe all make mistakes......
ReplyDeletewe are after all just human....
if God can forgive... why cant i?
its not a simple misunderstanding...
kahit pano malaki din ang pinag ugatan..
a lot of things has been said and done pero ang importante.. natuto tayong lahat sa mga nangyari......at narealize natin na ugn gma pagkakamali.. i think everything is forgivable naman...
God bless you Mike Avenue
Para sayo Pareng(Naalala mo "Hindi mo ako Pare!!!" hehehe) Mike, bukas ang KaBlogs sa lahat ng bagay tulad ng pagpapatawad...Tulad ko at tulad ng ibang KaBlogs nasa ikabubuti ng bawat isa ang hangad namin hanggat maaari, ngunit kung susubukan ng pagkakataon maaaring kaming lumaban at itama ang mali...
ReplyDeleteSa pagkakataong ito, pinabilib mo na naman ako tulad ng dati( kung taos sa puso man ang lahat ) .. Hindi namin ipagkakait ang kapatawaran sayo dahil tulad mo tao rin lang kaming nagkakasala na kung minsa'y kailangan din ng kapatawaran...
Sana'y magtuloy tuloy ang pagiging magkakaibigan kahit sa mundo lang ng blogsphere..
bukas ang dalawang kamay ko para salubungin ka mike...hayaan nating sumibol ang magandang usbung muli ng pagkakaisa ng bawat pinoy...
ReplyDeleteaw, thats is sweet of Mike to do such a gentleman act.
ReplyDeleteThe people of Kablogs naman eh, honors those who are sincere in their apologies.
I was in Igorot Issue, They wanted me to apologize also, but the difference with the Kablogs is once someone apologize, they take it in seriously without insulting the person more.
Meaning, in Kablogs, the people are willing to forgive and forget and move on. And even welcome the person with open arms and would like him to be a part of Kablogs.
Thats for me is a very dignified decent manner.
Sabi ko nga lagi walang pinakamabuting panggalang sa lahat ng unos sa buhay kung di ang magpakumbaba, hindi na mahalaga pa kung sino at pano ang kasalanan ay naganap what important is bukal sa bawat humihingi ng kapatawaran ang pagpapakababang-loob kung panong madaling magmura at manira ng kapwa ay siyang hirap naman tumanggap ng pagkakamali at di magagandang pagpuna mula sa kapwa, kung panong madaling manakit ay siyang hirap naman kung panong gapiin at paghilumin ang bawat sugat na ating nagawa subali't alalaong bagay lahat tayo'y may karapatang magkaron ng ikalawang pagkakataon, lahat tayo'y pantay-pantay pagdating sa pagmamahal at pagpapatawad ng Maykapal sa ginawa mong ito Kuya Mike i'm proud at sa mga taong nasaktan nia at nasagasaan nia di man sinadya o sinadya, marapat lang na ang ating pusong busilak ang ciang magpatawad, mas mabuti ang alam mong ikaw ang nagiging mapagpakumbaba kesa sa ikaw ang sapilitan ghinihingan nito..May Godbless you all...
ReplyDeleteHindi basta basta humahanga ako sa isang tao, pero pinahanga mo ako, Mike Avenue. It takes guts at tunay na maginoo na umako at umamin sa isang pagkakamali.
ReplyDeletePareho tayo ng kinagisnan. Ang kaibahan lang ay nandyan lagi ang nanay kong naka-umang ang kamay sa aking batok sa konti ko lang palihis ng daan.
Sino ba akong hindi magpapakumbaba sa taong nagsusumamo. Para sa akin, you're always welcome to my blog, anytime!
Kuya dadagdagan natin
ReplyDeleteEXPLAIN BEFORE YOU COMPLAIN (heheh linya ni Joey yan!hehhe)
Kuya add kita sa blog roll ko ha! Full of wisdom ang mga entry mo! Yung sa akin Full of Kagaguhan kasi eh!hehhe
Ingat
Sa pag lubog ng araw, may ianaasahan tayong bagong liwanag sa kibukasan. Kung anuman nangyari sa kadiliman ay maiwawasto sa liwanag.
ReplyDeleteMadamdamain at taos puso mo pong sinasabi (MA)lubos na nagagalak ang KABLOGS at lahat ng OFW. Hindi ko man kayang makipagsabayan sa mga maling nagagawa ng iba. subalit nakikiisa ako sa mga nais ipaglaban ang kahinaan ng iba.
Para sa KABLOGS let the spirit live in us, unity, peace and helping one another.
God bless bro.
Feeling ko it's Christmas in August!!! Maraming positive vibrations sa paligid. And that's because two people had the spirits of humility.
ReplyDeletePeace to all and goodwill to humankind.
To my friend "Mike Avenue"
ReplyDeleteNawa'y manahan ang Espiritu ng kapayapaan sa ating mga puso.
Ang tunay na katapangan ay hindi nakikita sa pisikal na pangangatawan at kaanyuhan ng bawat tao at hindi rin makikita sa kawalan ng takot na sumuong sa kaguluhan ng buhay.
Ang tunay na katapangan ay matatagpuan sa katauhan ng taong kayang magpakumbaba, tumanggap ng pagkakamali at paghingi ng kapatawaran.
Iyan ang tunay na katapangan na hindi kayang isabuhay ng nakararami, na natagpuan ko sa iyong katauhan Mike Avenue.
Ang kapatawaran na iyong hiniling sa akin ay aking naipagkaloob na sa iyo nang araw mismong ng iyong i-"delete"ang mga iniwan mong kommento sa aking blog. at pinatotohanan ko iyan sa aking tugon kay Bb. Seaquest nang sabihin ko na sa kanya na "...I have forgiven him my friend and have asked the Lord that may love and forgiveness reign in his heart too, and harmony be restored in blogsphere".
Ang nakarang unos na ating pinagdaanan ay isang pagsubok sa ating katatagan hindi lang bilang manunulat ng blog sa malawak na dagidig ng internet kund bilang mamamayang Pilipino at mananampalataya kay Hesukristo.
Ang nakaraang kaguluhan ay nagbigay ng pagkakataon na sa bawa't isa sa atin na sukatin ang ating kamalayan, paninindigan, pagmamahal sa kapwa at pananampalataya.
Maraming nasaktan at maraming aral na natutuhan ang bawa't isa sa atin. At ako'y hindi nawalan ng pag-asa na "in God's time", matututunan natin ang salitang pagpapatawad at matatagpuan ang pag-ibig at pagkakaunawan ng bawa't isa sa malawak na gaigdig ng blogospero.
Ang iyong pagpapakumbaba at paghingi ng tawad at pang-unawa ay maihahalintulad sa sa pabula sa bibliya ung saan ang 'prodigal son" ay nagbalik sa kanyang Ama, kung saan ang ama ay nagbubunyi sa iyong pagbabalik at nagpahanda ng piging para sa kaganapan na ito.
Tulad ng ating Dakilang Ama na nagbubunyi sa pagbabalik kanyang matalagal na nawawalang anak, ganun din ako at ang buong KABLOGS na tinatanggap ka sa iyong muling pagbabalik.
Let us move forward, anuman ang nakaraan ay magsilbing aral ito sa ating lahat, ang mahalaga ay nanumbalik ang paggalang at pagkakaunawaan ng bawa't isa, at ating lasapin ang tagumpay ng muling pagkakaisa na kasama ka ngaun at sa mga susunod na pagsulong ng ating mga adhikain sa pagdakila sa ating Panginoon, sa ating mga Kababayang Pilipino at sa ating kapwa bloggers.
Sa iyong pagbabalik, pinatunayan mo ang iyong pagiging tunay na maginoo at ang pagiging tunay na manunulat ng blogs. Salamat kaibigan at pagpalain ka ng Maykapal.
Gumagalang,
The Pope
wow, naluha nmn ako....
ReplyDeleteGOD really works in mysterious way...
tnx sa lahat!
for MIke Avenue,
sori kc isa dn ako sa nag post ng entry sa blog ko. nag react ako sa tsokolate pero tapos na un...hinahangaan pa rin kita. ang mga tula mo sa BRGY NAKALIMUTAN ay lagi kung sinusubaybayan ngunit nalungkot ako hindi ko na mabuksan.
naway manahan sa atin ang pagmamahal & pagkakaisa!
SUSAN ROCES (on gloria): "Hindi ko matatanggap ang iyong sorry!"..
ReplyDeletedahil hindi kami si susan roces, tinatanggap namin ang iyong sorry..hehe
"We are all full of weakness and errors; let us mutually pardon each other our follies"
peace na lahat, ayos! :)
ReplyDelete@ Mike
ReplyDeleteMahigit tatlong oras tayong nagusap at matiyaga mong sinagot ang lahat ng aking katanungan. Salamat din for accepting my apology for over-reacting sa mga post ko na "Dear Mike Avenue" at "Epistaxis" in rataliation sa "Tsokolate" at "Daga" mo na mga post down to your comment at DungeonLord and PALIPASAN.
I encourage you to open your blog again, and remain the Mike Avenue that we know, inspiring and a very good writer...and let us bury the past as we face the future together as KABLOGS, friends and brothers.
@ the Pope
Thank you na merong the Pope sa KABLOGS, at merong KABLOGS na the Pope. Thank you for being the light to all of us. Thank you for through your shining example of humility and goodness, you touch a soul, and make us all the better person than who we are before. Continue to be the 'Gandalf the White' in our lives. Thank you to your wonderful family too for sharing you to us.
haaay salamat naman na ayos na lahat ng kaguluhan sa blogsphero..lahat ng kaguluhan this week..and as the week ends, i hope makalimutan na lahat ng nangyari ngunit ang mga bagay na natutunan ay di mawala sa ating mga puso..
ReplyDeleteat para sayo kuya mike avenue..
*super hugs*
napakatapang mo para aminin ang iyong pagkakamali..saludo ako sayo..at syempre pati sa bumubuo ng kablogs, ang dami kong napupulot na mabubuting aral sa inyo..
mabuhay ang Pilipinas!Ü hehe
i felt Mike's sincerity...
ReplyDeletepinahanga mo ako sayong pagpapakumbaba:D
nakakatuwa na sa muling pagbisita ko sa blogosperyo ay isang matiwasay na atmosphere at positibong palitan ng mga salitaan ang aking mababasa.
ReplyDeleteall's well that ends well. walang gusot na hindi naaayos sa matiwasay na pag-uusap at malalim na pag-aanalisa ng mga pangyayari.
isa ako sa dating mambabasa ni mike. tulad ng hiling ni the pope, umaaasa rin ako, na isang araw ay muli mong masumpungan daan patungo sa pagsusulat.
ENJOY
Pope and Mike pinahanga ninyo ako sa inyong pagpapakumbaba, at maging kay Kenji at sa lahat na mga nasaktan....sana laging ganito may pagsisisi at pagpapatawad....salamat
ReplyDeleteNaiyak ako. Eto lang ang kaisa-isang blog na naiyak ako sa mga comments kesa sa post.
ReplyDeleteTears of joy sya.
(Pero natawa din ako dun sa comment ni Poging Ilocano. Haha.)
Awww, how tweet! Kiss naman!
ReplyDeleteSa mga ganitong pangyayari nakikita ang tunay na tao. Basta saludo ako sa mga taong naghahayag ng saloobin nila. Anuman ang naipahayag nila, sa bandang huli dun nila malalaman anu ba ang tama sa mali, ano ang nakakasama o nakakabuti, nakakasakit o nakakapagpasaya.
Namimiss ko na ang blog ni Mike Avenue, nakakagaan ng loob na nakuha nyang humingi ng dispensa, pero gumaan ang loob ko nang humingi ng tawad ang mga nag-over react sa nabasa nila noon. MAs nagalit kasi ako sa kanila.
Ganyan talaga ang buhay, di mo naman malalamang tama o mali ang isang bagay kung wala kang ginagawa. Doing nothing is a meaningless act.
PEro as a grown up and matured person lahat dumadaan pa rin sa sitwasyong tulad nito.
Natututunan ko na ang mga nasa posts mo, reminder yan sa lahat. Yun nga lang may isang mejo kailangan ko pa talagang pag-aralan. Before you spend, earn!!! Ahaha!
Cheers to all bloggers! Esp to Mike Avenue and Pope!
Ipinaaabot ko ang isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nagbukas ng palad upang maiahon ang isang kaluluwang muntik nang mapasahulog sa dagat. Hindi lahat ng mga pangyayari ay maaaring malimutan sa isang iglap lamang ngunit pasasaan ba't darating din ang pagkakataong ang haplos ng kapatawaran ay maghahari upang magkaisa tungo sa pagbabago.
ReplyDeleteAko'y nagagalak na mabigyan pa ulit ng isang pagkakataon upang maibahagi ko ang dugo na dumadaloy ng kusa sa aking dibdib at diwa. Pakaasahan ninyong mananatili kayong lahat sa aking puso sa tuwinang haharap ako sa mundo ng mga salita at pangungusap.
Magsilbing aral sana sa lahat ang nangyari sa akin at baunin sa mga paglalakbay sa kalsadang ito ng buhay. Lagi sanang manatili sa isipan ang saya at lungkot; ang dilim at liwanag; ang kasamaan at kabutihang dulot ng mga sitwasyon upang maging gabay sa oras na inililipat na ninyo sa tiklado ang daloy ng enerhiya sa inyong utak.
Marami akong natutunan sa inyong lahat. Babaunin ko ito hanggang doon sa pagkakataong lumipad na ang aking kaluluwa patungo sa kung saan. Hindi ko malilimutan na sa isang bahagi ng buhay ko ay may mga taong nagsilbi kong estribo upang makapasok sa namumuwalang sasakyan at sama-sama, hawak-kamay na sisigaw ng DARNA!
Kenji: Cut!
The Pope: Bakit naging ganun, Mike?
superjaid: The Pope, lasing yata si Mike...
Yanah: Hay naku, so kakainis naman.
Nag-peace sign si Mike.
LordCM: Maiiyak na kami eh, binanatan mo ng ganun.
Kenji: Oo nga, nakahanda na ang tissue ko eh.
Ever: Hindi kaya tissue yan. panyo po!
Nebz: Parehas kaya yun. Tissue panyo parehas lang ang gamit.
Dylan: Hindi ah. Sige, gamitin mong pamunas sa pwet ang panyo kapag...
Pogi: Pwede rin yun. Tanong mo pa kay Ate Susan.
The Pope: Saan mo ba nakuha yang panyo?
Kenji: Nakita ko kanina dun.
Bhing: Mga ate, mga kuya, para po sa akin parehas lang na pamunas ng luha ang panyo at tissue. Mas maganda pa ngang ipamunas ang panyo sa pwet dahil pwedeng labhan. *Sabay tawa
Sardonyx: Hehe. Patawa si Ate Bhing! Hindi naman kalbo.
Apieceofkeyk: Bat kalbo lang ba ang nagpapatawa? Tama si Ate Bhing.
Lifemoto: *Titingin kay LOrdCM.
LordCM: Bakit ka nakatingin sa akin nung sinabing kalbo.
Blogusvox: *Hahawakan ang ulo ni LordCM. Kalbo ka ba? Hindi naman ah. Medyo lang. Hehehahahehehaha!
Seaquest: Magsipaghinahon kayong lahat po!
Drake: Kuya, saan ang CR?
LordCM: Wrong timing naman ang pasok mo.
Francesca: Anong gagawin mo? Eebak ka ba? May panyo ka ba? LOL.
Hari ng Sablay: Kunin mo yung kay Kenji. LOL
Kenji: Dun ang CR. *Hindi inabot ang panyo.
Papunta na si Drake sa CR. Insert music: Narda. Music fades then usok effects before Lalapag si Darna.
Darna: Tabi lahat. Pupunta ako sa CR.
Drake: Eebak ka din?
Darna: Tapos na, ‘no. Naiwan ko lang yung panyo ko kanina!
Mapapakamot si Kenji ng ulo sabay hagis ng panyo. Tatawa lahat. Pasok ang music ni Charlie Chaplin. Fade then extro ng programa.
Unti-unting magdidilim ang paligid habang naghahalikan si Mike Avenue at Darna sa gilid. Magsasara ang tabing.
----
Seriously, Limang salita lang naman talaga ang gusto kong sabihin. SALAMAT SA INYONG LAHAT!
Apat lang pala!
(karugtong)
ReplyDeleteDeth: Ba't wala ako sa usapan?
*sigaw mula sa kung saan.... ikaw yata 'yung Darna!
Mike Avenue: Lagot! Akala ko Esmi ko 'yun!
Note: Ang usapang naganap ay joke-joke-joke lang po at kathang-isip lang.
ReplyDeleteThanks Pope,
Take care.
Pasensiya na po.
hàhàhà àng gàling ng script! thnks mike, we need your humor àt this time, timing, inààwày àng kàblogs ng isàng bàding, opps!
ReplyDelete